You are on page 1of 24

Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao

Yunit 2: Pakikipagkapwa

Inihanda ni:
JESSA L.
Yunit 2: Pakikipagkapwa

ARALIN 1: Ang Pakikipagkaibigan 


MGA LAYUNIN :

1. Natutukoy ang mga taong itinuturing niyang kaibigan at ang mga natutuhan niya mula
sa mga ito.
2. Nasusuri ang kanyang mga pakikipagkai bigan batay sa tatlong uri ng pakikipagkai
bigan ayon kay Aristotle.
3. Nahihinuha na:
a. Ang pakikipagkaibigan ay nakatutulong sa paghubog ng matatag na pagkakakilanlan
at pakikisalamuha sa lipunan.
b. Maraming kabutihang naidudulot ang pagpapanatili ng mabuting pakikipagkaibigan:
ang pagpapaunlad ng pagkatao at pakikipagkapwa at pagtatamo ng mapayapang
lipunan/pamayanan.
c. Ang pagpapatawad ay palatandaan ng pakikipagkaibigang batay sa kabutihan at
pagmamahal. Nakatutulong ito sa pagtamo ng integrasyong pansarili at
pagpapaunladng pakikipagkapwa.
4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapaunlad ang pakikipagkaibigan (hal.:
pagpapatawad)
PAKIKIPAGKAIBIGAN
Motibasyon
Mag-isip ng salita o lipon ng mga salitang maiuugnay sa
salitang KAIBIGAN
Paano mo tawagin ang isang tao na itinuturing
mo na kaibigan?
BFF
Friendship
Bes
Bestie
Pre
Beshie
Ano nga ba ang katangian ng isang kaibigan

 Maasahan
 Masasandalan
 Takbuhan
Ayon sa UP Diksyonaryong Filipino (2010) ang
sumusunod ay kahulugan ng kaibigan:

 tao na nagtatamasa ng katulad na pagtingin at


pagtangi mula sa isang tao;
 tao na tumutulong tumatangkilik, o nakikiisa sa
damdamin ng isang tao;
 tao na hindi kaaway; tao na sumasang-ayon sa isang
ideya, prinsipyo at iba pa.
Likas sa tao ang maghanap kaibigan. Ito
ay sa dahilang likas din sa tao ang
pagmamahal. Ang pagmamahal na ito ay
tumatawid sa isang taong naging
mahalagang bahagi ng kaniyang buhay.
Ang Pakikipagkaibigan

"Ang tunay na pakikipagkaibigan ay


sumisibol mula sa pagmamahal ng mga taong
malalim na nakilala ang pagkatao sa
pananaw ng sarili at iba. Ito'y isang
natatanging damdamin para sa espesyal na
tao na mas higit ang halaga sa isang
ordinaryong kakilala lamang.
-Aristotle
Ang Pakikipagkaibigan
 Ang kaibigan ay kasama sa isang paglalakbay, na siyang
tumutulong upang tahakin ang mas masayang buhay. (Pythagora)
 Kung wala ang kaibigan, ang mundo ay magiging isang ilang.
Walang taong mas masaya na hindi ibinabahagi ang kasiyahan sa
kaibigan; walang taong naiibsan ang pighati kung wala ang
kaibigang nakikibahagi sa kaniyang pighati. (Sir Francis Bacon)
 Ang pagkakaibigan ng isang indibiduwal ay isa sa mahahalagang
sukatan ng kaniyang halaga. (Charles Darwin)
 Ang wika ng pagkakaibigan ay hindi mga salita kundi
kahulugan.(Henry David Thoreau)
Ang Pakikipagkaibigan
 Ang kaibigan ay siyang nakakakilala iyo bilang ikaw, nakauunawa ng iyong
pinagmulan, at tinatanggap ang pagiging ikaw, at hinahayaan kang lumago.
(William Shakespeare)
 Maraming tao ang ibig makisakay sa iyong Limousine, subalit ang kailangan
mo ay isang handang sabayan kang sumakay sa pampasaherong bus kapag
ang Limousine ay nasira na.(Oprah Winfrey)
 Ang pagkakaibigan ay isang bagay na pinakamahirap ipaliwanag. Hindi ito
natututuhan sa paaralan. Subalit kung hindi mo napagtatanto ang kahulugan
ng pagkakaibigan, ang totoo ay hindi mo napagtatanto ang lahat. (Muhammad
Ali)
 Ang kaibigan ay isang taong alam ang lahat ng tungkol sa iyo subalit
minamahal ka pa rin.(Elbert Hubbard)
Tatlong Uri ng Pagkakaibigan ayon kay
Aristotle
 Si Aristotle, sa kaniyang Nicomachean Ethics ay
nagbanggit ng tatlong uri ng pagkakaibigan.
Mahalagang maunawaan ang mga uri ng kaibigan
upang magsilbing gabay sa pagkakaroon ng
kaibigan. Matutulungan ka rin nitong masuri ang
pagkakaibigang ibig mong ialay sa mga taong
pinili mong tawaging 'kaibigan.
Tatlong Uri ng Pagkakaibigan ayon kay
Aristotle
1.Pagkakaibigang batay sa pangangailangan
 nilarawan ni Aristotle ang pagkakaibigang ito bilang mababaw at madaling
mawala. Ganito ang pananaw niya sa uri ng pagkakibigang ito sapagkat ang
ganitong tipo ay madaling masira. Madaling mawala ang pagkakaibigang ito
dahil na rin sa ang ugnayan ay pinagbuklod lamang ng pangangailangan.
2. Pagkakaibigang batay sa kasiyahan
 Nabubuo ang ganitong uri ng pagkakaibigan sa pagitan ng isang indibiduwal
at ng isa o higit pang tao dahil sa magkaugnay ang kanilang hilig at sa tuwing
ginagawa nila ang hilig na ito ay nagbibigay ng ibayong kasiyahan.
Tatlong Uri ng Pagkakaibigan ayon kay
Aristotle

