You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
DIVISION OF PAMPANGA

Modified Strategic Intervention Material

Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikalawang Markahan: Ika – apat na Linggo
ALAMIN

Mayroon ka na bang natanggap galing sa isang kaibigan? Mayroon


bang katangi-tanging bagay na naihandog sa iyo? Ano ang masasabi
mong pinaka mahalaga sa mga ito? sa pakikipagkaibigan, kailangan ng
pagbibigayan lalo na kung alam mong nangangailangan ito. maaaring
para sa iba ito ay pabor na hiningi o kaya ay materiyal na bagay na
natanggap sa mga espesyal na mga okasyon. Ngunit hindi matutumbasan
ng anumang material na bagay ang iyong matututunan tungkol sa iyong
sarili dahil sa tulong ng iyong kaibigan.

Inaasahang sa pamamagitan ng modyul na ito ay masasagot mo at


maipaliliwanag ang sagot sa tanong na: bakit ang pakikipagkaibigan ay
isang kapangyarihang ugnayan?

Sa Modyul na ito ay inaasahang malilinang sa iyo ang mga


sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

1. Naiinuha na:
a. ang pakikipagkaibigan ay nakatutulong sa paghubog ng matatag
na pagkakakilanlan at pakikisalamuha sa lipunan.
b. Maraming kabutihang naidudulot ang pagpapanatili ng mabuting
pakikipagkaibigan: ang pagpapaunlad ng pagkatao at
pakikipagkapwa at pagtatamo ng mapayapang
lipunan/pamayanan.
c. Ang pagpapatawad ay palatandaan ng pakikipagkaibigang batay
sa kabutihan at pagmamahal. Nakatutulong ito sa pagtamo ng
integrasyong pansarili at pagpapaunlad ng pakikipagkapwa.
2. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapaunlad ang
pakikipagkaibigan (hal. Pagpapatawad)

Sa tulong ng iyong kaibigan ay magdudulot ito ng posotibo,


makatotohanan, at matibay na pundasyon ng iyong pakakakilanlan ay
pagkatao.

SUBUKIN

Panuto: Ang mga sumusunod ay naglalarawan ng mga sangkap sa


Pagkakaibigan. Punan ang mga patlang kung ano ang tinutukoy sa
bawat numero. Gawin ito sa iyong kwaderno.

1. P s i a .
 Ang magkaibigan ay nangangailangan ng panahon na
magkasama
2. g - a g .
 Ito ay lumilitaw sa mga gawaing nagpapakita ng mainit na
pagtanggap at pag-aaruga na ginagawa saisa’t-isa

1
3. K a t .
hindi nararapat na sumasalungat sa pagiging pribado ng buhay

ng isang tao.
4. C o i n i l y .
 Salitang ingles na nangangahulugan na ang isang tunay na
kaibigan ay nakahandang ingatan ang lihim ng isa pa
5. E p y .
 Salitang ingles na nangangahulugang paglagay ng sarili sa
sitwasyong kinalalagyan ng kaibigan

MODYUL 6: Modyul 6: ANG PAKIKIPAGKAIBIGAN

Sa mas malawak na katuturan ng pakikipagkaibigan, hindi lamang


ang pagkatao ng bawat indibidwal ang umuunlad kundi pati na rin ang
kasanayan sa pakikipagkapwa. Ang pagkakaibigan ay bunga ng
pagbibigay at pagtanggap. Hindi makabubuo ng malalim na ugnayan
akung hindi matututo ang tao na maglaan ng panahon, pagmamahal,
sakripisyo, at isabuhay ang mga birtud at pagpapahalaga.
Ang pagkakaibigan ay maituturing na isang birtud ayon kay Sto.
Tomas de Aquino. Ito ay dahil isa rin itong nakagawiang kilos na
nagpapahalaga sa katarungan at halaga ng pagbabahagi ng sarili sa
kapwa. Ang pagbibigay ng nararapat sa lahat ng tao tulad ng kaniyang
karapatan, respeto, pagmamahal at pag-unawa ay tumatahak sa landas
ng katuwiran at makatarungang pamumuhay.
Ang pagkakaibigan ang pinakamataas na ekspresyon ng
panlipunang kalikasan ng tao at ito rin ang pinakamatibay na pundasyon
ng anumang lipunan. Napakahirap, napakalungkot at miserable ang
buhay kung wala tayong kaibigan. Ang tao kapag nag-iisa ay hindi lubos
na natutugunan ang kaniyang sariling pangangailangan para mabuhay.
Ang epekto ng mabuting pagkakaibigan ng mga taong naninirahan
sa lipunan ay malaking impluwensiya sa pagtatamo ng kapayapaan at
kaayusan. Isang malaking bahagi ng ating tagumpay sa pakikipag-
ugnayan sa kapwa ay ang kakayahang umunawa ng kalikasan ng tao na
magkakasamang naninirahan sa iisang lipunan.

