You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
DIVISION OF PAMPANGA

Modified Strategic Intervention


Material

Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikalawang Markahan- Ika-anim
na Linggo

1
Modyul 7: EMOSYON

ALAMIN

Isang mapagpalang araw sa iyo mahal kong mag-aaral.


Noong nakaraang linggo, napag-aralan mo ang pangunahing
gampanin ng emosyon at ang epekto nito sa iyong pagpapasya.
Sa linggong ito, susubukan mong unawain ang kahalagahan ng
pagsasagawa ng mga pagpapasya at pagkilos na may positibong
pangangasiwa ng emosyon.
Sa gabay ng iyong mga magulang o tagapatnubay at sa
tulong ng mga inihanda kong mga gawain para sa iyo, narito
ang mga kakayahang inaasahan kong magagawa mo:
1. Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin.
2. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang
mapamahalaan
nang wasto ang emosyon.

SUBUKIN

Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon. Sa patlang bago ang bawat


bilang, maglagay tsek ( √ ) kung ito ay nagpapakita ng wastong
pangangasiwa ng emosyon o ekis ( × ) kung hindi.

1. Nagalit si Ednar sa kanyang kaibigan dahil nalaman niya


na nililigawan nito ang kanyang kasintahan. Pakiramdam ni Ednar
nainsulto ito sa ginawa ng kaibigan. Minabuti ni Edmar na umiwas
muna sa kanyang kaibigan at pinasyang kakausapin niya ito
pagkatapos ng ilang araw.
2. Kumaripas ng takbo palabas sa kanilang bahay si Aling
Mameng dahil may naramdaman itong kakaibang kaluskos sa loob
ng bahay.
3. Dahil sa kagustuhan ng kanyang mga magulang, nag-aral
ng kursong Accountancy si Jaypee. Malungkot siya sa desisyong
ito dahil labag ito sa kanyang kagustuhan. Sapat na sa kanya ang
nakapapasa na lamang sa kanyang mga asignatura.
4. Nabalitaan ni Jenny pinaghihinalaan siya ni Irma na
sinisiraan siya nito sa iba nilang mga kaibigan. Pinagsasampal ni
Jenny si Irma nang minsan niya itong makita.
5. Hindi kaya ng mga magulang ni Cindy na siya ay pag-
aralin pa sa kolehiyo. Minabuti niya na makituloy sa isa niyang
kamag-anak na may kaya sa buhay upang matustusan nito ang
kanyang pag- aaral.

BALIKAN

Sa pamamagitan ng modyul na ito , inaasahan kong


magkakaroon ka ng malalim na pang-unawa sa emosyon at
kahalagahan ng pagtataglay ng mga pagpapahalaga at birtud
upang mapamahalaan ito ng wasto.
Halika at simulan mo na ang pagkatuto!
Gawain 1.
Panuto: Marahil ay naramdaman mo na ang ibat’t ibang emosyon.
Gabay ang halimbawa punan ang tsart ng mga kaukulang sagot.

Pangun Kalimitang Tugon Kadalasang Epekto


ahing
Emosyon
Halimbawa: Hindi ko inaalis sa Nagiging positibo ang
aking isipan na lahat mga kilos ko sa mga
Pag-asa
ng problema ay may pangyayari sa buhay
solusyon. ko.

Ikaw naman…
1. Pagmamahal 1. 1.
2. Pagkagalit 2. 2.
3. Pag-asam 3. 3.
4. Pagkalungkot 4. 4.
5. Pagkagalak 5. 5.

SURIIN

Gawain 1.
Panuto: Magbalik tanaw ka . Isipin ang mga emosyon na madalas
mong maramdaman sa iyong nakaraan na nagdulot ng hindi
magandang epekto sa iyo at sa iba. Isulat ang mga ito sa unang hanay
at sa ikalawang hanay , isulat ang mga mungkahi mong paraan sa
iyong sarili upang mapamahalaan mo ito ng wasto kapag muling
naramdaman.Magsilbing gabay ang halimbawa sa ibaba.

Emosyon na madalas Mungkahing paraan upang


maramdaman na nagdulot maiwasan na sa susunod
ng hindi maganda sa sarili
at sa
iba.
Halimbawa: Magpalamig muna ng ulo
GALIT upang hindi lumala ang
alitan.
Ikaw naman…

1. 1.
2. 2.
3. 3.

