You are on page 1of 6

Seksuwalidad

Tumatanda na tayo, nag-iiba na ang ating mga interes. Ang dating mga kinakahiligan
natin ay hindi na nakalilibang. Ang ating pisikal na karakter bilang mga lalaki at babae ay
tuluyang nagiging ganap. Kasabay nito napupukaw narin ang ating seksuwal na interes. Ito ay
normal na bahagi lamang ng ating mga buhay. Ang prosesong ito ay mahaba at hindi dapat na
minamadali, magpapatuloy ito hanggang sa ating pagtanda.

Sa panahon ngayon tayo ang tungkulin natin ay ang maghanda para sa tamang panahon
para sa paghahanap ng ating kapares. Matatagpuan natin ang tamang kabiyak sa tamang
panahon, ito ay kung kalian handa na tayong magmahal ng lubos at wagas.

Ang Sekswalidad ng Tao


Ang sekwalidad ng tao ay kaugnay ng pagiging ganap na babae o lalaki, hindi ka
magiging ganap na tao kung hindi ka ganap na babae o lalaki. Ito ang nagiging bukod tangi sa
atin bilang tao.

Ang unang katangian katangian na nagbubukod sa tangi sa atin simula ng tayo ay


ipinanganak, ito ay ang ating pagiging lalaki at pagiging babae. Ngunit hindi lang binabase sa
pisikal na anyo ang kasarian, ito ay nababase sa layunin na ating ginagampanan sa lipunan.
Ganito man, kailangan pa rin natin na galangin ang ating pisikal na anyo.

Ang ating pagkalalaki at pagkababae ay ang ating kaganapan bilang tao, ito ay malaya
dapat nating tinatanggap at maayos na ginagampanan. Isang moral na hamon sa bawat tao ang
pag-iisa o pagbubuo ng seksuwalidad at pagkatao upang maging ganap ang pagkababae o
pagkalalaki. Kung hindi mapag-iisa ang seksuwalidad at pagkatao habang nagdadalaga o
nagbibinata, magkakaroon ng kakulangan sa kanyang pagkatao pagdating ng tamang panahon.

Ang tao ay tinawag upang magmahal. Ito ang natatanging bokasyon ng tao bilang tao.
May dalawang daan patungo dito – ang pag-aasawa at ang buhay na walang asawa (celibacy).
‘Tao lamang ang may kakayahang magmahal, at ang tao lamang ang makapagsisilang ng
isa pang tao na gaya niya ay kaya ring magmahal. Ang kakayahang ito ang nagpapadakila sa
tao.’ (Banal na Papa Juan Paulo II)

May kaalaman at kalayan tayong mga tao pag dating sa seksuwalidad. Dahil ito sa
kakayahang nating pumili, nagmumula ito sa pagmamahal. Ayon kay Banal na si Papa Juan
Pablo II, kailangang may integrasyon ang pagmamahal upang ito’y maging katangi-tangi at
buo. Kailangang mailakip dito ang elemento ng pagmamahal na ang sex drive, kilos-loob,
pandama at emosyon, pakikipagkaibigan at kalinisang puri.

Ang Sex Drive o Libido


Ang mga isdang salmon ay aalis sa karagatan at maghahanap ng ilog. Kapag sila ay
nakarating na, sila ay magpapares-pares at magkakaroon ng maraming supling na babalik sa
dagat. Ginagawa nila ito dahil sa kanilang kalikasan (instinct) dahil nangingibabaw na ang sex
drive o katutubong simbuyong seksuwal.

Habang nagbibinata at nagdadalaga, may mga pagbabagong nangyayari sa iyong


katawan. Sa tamang panahon lilisanin mo rin ang iyong tahanan upang magkaroon ng sariling
pamilya. Nakakalito pa ang mga pagbabagong ito sa simula. Isang halimbawa ay namumula ka
kapag nginingitian ka ng crush mo, pag aalala sa susuotin at marami pa. hindi dapat ito ikahiya
sapagkat normal lamang ang mga ito at makakatulong pa upang maging ganap na lalaki o
babae. Ibang iba ang simbuyong seksuwal ng mga hayop.

