You are on page 1of 7

GRACE MISSION COLLEGE

Catiningan, Socorro, Oriental Mindoro

Bigyan nawa kayo ng matatag na kalooban para sa lahat ng mabuting gawa at salita. 2 Tesalonica 2:17

Pangalan: _________________________________________ Petsa: ______________


Baitang at Seksiyon : ____________________________
Ikaapat na Markahan : ESP 10/ WEEK 3-4
Aralin: Isabuhay ang Katotohanan
Panimula: Magandang Araw! Ang modyul na ito ay tatalakayin kung paano mo matutukoy ang
kasinungalingan sa katotohanan, gayundin naman ang iyong batayan sa pagtuklas ng katotohanan.
Kadasan ang sabi ng matatanda,’’Tingnan mo ako sa mata kung ikaw ay nagsasabi ng
katotohanan.’’ Ibigsabihin ay hindi ka nagsisinungaling kapag ikaw ay nakatingin sa kanila. Madalas
nga ang isang taong nagsisinungaling ay hindi makatingin sa mata.
Umaasa ako na magkaroon ka ng makabuluhang pagkatuto. Kaya mo ito!
Layunin:
 Matukoy ang kalikasan at kahulugan ng katotohanan
 Mapahalagahan ang pagiging mapanuri sa pagtuklas ng katotohanan
 Makagawa ng isang malayang sanaynay na nagpapakita ng pagsasabuhay ng katotohanan
Unang Pagtataya
Subukin mong tuklasin ang katotohanan sa likod ng mga sumusunod na sitwasyon. Suriin ang
mga isyung may kaugnayan sa kawalan ng paggalang sa katotohanan. Gawing gabay ang sumusunod
na talahanayan para sa inyong talakayan.
1. May kumakalat na tsismis ukol sa iyong matalik na kaibigan. Sinasabing mayroon siyang
boyfriend na mas matanda sa kanya at siyang sumusuporta sa kanyang pag-aaral. Napili
siya bilang isa sa mga finalist sa ‘’Natatanging Mag-aaral ng Taon’’ ng iyong paaralan.
Bahagi ng pamatayan ng patimpalak ay ang pagkakaroon ng integridad at pagiging
huwaran bilang isang mag-aaral. Hindi kaila sa iyo ang katotohanan at inamin ito sa iyo ng
matalik mong kaibigan. Bilang paghahanda sa patimpalak, isa ka sa na-interview upang
magbigay ng iyong pananaw ukol sa kanyang kandidatura. Ano ang iyong sasabihin sa
mga hurado?
2. Napansin ng iyong guro na magkapareho ang iyong ipinasang gawaing bahay ng isa sa
iyong kaklase. Naalala mo na ipinabasa mo sa kanya ang iyong reaction paper bago mo ito
naipasa. Pinatawag ka ng iyong guro at ipinapaliwanag kung bakit magkapareho ang
inyong ginawa. Kilala ang iyong kaklase na madalas mangopya ng gawain ng iba.
Nagbanta rin siya sa iyo na sasaktan ka kapag sinabi mo ang totoo. Ano ang iyong
sasabihin?
3. Isinauli ng iyong guro ang inyong papel para sa Mahabang Pagsusulit. Nakita mo na
dinagdagan ng iyong katabo ang kanyang sagot sa blanking bahagi ng kanyang papel.
Nagreklamo ito sa guro at sinabi na kulang ang naitalang iskor niya. Isang iskor na lamang
at papasa na ang iyong kaklase sa pagsusulit. Ano ang iyong gagawin?

ALAMIN
Kahulugan at Kalikasan ng Katotohanan
Sumasalamain ang katotohanan sa lahat ng bagay na tumutugon sa realidad ng buhay.
Masasabing ang katotohanan ay nagpaparamdam sa ating konsiyensya dahil nakaukit ito sa ating
kalikasan bilang tao. May kakayahan ang tao na matuklasan ang katotohanan sa bisa ng kanyang mga
birtud at kakayahan gaya ng isip, kilos-loob at mga pandama. Sa tulong ng kalikasan ng tao maaari
niyang tuklasin, maunawaan at maisabuhay ang katotohanan. Tumutukoy din ang katotohanan sa
GRACE MISSION COLLEGE
Catiningan, Socorro, Oriental Mindoro

pagkakaroon ng tunay, mapapagkatiwalaan at tamang pagkaunawa sa mga bagay-bagay at pangyayari


