You are on page 1of 24

8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
QUARTER 2

ACTIVITY SHEETS
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Quarter 2 Week 5

Pangalan : _______________________________ Grado at Section: ____________

Paaralan:___________________________________________________________
Activity Sheet No. 5

Gawain 1. Petsa ng Pagsagot: _______________

BATAYANG KONSEPTO:

Ang buhay ay punong-puno ng makukulay na karanasan at pakikipag-

ugnayan na nagbibigay-sigla at kahulugan dito. Mula sa mga karanasang ito ay
napukaw ang iba’t-ibang emosyon at damdamin.

Mga Pangunahing Emosyon

Pagmamahal (love) Pagkamuhi (hatred)
Paghahangad (desire) Pag-iwas (aversion)
Pagkatuwa (joy) Pagdadalamhati (sorrow)
Pag-asa (hope) Pagkatakot (fear)
Pagiging matatag (courage) Pagkagalit (anger)

Ang mga emosyon na nasa unang hanay ay nakasisiya ngunit

nangangailangan ng wastong pamamahala samantalang ang nasa ikalawang
hanay naman ay nagpapahirap sa damdamin dahil ito ay nakatatakot,
nakalulungkot, at nagdudulot ng sakit sa kalooban ng tao. Sa ganitong pagkakataon
ay kailangan ang katatagan ng loob (fortitude) upang malampasan ang hirap at
takot na nararamdaman. Ang birtud na ito ay nagbibigay ng kakayahan sa tao na
malampasan ang kahirapan, labanan ang mga tukso at pagtagumpayan ang mga
balakid tungo sa higit na maayos na pamumuhay. Napakahalaga na pinag-iisipang
maigi ang gagawin lalo na sa panahon na nawawalan ka na ng pag-asa at pilit na
iniiwasan ang pangyayari dala ng bigat ng suliranin at hindi alam kung ano ang
gagawin.

1
Sa pamamagitan ng emosyon, naipamamalas ng tao ang kaniyang
pagpapahalaga sa mga bagay sa kaniyang paligid - tulad ng mga bagay na kaniyang
nakikita, naririnig, nalalasahan, naaamoy, nadarama at nararanasan. Kinakailangan
na mapamahalaan ito ng wasto upang magdulot ng maganda sa sarili at ugnayan sa
kapwa.
Ayon kay Feldman (2005, ph.346) sa pamamagitan ng emosyon ay:
 Nababatid ng tao ang nangyayari Source:
sa kaniyang paligid
Regina Mignon at nabibigyan
C. Bognot, itosang
et. al., Edukasyon
Pagpapakatao -
katuturan ng kaniyang isip. Ikawalong Baitang Modyul para sa Mag-aaral, Muling Limbag
2014,
(Pasig kung
City, Philippines: FEPmaramdaman
Printing Corporation, muli
2014), ang
181-
 Nakatutukoy ang higit na angkop
182.
na kilos sakaling
damdamin
 Nagagamit ang pakikipagkomunikasyon at pakikipag-ugnayan sa kapwa.

Panuto: Mula sa talaan ng mga pangunahing emosyon, isulat ang maaaring maging
epekto kung ito ay napamahalaan nito ng wasto o hindi. Isulat ang mga sagot sa
tamang kahon sa ibaba.

Epekto nito
Pangunahing Wastong Di-wastong
Emosyon Pamamahala Pamamahala
1. Pagkagalit

2. Pagkatakot

3. Pagkamuhi

4. Paghahangad

5. Kawalang Pag-asa

Orihinal na gawa ni Carmina C. Villaruel

2
Gawain 2. Petsa ng Pagsagot: _______________
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Ano ang maaaring maging epekto ng iyong naging damdamin sa iyong mga kilos
at pasiya?
_______________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Batay sa iyong mga sagot, napamahalaan mo ba nang wasto ang iyong
emosyon? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. Sakaling hindi mo napamahalaan nang wasto ang iyong emosyon, ano ang
posibleng idulot nito sa iyo at sa iyong pakikipagkapwa?
__________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Gawain 3. Petsa ng Pagsagot: _______________

Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat sitwasyon. Tukuyin kung anong pangunahing
emosyon ang inilalarawan sa bawat sitwasyon at suriin kung paano ito
naka- impluwensya sa pagpapasya ng tauhan.