Hindi maaring ikumpara ang katutubong simbuyong seksuwal (sex drive) ng hayop sa
tao. Ang instinct ng hayop ay kusa lamang o reflex mode na hindi kailangan ng kamalayan.
Kapag naramdaman na nila ito, gagawin lamang nila ang likas sa kanila. Isa lamang ang layunin
ng seksuwal na pagsasama ng mga hayop, ang pagpapanatili ng kanyiang uri. Ang
seksuwalidad ng tao ay may kalayaan at kamalayan at ito ay bunga ng pagpili, may tuon at ng
pagmamahal.
Ang seksuwal na pagnanasa ay dapat natin makontrol sapagkat ito ay magbubunga sa
pagkakulangan sa kaniyang pagkatao at mag sanhi ng abnormalidad sa kanyang katauhan. Kung
ito ay mapapamahalaan ng maayos, makakatulong ito sa kaganapan niya bilang lalaki o babae.

Pinapahalagahan ni Papa John Paulo II ang emosyon at pagdama sa pagmamahal. Sinabi


pa nga niya na dapat natin gamitin ang lakas at sigla sa seksuwalidad at emosyon para makamit
ang tunay na pagmamahal. Ang udyok o pagnanasa ng isang tao ay katotohanan na dapat
tanggapin bilang bukal na likas ng enerhiya. Ang enerhiyang ito ay gamitin lamang sa tunay at
tapat na pagmamahal.

Puppy Love
Ito ay madalas na napagkakamalang tunay na pagmamahal. Maari itong maging
punadasyon ng isang tunay na pagmamahalan sa pagdating ng tamang panahon. Kailangan
lamang ng tamang integrasyon ang nararamdamang sensuwalidad at damdamin.

Maaring ito ay bunga lamang ng sensuwalidad na pinupukaw ng iyong mga pandama at


damdamin. Kapag tayo ay nakakakilala ng isang tao na nakakaakit, natural na ang unang
pagbasehan natin ng paghusaga ay ang ating mga pandama. Maaring ang nakapukaw ng iyong
interes ay ang pisikal na anyo ng isang tao, hindi ang kanyang pagkatao. Dahil rin dito madalas
na mawala kaagad ang nararamdaman mo sa kanya, marahil napupukaw lamang ang interes mo
kapag kasama mo sya. Kaunting bagay lamang na hindi mo magustuhan ay mawawala na agad
ang interes mo. Ito ay sa kadahilanan na hindi mo pa siya lubos na kilala.

May mga pagkakataon naman na ang paghanga ay mas masidhi o “intense”. Marahil
minu-minuto sya ang iyong bukambibig, sya ang gusto mong kasama, naghihintay ka sa
kanyang mga reply, perpekto sya para sayo at walang kapintasan. Sigurado ka na sa
nararamdaman mo na siya ang mamahalin mo habang buhay. Huwag kang madismaya kung
hindi ito ang tunay na pagmamahal na pinaghahandaan mo.

Tulad nga ng nabangit na, maaaring ito ang maging pundasyon ng tunay at wagas na
pagmamahal. Kaya kung ito ay nararamdaman mo tignan mo ito sa isang positibong pananaw at
maging masaya sa ugnayang ito. Gawin mo itong inspirasyon upang mapagbuti ang sarili,
mahalaga ay nasa isip mo na ikaw ay nasa proseso pa lamang ng paghahanda para sa
pagmamahal.

Ang Paggamit sa kapwa at Pagmamahal


Sa ating mga nagdaang aralin natutunan natin na ang tao ay may kilos loob, ang kilos
loob ay may kalayaan. Kaya walang ibang taong maaring magpasya para sa atin. Ang tunay na
pagmamahal ay nagpapahalaga sa kalayaan ng minamahal. Dahil may malayang kilos-loob tayo
walang makapagdidikta sa atin kung sino ang mamahalin. Gayon din, hindi mo madidiktahan
ang sinuman na mahalin ka! Maaring maging masakit na upang makuha ang pagmamahal mo
ay lilinlangin ka ng taong itinuturing mong kaibigan. Ngunit kung tunay kang mahal dapat ang
ipapakita nya ay ang kanyang tunay na pagkatao at bibigyan ka niya ng pagkakataong
magpasiya kung mamahalin mo siya bilang siya. Dapat ay ganto kari sa iyong mga kaibigan.