sa buhay ng tao.
Ang Likas Batas Moral Bilang Batayan ng Katotohanan
Batas sa pagsusuri ni Zekuren(2013) masasabing ang Likas Batas Moral ang matibay na
batayan ng katotohanan. Dahil ang Likas Batas Moral ay nakaugat sa kalikasan ng tao at plano ng
sandaigdigan hindi ito kailanman man magbabago(sa kahulugan na mababawasan) at maiitatwa ng
sinuman. Ang Likas Batas Moral ay nilikha at dinisenyo ng isang Makapangyarihang Diyos batas sa
Kanyang katotohanan at hindi ng tao.
Mga Katangian ng Katotohanan
Sa pagsusuri ng katotohanan, may ilang mahahalagang katangian na maaaring pagbantayan.
Ang mga katangiang ito ay matatag at matibay na batayan sa pagtuklas at pagsusuri ng katotohanan.
Anuman ang sitwasyon at mga pangyayari, maaaring gawing gabay at batayan ang mga ito laban sa
mga salik o pwersa na maaaring makaimpluwensya sa pag-unawa at pagsasabuhay ng katotohana.
Kadalasan walang kapayapaan ang taong mabubuhay sa kasinungalingan. Laging mayroon siyang
takot at pangampa sa anupang maaaring matuklasan sa iba sa kanya. Sa kabaligtara, ang taong
nagsasabuhay sa katotohanan ay mayroong tunay na kaligayahan dahil sa malaya at wala siyang
pananagutan.
 Ang katotohanan ay maaaring matuklasan hindi maaaring imbentuhin. Dahil dito ay maaari
siyang maunawaan ng tao sa tulong ng kanyang talino at mga kakayahan gaya ng kaisipan,
pandama, emosyon at iba pa. Nadarama rin ang katotohanan sa puso at konsiyensiya ng bawat
tao. Ang katotohanan ay masasalamin din sa rebelasyon ng Diyos sa pamamagitan ng
pagkalalang sa sanlinbutan at konsiyensiya ng tao. Sa tulong ng meditasyon at pagdarasal,
maaaring mangusap at matuklasan ang katotohanan. Makakatulong din ang pilosopiya at
siyensiya sa pamamagitan ng tama at lohikong pangangatwiran upang matuklasan at
maipaliwanag ang katotohanan.
 Ang katotohanan ay transcultural at unibersal . Ang katotohanan ay tama at maaaring ilapat sa
lahat ng tao at kultura. Ito ay dahil sa ang tao at buong sanlibutan ay nilkha ng isang
Tagapaglalang na Siyang naghahari sa lahat ng nilikha. Kung kaya ang Kanyang Katotohanan at
Kapangyarihan ay para sa lahat.
 Ang katotohanan ay hindi nagbabago at walang hanggan. Ang katotohanan kailan man ay hindi
magbabago (sa kahulugan na nababawasan). Anuman ang totoo 2 milyong taon ang nakaraan
siya pa rin ang katotohanan hanggang sa ngayon. Maaaring magbago kung paaano ito ilalapat ng
tao ngunit ang katotohanan ay siya pa ring makapangyayari kahit tutulan o sang-ayunan man ito
ng tao. Dahil sa ang karakter ng Diyos ay hindi nagbabago , gayundin ang Kanyang mga batas.
Maaaring magbago kung ito ay ilalapat ng tao ngunit ang katotohanan ay siya pa ring
makapangyayari kahit tutulan o sang-ayunan man ito ng tao. Dahil sa ang karakter ng Diyos ay
hindi nagbabago, gayundin ang Kanyang mga batas. Maaaring magbago ang interpretasyon ng
katotohanan dahil na rin sa personal na pag-kaunawa ng tao. Ngunit ang katotohanan ay
mananatili anuman ang maging pagka-unawa ng tao dahil naroon na ang katotohanan bago pa
man nilalang ang tao. Masakit man tanggapin ang katotohanan, mas mainam na mabuhay dito
kaysa manatili sa kasinungalingan.
 Ang katotohanan ay tiyak (precise) at obhektibo. Nangangahulugan ito na ang katotohanan
batay sa Likas Batas Moral ay absolute at may matatag na sandigan. Ang katotohanan ng
anumang pangyayari ay nasa simula hanggang wakas ng pangyayaring ito. Nasa katotohanan ang
tunay na kalayaan ng 0tao tanggapin man ng tao o hindi. Sa pagsasabuhay ng katotohanan,
magkakaroon ng ganap na kaligayahan at kapayapaan ang tao. Pinagbubuklod ng katotohanan
ang bawat tao gayundin ang Diyos.
GRACE MISSION COLLEGE
Catiningan, Socorro, Oriental Mindoro

