You are on page 1of 15

7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 7: Ang Dignidad
ng Tao

1
Subukin

PANUTO: Unawaing mabuti ang mga tanong at piliin ang


pinakaangkop na sagot. Isulat ang titik ng napiling sagot
sa isang malinis na papel.

1. Sa iyong palagay bakit ginawa ng Diyos na hindi


magkakapantay ang lahat ng tao sa mundo?
a. upang matuto tayong magpaubaya at maging
mapagkumbaba.
b. upang maunawaan ng tao ang halaga ng talento at
kakayahan na ibinigay ng Diyos.
c. upang maturuan tayong magsikap at makilala
natin ang pagkakaiba-iba ng tao sa lipunan.
d. upang malaman ng tao na kailangan niya ang
tulong ng ibang tao.
2. Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?
a. sa lipunan at sa pagtingin ng Diyos
b. sa kanyang pamilya
c. Sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan
d. Sa huling yugto ng kanilang buhay sa mundo
3. Ang sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa
kanyang dignidad maliban sa:
a. Igalang ang sarili at ang kapwa taao
b. Alalahanin ang kapakanan ng kapwa.
c. Maging pantay ang pagtingin sa lahat ng tao sa
lahat ng pagkakataon
d. Makisama nang maayos sa kapwa.

2
4. Paano malalaman ang pagpapahalaga sa dignidad ng
isang tao?
a. Bigyang pagpapahalaga ang buhay ng iyong
kapwa.
b. Ibigay ang tiwala sa iyong kapwa.
c. Maging tapat sa lahat ng ginagawa
d. Maglaan ng oras upang ipadama ang pagmamahal
at pagpapahalaga sa kapwa
5. Alin sa mga sumusunod ang hindi na nagpapakita ng
paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa?
a. Isang mayamang pulitiko na nagbigay ng malaking
halaga bilang puhunan ng isang matandang
tindera sa bangketa.
b. Isang bata na nakahandang mamalimos upang
ibigay sa pulubi ang napaglimusan.
c. Isang politikong ginagamit ang pondo ng
pamahalaan sa pagtulong.
d. Isang taong marunong umunawa sa damdamin ng
kapwa.
6. Responsibilidad ng lipunan na maiangat ang dignidad ng
lahat ng tao dahil sa lipunan ito nagsisimula. Ang
pangungusap ay:
a. Tama, dahil nakasaad sa saligang batas ang
paggalang sa pagkakapantaypantay ng lahat ng
tao sa lipunan.
b. Tama, dahil ang tunay na diwa ng pagiging isang
bansa ay nasa dignidad ng lahat ng tao.
c. Mali, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng
tao.
d. Mali, dahil kailangang igalang ng mamamayan

3
7. Sa papaanong paraan nawawala ang dignidad ng isang
tao?
a. Kapag siya ay gumawa ng mali
b. Sa nilabag niya ang karapatang pantao
c. Sa oras minaliit niya ang pagkatao ng kanyang
kapwa
d. Wala sa nabanggit
8. Paraan upang maitaas ang antas ng dignidad ng tao?
a. Kumilos nang maayos
b. Panatilihin ang paggawa ng kabutihan sa iyong
kapwa upang laging makuha ang paggalang ng
kapwa.
c. Palaging iangkop ang sarili sa lipunang
ginagalawan.
d. Isabuhay ang pagpapahalaga sa pagkatao ng iyong
kapwa.
9. Ano ang mahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng
dignidad sa tao?
a. Magiging malaya ang tao na ipakita ang kanyang
sarili.
b. Pagiging mapagmalaki sa ibang tao.
c. Magagawa niya ang lahat ng kanyang gusto ng
walang pag-aalinlangan.
d. Ang lahat ng tao ay nagkakaroon ng karapatan na
umunlad na hindi nakasasakit o nakagagawa ng
masama sa kapwa.
10. Paano mo matutulungan ang isang pulubi na
maiangat ang kanyang dignidad bilang tao?
a. sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain at
salapi araw-araw.
b. tumulong sa paghahanap sa kanyang pamilya
upang may mag-alaga sa kanya.
4
c. humanap ng isang tao na maaaring kumupkop sa
kanya.
d. kausapin siya araw-araw upang maitaas ang
respeto sa kanyang sarili.
11. Ang golden rule ay nagmula kay
a. Confucius
b. Tiu
c. Lao
d. Chu
12. Ano ang ibig ipahayag ng golden rule?
a. ang ayaw mong gawin sa iyo ay huwag mong gawin
sa kapwa mo.
b. kapag binato ka ng tinapay, batuhin mo rin ng
tinapay.
c. gawan mo lagi ng masama ang iyong kapwa.
d. wala sa nabanggit .
13. “Mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng
pagmamahal mo sa iyong sarili.”
Ano ang ipinahahayag nito
a. ito ay pagpapakita ng pagkilala ng dignidad ng tao.
b. magmahalan lahat ng tao.
c. huwag siraan ang kapwa.
d. lahat ng nabanggit
14. Ang salitang Dignidad ay nag mula sa salitang Latin
na
a. dignitas
b. digna
c. satin
d. dionus