Halimbawa:
Hindi na nag-uusap ang magkapatid na sina Joy at Jaja dahil sa hindi
pagkakaunawaan tungkol sa mga gawaing bahay. Sa pangyayaring iyon, ini-iwasan
na nila ang isa’t isa. Dahil dito pwedeng maapektuhan ang kanilang relasyon bilang
magkapatid.
Sitwasyon Emosyong Inilarawan Impluwensiya sa Pagpapasya
Pag-iwas Dahil sa pag-iwas ng dalawa sa
paglutas ng kanilang hindi

3
pagkakaunawaan lalo itong
tumagal na pweding
makaapekto sa kanilang
relasyon bilang magkapatid.
Sitwasyon 1. Sa isang eskenita ay may nasaksihang barilan si Atoy. Kilala niya ang
salarin. Nang nag-imbestiga ang mga pulis siya ay tinanong at sinabing wala siyang
nakita sa pangyayari.

Sitwasyon 2. Sinuot ng nakababatang kapatid ni Greg ang paborito niyang

pantalon. Dahil sa galit ay binasag niya ang mga larawang koleksiyon ng kapatid.

Sitwasyon 3. Gustong-gusto ni Fe na magkaroon ng bagong cellphone ngunit

walang pambili ang kanyang mga magulang. Isang araw, ay inutusan siyang bumili
na tinapay. Habang naglalakad ay nakita niya na nahulog ang cellphone ng isang
babae. Hindi niya na hinabol ang babae at daliang umuwi.

Sitwasyon 4. Hindi nakapasa sa unang pagsusulit sa halos lahat ng asignatura si

Bert. Dahil dito nawalan na siya ng pag-asang papasa pa. Kaya palagi na siyang
lumiliban sa klase. Kailangan niya ng ulitin ang kasalukuyang baitang sa susunod na
taon.

Sitwasyon 5. Matinding pagka-muhi ang nararamdaman ni Clara kay Mara. Sa

tingin niya ay ina-agaw nito ang lahat ng atensiyon ng kanyang mga magulang. Dahil
dito, palagi niyang sinasaktan at pinahihirapan ang kawawang si Mara.

4
Sitwasyon Emosyong Nailarawan Impluwensiya sa Pagpapasya

Orihinal na gawa ni Carmina C. Villaruel

4

Gawain 4. Petsa ng Pagsagot: _______________

Panuto: Umisip ng sariling karanasan kung saan ikaw ay nakadama ng matitinding

emosyon tulad ng galit, takot, matinding tuwa, kalungkutan, at iba pa. Itala sa loob
ng kahon kung paano mo ito pinangasiwaan.

Inuutusan ng Inuutusan kada oras. Panonood ng Mr. Bean

Sundin nalang ang mga utos para I-Shinare ko sa mga

walang gulo. kabiigan ko ang
palabas para matuwa
din sila.

Namatay ang Lolo ko.

Hinahabol ng Aso.
Nakinig nalang ako ng mga
Hindi ako tumakbo para hindi matrigger Worship Song.
and galit ng aso.

5
1. Sa iyong palagay, epektibo kaya ang mga pamamaraang ginawa mo? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Ano ang pinakamahalagang bagay na dapat tandaan upang mapaunlad ang
pangangasiwa ng mga emosyon?
__________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Source: Twila G. Punsalan, et.al., Paano Magpakatao 8 -

Batayan at Sanayang Aklat, Binagong Edisyon 2019,

(Manila, Philippines: Rex Bookstore, 2019), 196.

