You are on page 1of 12

Anong unang salita ang pumapasok sa isip mo kapag naririnig mo ang salitang pag-ibig?

Ang bawat
indibidwal ay may sari-sariling eksplanasyon dito base sa kani-kanilang karanasan at nararamdaman.

Walang perpektong bagay sa mundo. Walang kasiguraduhan. Oo, mayroon tayong patutunguhan at
mayroong dahilan ang lahat ngunit wala ni isa sa atin ang nakakaalam ng kahihinatnan.

PAG-IBIG — naniniwala akong ito ang dahilan ng lahat ng bagay. Alam kong ang puso ang nagdidikta ng
nararapat sa ating sarili. Yung pagmamahal na makukuha sa iisang tao na nilaan ng Diyos at magtuturo
nang tamang buhay.

Ang pag-ibig ay makikita at madarama saan ka man makarating. Kahit sa mga simpleng bagay na
espesyal at kung minsan sa mga bagay na walang halaga ay naroon ang pag-ibig. Bunga ito lahat ng
pagmamahalan.

Napakamakapangyarihan ng pag-ibig. Kung titingnan natin ito ng mas malawak at mas malalim sa kung
ano mang dapat ipakahulugan nito, tiyak lahat tayo ay mag-aasam na sana isang araw darating ang
taong magiging kabiyak ng ating puso.

Bawat isa sa atin ay naghahangad na makatagpo ng isang tao na magpupuno sa ating kakulangan. Isang
tao na magpaparamdam sa atin kung gaano tayo kahalaga at tutulong upang mahubog natin ang ating
pagkatao. Taong magiging dahilan para lubusan nating maunawaan ang tunay na kahulagan ng salitang
kaligayahan, ngunit masasabi ba nating pagdating sa pag-ibig ay puro nalang kaligayahan? Hindi ba’t
darating din ang oras na kailangan mo ring masaktan. Ito ay pagkabigo sa ating buhay na hindi natin
maasahan na magdudulot sa atin ng labis na kalungkutan. Bahagi na ito ng ating buhay. Gaano man
kasakit at kasaklap, tanggapin nalang natin at matuto tayong tumayo sa sarili nating mga paa. May
kasabihan tayong “May tamang oras para sa pag-ibig” gaano man katagal o gaano man kalayo sa isa’t
isa, nananalaytay pa rin ang tiwala. Alam kong mayroon tayong iba’t ibang istilo sa pagmamahal. Ano
man ang istilo sa pagmamahal ang ating ginagawa, tandaan natin na ang tadhana ang gagawa ng paraan
para matagpuan natin ang taong tunay na magmamahal sa atin. Ginawa tayo ng Poong Maykapal para
magmahal at mahalin.

Sa PAG-IBIG, may iba’t ibang klase ng tao at may variation pa ito. Merong:
Single– yung mga taong kayang maging independent at kuntento na sa mga kaibigan nila. Kayang
mabuhay kahit walang mga cheesy at sweet stuffs at karamihan pa sa kanila, expert sa pagbibigay ng
advice.

In a relationship– for short, mga taken. Yung mga taong nakahanap ng pagmamahal sa opposite or same
sex nila.

It’s complicated- yung mga taong may sila pero parang hindi sila o kaya naman nagkakalabuan na.
Nanlalamig na ang isa sa kanila.

MU- na ang ibig sabihin noon ay mutual understanding, pero ngayon marami na itong ibig sabihin. Ito ay
ang malanding ugnayan, malabong usapan, masarap sa umpisa, mahirap umasa at mag-isang umiibig.

Flingero/flingera- mga taong kuntento na sa flings at may kalandian. Ayos na sa kanila basta may flings
dahil ayaw ng commitment.

Friendzone- mga taong nastuck nalang sa pagiging magkaibigan at hindi na lumevel up.

One sided love- mga taong solo umibig. Hindi sila gusto ng taong gusto nila.

Crush life- mga taong kuntento na sa pagkakaroon ng crush. Masaya na sila kapag nakita nila ang
kanilang inspirasyon.