BALIKAN

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod. Piliin ang tamang sagot
sa mga nasa kahon. Isulat ang mga sagot sa iyong kuwaderno.

1. Sila ay maaaring mailarawan na maaasahan, masasandalan, o


takbuhan.
2. Ayon sa __________, ang pagkakaibigan ay nangangahulugan ng
pagkakaroon ng ugnayan sa isang tao dahil sa pagmamahal
(affection) o pagpapahalaga (esteem).
3. Ito hindi ibinabatay lamang sa simpleng pagkagusto at sa kagalakan dahil
sa presensya ng isang tao.

2
4. Sino ang Griyegong pilosopo na nagsabing “Ang tunay na
pakikipagkaibigan ay sumisibol mula sa pagmamahal ng mga taong
malalim na nakilala ang pagkatao sa pananaw ng sarili at iba.?
5. Sino ang nagsabi na “Ang biyaya ng mabuting pagkakaibigan ay
hindi lamang makakamit sa ngiti at saya ng isang pangkat ng
magkakaibigan o ng tulong at pabor na maibibigay nila. Kundi, ito’y
mararamdaman sa inspirasyong nagmumula sa taong naniniwala at
nagtitiwala sa atin.”?
6. Sino ang nagsabi na “ang wagas na pagkakaibigan ay bunga ng
pagsisikap na dalisayin at patatagin ang ugnayan sa pangmatagalang
panahon”?
7. Ito ay kinakailangan upang tumagal ang pagkakaibigan.
8. Ito ay pagkakaibigang inilalaan sa isang tao dahil sa
pangangailangan ng isang tao rito.
9. Pagkakaibigang nabubuo sa pagitan mo at ng isa o mahigit pang tao
na masaya kang kasama o kausap.
10. Uri ng pagkakaibigan ay nabubuo batay sa pagkagusto (admiration)
at paggalang sa isa’t isa.

Emerson Pagkakaibigang nakabatay sa


pansariling kasiyahan
Pagsisikap Wiliam James
Pagkakaibigan Kaibigan
Pagkakaibigang nakabatay sa Pagkakaibigang nakabatay
pangangailangan sakabutihan
Webster’s Dictionary Aristotle

TUKLASIN

Sa aklat ni Joy Carol (2008) na The Fabric of Friendship, tinukoy ang


maraming bagay na naidudulot ng pakikipagkaibigan sa pagpapaunlad
ng ating pagkatao.

1. Nakalilikha ito ng mabuting pagtingin sa sarili. Kapag may mabuting


ugnayang namamagitan sa inyo ng iyong kaibigan, ang kakayahang
magbahagi ng taglay na mga katangian sa isa’t-isa ay
nakapagpapasaya sa atin.
2. Natutuhan kung paano maging mabuting tagapakinig. Madalas, lalo
na sa mga kabataan, mahirap ang maglaan ng panahon at pasensiya
na makinig sa mga hinaing o suliranin ng kapwa.
3. Natutukoy kung sino ang Mabuti at di mabuting kaibigan sa
pamamagitan ng mga tunay na kaibigan. Sabi nga, malalaman mo
lamang ang tunay na kaibigan at hindi kung mayroon ka ng parehong
pagdanas dito
4. Natututuhang pahalagahan ang mabuting ugnayan sa
pakikipagkaibigan sa kabila ng ilang di pagkakaintindihan. Ang mga
suliranin ang nakapagpapatatag sa isang tao sa pagitan ng
magkaibigan ang mga suliranin din ang maaaring maging instrumento
upang mas mapatatag ang kanilang samahan.