Learning Competency: Natutukoy ang magiging epekto sa kilos at pagpapasiya ng wasto at hindi wastong pamamahala ng
pangunahing emosyon. (EsP8IIe-7.1). Nasusuri kung paano naiimpluwensyahan ng isang emosyon ang pagpapasiya sa isang
sitwasyon na may krisis, suliranin o pagkalito. (EsP8IIe-7.2)

Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Quarter 2 Week 6

Pangalan : _______________________________ Grado at Section: ____________

Paaralan:___________________________________________________________
Activity Sheet No. 6

Gawain 1. Petsa ng Pagsagot: _______________

BATAYANG KONSEPTO:

 Birtud o (virtue) - ay kahusayan sa moral. Ang isang birtud ay isang

katangian o kalidad na itinuturing na mahusay sa moral at sa gayon ay
pinapahalagahan bilang isang pundasyon ng prinsipyo at mabuting
pagkatao. - https://brainly.ph/question/306426
 Katatagan (fortitude) – birtud na nagbibigay ng kakayahan sa tao na
malampasan ang kahirapan, labanan ang mga tukso at pagtagumpayan
ang mga balakid tungo sa higit na maayos na pamumuhay. - EsP 8, LM (2014), 181.
 Kahinahunan (prudence) – ito ay tumutukoy sa isang estado o yugto sa
isang pangyayari kung saan ang lahat ay mahinahon o tahimik, sa kabila ng
magulong pangyayari. - https://brainly.ph/question/10612426 6
Panuto: Bawat aytem sa ibaba ay may dalawang kahon, sa unang kahon nakasulat
ang birtud at sa pangalawang kahon naman nakasulat ang pangunahing emosyon.
Ibigay ang iyong sagot sa tanong gamit ang pares ng mga salita na nasa mga
kahon.

Gabay na tanong: Paano nakatutulong sa pamamahala ng emosyon ang

pagtataglay
ng birtud upang mapaunlad ang sarili at pakikipagkapwa?

Halimbawa:
1. Mapagpatawad Pagkamuhi
Nararapat na tayo ay maging mapagpatawad sa mga taong ating kinamumuhian upang
gumaan ang ating loob, hindi magtanim ng galit sa kapwa at tuluyang mamuhay ng
matiwasay.

2. Kawalan ng Pag-asa
Matatag

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Pagkamahinahun Pagkagalit
3.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Mapagmahal Pagkagalit
4.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

7
Pagiging Positibo sa buhay Pagkatakot
5.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Orihinal na gawa ni Carmina C. Villaruel

Gawain 2. Petsa ng Pagsagot: _______________

Panuto: Ipaliwanag ng mabuti ang bawat tanong sa ibaba. (2 puntos bawat tamang
sagot)

1. Anu ang kahulugan ng katatagan o fortitude?

__________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Anu ang kahulugan ng kahinahunan o prudence?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Bakit mahalaga sa isang tao ang pagiging matatag at mahinahon?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4. Paano nakatutulong ang kahinahunan ng isang tao sa pagaharap niya sa

matinding kalungkutan at pagkamuhi?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

5. Paano nakatutulong ang katatagan ng isang tao sa pagaharap niya sa matinding

takot at galit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Orihinal na gawa ni Carmina C. Villaruel

8
Gawain 3. Petsa ng Pagsagot: _______________

Panuto: Isulat ang iyong gagawin sa bawat sitwasyon sa ibaba na magpapahayag

ng wastong pamamahala ng emosyon.

1. Kinuha ng iyong kaklase ang iyong takdang-aralin sa Math nang hindi

nagpapaalam.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Gusto mong magkaroon ng bagong labas na bersyon ng cellphone na iyong

nakikita sa mga kaibigan subalit walang kakayahan ang iyong mga magulang at ikaw
ay nag-aaral pa lamang.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Nagkakasiyahan at naghahabulan kayo ng kapatid mo ng masagi mo ang

iniingatang paso ng iyong nanay. Ikaw ay takot na mapagalitan ng iyong ina.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4. Bukas na ang ibinigay na palugit ng iyong guro upang ipasa ang proyekto ninyo
sa Science. Wala pa kayong nasisimulan dahil sa kawalan ng kooperasyon ng bawat
miyembro. Nawawalan ka na ng pag-asa na magawa at matapos ito sa takdang
oras.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