Sa pag-ibig, part na talaga ang masaktan dahil kung hindi ka masasaktan, hindi mo malalaman ang
totoong ibig sabihin ng salitang PAG-IBIG. Hindi ka din matututo kung lagi ka nalang masaya. Hindi ka
magiging matapat at matalino sa pagpili ng mamahalin kung hindi ka masasaktan. Huwag mong
pagsisisihan ang mga desisyon na ginawa mo, dahil sa mga desisyon na yun kaya ka natuto. At kung
nagmahal tayong muli, huwag nating kakalimutan ang mga aral na natutunan natin sa sakit na
pinagdaanan natin. To love someone feels so good but to be loved back is like heaven

Skip to content
Blóg

Hey, try to click the button on the menu & see what happens

Facebook LinkedIn Twitter Instagram

MENU

Pag-ibig, ano nga ba ang kahulugan?

November 7, 2017kmaeee

5E96B80D-46BA-4C23-970E-5B0CED3490BD

Anong unang salita ang pumapasok sa isip mo kapag naririnig mo ang salitang pag-ibig? Ang bawat
indibidwal ay may sari-sariling eksplanasyon dito base sa kani-kanilang karanasan at nararamdaman.

Walang perpektong bagay sa mundo. Walang kasiguraduhan. Oo, mayroon tayong patutunguhan at
mayroong dahilan ang lahat ngunit wala ni isa sa atin ang nakakaalam ng kahihinatnan.

PAG-IBIG — naniniwala akong ito ang dahilan ng lahat ng bagay. Alam kong ang puso ang nagdidikta ng
nararapat sa ating sarili. Yung pagmamahal na makukuha sa iisang tao na nilaan ng Diyos at magtuturo
nang tamang buhay.

Ang pag-ibig ay makikita at madarama saan ka man makarating. Kahit sa mga simpleng bagay na
espesyal at kung minsan sa mga bagay na walang halaga ay naroon ang pag-ibig. Bunga ito lahat ng
pagmamahalan.

Napakamakapangyarihan ng pag-ibig. Kung titingnan natin ito ng mas malawak at mas malalim sa kung
ano mang dapat ipakahulugan nito, tiyak lahat tayo ay mag-aasam na sana isang araw darating ang
taong magiging kabiyak ng ating puso.

Advertisements
REPORT THIS AD

Bawat isa sa atin ay naghahangad na makatagpo ng isang tao na magpupuno sa ating kakulangan. Isang
tao na magpaparamdam sa atin kung gaano tayo kahalaga at tutulong upang mahubog natin ang ating
pagkatao. Taong magiging dahilan para lubusan nating maunawaan ang tunay na kahulagan ng salitang
kaligayahan, ngunit masasabi ba nating pagdating sa pag-ibig ay puro nalang kaligayahan? Hindi ba’t
darating din ang oras na kailangan mo ring masaktan. Ito ay pagkabigo sa ating buhay na hindi natin
maasahan na magdudulot sa atin ng labis na kalungkutan. Bahagi na ito ng ating buhay. Gaano man
kasakit at kasaklap, tanggapin nalang natin at matuto tayong tumayo sa sarili nating mga paa. May
kasabihan tayong “May tamang oras para sa pag-ibig” gaano man katagal o gaano man kalayo sa isa’t
isa, nananalaytay pa rin ang tiwala. Alam kong mayroon tayong iba’t ibang istilo sa pagmamahal. Ano
man ang istilo sa pagmamahal ang ating ginagawa, tandaan natin na ang tadhana ang gagawa ng paraan
para matagpuan natin ang taong tunay na magmamahal sa atin. Ginawa tayo ng Poong Maykapal para
magmahal at mahalin.

Sa PAG-IBIG, may iba’t ibang klase ng tao at may variation pa ito. Merong:

Single– yung mga taong kayang maging independent at kuntento na sa mga kaibigan nila. Kayang
mabuhay kahit walang mga cheesy at sweet stuffs at karamihan pa sa kanila, expert sa pagbibigay ng
advice.

In a relationship– for short, mga taken. Yung mga taong nakahanap ng pagmamahal sa opposite or same
sex nila.

It’s complicated- yung mga taong may sila pero parang hindi sila o kaya naman nagkakalabuan na.
Nanlalamig na ang isa sa kanila.