3
5. Nagkakaroon ng mga bagong ideya at pananaw sa
pakikipagkaibigan. Mayroon pa ring bagong ideya na ngayon mo lang
natuklasan mula sa iyong kaibigan.

Sa pagdaan ng maraming karanasan sa pagitan ng magkaibigan


ay may mga birtud at pagpapahalagang nahuhubog o
napagyayaman. Walang pagkakaibigan kung walang birtud at
pagpapahalaga sa kanilang pagitan. Ang mga ito ay nakatutulong
upang kapwa silang maging mabuting tao. Sa pagkakaibigan,
natutuklasan hindi lamang ang katangiang mayroon ang isang
kaibigan kundi mas higit ang pagtuklas sa iyong sarili. Ang
pagkakaibigan ang tanging paraan upang Makita ang yaman ng
iyong pagkatao.

Mga Sangkap sa Pagkakaibigan


Ang mga sumusunod ay hango sa aklat ni James at Savary na The
Heart of Frienship (1976).

1. Presensiya - ang pagkakaibigan ay lumalago dahil sa presensiya ng


isa’t-isa. Ang magkaibigan ay nangangailangan ng panahon na
magkasama, ng pisikal na presensiya.
2. Paggawa ng bagay nang magkasama - maraming pagkakaibigan ang
nagsisimula sa pagitan ng mga taong naglalaro o gumagawa nang
magkasama. Ang paggawa ng maraming bagay nang magkasama
ay daan din upang magkaroon ang magkaibigan ng oras para saisa’t-
isa.
3. Pag-aalaga - sa pagitan ng magkakaibigan, ang pag-aalaga ay
nangangahulugang pagtulong sa kaniya ng kaibigan sa kaniyang pag-
unlad o paglago. Ito ay lumilitaw sa mga gawaing nagpapakita ng
mainit na pagtanggap at pag-aaruga na ginagawa saisa’t-isa.
4. Katapatan - ang katapatan sa pagkakaibigan ay hindi
nangangahulugan ng ganap na pagbubukas ng sarili sa kaibigan. Ang
katapatan ay hindi nararapat na sumasalungat sa pagiging pribado ng
buhay ng isang tao.
5. Kakayahang mag-alaga ng lihim (confidentiality) - ang isang tunay na
kaibigan ay nakahandang ingatan ang lihim ng isa pa. Mahalaga ito
upang tunay na makuha ang tiwala ng isang kaibigan.
6. Pag-unawa sa nilalaman ng isip at damdamin ng iba (empathy) - ang
pag-unawa ay nangangahulugang paglagay ng sarili sa sitwasyong
kinalalagyan ng kaibigan.

PAGPAPATAWAD: Batayan ng Kabutihan at Pagmamahal


Minsan, kahit iniingatan ang magandang ugnayan ng
pagkakaibigan dumadating sa punto ng hindi pagkakaunawaan. Ang
paghingi ng kapatawaran ay hindi kahinaan kundi kalakasan ng isang tao.
Kailangan ang lakas ng loob sa pag-amin ng kamalian. Ang mabuting
pagkakaibigan ay marunong tumanggap sa katotohanan, handang
ipakita ang kababaang-loob at magpatawad. Sapagkat nararapat
lamang na sabihin at tanggapin na ang isang kaibigan ay may pagnanais
na maisaayos at mapanatili ang binuong pagkakaibigan sa matagal na
panahon.
Tandaan na mahalagang magkaroon ng kaisahan ang puso ng
magkaibigan na makikita sa pagkakaroon ng kaisahan (harmony) ng

4
kanilang pag-iisip at sa maingat na pag-aalaga sa isa’t isa. Ngunit ang
pagkakaroon ng kaisahan ng puso ay nangangailangan ng kakayahang
maibalik ang ibinibigay ng kapwa (reciprocity). Kung iisa lamang ang
nagmamahal, hihinto ang pagkakaibigan. Minamahal natin ang ating
kaibigan katulad ng pagmamahal natin sa ating sarili ngunit hindi
nararapat na mas mataas pa o mas mababa pa rito. Ang pagtingin sa
tunay na pagkakaibigan ay hindi tumitingala o yumuyuko sa kaibigan,
tinitignan mo siya at kayo ay nakatingin sa iisang direksyon, patungo sa
kabutihan; gamit ang kabutihan at pagmamahal ng Diyos bilang gabay.

