You are on page 1of 3

PALACIO, PRINCESS MHICAELLA M.

BSE- FIL1

01/24/24
“Positibo ako!”

Ang panahon ng pandemya ay nagsilbing perwisyo para sa lahat dahil


nagsarahan ang mga pamilihan at walang mapagkukuhanan ng pangkabuhayan
ngunit sa kabila nito ay nagsilbi rin itong panahon para sa pagkilala sa ating mga
sarili. Dito mas lumago ang paggamit ng isang aplikasyon na tinatawag na “Tiktok”
kung saan ang bawat gumagamit ay may kalayaang ipamalas ang kani-kanilang
talento, opinyon, at mga aral.

Noong panahon ng pandemya ay mas nakapagbigay pansin ako sa aking mga


hilig katulad ng pagsusulat ng tula, nobela, pagguhit, at panonood ng mga pelikula.
Sa pamamagitan nito ay aking mas nauunawaan kung paano ang pagkakaayos ng
paggawa ng isang istorya upang gawing mas kaakit-akit ito para sa mga manonood.
Maraming cliche na balangkas ngunit nasa manunulat ito kung paano niya lalaruin
ang magiging kwento. Sa kabilang banda, nang dahil sa panonood sa tiktok ay
nadisubre ko ang isang kurso na nakalinya sa kinuha kong strand noong ako’y
senior high school pa lamang at ito ay ang architecture.

Sa kabila ng mga trahedya o mga pagsubok sa ating buhay ay may liwanag


itong atin lamang makikita kung ating pipiliin. Ang pagiging positibo ay hindi solusyon
sa problema ngunit makakatulong ito upang kumalma at makapag-isip ng mabuti
upang makamit natin ang sagot na ating kailangan.

01/24/24
“Tara, Gala.”

“Anak, galingan mo sa school kapag maganda resulta ng mga exams mo,


magpapasyal tayo.” Isa ang pamamasyal sa motibasyon upang pagbutihan sa isang
gawain bilang isang gantimpala ng ating dedikasyon. Nakakatuwang alalahanin na
kailangan din nating magbigay oras sa pagsasaya habang tayo ay abala sa pagbuo
ng ating magiging kinabukasan.

Sa mga oras na ako’y blangko at kahit na anong pilit ko ay hindi ako makagawa
ng aking mga dapat gawin ay pumupunta ako sa tahimik na lugar at
maglalakad-lakad. Nakakatulong ito upang mapayapa ang aking isipan at malayo
muna sa gulo ng mundo, iniiwasan ko rin ang paggamit muna ng aking cellphone
upang makapagpokus sa aking pagkilala sa sarili. Ang pamamasyal ang nagsisilbi
kong liwanag upang makita na masayang mabuhay at marami pang dapat harapin
dahil maganda ang mundo at malikhain ang mga tao.

Ang pamamasyal mag-isa o kasama ang mga malalapit na tao sa atin ay isang
paraan upang tayo ay maging positibo sa pagkilala sa ating mga nararanasang hirap
sa buhay. Maaaring hindi agad mawala ang pakiramdam na ating hindi nais na
manahan sa atin pero ‘wag natin isarado ang ating isipan sa problemang ating
pinagdadaanan.

01/24/24
“Ikaw na magaling!”
“E, anong magagawa ko? Ayan na gusto mo, e’ ‘di sige ayan na.” Tatanggapin
na nga lang ba natin ang pagkakalayuan ng loob sa ating mga minamahal upang
masunod ang ating gusto? Sa isang ‘di pagkakaunawaan nagsisimula ang problema
nasa atin na lang kung paanong pakikitungo ang gagawin natin dito. Maaaring
lumaki, maaaring maresolba ito depende sa paraan ng ating pagharap dito.

Ang pakikipagkomunikasyon ay nangangailangan ng dalawa o higit pang tao.


Ang pagkakaintindihan ay kinakailangan ng bawat isa upang magka-isa dahil kung
isang tao lang ang palaging umiintindi pero sarado naman ang isip ng iba ay walang
mangyayari kung hindi pagkakagulo lamang na tutungo sa pag-aaksaya ng oras.
Mas nakabubuting piliin nating makinig at maging bukas ang isipan para sa iba at
gayundin ang matutong makapaglahad ng ating damdamin ng wasto sa paraang
maiintindihan ng iba upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.