MU- na ang ibig sabihin noon ay mutual understanding, pero ngayon marami na itong ibig sabihin. Ito ay
ang malanding ugnayan, malabong usapan, masarap sa umpisa, mahirap umasa at mag-isang umiibig.

Flingero/flingera- mga taong kuntento na sa flings at may kalandian. Ayos na sa kanila basta may flings
dahil ayaw ng commitment.

Friendzone- mga taong nastuck nalang sa pagiging magkaibigan at hindi na lumevel up.

One sided love- mga taong solo umibig. Hindi sila gusto ng taong gusto nila.

Crush life- mga taong kuntento na sa pagkakaroon ng crush. Masaya na sila kapag nakita nila ang
kanilang inspirasyon.

MASAMANG DULOT SA ATIN NG PAG-IBIG

C72196A9-B2EC-4CC9-A6AB-CB43B855CADD.jpeg
1) Kawalan ng oras at pokus sa pag-aaral.

Nawawalan tayo ng oras/pokus sa pag-aaral dahil mas pinipili nating unahin ang mga taong mahal natin.

2) Maagang pagbubuntis.

Marami na sa mga kabataan ang nakakaranas nito. Huwag na natin silang tularan pa dahil isa itong
kasalanan sa Diyos.

3) Nakakasakit ng damdamin.

Sa totoo lang, hindi talaga ang pag-ibig ang nakakasakit ngunit dahil sa mga taong mapanlinlang,
manloloko at mang-iiwan, ang pag-ibig ang nagiging isa sa mga dahilan kung bat tayo nalulungkot at
nasasaktan.

4) Nakakamatay.

Bata man o matanda, madami na ang nagpapakamatay (suicide) ng dahil sa pagkabigo sa pag-ibig at
mayroon din naman na namamatay dahil sa pagsasakripisyo para sa kanilang mahal sa buhay.

MAGANDANG DULOT SA ATIN NG PAG-IBIG

B07584D8-B2CF-426E-A62E-C04BDE697DA3.jpeg

1) Kilig at kaligayahan.

Ang totoong pag-ibig ay nagdudulot ng kilig at kaligyahan ngunit may mga taong sadyang hindi
nakuntento kaya humahanap sila ng mas kaya pang mahigitan ang kilig at sayang natatanggap nila at
dahil dito, maraming naiiwang nasasaktan at umiiyak.

2) Madami tayong natututunan.

Madami tayong natututunan dahil sa ating mga karanasan at nararamdaman. Ayon sa kanila
“Experience is the best teacher” at sumasang-ayon naman ako doon.

3) Natututo tayong tumayo sa ating mga sariling paa.


Ng dahil sa pag-ibig natin sa isang tao na iniwan ka nalang basta, natututo tayong bumangon at tumayo
sa ating mga sariling paa.

Ano nga ba ang mga dahilan kung bakit madalas tayo masaktan pagdating sa PAG-IBIG?

B2EDE059-BE7D-4C93-AFB8-F39A71D32978.jpeg

1) We only look for physical attributes.

Hindi naman masama na maging factor sa pagkagusto natin sa isang tao ang physical appearance nila.
Hindi masamang magkagusto sa mga gwapo/maganda ngunit wag namang puro ganto nalang. Dapat
tinitingnan din natin ang ugali niya. Dahil tandaan, ang gwapo/ganda o ang itsura ng isang tao lumilipas
yan ngunit ang ugali, ilang taon man ang lumipas, hinding-hindi ito kukupas. At ang ugaling yon ay dala
dala natin hanggang sa pagtanda.

2) We’re making standards that is hard to reach.

Sa pag-ibig, meron tayong tinatawag na standards. Ito yung pagiging batayan natin sa pagpili ng
mamahalin. May mga taong sobrang taas ng standards nila, yung tipong gusto ganito, gusto ganyan,
dapat ganito, dapat ganyan. Hindi naman masama ang pagbibigay ng standards eh, pero dapat yung
kaya lang abutin.

3) We wait for the perfect moment.