5. Matagal na kayong hindi nagkikita na iyong tatay buhat ng kayo’y iwanan para sa
kanyang bagong kinakasama. Naging mahirap ang iyong kalagayan lalo na ikaw ay

9
bata pa ng iniwanan niya. Matapos ang sampung taon ay nagpakita ulit ang iyong
tatay at planong bumalik sa inyo.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Orihinal na gawa ni Carmina C. Villaruel

Gawain 4. Petsa ng Pagsagot: _______________

Panuto: Isulat sa hanay B ang mga hakbang na gagawin upang mapamahalaan ng
wasto ang mga emosyon na nasa hanay A. Magbigay ng dalawa o higit pang sagot.
Sundan ang halimbawa sa ibaba.

A B
Mga Pangunahing Emosyon Mga Hakbang upang Mapamahalaan
nang Wasto ang Emosyon
Halimbawa:  Magpursigi sa lahat ng ginigawa
Kawalan ng Pag-asa  Kumuha ng kalakasan sa Diyos at
sa mga mahalm sa buhay
Ikaw Naman:
1. Pagkatakot

2. Pag-iwas

3. Pagdadalamhati

4. Paghahangad

5. Pagkagalit

Orihinal na gawa ni Carmina C. Villaruel

10
Learning Competency: Napangangatwiranan na: a. Ang pamamahala ng emosyon sa pamamagitan ng pagtataglay ng mga
birtud ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili at pakikipagkapwa. b. Ang katatagan (fortitude) at kahinahunan (prudence)
ay nakatutulong upang harapin ang matinding pagkamuhi, matinding kalungkutan, takot at galit. (EsP8IIf-7.3) Naisasagawa
ang mga angkop na kilos upang mapamahalaan nang wasto ang emosyon. (EsP8IIf-7.4)

Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Quarter 2 Week 7

Pangalan : ________________________________ Grado at Pangkat: __________

Paaralan: ___________________________________________________________
Activity Sheet No. 7

Gawain 1. Petsa ng Pagsagot: _________________

Panuto: Tingnan at suriing mabuti ang mga larawan sa kahon sa ibaba at ibigay ang
ipinapahiwatig nito. Isulat ang iyong obserbasyon sa malaking kahon sa ibaba.

B A
Mga obserbasyon
Mga obserbasyon sa
sa larawan
larawan B.
A.

1.1.

2.2. 11

3.3. 123rf.com
Orihinal na gawa ni Carmina C. Villaruel

Gawain 2. Petsa ng Pagsagot: _________________

BATAYANG KONSEPTO:

Mahalaga sa isang pangkat ang pagkakaroon ng isang ugnayang may

kapayapaan at pagkakaisa. Upang maisakatuparan ito, kinakailangan na
malaman natin kung ano ang bumubuo dito, ang kahulugan nito at ang
kahalagahan nito.

Lider - ang taong namumuno o nangunguna sa isang pangkat ng tao.

Tagasunod – ang taong sumusunod at nagsasakilos sa mga layunin ng

lider.

12
Katangian
13
Source: Regina Mignon C. Bognot, et.al, Edukasyon sa Pagpapakatao –
Ikawalong Baitang Modyul para sa Mag-aaral, Muling Limbag 2014,
(Pasig City, Philippines:FEP Printing Corporation.,2014), 210-217.

Panuto: Magtala ng limang katangian ng isang mabuting lider o tagasunod at

ipaliwanag ang kahalagahan ng pagkakaroon nito.

A. Katangian ng Mabuting Lider

Katangian ng Mabuting Pagpapaliwanag

Lider (Leader)
Halimbawa: Ang isang mapanagutang lider ay kinakailangan na
nagbibigay ng inspirasyon sa kaniyang tagasunod upang
Nagbibigay inspirasyon sa magsilbing motibasyon sa kaniyang taga-sunod.
iba Kinakailangan na gumawa siya ng mabuti at maging
inspirasyon sa iba.
1.

2.

3.

4.