Ang pagsasakripisyo ng ating mga pinanghahawakang kaisipan ay


nakadepende sa ating taong pagbibigyan nito, kung siya ba ay karapat dapat at may
punto. Minsan ang pagpili maging mabuti ay siyang solusyon upang magkaisa kaysa
ang pagpili sa tama ngunit kung naaabuso ito ay kinakailangan na nating piliin ang
ating sarili.

01/24/24
“Ayan na lang”
Pagsisikap ang isa sa mga instrumento upang magkaroon ng pagkakaunawaan
at pagkakaisa. Nagiging malabo ang usapan kung ang ating nais lamang ang ating
gustong masunod. Ang pagbibigay ng ating saloobin at pisikal na parte sa isang
gawain ay nakakapagbigay katiyakan sa ating mga kasamahan na bukal sa loob ang
iyong mga ginagawa at ikaw ay hindi napipilitan lamang.

Nagkaroon ako ng mga kagrupong hahayaan akong magdesisyon para sa ating


magiging pangkatan bilang ako naman ang pinuno ng aming grupo. Nakakatuwa at
naging maganda naman ang kinalabasan ng pangkatan ngunit may mga ilang
gawain naman akong nahuhuli sa iba pa naming asignatura dahil halos ako lahat
ang gumawa para sa aming pangkat na isa sa mga mali ko. Ang pinuno ang nag
oorganisa ng lahat upang magkaroon ng ayos ang isang pangkatan kung saan aking
hindi nagampanan dahil ang sarili ko lamang ang aking pinagbasehan at sa kabila
nito ay nagkaroon ito negatibong epekto saakin bilang isang kamag-aral dahil hindi
ako nakapagbigay ng tyansa sa aking mga kasama na maibigay din nila ang
kanilang potensyal sa pagiging malikhain sa gawain na iniatas saamin ng aming
guro.

Ang pagiging iisa ay nangangahulugang pagkakaroon ng salita mula sa bawat


isa upang makabuo ng isang organisadong plano patungkol sa isang gawain. Hindi
nagiging iisa ang gawain kung isang tao lamang ang nag-isip nito at sinang-ayunan
na lamang ng iba dahil sa nahihiya, tinatamad, o natatakot at hindi mapalagay na
makapagbigay sa’yo ng opinyon ang iyong mga kasama.

01/24/24
“Sigurado ka d’yan?”
Ano nga ba ang pipiliin mo? Ang maging tama o ang pagiging mabuti sa kapwa
tao kahit na ang iilan ay hindi sang-ayon dito? Karamihan sa mga tao sa panahon
ngayon ay nakabase na sa nakikitang opinyon na sinasang-ayunan ng karamihan sa
mga aplikasyon na ating ginagamit. Isang maling galaw ay huhusgahan na ng mga
tao ang iyong mga susunod na hakbang at pati na rin ang iilang kamalian ng iyong
dating naranasan. Ngunit sumasalamin ba ang mga kamalian na ito na isa kang
kabiguan sa lipunan?

Ang mga puna sa ating kamalian ay isang oportunidad na nagbibigay daan para
sa ating pagbabago. Pagbabago na kung saan tayo ay hinuhubog na maging mas
magaling at may kasanayang tao. May mga bagay na kailangang pagtiisan kahit na
gaano man natin kagustong makuha o magawa ito dahil sa may sinusunod tayong
mga tuntunin na dapat sundin upang maiwasan ang pagkakaroon ng problema at
hindi na rin natin maimpluwensyahan ang ating mga kasama na magkamali rin.

Ang pagpili sa tama at mabuti ay nakadepende sa tao at sitwasyon na ating


paglalaanan nito. Ang sigurado lang ay sa isang solusyon ay may epekto alin man
ang piliin mo mayroon at mayroong magbabago. Ang pagbabagong iyong gustong
makamit ay manggagaling sa’yo.

You might also like