Walang masama sa paghihintay. Ang masama ay yung hintay ka lang ng hintay at hindi ka gumagawa ng
paraan para malaman nung tao na gusto mo siya. Why don’t you take the risk on trying? Malay mo
naghihintayan lang pala kayong dalawa at madaming oras na pala ang nasasayang niyo dahil sa
paghihintay. We always wait for the perfect moment but why don’t we take any moment and make it
perfect?

4) Madalas tayong umasa sa mga motibo.

Karamihan sa atin ganto, mahilig sa motibo. Huwag kang magtitiwala sa mga motibo maliban nalang
kung umamin na talaga siya sayo. Huwag ka rin masyadong magpakamanhid dahil baka nagpaparamdam
na nga sayo, hindi mo naman maramdaman. Tandaan, mahirap imaintain ang feelings kung lagi nalang
itong nababalewala. Tama lang, bigyan mo din naman ng halaga.
5) Sometimes, we’re being selfish.

Pagdating sa pag-ibig, lahat nagiging madamot. Dito tayo nagiging selfish sa taong mahal natin. Pero
kapag dumating na sa point na ayaw na sa atin ng taong mahal natin, we need to let them go. Hindi
natin pwedeng patuloy silang hawakan at wag ibigay ang kalayaan nila kasi it’s either pareho kayong
masaktan o ikaw ang masaktan. Letting go of the person you love is hard but if it’s about their
happiness, we should set them free. Tandaan, ang pagpapalaya mo sa isang tao ay nagpapakita ng labis
na pagmamahal mo sa kanya kasi nagawa mo siyang palayain para sa ikaliligaya niya kahit na alam mong
hindi niya natagpuan sayo ang happiness niya.

6) We don’t know how to give & take.

Karamihan sa atin generous pagdating sa pag-ibig. We always give our best to the one we love kaya
madalas natataken for granted tayo. Masyado tayong nagbibigay, binibigay natin yung sobra pa sa dapat
lang. Masakit man tanggapin pero totoo naman diba? We should learn how to give and take. Hindi yung
give ka lang ng give tapos siya take nalang ng take. Dapat matuto kang magbigay at tumanggap. Hindi na
uso ang libre sa mundo, kawawa naman yung mga laging nagbibigay at ang swerte naman nung tanggap
nalang ng tanggap.

7) We don’t know how to forgive & forget.

Mahirap naman talagang magpatawad at kumalimot lalo na kung yung taong nagkasala sa atin ay mahal
na mahal natin. Mahirap ibigay ang pagpapatawad kung labis tayong nasaktan sa sinabi o ginawa niya.
Meron ngang kasabihan na I can forgive but I never forget tama naman ‘to. Kaya natin magpatawad
pero hindi tayo nakakalimot at kung ang pagmamahal at tiwala na binigay natin sa taong yun ay buong-
buo, kapag nagkasala siya, hinding-hindi na natin muli mabibigay ng katulad ng una nating binigay. Pero
kung talagang mahal mo ang isang tao, matuto kang magpatawad. Tao lang naman tayo, nagkakamali at
hindi perpekto. Si God nga kayang magpatawad tayo pa kaya? Pero syempre hindi na natin maalis yung
sugat at sakit na iniwan sa atin nung taong nagkasala sa atin pero as time pass by, mawawala din yang
sakit na nararamdaman natin. Always remember that time heals all wounds. Kahit pa gaano kalalim
yang sugat na yan sa puso mo, gagaling at gagaling din yan paglipas ng panahon.

8) Duwag tayo sa pag-amin ng feelings natin.

Lahat tayo naranasan na ‘to, yung hindi natin maamin yung nararamdaman natin sa tapng gusto natin.
Lalo na ang mga babae, lagi nalang silang nagmamahal ng palihim kasi hindi nila magawang sabihin ang
nararamdaman nila dahil babae sila at alam naman natin na gawain yun ng lalaki kaya sa huli, patanaw-
tanaw nalang sila. Sa mga lalaking torpe naman, naiintindihan ng mga babae na hindi lahat ng lalaki
kayang aminin ang feelings nila dahil dinaig pa nila ang babae sa sobrang hiya. Sana lakasan niyo ang
loob niyo sa pag-amin kasi sa parte ng babae, hindi magandang tingnan kapag sila ang unang umaamin.
At kung magpapakatorpe ka habang buhay, huwag kang magsisisi kung makahanap ng iba ang gusto
niyo. Why don’t you try? Wala namang masama dun. Madalas nating sabihin sa isang tao na manhid sila.
Hindi lang nila maintindihan yung gusto nating iparating perohindi naman nating kayang diretsuhin. O
kaya naman ay wala silang nararamdaman para sa atin at tayo lang ang nagpupumilit kaya tayo
nasasaktan.