 Ang katotohanan ay komprehensibo kompleto at buo. Tumutukoy ito sa lawak, lalim at


pagkakaugnay-ugnay ng katotohanan. Magkakatugma bawat bahagi nito. Ang katotohanan ay
may kabuuan at hindi hiwa-hiwalay. Kung kaya madaling malaman kung ang isang tao ay
nagsisinungaling o nagsasabi ng totoo. Ang lahat ng aspekto nito kapag pinagsama-sama ay
magkakaugnay sa bawat isa para sa kabuuan at kaganapan ng lahat.
Mga Hakbangin sa Pag-unawa at Pagsasabuhay ng Katotohanan
Ang pagpapatibay ng pag-unawa at pagsasabuhay ng katotohanan ay isang malaking hamon
para sa lahat. Dahil sa napakaraming impormasyon at pagsulong ng teknolohiya, dumarami at
pagsulong ng teknolohiya, dumarami ang mga gawaing taliwas at nagpapakita ng kawalan ng
paggalang sa katotohanan. Kadalasan madaling nahuhbog ng media at iba pa ang kaisipan ng tao
kung ano ang tama at mali. Dahil dito, mahalaga na mapalalim at mapatalas ng sinuman ang pang-
unawa sa katotohanan bago ito maipamuhay. Narito ang ilang mga gabay upang mapalalim pa ang
isip at mahubog ang kilos-loob sa pagsasabuhay ng katotohanan.
1. Kilalanin at maging mulat sa mga isyung may kaugnayan sa kawalan ng paggalang sa
katotohanan.
Sa pagususri ng mga isyu gaya ng pandaraya, panlilinlang at talamak na pagsisinungalin,
kilatising mabuti ang lahat ng anggulo ng isyu. Nangangahulugan ito na patalasin ang mga
pandama at gamitin nang mabuti at isip. Sa ganitong proseso maaaring gumamit ng iba’t ibang
proseso ang mapanuring pag-iisip sa mga sitwasyon gaya ng mga sumusunod:
 Ano ang mga impormasyong mayroon at alin ang nawawalang datos? Kapag nagsisinungaling
ang isang tao, kadalasan maaari niya itong dagdagan o kaya ay bawasan. Tandaan na layunin
ng pagsisinungaling o anumang tsismis ang manira ng ibang tao at iligtas ang kanilang mga
sarili.
 Ano ang iyong pakiramdam, pakiwari, at emosyon sa mga sitwasyon? Maaaring mabulag ang
tao at madala ng kanyang emosyon. May mga pagkakataon din minsan ay may pakiramdam
ka na mayroong mali sa mga sitwasyon. Hayaan mong maramdaman ang ganitong damdamin
gaya ng gut feelings.
 Ano ang maaaring maging sagabal at di magandang mangyayari kung kikilos ng agaran at
nagmamadali? Kumilos ng marahan at tiyaking pinag-isipang mabuti. Suriin ang mga
potensyal na bunga (mabuti o masama) ng gagawin.
 Ano ang mga alternatibo at maaari pang gawin? Maging malikhain sa paghahanay ang mga
solusyon at panukala.
 Ano ang maaari pang gawin pagkatapos ng pagsusuri at pagpapatalas ng kaisipan at pagsusuri
ng mga damdamin?
 Ano ang mabuting kahihinatnan ng sitwasyon o isyu? Ano ang mabuting maiidulot nito sa
mga nasasangkot?
2. Ugaliing maglaan ng sapat na oras at panahon upang tuklasin ang katotohanan.
Napapaloob sa prosesong ito ang pagbabasa at pananaliksik ng mga datos at impormasyon.
Iwasang maniwala agad sa sabi-sabi o anumang propaganda. Suriin hindi lamang ang pabalat
kundi maging ang katotohanan ng mga pangyayari o sitwasyon. Kadalasan, madali tayong
maniwala sa mga maling pagbibintang at panghuhusga sa tao. Ito ay maaring magbunga ng
maling bansag, pinsala o pagkiling. Tandaan na sa kabila ng manipulasyon at anumang
kasinungalingan, lalabas din ang katotohanan.
3. Paghiwalayin ang kasinungalingan sa katotohanan.
Matapos mong makilala at suriin ang mga mahahalagang impormasyon, suriin kung ano ang
haka-haka, ang kasinungalingan sa tama. Gamitin ang talino at kritikal na pag-iisip upang
GRACE MISSION COLLEGE
Catiningan, Socorro, Oriental Mindoro