SURIIN

Panuto: Punan ang tsart tungkol sa mga sangkap ng Pagkakaibigan. Isulat


ang iyong mga karanasan sa iyong mga kaibigan. Gamitin na gabay ang
halimbawa sa ibaba.

Pangalan ng Hal. Maria


kaibigan
Presensiya Araw-araw
kaming sabay sa
pagpasok at
paug-uwi sa
paaralan.
Paggawa ng Sinamahan ko
bagay na siyang mag-aral
magkasama para sa aming
pagsusulit.
Pag-aalaga Binigyan ko siya
ng gamot
noong minsan
na nagkalagnat
siya.
Katapatan Kahit na minsan
kaming
nagkatampuhan
ay hindi ko siya
siniraan sa ibang
tao.
Confidentiality Hindi ko
pinagsabi ang
kanyang sikreto
tungkol sa
kanyang crush.
Empathy Hindi ko itinuloy
ang balak kong
pang-aasar sa
kanya dahil
naisip ko na
kung sa akin

5
gagawin iyon ay
masasaktan ako.

PAGYAMANIN

Panuto: Buuin ang mga pahayag mula sa batayang konsepto ng aralin.


Panuto: Buuin ang mga pahayag mula sa batayang konsepto ng aralin.

ay maituturing na isang _____ ayon kay Sto.


Ang Tomas de Aquino

Ang mga ay _____, _____, _____, _____, _____,


sangkap ng _____ na dapat pagyamanin ng
bawat isa.

Ang ay hindi _____ kundi _____ ng isang


paghingi ng tao.

ISAISIP

Panuto: Sagutin nang may katapatan ang bawat pahayag upang


masukat ang kakayahang maging mabuting kaibigan. Lagyan ng tsek (
) ang iyong sagot sa mga sumusunod na pahayag.

Mga pahayag Palagi Minsan Madalang


1. Nakikinig ako ng mabuti kapag
kinakausap ako ng aking mga
kaibigan
2. Hindi ako nagmamayabang sa
aking mga tagumpay.
3. Hindi ako nanunukso ng iba.
4. Pinagmamalaki ko ang tagumpay
ng aking mga kaibigan.
5. Ginagawa ko ang aking mga
pangako.
6. Kaya kong magtimpi ng aking
nararamdaman

6
7. Interesado ako sa iba’t-ibang mga
gawain.
8. Hindi ko binabastos ang aking mga
kaibigan.
9. Kaya kong pagtawanan ang aking
sarili.
10. Inaamin ko kapag nagkakamali ako.
11. Pinipili kong maging tapat sa lahat
ng pagkakataon.
12. Masaya ako kapag umani ng
tagumpay ang aking kaibigan.
13. Tumutulong ako sa aking mga
kaibigan kapag kailangan nila.
14. Kaya kong magtago ng sikreto.
15. Kaya kong ibahagi sa aking mga
kaibigan ang kasikatan.
16. Nirerespero ko ang pag-aari ng iba.
17. Nagpapasensiya ako kapag
nakagagawa ng pagkakamali ang
aking mga kaibigan.
18. Hindi ako nakikipagtalo sa aking
mga kaibigan.
 Bilangan ang Tsek sa bawat hanay
 Multiply ang iskor X3 X2 X1

 Pinagsamang iskor sa tatlong hanay

Interpretasyon ng Iskor:

41-54 na puntos Nagagawa mo ng maayos ang pagiging tunay


na kaibigan. Ang iyong kakayahan bilang isang
kaibigan ay kahanga-hanga at dapat tularan
21-40 na puntos Kinakikitaan ka ng pagsusumikap upang maging
isang mabuting kaibigan.
1 -20 na puntos Magkaroon ng pagsusumikap at sumangguni sa
taong maaaring makatulong sa iyo upang
mapaunlad ang iyong kakayahan sa
pakikipagkaibigan

ISAGAWA

Panuto: Balikan ang ginawang Recipe ng Pagkakaibigan. Lumikha ng


isang Friendship Log.
 Ilagay ito sa isang tsart. Lagyang ng tsek ( ) ang paglalapat ng mga
sangkap ng pagkakaibigan sa loob ng dalawang linggo.