B. Katangian ng Mabuting Taga-sunod

Katangian ng Mabuting Pagpapaliwanag

Tagasunod (Follower)
Halimbawa: Kinakailangan na ang isang tagasunod ay malawak ang
pananaw at kayang unawain kung bakit kailangan niyang
May positibong pananaw
gawin ang ipinag-uutos ng kaniyang lider. Hindi siya dapat
nag-iisip ng negatibo sapagkat makakaapekto ito sa
pagkamit ng kanilang layunin.

14
Orihinal na gawa ni Carmina C. Villaruel

Gawain 3. Petsa ng Pagsagot: __________________

Panuto: Pumili ng tatlong tao na nakasulat sa kahon at ipaliwanag ang kahalagahan

nila sa ika-uunlad ng iyong pamumuhay at pagkatao.
a. Ama b. Ina c. Matalik na kaibigan

d.Guro e. Kaklase f. Nakatatandang Kapatid

Halimbawa:
Ina
Mahalaga ang ina sapagkat siya ang gumagabay sa akin sa kung ano ang mga dapat at
mabuting gawin. Siya ang unang nagtuturo sa akin ng mga mabuting bagay na
makatututlong sa ating pagharap para sa ating kinabukasan.

Ikaw Naman:
1. ______________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. ______________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

15
3. ______________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Orihinal na gawa ni Carmina C. Villaruel

Gawain 4: Petsa ng Pagsagot: _________________

Panuto: Pumili ng isang kilalang tao sa bawat kategoryang ibinigay sa ibaba.

Gumupit ng larawan ng taong iyong napili at idikit ito sa kahon sa bawat kategorya.
Sa ibaba ng larawan, isulat ang kanyang buong pangalan. Sa kanang bahagi naman
ay isulat ang kanyang mga katangian bilang isang mabuting lider.

Halimbawa:
Siya ay isang inspirasyonal na lider ng Pilipinas. Isa
siyang makamasa na pangulo. Binigyan niyang pansin
ang mga pangangailangan ng mga mahihirap.

https://alchetron.com/Ramon-Magsaysay#ramon-magsaysay-c8afb44b-6595-4fb5-8ec9-881bb34526e-resize-750.jpeg

Ikaw Naman:

a. Presidente
_______________________________________________________

b. Punong Barangay o kapitan ng barangay
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________16
c. May-ari o tagapangasiwa ng isang kompanya
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
Orihinal na gawa ni Carmina C. Villaruel

1. Bakit sila ang napili mo bilang isang mapanagutang lider? Ipaliwanag. _______________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
2. Paano nakatulong ang kanilang ginawa sa pagtatagumpay ng layunin ng kanilang
samahan at sa ikabubuti ng nakararami sa lipunan? ________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Source: Twila G. Punsalan, et.al., Paano Magpakatao 8 -

Batayan at Sanayang Aklat, Binagong Edisyon 2019,
(Manila, Philippines: Rex Bookstore, 2019), 215.

Learning Competency: Natutukoy ang kahalagahan ng pagiging mapanagutang lider at tagasunod. (EsP8Pllg-8.1).
Nasusuri ang katangian ng mapanagutang lider at tagasunod na nakasama, naobserbahan o napanood. (EsP8Pllg-8.2).

Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Quarter 2, Week 8

Pangalan : ____________________________Grado at Pangkat: _______________

Paaralan:__________________________________________________________
Activity Sheet No. 8

Gawain 1. Petsa ng Pagsagot: _______________

BATAYANG KONSEPTO:

 Magtatagumpay ang pangkat kung gagampanan ng bawat isa, lider man o

katrabaho, ang kani-kaniyang tungkulin.

 Higit na epektibo ang sama-samang paggawa at pagsusumikap sa pag-abot ng

adhikain ng samahan kaysa sa indibidwal na paggawa.
Learning Competency: Natutukoy ang kahalagahan ng pagiging mabuting lider at tagasunod. (Esp8PIIf-8.1). Nasusuri 17
ang katangian ng mapanagutang lider at tagasunod na nakasama, naobserbahan o napanood. (EsP8Pllf-8.2)

 Sa likod ng tagumpay ng bawat mahusay na lider ay ang suporta at masigasig

na paggawa ng mga katrabaho o kasapi.
Source: Twila G. Punsalan, et.al., Paano Magpakatao 8 -
Batayan at Sanayang Aklat, Binagong Edisyon 2019,
(Manila, Philippines: Rex Bookstore, 2019), 222-224.