matuklasan ang tama at mali. Ilapat din ang mga pamantayan at batayan ng katotohanan upang
matiyak ang katotohanan sa kasinungalingan.
4. Sumanggini sa iba’t ibang tao upang maliwanagan sa katotohanan. Dahil sa ang pag-unawa ng
tao ay maaaring limitado ayon na rin sa personal na balakid at interpretasyon, mainam na laging
sumangguni sa mga awtoridad na maaaring makapagbigay ng mas malalim na pag-unawa sa
sitwasyon o pangyayari.
5. Isaalang-alang ang lahat ng posibleng hakbangin at aksyon na maaaring maisagawa batay sa
ginawang pagsusuri at pagsasangguni sa iba.
Kasama sa prosesong ito ang pagtatala ng mga aksyon at paglalapat ng batayan ng katotohanan.
Nangangailangan ang aspetong ito ng pagbubukas ng kaisipan at pagsasantabi ng damdamin sa
anumang gagawing pagpapasya lalung lalo na kung kaugnay ito ng mga personal na salik gaya
ng pamilya, kaibigan at iba pa.
6. Magpasya tungo sa pinakamabuti o mainam na hakbangin o aksyon.
Mula sa maingat na pagsusuri ng mga hakbangin at potensiyal na kalalabasan, gumawa ng
paninindigan para sa katotohanan. Kasama din dito ang pagkakaroon ng tapang at lakas ng loob
upang isabuhay ang katotohanan. Kabilang sa maaaring maisagawa upang maipakita ang
paninindigan sa katotohanan ay ang pagsasabi ng totoo para sa kabutihan, pag-iwas sa
pangongopya sa anumang uri nito (plagiarism, intellectual piracy) at iba pa. Isa na maaaring
gawin ay kausapin ang taong nasasangkot. Sabihin sa kanyan ang hakbangin upang magkaroon
siya ng sariling paninindigan na umamin sa kanyang pagsisinungaling. Maaaring sabihin sa tao
na ‘’Napansin ko na may ginawa kang pagsisinungaling at hindi ako komportable na ilihim ito at
maging bahagi nito. Binabagabag ako ng aking konsiyensya. Binibigyan kita ng pagkakataon na
sabihin ang katotohanan bago ko sabihin ito sa kinauukulan.’’ Kaakibat din dito ang paghingi ng
paumanhin sa mga nasangkot at pagkilos batay sa tamang konsiyensya gaya ng pagbibitiw sa
tungkulin o pagtatama sa mali.

GAWAIN

A. Ipakita ang iyong pagkaunawa sa mga konseptong tinatalakay sa pamamagitan ng pagsagot sa


mga sumusunod na tanong:
1. Bakit kailangan ng pag-unawa at pagsasabuhay ng katotohanan?
2. Ano-ano ang mga katangian at matibay na batayan ng katotohanan?
3. Ano-ano ang mga hakbangin at istratehiya upang mapalalim ang pag-unawa at
pagsasabuhay ng katotohanan?
B. Suriin ang sumusunod na isyu na may kaugnayan sa pagsasabuhay ng katotohanan. Sa tulong
ng mga batayan na naunang nailahad na, ilapat ang mga ito sa mga sitwasyon.
Sitwasyon: Nabasa mo ang pahayagan ng iyong paaralan at nakita mong may sinulat ng iyong
kaibigan na sanaysay dito. Alam mong hindi ito orihinal at halos kinopya ang kabuuan ng
nilalaman sa isang award winning na pahayagan ng ibang paaralan. Bilang kaibigan, tinawag
mo ang kanyang pansin tungkol sa iyong natuklasan. Nakiusap siya na huwag mo nang
parating ito sa kinauukulan o kahit kanino. Ano ang iyong gagawin?
C. Pagnilayan ang pangunahing pag-unawa sa ibaba at sagutin ang kasunod na tanong?

Ang paninindigan at pagsasabuhay ng katotohanan ay isang hamon tungo sa kaganapan ng tao.