Unang Linggo Ikalawang Linggo


a

a
p

a
g

g
a
n

n
k

k
P
S

7
Miyerkules

Miyerkules
Huwebes

Huwebes
Biyernes

Biyernes
Sabado

Sabado
Martes

Martes
Linggo

Linggo
Lunes

Lunes
Presensiya

Paggawa ng
bagay nang
magkasama

Pag-aalaga

Katapatan

Kakayahang
mag-ala ng
lihim
(confidentiality)
Pag-unawa sa
nilalaman ng
isip at
damdamin ng
iba (empathy)

Batayang Panukat:
Mga nagawa Katumbas
na puntos
Nagawa ang mga sangkap nga pagkakaibigan sa loob ng 14 na 10
araw.
Nagawa ang mga sangkap nga pagkakaibigan sa loob ng 13 na 8
araw .
Nagawa ang mga sangkap nga pagkakaibigan sa loob ng 12 7
araw .
Nagawa ang mga sangkap nga pagkakaibigan sa loob ng 10-11 5
na araw .
Nagawa ang mga sangkap nga pagkakaibigan sa loob ng 8-9 6
araw .
Nagawa ang mga sangkap nga pagkakaibigan sa loob ng 6-7 na 4
araw .
Nagawa ang mga sangkap nga pagkakaibigan sa loob ng 4-5 3
araw.
Nagawa ang mga sangkap nga pagkakaibigan sa loob ng 1-3 na 1
araw .
Hindi nagawa ang mga mga sangkap nga pagkakaibigan. 0

TAYAHIN

Panuto: Tukuyin sa Hanay B ang inilalarawan sa Hanay A. Isulat ang TITIK


ng iyong sagot.

8
Hanay A Hanay B

1. Ayon sa kanya ang a. Presensiya


pagkakaibigan ay maituturing b. Nakalilikha ito ng
na isang birtud. mabuting pagtingin sa
2. Ito ay ang pagkakaroon ng sarili
magkaibigan ng panahon na c. Katapatan
magkasama lalo na sa pisikal d. Santo Tomas de Aquino
3. Ito ay ang sabay na paggawa e. Natutukoy kung sino ang
o paglalaro ng magkaibigan mabuti at di mabuting
4. Naipapakita ito sa kaibigan sa pamamagitan
pamamagitan ng mainit na ng mga tunay na kaibigan
pagtanggap at pag-aaruga f. Aristotle
sa isa’t isa. g. Natutuhan kung paano
5. Ito ay ang pag-iingat sa mga maging mabuting
lihim ng kaibigan tagapakinig
6. Ang paglalagay sa sarilli sa h. Kakayahang mag-ala ng
sitwasyon ng kaibigan lihim (confidentiality)
i. Paggawa ng bagay nang
7. Mga naidudulot ng magkasama
8. pakikipagkaibigan sa j. Pag-aalaga
9. pagpapaunlad ng ating k. Pag-unawa sa nilalaman
10. pagkatao ng isip at damdamin ng
iba (empathy)
l. Nagkakaroon ng mga
bagong ideya at
pananaw sa
pakikipagkaibigan
m. Katapatan

KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Gumawa ng Friendship Chain


1. Gumupit ng papel na may sukat na 1x6 na pulgada. Maaari ding
gumamit ng papel na may kulay.
2. Magtala sa isang papel ng lahat ng mga pagkatuto sa aralin tungkol
sa pagkakaibigan. Gamitin ang mga gabay na tanong:
a. Ano ang mga natutuhan tungkol sa tunay at malalim na kahulugan
ng pagkakaibigan?
b. Ano ang mga natutuhan na pamamaraan sa pagpapaunlad ng
pagkakaibigan?
c. Ano ang natutuhan na tulong ng pagkakaibigan sa sariling pag-
unlad, sap ag-unlad ng kapwa, at ng lipunan?
3. Matapos ay isulat ang mga ito nang isa-isa sa mga piraso ng papel na
ginupit. Tiyakin na isang konsepto lamang ang nilalaman ng isang
papel.
4. Pagkatapos ay gumamit ng glue o stapler upang mapagdugtong-
dugtong ang mga piraso ng papel upang maging isang chain.

