You are on page 1of 13

8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Kwarter 2-Modyul 8
Ang Pakikipagkaibigan
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Ikalawang Markahan- Modyul 8: Ang Pakikipagkaibigan

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-ari (sipi) sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang – aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa orihinal na may akda ng mga ito.

Walang anomang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Gemmabelle C. Largado


Editor: Jenith D. Canada
Tagasuri: Gloria E. Fontelar
Tagaguhit: Rizka Viktoria E. Fontelar
Tagalapat: Cynthia M. Bandol
I.PANIMULA

“Ang tunay na pagkakaibigan ay dumadaan muna sa ilang matitinding pagsubok


bago ito ganap na malinang sa malalim na antas ng pakikipag-ugnayan.”

-- George Washington

Gaano kaya ito katotoo? Excited ka na bang malaman? Halina’t alamin natin!

II. LAYUNIN

6.4 Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapaunlad ang


pakikipagkaibigan (hal: pagpapatawad).

III. PAUNANG PAGTATAYA/PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN

Forgive and
Forget?

Naniniwala ka ba sa kasabihang... Bakit?

IV. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN, PAG-UNAWA

Gawain 1: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong kasagutan sa espasyong
nakalaan. (5 puntos bawat bilang)

1
V. PAGPAPALALIM

Mga Sangkap sa Pagkakaibigan

Ano ba talaga ang kinakailangan upang mapagtagumpayan ng isang tao ang pagbuo
ng pagkakaibigan? Iyong basahin ang sumusunod hango sa aklat ni James at Savary na
The Heart of Friendship (1976).

Presensiya

Pag-unawa Paggawa ng
sa nilalaman bagay nang
ng isip at magkasama.
damdamin ng
iba
(empathy).
Mga Sangkap
sa
Pagkakaibigan

Kakayahang
mag-alaga ng
lihim
(confidentiality) Pag-aalaga
at pagiging
tapat (loyalty).
Katapatan

Malalim na natalakay sa naunang mga modyul ang halaga ng pagkakaibigan at ang


benepesyong makukuha rito. Sa bahaging ito naman ay ating pag-usapan kung ano ba
talaga ang pangunahing sangkap sa pagkakaibigan. Ano ba talaga ang kinakailangan upang
mapagtagumpayan ng isang tao ang pagbuo ng pagkakaibigan? Iyong basahin ang
sumusunod na sangkap hango sa aklat ni James at Savary na The Heart of Friendship
(1976).

1. Presensiya. Ang pagkakaibigan ay lumalago dahil sa presensiya ng isa’t isa. Ang


magkaibigan ay nangangailangan ng panahon na magkasama ang pisikal na
presensiya. Iba ang kasiyahan na nararamdaman kapag alam mo na ang iyong
kaibigan ay palaging nariyan lalo na sa mga panahon na kailangan mo siya.
Katanggap-tanggap na maaari ding iparamdam ang presensiya sa pamamagitan ng
sulat, tawag sa telepono o sa pagbibigay ng regalo. Ngunit hindi pa rin ganap na
mapapalitan nito ang presensiya ng isang kaibigan lalong-lalo na sa panahon ng
suliranin.

2
2. Paggawa ng bagay nang magkasama. Maraming pagkakaibigan ang
nagsisimula sa pamamagitan ng mga taong naglalaro o gumagawa nang
magkasama. Ang paggawa ng maraming bagay nang magkasama ay daan din
upang magkaroon ang magkaibigan ng oras para sa isa’t isa. Halimbawa, ang
dalawang tao na laging magkasama sa paglalaro ng basketbol ay maaaring
makabuo ng pagkakaibigan dahil makikita na mayroong isang bagay na kanilang
parehong gusto o kinagigiliwang gawin na magiging daan upang sila ay lalong
maging malapit sa isa’t isa. Sa mga ganitong pagkakataon ay magkasabay na
pinahahalagahan ang bagay na kinahihiligang gawin at ang kaibigan.