3. Pagkakaibigang batay sa birtud


 ito Nabubuo ang ganitong uri ng pagkakaibigan batay sa paggalang
at pagmamahal sa isa't isa. Sa pagkakaibigang nangangailangan ng
malalim pag-unawa birtud at pagkatao ng isa't isa. Hindi madaling
mabuo ang uri ng pagkakaibigang ito. Nangangailangan ito ng
mahabang panahon di tulad ng na sa unang nabanggit.
Kahalagahan ng Pagkakaibigan
1. May napagsasabihan tayo ng sekreto
 Sinasabing imbakan ng ating mga sekreto ang ating mga kaibigan. Ibinabahagi natin ang sekreto
sa kanila sapagkat alam nating mauunawaan nila tayo. Ito rin ay pagpapakita ng tiwala at
pagiging panatag sa kaniya.

2. Nakapagdaragdag ng ating tiwala sa sarili


 May mga pagkakataong pinag aalinlanganan natin ang ating mga desisyon at kakayahan. Ang
mga kaibigan natin ay nariyan upang suportahan tayo. Nagtitiwala sila ayon sa kakayahan.
Bunsod nito nagkakaroon din tayo ng tiwala sa sarili. Nariyan sila upang itulak tayong maniwala
sa ating sarili.
3. Nakapagbibigay ng damdaming panatag
 Kampante tayo kapag kasama natin ang ating kaibigan ano man ang iyong anyo, suot, o
kalagayan. Napakakomportable natin sa tuwing kasama ang kaibigan. hindi ka naiilang iyong
kilos, hindi ka sa nagbabantulot sa iyong gagawin. Sila kasi ang kasama mo - ang kaibigan mo.
Kahalagahan ng Pagkakaibigan

4. Naiiwasan ang pag-iisa


 Ang mag-isa; malayo sa ingay ay maaaring makabubuti sa atin upang makapagnilay.
Subalit kung nag-iisa ka sa loob ng mahabang panahon ay posibleng makaranas ka ng
depresyon. Kaya mahalaga ang kaibigan upang lunasan ang kalungkutan ng pag-iisa.
5. Nakapagbibigay-kasiyahan
 Minsan ay tinatanong natin ang ating sarili, bakit ang saya ko kapag kasama ko ang
kaibigan ang lungkot ko? Bakit nawawala ko kapag nariyan siya sa aking mo tabi? Ito
ay dahil kaibigan siya. Nariyan siya para tulungan ka niyang gumuhit ng ngiti sa iyong
labi.
6. Tagapakinig
 May mga panahong ibig nating ibulalas ang ating sama ng loob; ang ating mga
pinagdadaraanan. Nariyan ang mga kaibigan natin na handang makinig at
makisimpatiya sa atin.
Kahalagahan ng Pagkakaibigan
7. Balikat na handang sumalo sa atin
Sa panahon ng pagsubok, sa panahong parang hindi na natin kaya ang mga suliranin, ay nariyan
ang mga kaibigan na handang umalalay.
8. Nakapagbubukas ng ating mata
Minsan akala natin tama ang ating ginagawa subalit lingid sa ating kaalaman ay mali pala ito.
Nariyan ang kaibigan upang ipaalala sa atin ito. Minsan ang nakasanayan nating kilos ay hindi natin
alam na masagwa o hindi pala maganda. Nariyan ang kaibigan natin para punahin ang mga ito.
9. Pagtanggap
Bakit ba tayo nakikipagkaibigan? Ito ay dahil sa likas sa tao ang pagkakaroon ng damdaming
masaya lalo pa kung nararamdaman niya na siya ay tanggap. Ang ating mga kaibigan ay handa
tayong tanggapin, ano man ang anyo, kahinaan, at pagkukulang natin.
10. Umuunawa
Maliban sa iyong pamilya, isa sa mga taong nakauunawa sa iyo ay ang iyong kaibigan. Dahil sa
kilala ka ng kaibigan mo, nariyan siya para maintindihan ang mga pinagdadaanan mo.
Karagdagan…
Karagdagan
Pagpapatawad

 Batayan ng Kabutihan at Pagmamahal


 Ito ay hindi kahinaan kundi kalakasan ng isang tao.
 Ang mabuting pagkakaibigan ay marunong
tumanggap sa katotohanan, handang ipakita ang
kababaang-loob at magpatawad.
Paglalahat

1. Ano nga ulit ang kahulugan ng Pakikipagkaibigan ayon kay


Aristotle?
2. Ano nga ulit ang tatlong uri ng Pagkakaibigan ayon kay Aristotle?
3. Magbigay ng kahalagahan ng Pagkakaibigan
Paglalapat

 Gumawa ng isang bidyo (video) na ipinapakilala


mo ang iyong kaibigan. Ipaliwanag kung kelan at
saan kayo naging magkaibigan, Ibigay ang mga
ugali na nagustuhan mo sakaniya, paano siya
nakakatulong sa pag-unlad ng iyong personalidad
at paano niyo napagtitibay ang relasyon niyo
bilang magkaibigan kapag kayo ay nasa
sitwasyon na hindi nagkaintindihan o
nagkatampuhan. 

 Ang video ay hindi kumulang kumulang sa isang


minuto at hindi hihigit sa limang minuto
Takdang-aralin

Paunang pagbabasa o mag


advance reading sa
kahulugan ng salitang
EMOSYON intindihin
itong mabuti at ibahagi sa
klase

You might also like