9
5. Tiyakin na ang nakalabas na bahagi ay yaong may nakasulat ng
konsepto.

Pamantayang Panukat:

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtam Nangangaila


an ngan ng
(5 puntos) (4 puntos) Pagsasanay
(3 puntos) (2 puntos)
Pagkamalikhai Lubos na Naging Bahagyan Hindi
n naipamalas malikhain g nakitaan ng
ang kinakitaan pagkamalikh
pagkamalikha ng ain
in pagkamali
khain

Nakaayon sa Napakahusay Mahusay Katamtam Hindi


Tema/ Aralin at walang ngunit ang husay maayos at
mali may ilang subalit maraming
kamalian may ilang kamalian
kamalian
Paghihikayat Mapanghikay Mapanghi Mapanghi Hindi
at ang kayat ang kayat ang nakakitaan
ginawang ginawang ginawang ng
Friendship Friendship Friendship panghihikay
chain at chain at chain at at
nasagot ang nasagot nasagot
lahat tanong ang ang isang
dalawang tanong
tanong

Kumusta na?
Naisakatuparan mo ba nang maayos ang mga gawain sa modyul
na ito?
Kung oo, binabati kita!
Maaari ka nang magpatuloy sa susunod na modyul.
Kung hindi, balikan ang mga gawaing di natapos. Katangian ng
isang mapanagutang mag-aaral ang sumangguni at humingi ng
tulong o paggabay mula sa kaniyang kamag-aral o guro

10
MGA SAGOT

Subukin Balikan Pagyamanin

1. Presensiya 1. Kaibigan 1. Birtud


2. Pag-aalaga 2. Webter’s Dictionary 2. Presensiya, paggawa ng
3. Kapatapan 3. Pagkakaibigan bagay ng magkasama,
4. Confidentiality 4. Aristotle pag-aalaga, katapatan,
5. Empathy 5. Emerson kakayahang mag-ala ng
6. William James lihim (confidentiality),
7. Pagsisikap pag-unawa sa nilalaman
8. Pagkakaibigang ng isip at damdamin ng
nakabatay sa iba (empathy)
pangangailangan *Note: in any order
9. Pagkakaibigang
nakabatay sa kasiyahan 3. Kahinaan, kalakasan
10. Pagkakaibigang
nakabatay sa kabutihan

Isaisip Isagawa Tayahin

Sundin ang rubrics sa Sundin ang rubrics sa 1. D


pagwawasto pagwawasto 2. A
3. I
4. J
5. H
6. K
7. B
8. E in any order
9. G
10. L

Karagdagang Gawain

Sundin ang rubrics sa


pagwawasto

Mga Sanggunian

Agapay, R.B. (2008). Ethics and the Filipino. Mandaluyong City: National
Book Store.
Babor, E. R. (2006). Ethics: the philosophical discipline of action. Manila:
Rex Book Store Inc.
Corpuz, R. M. et al. (2007). Ethics: Standard of human conduct. Intramuros,
Manila Philippines : Mindshaper’s Co. Inc.
Gomez, F.O.P. (1991). Social Ethics: doctrine and life. Manila: Social
Research Center and UST Press.
Isaacs, D. (2001). Character Building. Portland Oregon: Four Courts Press.
Mc Ginnis, A.L. (2000). The friendship factor. Diliman Quezon City
Philippines : Kadena Books Claretian Publications Inc.
Montemayor F. M. (2008). Ethics: the philosophy of life. Mandaluyong City
Philippines: National Book Store.
Pogrebin, L.C. (1987). Among friends. California USA: Mc Graw–Hill Book
Company.
Reyes, R. C. (2009). Ground and norm of morality. Quezon City: Ateneo de
Manila University Press.
Ilang Konseptong Ibinatay sa Web:
http://www.gradesaver.com/aristotles-ethics/study-guide/section8/

11

You might also like