3. Pag-aalaga. Sa pagitan ng magkakaibigan, ang pag-aalaga ay


nangangahulugang pagtulong sa kaibigan sa kaniyang pag-unlad o paglago. Ito ay
lumilitaw sa mga gawaing nagpapakita ng mainit na pagtanggap at pag-aaruga na
ginagawa sa isa’t isa. Mahalagang maunawaan na ang pag-aalaga ay hindi
nangangahulugan ng paggamit sa isang tao upang matugunan ang sariling
pangangailangan. Hindi ito nararapat na ihalintulad sa pag-aalaga ng isang
magulang sa kaniyang maliit na anak. Maging ang ganitong pag-aalaga ng magulang
ay nasusuklian sa panahong ang magulang naman ang mangailangan ng pag-
aalaga ng kaniyang anak.

Ang pag-aalaga ay proseso ng pagtulong sa kaibigan na siya ay lumago at


makamit ang kaniyang kaganapan at hindi upang siya ay sanaying maging palaasa.
Halimbawa, kapag hindi mainam ang sitwasyon para sa isang kaibigan, kapag
mababa ang pagpapahalaga sa sarili, nariyan ang kaibigan upang tulungan siyang
maitaas ito; kapag labis ang lungkot at dalamhati ng isa, dapat nariyan ang kaibigan
upang siya ay pasayahin.

4. Katapatan. Ang katapatan sa pagkakaibigan ay hindi nangangahulugan ng ganap


na pagbubukas ng sarili sa kaibigan. Ang katapatan ay hindi nararapat na
sumasalungat sa pagiging pribado ng buhay ng isang tao. Maaaring mapanatiling
pribado ang buhay ng isang tao kung ito ay kaniyang nanaisin. May mga
pagkakataon kasi na nagagamit ang negatibong katangian o karanasang
pinagdaanan na naikuwento sa isang kaibigan upang sirain ang isang tao sa
pagkakataong ang magkaibigan ay maghiwalay dahil sa
hindi pagkakaunawaan. Kung kaya mahalagang Kung kaya
maingatan sa sarili ang ilang bahagi ng kaniyang buhay. mahalagang
Ang katapatan sa magkakaibigan ay may kalakip na maingatan sa sarili
kapuwa pagbabahagi ng mga hangarin o pananaw ang ilang bahagi ng
kaniyang buhay.
tungkol sa pagkakaibigan. Ang matapat na
pagkakaibigan ay may pahintulot na masabi sa isa’t isa
ang kanilang tunay na niloloob nang hindi mabibigyan ng hindi magandang
pagpapakahulugan. Nagiging suliranin minsan ang pagtatakip sa katotohanan dahil
lamang sa takot na masaktan ang kaibigan. Mas doble ang sakit na maidudulot ng
pagtalikod na ito sa katapatan.

5. Kakayahang mag-alaga ng lihim (confidentiality) at pagiging tapat (loyalty).


Ang isang tunay na kaibigan ay nakahandang ingatan ang lihim ng isa pa. Mahalaga
ito upang tunay na makuha ang tiwala ng isang kaibigan. Hindi mahuhubog ang
pagkakaibigan kung wala nito. Tunay na iingatan ng isang tao ang isang kaibigang

3
may pagtitimpi na ibahagi sa kapuwa ang mga bagay na alam niyang nararapat na
manatili lamang sa kaniya dahil siya ay pinagkatiwalaan. Ang pagiging tapat naman
sa kabilang dako ay nangangahulugang pagiging handa na ipaglaban ang kaibigan
at ang pagkakaibigan at pananatili sa tabi ng kaibigan kahit pa ang lahat ay
tumatalikod sa kaniya. May mga pagkakataong darating sa buhay ng isang tao na
hindi siya magiging katanggap-tanggap sa marami. Halimbawa, ang isang bata na
anak ng isang taong nasa bilangguan dahil sa isang krimen ay kinukundena ng ibang
tao. Nilalayuan dahil sa sitwasyong hindi naman siya ang may kagagawan. Ang
tunay na kaibigan ay lumalapit lalo na sa panahong ang lahat ay lumalayo.

