You are on page 1of 15

Ang Emosyon

Ang emosyon ay ang pakiramdam ng isang tao na


hindi nagagawa ng pisikal kundi ng mental at
sikolohikal na gawain na makikita sa kilos, gawa o
ugali ng isang indibidwal.
Sa pilosopiya ni Scheler (Dy, 2007) and damdamin
ang pinakamahalagang larangan ng pag-iiral ng tao.
Ang aspektong emosyonal ng tao ay hindi nababatay
sa katwiran o anupaman.

Apat na uri ng damdamin


1. Pandama (ensory feelings) tumutukoy sa limang
karamdamang pisikal o mga panlabas na pandama na
nagdudulot ng panandaliang kasiyahan o pagihirap sa
tao.
2. Kalagayan ng damdamin (feelings state) ito ay may
kinalaman sa kasalukuyang kalagayan ng tao.
3. Sikikong damdamin (physical feelings) ito ay ang
dagliang tugon ng kalooban at pagiisip tungo sa
positibong panlipunang pakikipag-ugnayan.
4. Ispiritwal na damdamin (spiritual feelings) Ayon kay
Dr. Manuel B. Dy Jr., ang mga ispiritwal na damdamin
ay nakatuon sa paghubog ng pagpapahalaga sa
kabanalan.
TALAAN NG MGA PANGUNAHING EMOSYON
NA HANGO SA AKLAT NI ESTHER ESTEBAN
(Education in Values: What, Why, and For Whom 1999,
Ph.51)
Mga pangunahing emosyon
Pagmamahal (love) Pagkamuhi (hatred)
Paghahangad (desire) Pag-iwas (aversion)
Pagkatuwa (joy) Pagdadalamhati (sorrow)
Pag-asa (hope) Kawalan ng pag-asa
Pagiging matatag (despair)
(courage) Pagkatakot (fear)
Pagkagalit (anger)
Birtud na tumutulong sa pamamahala ng Emosyon:
1. Katatagan ng loob (Fortitude)
• sapagkat ito ang nagbibigay sa tao ng kakayahan na
malampasan ang kahirapan, labanan ang tukso at
pagtagumpayan ang mga balakid tungo sa higit na
maayos na pamumuhay. Nagiging daan rin ito para
mapagkayanang labanan ng tao ang hirap at takot a
nararamdaman.
2. Matalinong paghuhusga (Prudence)
• ayon kay Sto. Tomas de Aquino, hindi lamang
tumutukoy sa kung ano ang dapat gawin ng tao sa
pagharap sa mga krisis sa buhay, kung hindi sa
kakayahang makagawa ng pasiya sa napapanahong
paraan. Halimbawa: kahit labis ang iyong
pagpapahalaga sa regalong kwintas ng iyong ina,
dahil may sakit ang iyong kapatid, kinailangan mo
itong isangla o ibenta.
3. Pagtitimpi (Temperance)
• hindi kumikilos nang pabigla-bigla o naaayon sa
nararamdaman o emosyon. Halimbawa: pag iwas sa
away
4. Katarungan (Justice)
• Pagbibigay ng nararapat sa kapwa. Halimbawa:
pakikitungo ng maayos sa kapwa
Ayon kay Fieldman (2205, ph. 346), sa pamamagitan
ng emosyon ay:
a. Nababatid ng tao ang nangyayari sa kaniyang
paligid at nabibigyan ito ng katuturan ng kaniyang
isip.
b. Nakatutukoy ang higit na angkop na kilos kung
sakaling maramdaman muli ang damdamin.
c. Nagagamit ang pakikipagkomunikasyon at
pakikipag-ugnayan sa kapwa.

Ang literasiyang pandamdamin o EQ (Emotional


Quotient) o EI (Emotional Intelligence)
Ayon kay Seeburger, F. (1997, ph.30), ito ay
tumutukoy sa dalawang bagay:
1. Kakayahang alamin at unawain ang mga sariling
emosyon
2. Matukoy at maramdaman ang damdamin na
angkop o akma lamang sa sitwasyon na
kinakaharap.
LIMANG PANGUNAHING ELEMENTO NA
NAKAPAGPAPAUNLAD NG EQ NG TAO (Goleman, D.,
1998)
1. Pagkilala sa sariling emosyon
2. Pamamahala sa sariling emosyon
3. Motibasyon
4. Pagkilala at pag-unawa sa damdamin ng iba
5. Pamamahala ng ugnayan
Ang anumang emosyon ay mahalaga. Ang
pamamahala natin ditto ay maaaring makabubuti o
makasasama sa ating pakikipagkapwa. Ngunit, sa
pamamagitan ng wastong pamamahala ng mga ito,
napauunlad natin ang ating pakikipagkapwa.
Hindi lamang ang sarili ang nagiging biktima ng
ating maling pamamahala ng ating emosyon.
Mahalagang maipahayag natin ang ating magandang
ugnayan sa ating kapwa.
Ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili, malawak at
bukas na kaisipan at kalooban, paggalang,
pagtanggap sa mga pangyayari at ang pagiging tapat
sa sinasabi ay mahalaga sa pagpapanatili ng
magandang ugnayan sa kapwa.

You might also like