PAGYAMANIN

Gawain 1.
Panuto: Suriin mo ang epekto ng wastong pamamahala ng
emosyon.Punan ang tsaart ng kinakailangang impormasyon. Gawing gabay
ang halimbawa.

EMOSYO KALAKASAN KAHINAAN OPORTUNIDAD BANTA


N
Hal. Nakapaghand Hindi Nakapagpapasy Hindi
Takot a sa napagtagumpay a ng maayos at uunlad
nakaambang an ang mga nang walang ang
panganib pangarap sa pag-agam- pakikipa
buhay. agam g-
ugnayan
sa sarili at
kapwa
Ikaw
naman…
1.
2.
3.

ISAISIP

Mahalagang maunawaan mo na bilang tao, kinakailangan


nating pamahalaan ang ating emosyon ng wasto o tama. Sapagkat
kung hindi, maaring hindi magiging maganda ang impluwensiya nito sa
ating kilos at pagpapasya sa sitwasyong may krisis, suliranin o
pagkalito. Hindi lahat ay may kakayahang mapamahalaan ang
kanilang emosyon . Marahil ay may mga nababalitaan kang
nagmumukmok sa bahay kapag nalulungkot. Nagpapatiwakal sa
sobrang pighati o poot. Ito ang dahilan kung bakit kailangan ng tao
ang literasiya sa kanyang emosyon.
Ayon kay Seeburger, F. (1997, ph.30), ang literasiyang
pandamdamin ay tumutukoy sa dalawang bagay: Una, kakayahang
alamin at unawaain ang sarling emosyon; at pangalawa , matukoy at
maramdaman ang damdamin na angkop o akma lamang sa sitwasyon
na kinakaharap.

Pangunahing Elemento ng EQ o Emotional Quotient (Goleman, D. 1986)

1. Pagkilala sa sariling emosyon. Ito ay makatutulong sa pagkakaroon ng


pang-unawa sa sarili. Ikaw ay makagagawa ng pasya sa iyong sarili at
hindi lang sunod ng sunod sa nais ng iba.

2. Pamamahala sa sariling emosyon. Ito ay mahalaga sapagkat


may epekto ito sa kalagayan na kalooban at pakikipag-ugnayan sa
kapwa.Madaling makabangon sa pagssubok sa buhay at madaling
makamit ang mithiin ng mga taong may ganitong kalagayan.

3. Motibasyon. Ang taong may ganitong kakayahan ay may disiplina sa


sarili at hindi pabigla-bigla ang pagpapasya.

4. Pagkilala at pang-unawa sa damdamin ng iba. Ang taong may


ganitong kakayahan ay marunong bumasa at bigyan ng kahulugan ang
kilos ng iba.

5. Pamamahala ng ugnayan. Ito ay nangangahulugan na


napapamahalaan ng wasto ang emosyon sa pakikipag-ugnayan sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman sa pagpapanatili ng
magandang ugnayan.

Anumang emosyon ay mahalaga. Ang pamamahala natin dito


ay maaring makabuti o makasama sa ating pakikipagkapwa. Sa
wastong pangangasiwa ng mga ito ay mapapaunlad natin ang
pakikipagkapwa natin.

Mungkahing Paraan Upang Mapamahalaan ng Wasto ang mga Emosyon


( Morato, Jr. , 2007)

1.Tanungin ang sarili. Mahalagang naipapaahayag natin ito nang


maayos upang mapanatili ang ating mabuting ugnayan sa ating
kapwa.
2.Tanggapin na ikaw ay takot harapin ang takot, ngunit isipin na
mayroon pang higit na magandang mangyayari. Maging positibo sa
pagharap sa mga hamon ng buhay.
3. Isaisip na ang tagumpay ay hindi nasusukat sa yaman ,
kapangyarihan at katanyagan kung hindi sa kakayahang mamuhay ng
may pagpapahalaga at dangal.
4. Matutong tanggapin na may hangganan ang lahat ng bagay.
5.Isipin na may mga taong maari mong pagkatiwalaan at mahihingan
ng tulong sa tuwing ikaw ay nawawalan ng pag-asa.