6. Pag-unawa sa nilalaman ng isip at damdamin ng iba (empathy). Ang pag-


unawa ay nangangahulugang paglagay ng sarili sa sitwasyong kinalalagyan ng
kaibigan. Ito ay nangangailangan ng malinaw na komunikasyon o ugnayan. Madalas
na tayo ang naglalagay ng salita sa bibig ng iba kung kaya nagkakaroon ng hindi
pagkakaunawaan. Kung hindi malalim ang pag-unawa ng tao sa kaniyang kapuwa,
hindi rin lalalim ang kanilang pagkakaibigan. Mas madaling maunawaan ang isang
tao kung ilalagay mo ang iyong sarili sa kaniyang katayuan. Halimbawa, ang isang
taong galit ay maaaring may masabing masasamang salitang maaaring makasakit sa
iyong damdamin. Ngunit kung uunawain na madalas ang taong galit ay may
nasasabing hindi naman niya tunay na nararamdaman at lumilitaw lamang na
bunsod ng galit, maaari itong balewalain o palipasin upang hindi lumalim at maging
sanhi ng pagkasira ng pagkakaibigan. Hindi nararapat na magsalubong ang
matitinding damdamin. Kailangang matuto ang isa na manahimik at magtimpi sa
panahong ito ay kailangan.

Mahalagang pagsikapan ng lahat na maisabuhay ang mga sangkap ng


pagkakaibigan na natalakay sa itaas kung tunay na ninanais na magkaroon ng
malalim at pangmatagalang pagkakaibigan. Ang pagbuo ng pagkakaibigan ay hindi
madaling proseso, maraming mga pagsubok ang daraan, maraming mga suliranin
ang kailangang harapin at maraming mga sakit ang mararamdaman. Isa pang
mahalagang sangkap ang kinakailangan upang ganap na makamit ang tunay at
wagas na pagkakaibigan, ito ay ang PAGPAPATAWAD.

Pagpapatawad: Angkop na kilos upang mapaunlad ang pakikipagkaibigan

Minsan, kahit iniingatan ang magandang ugnayan ng pagkakaibigan dumadating sa


punto ng hindi pagkakaunawaan. Sumasang-ayon ka ba dito? Sabi nga ni George
Washington, “Ang tunay na pagkakaibigan ay dumadaan muna sa ilang matitinding
pagsubok bago ito ganap na malinang sa malalim na antas ng pakikipag-ugnayan.” Hindi
nga natin makikilala nang lubos ang mga kaibigan kung hindi natin mararanasan ang ilang
krisis kaugnay sa pakikipagkaibigan. Lahat ay nagkakamali.

Ang pagpapatawad ay nangangahulugan ng pagpapalampas ng kasalanan, hindi


pagtatanim ng galit o sama ng loob at hindi pag-iisip na makapaghiganti. Hindi naman ibig
sabihin na kinukunsinti o minamaliit natin ang pagkakamali o nagbubulag-bulagan tayo. Sa
halip, ang pagpapatawad ay isang pasiya na pinag-isipang mabuti para mapanatili ang
kapayapaan at magandang kaugnayan sa iba.

4
Maunawain din ang taong nagpapatawad dahil alam niya na ang lahat ay
nagkakamali o nagkakasala, sa salita at gawa (Roma 3:23).
Ang mabuting pagkakaibigan ay
Makikita iyan sa sinasabi ng Bibliya: “Patuloy ninyong marunong tumanggap sa
pagtiisan ang isa’t isa at lubusang patawarin ang isa’t isa katotohanan, handang ipakita
kung ang sinuman ay may dahilan sa pagrereklamo laban sa ang kababaang-loob at
iba” (Colosas 3:13). Kaya makatuwirang isipin na ang magpatawad
pagpapatawad ay isang mahalagang bahagi ng pag-ibig, ang
“sakdal na bigkis ng pagkakaisa” (Colosas 3:14). Sa katunayan, ayon sa website ng Mayo
Clinic, ang pagpapatawad ay…

1. Nagdudulot ng mas magandang kaugnayan sa iba, pati na ng pagkadama ng


empatiya, pagiging maunawain, at pagkahabag sa nagkasala.
2. Nakabubuti sa isip at espirituwalidad.
3. Nakababawas ng kabalisahan, stress, at hinanakit.
4. Nakababawas ng sintomas ng depresyon.

Ang paghingi ng kapatawaran ay hindi kahinaan kundi kalakasan ng isang tao.


Kailangan ang lakas ng loob sa pag-amin ng kamalian. Ang mabuting pagkakaibigan ay
marunong tumanggap sa katotohanan, handang ipakita ang kababaang-loob at
magpatawad. Sapagkat nararapat lamang na sabihin at tanggapin na ang isa sa atin ay
nagkamali, makabubuti sa pakiramdam na malaman natin na ang isang kaibigan ay may
pagnanais na maiayos at mapanatili ang binuong pagkakaibigan sa matagal na panahon.