Hindi dapat nating pinaglalaruan ang damdamin ng ating kapwa pagka’t ito ay ang
pagturing sa kanila bilang isang bagay at hindi bilang isang tao. Ginagamit mo lang siya
pampuno sa iyong pangangailangan. Tandaan na ang Diyos ay binigyan ka ng laya na piliin
kung Siya’y mamahalin mo o hindi.

Ang pagmamahal ay nagsisimula sa isang desisyong magmahalan. Ang mga paghangang


nararamadaman mo ay maari ngang mauwi sa pagmamahal kung pareho kayong magpapasya na
pagsikapang mahalin ang isa’t isa. May mga mahahalagang elemento isinasaalang-alang ang
tunay na pagmamahal:

1. Ang minamahal mo ay itinuturing na kapares at kapantay.


2. Iginagalang nyo ang dignidad at kalayaan ng isa’t isa.

Kalinisang Puri at Pagmamahal


Ang kalinisang puri ay ang pag-oo sa pagkatao ng isang tao. Tinitiyak nito na kailanman
ang minamahal ay hindi itinuturing na isang bagay. Sa mga mag-asawang may ganitong
pananaw, malaya at may pagtitiwala ang pagbibigay ng sarili sa isa’t isa.

Hindi nga ba sa panliligaw, “Malinis po ang hangarin ko sa kanya” ang madalas na


sinasabi. Ibigsabihin hindi lamang ang katawan ang habol ng lalaki kundi buong pagkatao. Sabi
nga ng Banal na Papa Juan Pablo II, ang taong may kalinisang puri lamang ang may
kakayahang magmahal ng tunay.

Ang Pagmamahal ay Mapagbuklod


Ang pagmamahal, ay dapat malaya na nasa taong nagmamahalan. Ito ang nagbubuklod sa
dalawang taong nagmamahalan. Hindi ito pagsukli lamang sa pagmamahal na binibigay sa atin
sapagkat pagbahagi sa iisang karanasan. Sabi nga sa wikang Ingels, ‘the feeling is mutual”
ngunit mas angkop ang “the feeling is shared”.

Ang tunay na pagmamahal ay ang paghahandog ng buong pagkatao sa minamahal. Ang


pinakamalaking palatandaan nito ay ang pagpapakasal. Mangangako kayong magmamahalan sa
hirap at ginhawa, sa sakit at kalusugan hanggang kamatayan.

Magagawa lamang ito kapag ganap na ang pagkatao mo. Kapag ikaw ay handa na at
nakahanap na ng iyong kabiyak, responsibilidad niyo ang isa’t isa. Ngayon, responsibilidad ka
pa ng iyong mga magulang. Karapatan mo ang matuto sa naging karanasan nila sa pagmamahal.

Ang Pagmamahal ay Isang Birtud


Maaring sabihin na masusukat ang pagmamahal sa tunay na damdamin. Ngunit ito ay
isang birtud at hindi isang emosyon at hindi pagpukaw lamang sa diwa at pandama.

Ang pagmamahal ay nangangailangan ng paglinang at pagkilos. Ang tunay na


pagmamahal ay masusukat sa panahon na wala na ang paghanga at kung minahal mo ba ang
pagkatao niya. Matutukoy lamang na tunay ito kapag mas napabuti ang pagmamahalan paglipas
ng panahon.
Ang tunay na pagmamahal ay mapanlikha. Narito tayo sa mundo upang magbigay-buhay
sa pagiging manlilikha ng Diyos. Ito ay dalawa, pisikal o seksuwal. Pagsilang ng sanggol o
mabuhay bilang biyaya para sa iba.

Kung ang pagmamahal natin sa kapwa ay nagbibigay-buhay, magiging makabuluhan din


ang ating buhay, tinupad din natin ang bokasyon sa pagmamahal.

Dapat tayo ay matuto na sa ating mga karanasan sa pagibig sapagkat ito ang
makakatulong sa atin upang makamit ang ganap na pagkatao. Huwag din nating kakalimutan
ang pagmamahal ay patuloy na bumubukal mula sa Diyos sa tulong ng kaniyang grasiya.

You might also like