9) We easily fall.

Karamihan sa atin ganito lalo na ang mga babae. Mabilis tayong mahulog sa isang tao especially kapag
madalas natin silang kasama o kausap. Hindi natin namamalayan na nahuhulog na pala tayo.
Mapapansin nalang natin na gusto o mahal natin sila kapag nakakaramdam tayo ng inis kapag hindi nila
tayo kinakausap at pinapansin, parang hindi kumpleto ang araw natin kapag hindi natin sila nakita.
Nakakaramdam na din tayo ng selos kapag may iba silang kasama o kausap, bigla nalang tayong
mapapaisip kung bakit ba tayo nakakaramdam ng ganito at dun lang natin maiisip na may gusto na tayo
sa kanila. Mas mabilis mafall ang isang tao sa magaling magcomfort. Lalong-lalo yung tipong broken
hearted ka tapos may isang taong laging nandiyan at kino-comfort ka kasi sa panahong broken hearted
ka humahanap ng kalinga, atensyon at oras ng isang tao sa pakikinig. Kapag binigay nila ang lahat ng yun
sa atin, unti unti tayong mahuhulog sa kanila. Hindi lahat ng taong nahuhulog ay nasasalo at hindi lahat
ng taong nasa paligid mo ay nakahandang saluhin ka kapag nahulog ka na. Mahirap kapag nasaktan na,
mahirap magmove on.

10) We don’t listen.

Kapag nagmahal tayo ng isang tao, andun dapat yung trust. Because without it, no relationship can be
formed. Pero syempre hindi lang dapat yung mahal natin ang pakinggan natin. We should also listen to
the people around us. Pakinggan din natin ang sinasabi ng kaibigan natin regarding our partners. Hindi
naman pwedeng yung mahal lang natin ang papakinggan natin kasi in the first place, bago pa tayo
magka boyfriend/girlfriend nauna na ang friendship. Hindi porket nagka boyfriend/girlfriend tayo ay
naleleft behind o iniiwan na natin ang mga kaibigan natin. Lagi nating tandaan na kapag iniwan tayo ng
mahal natin, sila ang magtatayong muli sa atin kaya hindi natin sila dapat kalimutan. Huwag tayong
makalimot dahil masakit sa side ng isang tao na nakakalimutan mo silang pahalagahan samantalang sila
pinapahalagahan ka.

11) We always believe in lies & let ourselves be blinded and deaf.

Importante ang trust sa relationship. Honesty build trust. When we truly love someone, we don’t care
what other say/think. Pero hindi porket mahal natin sila ay sila nalang paniniwalaan natin. Lahat ng tao
pwedeng magsinungaling. May mga pagkakataon na sinasampal na sa atin ang katotohanan pero mas
pinipili nating paniwalaan ang kasinungalingan. Nagiging bulag ka na makita yung totoo at nabibingi ka
ng marinig ang katotohanan. Always remember that truth hurts but lies kill. Masakit malaman ang
katotohanan pero mas masakit malaman na kasinungalingan lang pala lahat ng pinakita niya sayo.

12) Masyado tayong assuming.


Ito ang pinakamasaklap sa lahat. Mapag-assume tayo sa mga bagay-bagay. Maraming namamatay sa
maling akala. Kung nakakamatay lang ang paga-assume, malamang marami ng nakabulagta at nakakalat
sa kung saan-saang parte ng mundo. Hindi naman natin maiiwasan ang paga-assume kapag mahal natin
yung tao. Wala namang masama dito pero ang masama, nakakalimutan mo yung realidad at natutunton
ang atensyon natin sa mga akala natin.

13) We don’t open our hearts to love again.