Kaibigan, handa ka na bang maglakbay patungo sa malalim at makabuluhang


pagkakaibigan? Sagutin mo muna ang mga kasunod na tanong bago ka magpatuloy
sa mga susunod na gawain:

1. Alin sa mga sangkap ng pagkakaibigan ang sa palagay mo hindi puwedeng


mawala sa dalawang magkaibigan? Bakit? Ipaliwanag.
2. Paano mo maipadarama sa iyong kaibigan na ikaw ay isang tunay at tapat sa
kaniya?
3. Magagawa mo bang patawarin ang iyong kaibigan na nagpahamak sa iyo sa
isang malaking kahihiyan? Sa paanong paraan? Ipaliwanag.

VI- PAGSASAPUSO

Gawain 1: Salamin! Salamin!

Ipaliwanag ang kasabihang, “The Best Mirror in the world is an old friend”.

Gawain 2: Chummy Yum!

Panuto: Lumikha ng sariling listahan ng mga sangkap ng pagkakaibigan at malikhaing iguhit


ito katulad ng nakikita sa susunod na pahina.

5
https://3.bp.blogspot.com/-7LndSAnyIR8/ToXISwv0TOI/AAAAAAAAEGI/
https://i.pinimg.com/originals/c8/ce/41/

opsXNyCZ4jM/s1600/sampl.png
c8ce412a851fd57e6004ebf119da1f0c.jpg

VII. PAGSASABUHAY/ VIII. PAGTATAYA

Nagkaroon ka na ba nang mga kaibigang nakasamaan ng loob?


Magplano ng mga konkretong gagawin upang bumalik ang dating samahan at
lalo mo pang mapaunlad ang pakikipagkaibigan mo sa kanila. Gamitin ang
talahanayan bilang gabay. (5 puntos)

Pangalan ng kaibigang Gagawin upang Gagawin upang lalo pang


nakasamaan ng loob bumalik ang dating mapaunlad ang
samahan pakikipagkaibigan sa
kanila

6
IX. KASUNDUAN

Profile ng Aking Mga Kaibigan

Gumawa ng Scrapbook na may sumusunod na nilalaman:

o Pangalan at larawan ng iyong kaibigan o mga kaibigan


o Ginawa niya/nila para maging sobrang magkaibigan kayo
o GInawa mo para sa kanya/kanila kaya itinuring ka niyang/nilang malapit na malapit
na kaibigan

KRAYTERYA PUNTOS

Nilalaman 30
Pagkamalikhain 10
Kabuuang Dating 10
KABUUAN 40

7
SUSI SA PAGWAWASTO

PAUNANG PAGTATAYA

1. Naniniwala ka ba sa kasabihang, “Forgive and Forget?” Bakit? (5 puntos)


----Opo, sapagkat ang mapagpatawad na puso ay may mapayapang pag-iisip at
magaan sa pakiramdam. Kalimutan na ang mga masasakit na karanasan, pokus
na lamang sa magandang bukas na darating na may pag-asa at puno ng ligaya.

PAGLINANG NG KAALAMAN (Mga posibleng sagot)

1. Sapalagay ko ang mabisang gawin upang mapaunlad ang pakikipagkaibigan ay ang


pagiging mapagpatawad at mapagmahal sapagkat ang magkaibigan na may
kaisahan ng kanilang pag-iisip at sa maingat na pag-aalaga sa isa’t isa ay
nagdudulot ng malalim na ugnayan sa bawat isa.
2. Napatatag ng pagpapatawad ang ugnayan naming bilang kaibigan sa pamamagitan
ng pagiging matatag at mapag-unawa. Nagkakaroon ng tiwala at pagmamahal sa
isa’t-isa.