Maahalaga na magkaroon ng tiwala sa sarili, sa kapwa at sa


Diyos sa paggawa ng pagpapasya tungo sa ikauunlad ng ating
pakikipagkapwa. Ngayon, handa ka na bang harapin at
pagtagumpayan ang hamon na dala ng iyong emosyon? Kayang-kaya
mo yan!
ISAGAWA

Panuto: Kumpletuhin ang pahayag sa ibaba upang makabuo ng mahalagang


konsepto batay sa araling ttinalakay.

Ang pamamahala ng ay magagawa sa


pamamagitan ng at ito ay
makatutulong sa ng at ng .

TAYAHIN

Panuto: Basahin at unawaiin ang bawat aytem. Isulat ang titik T kung ang
pahayag ay tama at M kung ang pangungusap ay mali.

1. Lahat ng emosyon ay maaring magdulot ng mabuting ugnayan sa kapwa.


2. Hindi basta-bastang nakokontrol o napapamahalaan ang damdamin.
3. Ang emosyon ay nagagamit ng tao sa pakikipag-ugnayan niya sa
kanyang kapwa.
4. Hindi lamang ang sarili ang nagiging biktima ng maling pamamahala ng emosyon.
5. Ang takot ay laging nagdudulot ng masamang epekto sa tao sa lahat
ng pagkakataon.
6. Kadalasan, ang pagpapasya o pagkilos na bunga ng emosyon ay nagdudulot
ng hindi magandang resulta.
7. Ang emosyon ay walang kalakasan.
8. May emosyon na posibleng magpahirap ng damdamin ng isang tao.
9. Mahalagang maunawaan mo ang iyong sariling emosyon.
10. Hindi nakatutulong ang emosyon sa pagpapaunlad ng mga
pagpapahalaga o mga birtud ng tao.
11. Maaring makatulong ang pagsangguni sa mga magulang o nakatatanda
sakaling may emosyon na hindi mapangasiwaan ng tama.
12. Sa tuwing nakararamdam ng matinding emosyon, nararapat na
ipagpaliban muna ang pagpapasya o pagkilos.
13. Ang isang emosyon ay hindi maaring magdulot ng oportunidad sa tao.
14.Nararapat na mangibabaw ang mga pagpapahalaga tulad ng pagtitimpi at
pagpapasensiya sa tuwing may nararamdamang matinding emosyon.
15.Ang lahat ng emosyon ay may mga kahinaan din.

KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Repleksyon: Bakit mahalagang pamahalaan ng wasto ang bawat


emosyon? Ipaliwanag ang sagot sa 5-10 pangungusap.
SUSI SAPAGWAWASTO

Subukin:
1.√, 2.×, 3.× ,4.× ,5. √

*Lahat ng Gawain mula sa Balikan hanggang sa Karagdagang


Gawain ay walang tiyak na sagot. Depende sa sagot ng mag-aaral.
Gagamitan ng Rubric sa Pagtataya

Tayahin:
1. M 6. T 11. T
2. T 7. M 12. T
3. T 8. T 13.
M
4. T 9. T 14. T
5. M 10. M 15. T
* Karagdagang Gawain
Walang tiyak na sagot. Gagamitan ng rubriks.

MGA SANGGUNIAN

Esteban, E. (1990). Education in values: what, why, and for whom. Manila :
Sinagtala Publishers Inc.
Kawanihan ng Edukasyon Sekundarya, Kagawaran ng Edukasyon.
2010. Gabay sa Pagtuturo sa Edukasyon sa Pagpapahalaga para sa
2010 Kurikulum ng Edukasyon Sekundarya (SEC). Pasig City: Awtor
Feldman, R (2005). Understanding Psychology. New York: McGraw-Hill
Morato, Jr.,E. (2007). Self mastery,Quezon City:Rex Printing ccomp. Inc.

Dy, Jr. M (2007). Mga babasahin sa piloposiyang moral. Ateneo


de Manila University.

On Defining Emotions and On Types of Emotions: Retrieved from


http://en Wikipedia.org/wiki/ Stratification_o_emotional_ life (Scheler).
November 9, 2012.
On Types of Emotions. Manuel B. Dy Jr. The Philosopy of Value, The
Value of Philosophy (Chapter xv).
Pambansang Pagsasanay ng mga Tagapagsanay ng mga Guro sa 2010
Secondary Education Curriculum. Pasig City: Kawanihan ng
Edukasyong
Sekondarya. Larawan mula sa Internet (Bing Search )

You might also like