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at ipaliwanag

1. Paano nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili, ugnayan sa kapwa, at sa lipunan

ang mapanagutang pagganap ng tao sa kaniyang gampanin bilang lider at
katrabho/tagasunod? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

18
2. Masasabi mo ba na ikaw ay mabuting katrabaho/tagasunod? Bakit? Sa iyong
palagay, magiging mabuting lider ka rin ba?
Patunayan.__________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Ano ang ibig ipakahulugan ng “Ang mabuting lider ay una munang naging
mabuting tagasunod.”
Ipaliwanag.__________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Gawain 2. Petsa ng Pagsagot: _______________

Panuto: Punan ang bawat kahon batay sa hinihingi nito at sagutin ang mga tanong.

Halimbawa:

Ikaw Bilang Naitulong sa Napaunlad sa

Kapwa o Lipunan Iyong Sarili

Nag-organisa ng isang Napaunlad ang

Isang lider gawain tulad ng tree kakayahang makipag-
planting usap sa mga
kinauukulan

Ikaw Naman:

Ikaw Bilang Naitulong sa Kapwa Napaunlad sa Iyong

o Lipunan Sarili

Isang lider

19
Isang Tagasunod
Tanong:

1. Sa iyong pagganap bilang isang lider o tagasunod, masasabi mo bang

nagagampanan mo ng maayos ang inaasahan sa iyo? Pangatwiranan.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Orihinal na gawa ni Carmina C. Villaruel

Gawain 3. Petsa ng Pagsagot: _______________

Panuto: Sumulat ng suliranin o problema na karaniwang nagaganap sa bansa,
barangay, silid-aralan, at bahay. Bilang isang lider, bigyan ng solusyon ang mga
suliraning nabanggit.
Halimbawa:
Sa Paaralan: Ingay sa klase
Solusyon: Bilang isang mapanagutang lider, lagi kong ipapaalala sa aking mga
kaklase ang mga patakaran sa paaralan at bibigyan ko sila ng mga tungkulin o dapat
gawin sa oras na wala pang guro para maiwasan ang pag-iingay.
LUGAR SULIRANIN SOLUSYON

Bansa

Barangay

Silid-aralan

Bahay

20
Ano ang pinakamahalagang bagay na dapat tandaan ng isang lider tungkol sa
paglutas ng isang suliranin?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Orihinal na gawa ni Carmina C. Villaruel

Gawain 4. Petsa ng Pagsagot: _______________

Panuto: Ang mga tagasunod ay may mahalagang papel na ginagampanan upang

maging maunlad ang lahat ng gawain ng isang grupo. Sa mga suliranin o
problemang nabanggit sa Gawain 3, anu ang papel na gagampanan ng isang
mabuting tagasunod? Isulat ang sagot sa talahanayan.

Halimbawa:
Sa Paaralan: Ingay sa klase
Gagampanang Papel: Bilang isang tagasunod, susundin ko ang mga patakarang
ipapatupad ng aming lider upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng aming
silid-aralan.
Ikaw Naman:
Sa bansa:
Gagampanang Papel:

Sa barangay:
Gagampanang Papel:

Sa silid-aralan:
Gagampanang Papel:

21
Sa bahay:
Gagampanang Papel:

Orihinal na gawa ni Carmina C. Villaruel

Learning Competency: Nahihinuha na ang pagganap ng tao sa kanyang gampanin bilang lider at tagasunod ay
nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa mapanagutang pakikipag-ugnayan sa kapwa at makabuluhang buhay sa
lipunan. (EsP8Pllh-8.3). Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapaunlad ang kakayahang maging mapanagutang
lider at tagasunod. (EsP8Pllh-8.4).

22
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SDO of Tacloban City

Real St., Barangay 54, Tacloban City (Capital), Leyte, 6500

Telephone: 053-888-5239

Email Address: lrmds.depedtacloban@gmail.com

You might also like