PAGPAPALALIM (Mga posibleng sagot)

1. Katapatan at Pag-unawa sa nilalaman ng isip at damdamin ng iba (empathy)


sapagkat ang dalawang iyan ay isa sa mahahalagang sangkap na dapat mayroon
ang magkakaibigan. Sa pamamagitan nito ay nakapagdudulot ng isang malakas na
ugnayan at magandang samahan.
2. Sa pamamagitan ng pagiging totoo sa lahat ng bagay mapa emosyonal man o
material, maalalahanin at mapag-unawa. Iparamdam sa kaibigan na kahit magunaw
man ang mundo hindi mo siya iiwan at aayawan.
3. Ang totoo, hindi naman talaga tayo perpekto nagagalit at nasasaktan din tayo lalo na
kung nag-iwan ito ng malaking pilat sa ating pagkatao. Ngunit ang lahat ng problema
o away ay nasusolusyonan sa pamamagitan ng mabuting usapan at panalangin sa
Poong Maykapal na bigyan tayo nang maayos na kaisipan at pag-unawa nang sa
ganon ay maintindihan at mapatawad natin ang nagkasala sa atin. Tandaan na ang
paghingi ng kapatawaran ay hindi kahinaan kundi kalakasan ng isang tao. Sapagkat
nararapat lamang na sabihin at tanggapin na ang isa sa atin ay nagkamali,
makabubuti sa pakiramdam na malaman natin na ang isang kaibigan ay may
pagnanais na maiayos at mapanatili ang binuong pagkakaibigan sa matagal na
panahon.

PAGSASAPUSO
Gawain 1: Salamin! Salamin!
“The Best Mirror in the World is an old Friend” (Posibleng sagot)
--- Totoo ngang “The Best Mirror in the Orld is an Old Friend” sapagkat ang kaibigan ay
hinding-hindi ka lolokohin. Sinasabi kung ano ang totoo masakit man o hindi. Sapagkat ang
kaibigan ay tapat may pahintulot na masabi sa isa’t isa ang kanilang tunay na niloloob nang
hindi mabibigyan ng hindi magandang pagpapakahulugan. At dahil sa kanila nakikita natin
ang tunay na Tayo.

8
Wala nang makapapalit pa sa isang kaibigan. Kasama mo sa lahat ng bagay, sa gulo man o
kasayahan ay iyong karamay.
Gawain 2: Chummy, Yum!
---Ang mga mag-aaral ay gagawa ng listahan ng mga sangkap ng pagkakaibigan

PAGSASABUHAY/PAGTATAYA

Pangalan ng Gagawin upang Gagawin upang lalo


kaibigang bumalik ang dating pang mapaunlad ang
nakasamaan ng loob samahan pakikipagkaibigan sa
kanila
Palaging kumustahin Dugtungan ang mga
at mag-usap tungkol magagandang karanasan
sa magagandang na magkasama at
Don
karanasan na magkaroon ng
magkasama palagiangkomunikasyon sa
bawat isa.

KASUNDUAN
---- Ang mga mag-aaral ay gagawa ng Scrapbook para sa mga kaibigan gamit ang
rubrics bilang batayan o gabay.

9
Mga Sanggunian:

https://www.scribd.com/document/413943949/Esp-Dlp-Grade-8-2quarter
ADM Learning Resources
https://bit.ly/2ybxiY1

DLPs Quarter 2
https://bit.ly/2WccO9P
https://www.pinterest.ph
https://www.jw.org./tl/
https://pngtree.com?free-png-vectors/look-in-the-mirror
https://3.bp.blogspot.com/7LndSAnyIR8/ToXISwv0TOI/AAAAAAAAEGI/opsXNyCZ4j
M/s1600/sampl.png
https://i.pinimg.com/originals/c8/ce/41/c8ce412a851fd57e6004ebf119da1f0c.jpg
https://www.philnews.ph/maiklingkwento
https://www.facebook.com

https://www.scribd.com/document/413943949/Esp-Dlp-Grade-8
https://www.scribd.com/document/413943949/ESP-8DLP-No-6
ESP 8 Modyul 6 Kagamitan ng Mag-aaral
https://pngtree.com?free-png-vectors/look-in-the-mirror
https://www.pinterest.ph
https://www.jw.org./tl/
2016 Noelle Sterne. Inangkop mula kay Noelle Sterne, Tiwala sa Iyong Buhay:
Patawarin ang Iyong Sarili at Pumunta Pagkatapos ng Iyong mg Dreams (Mga Unity
Books, 2011)

10
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 1781288

Email Address: region5@deped.gov.ph

11

You might also like