Madalas itong nangyayari sa mga taong sobrang nasaktan sa mga minahal nila. Yung mga taong binigay
na lahat-lahat pero binalewala lang. Mahirap magmahal muli pero paano kung yung susunod na
mamahalin natin ay sila na talaga ang magpaparamdam ng tunay na pagmamahal at sila na yung
magpapahalaga sa atin at iingatan tayong wag masaktan, papalampasin mo pa rin ba? Why are we going
to close the doors of our hearts if we know we can be happy again? Take the risk and grab the
opportunity to love again. It’s a once in a lifetime experience especially when you found the one, it will
be one great experience and for sure, you’ll thank yourself for taking the risk.

Sa pag-ibig, part na talaga ang masaktan dahil kung hindi ka masasaktan, hindi mo malalaman ang
totoong ibig sabihin ng salitang PAG-IBIG. Hindi ka din matututo kung lagi ka nalang masaya. Hindi ka
magiging matapat at matalino sa pagpili ng mamahalin kung hindi ka masasaktan. Huwag mong
pagsisisihan ang mga desisyon na ginawa mo, dahil sa mga desisyon na yun kaya ka natuto. At kung
nagmahal tayong muli, huwag nating kakalimutan ang mga aral na natutunan natin sa sakit na
pinagdaanan natin. To love someone feels so good but to be loved back is like heaven

KAHULUGAN NG PAG-IBIG PARA SA AKIN

1) Diyos

64F92AEF-4C47-4CB1-B74A-E2E43DD9E53D.jpeg

Walang makakapantay sa pag-ibig na patuloy pa rin niyang ibinibigay sa atin kahit pa man madami
tayong mga nagiging kasalanan. Mahalin natin siya ng higit pa sa kung saan man.

“Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak,
upang ang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang
hanggan.”
2) Pamilya

44BDCAB3-0883-4689-AED3-3E4404EC85CF.jpeg

Ang pamilya ko ang unang natatakbuhan ko kapag ako ay may problema, maliit man o malaki. Sa kanila
ko unang naramdaman ang saya at pagmamahal. Sila ang humubog sa kung anong meron ako ngayon.
Nagpapasalamat ako dahil meron akong pamilyang katulad nila.

3) Kaibigan

4C3F77F2-8207-4A10-9A21-AAFF73D209EB520AEB44-FE29-4A30-B8A6-9E69E5B9D197

433AC724-4C20-44CF-B956-73E9F48E99BB6B20BD51-1E39-4632-A39D-F4A6817308EE1818606A-D2DC-
47EC-8DDC-9735449A7E99

Bukod sa aking pamilya, handa din silang tumulong at dumamay sa akin lalo na kapag ako ay may
problema. Ibang saya ang nararamdaman ko kapag sila ang kasama. Mahal ko sila at itinuturing ko silang
pamilya kahit pa man hindi ko sila kadugo.

Papahalagahan at mamahalin ko sila hangga’t nandiyan pa sila. Ipapakita ko sa kanila kung gaano ako
kaswerte dahil dumating sila sa buhay ko

Sponsored Content

If You Suffer From Knee and Hip Pain You Should Read This

If You Suffer From Knee and Hip Pain You Should Read This

News4ppl.com

Diabetes Is Not From Sweets! Meet The Main Enemy Of Diabetes

Diabetes Is Not From Sweets! Meet The Main Enemy Of Diabetes

News2ppl.com

The perfect slippers for your tired and aching feet is now available in our country.
The perfect slippers for your tired and aching feet is now available in our country.

OrthoCare

Liposuction In Mexico: Prices May Surprise You!

Liposuction In Mexico: Prices May Surprise You!

Cost Of Liposuction In Mexico | Search Ads

Share this:

TwitterFacebook

Loading…

Published by kmaeee

Bròke View all posts by kmaeee

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

COMMENT *

NAME *

EMAIL *

WEBSITE

Notify me of new comments via email.

Notify me of new posts via email.

FACEBOOK LINKEDIN TWITTER INSTAGRAM

BLOG AT WORDPRESS.COM.
Privacy & Cookies: This site uses cookies. By continuing to use this website, you agree to their use.

To find out more, including how to control cookies, see here: Cookie Policy

You might also like