Mahalaga na maging mulat ang bawat isa na masuri ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang
sa katotohanan. Ang pagiging mulat at pagkakaroon ng paninindigan sa mga isyung tungkol sa kawalan
ng paggalang sa katotohanan ay isang daan upang maisabuhay at maisulong ang pagiging
mapanagutan at tapat na nilalang.

Bakit mahalaga ang pag-unawa at pagsasabuhay ng katotohanan?


GRACE MISSION COLLEGE
Catiningan, Socorro, Oriental Mindoro

D. Ipaliwanag at iugnay ang pahayag sa pagpapatibay ng paninindigan ukol sa pagsasabuhay ng


katotohanan.

‘’Natutuklasan ang katotohanan hindi lamang ng katwiran kundi maging ng puso ng sinuman.’’

-Blaise Pascal

Panapos na Pagtataya
A. Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Tayain kung tama o mali ang mga ito at ipaliwanag
kung bakit tama o mali ang mga pahayag.

Tama Mali
1. Ang lahat ng bagay sa mundo ay may simula at wakas.
Paliwanag:

2. Ang tao ay may natatanging talino at kalooban, dahil dito nasa pansariling
interpretasyon ng tao ang katotohanan.
Paliwanag:

3. Ang mga bagay sa mundo ay bunga lamang ng ebolusyon ng enerhiya at


interaksyon ng mga pagkakataon.
Paliwanag:

4. Nilikha ng Diyos ang sanlibutan batay sa Likas na Batas Moral. May


kakayahan ang tao na maunawaan at maisabuhay ang katotohanan.
Paliwanag:
5. Ang paggalang at pagsasabuhay ng katotohanan ay daan upang
mapagbuklod ang tao sa kanyang kapwa at tagapaglalang.
Paliwanag:

B. Kumpletuhin ang mga pahayag sa ibaba.


1. Ang matibay na batayan ng katotohanan ay ___________________________________.
Magbubunga ang pagsasabuhay ng katotohanan ng ________________________________.
2. Mapagtitibay ko pa ang aking pagsasabuhay sa katotohanan sa tulong ng
__________________________________________________________________________.
Ang maaaring makahadlang sa akin upang maisabuhay ang katotohanan ay ang
__________________________________________________________________________.
3. Mapasuri ko ang mga isyung may kaugnayan sa kawalan ng paggalang sa katotohanan sa
pamamagitan ng _____________________________________________________________.
GRACE MISSION COLLEGE
Catiningan, Socorro, Oriental Mindoro

Performance Task
Ang inyong barangay ay magkakaroon ng isang programa sa darating na Sabado, na may
temang ‘’Pagsasabuhay ng Katotohanan’’layunin nito na mapatibay ang pagpapasya at paninindigan
ukol sa mga isyung kinahaharap. Ikaw ay isang magaling na manunulat, naatasan ka na magsulat ng
isang malayang sanaysay , na naglalaman ng iyong personal hakbangin o pagsasabuhay ng
katotohanan. Ang iyong gawa ay mamarkahan base sa rubrics na sumusunod.

Pamantayan 25 15-20 5
Nilalaman Lubos na naipapakita Naipapakita ang Lubos na
ang paksang paksang naipapakita ang
pagsasabuhay sa pagsasabuhay sa paksang
katotohanan katotohanan pagsasabuhay sa
katotohanan
Kalinisan at kaayusan May kawastuhan at Wasto at malinis Hindi wasto at
malinis na pagkasulat na pagkasulat malinis ang
pagkasulat
Paggamit ng mga salita Naiipakita ang tamang Tamang paggamit Hindi tama ang
paggamit ng salita ng salita paggamit ng salita

1. Bakit kailangang ng mayroong paninindigan sa pagpapasya higit sa pagtukoy ng katotohanan?


2. Sa iyong palagay bakit may mga pagkakataong nagbubulag bulagan ang tao sa isang
katotohanan?

Sanggunian: Pagpapakatao (271-277) Author: Twila G. Punsalan, Camila C. Gonzales, Myra Villa D. Nicolas, Nonita
C. Marta

Ma’am Jessa/ 09487199967


Fb Account/ Jessa Myreen Tome

Prepare by: Checked by:

JESSA MYREEN N. TOME BABYLYN M. MENDOZA


GRACE MISSION COLLEGE
Catiningan, Socorro, Oriental Mindoro

You might also like