5
15. Ang dignidad ay nagpapakita ng pag-unlad ng isang
tao.
a. tama
b. mali
c. siguro
d. wala sa nabanggit.

Aralin
Ang Dignidad ng Tao
1

Balikan

Panuto: Sumulat ng salita na maaaring maiugnay sa


salitang naka kahon.

KALAYAAN

6
Tuklasin

Magsulat ng limang bagay o katangian ng tao na sa iyong


palagay ay nakadaragdag ng halaga ng isang tao.

Halimbawa:

1. pagkakaroon ng kayamanan

suriin

Katulad ng mga naunang talakayan, ginawa ng Diyos


ang tao ayon sa Kaniyang wangis. Kahit ano pa man tayo
ay mahalaga tayo sa paningin ng Diyos, ngunit paano nga
ba natin maipakikita na tayo ay nagpapahalaga sa
ibinigay na buhay sa atin ng Diyos. Halina’t alamin natin
at talakayin.

7
Ang dignidad ay nangangahulugang pagiging karapat-
dapat ng tao sa pag- galang at pagpapahalaga mula sa
ibang tao, maging ano pa man ang kanyang kulay,
itsura, lahi o katayuan sa buhay. Ang salitang dignidad
ay nagmula sa salitang Latin na dignitas, mula sa
salitang dignus, na nangangahulugang “karapat-dapat”.
Ito ang dahilan kung bakit kailangan nating ituring ang
bawat isa ng may paggalang. Ayon sa golden rule ni
Confucius, “huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong
gawin ng iba sa iyo”. Kinikilala nito ang paggalang ng
bawat isa. Ngunit marahil tinatanong mo ang iyong sarili
kung bakit may mayaman, may maganda, may kulang sa
talento? Hindi ibinigay sa tao ang lahat ng kaniyang
pangangailangan upang pagsumikapan na magkaroon ng
sariling pag-unlad sa buhay. Kasama ito sa plano ng
Diyos, upang kailanganin natin ang ating kapwa.
Inaasahan ng Diyos na ang mga taong nakatanggap ng
mga natatanging talento sa pagkakaroon ng buhay ay
kanilang ibabahagi sa kapwa. Sa ganitong paraan
makikita ang pagiging mabuti at mapagbigay.
Dahil sa dignidad, nagkakaroon tayo ng karapatang
umunlad ng walang tinatapakan o nasasaktan na ibang
tao. Nangingibabaw ang pakikipagkapwa-tao at
paggalang sa iba.

Pagyamanin

Panuto: Bilang isang kabataan na nagpapahalaga sa


iyong dignidad at gumagalang sa dignidad ng kapwa,
magbigay ng tig-dalawang pangungusap kung paano
8
makatutulong na mapataas ang pagkilala sa digdinad ng
mga taong nawawalan ng pag-asa na ipinakikita ng mga
larawan sa ibaba.

Halimbawa: Palalakasin ko ang kaniyang loob

1. ___________________________________________

2. ___________________________________________

1. ___________________________________________

2. ___________________________________________

9
1. ____________________________________________

2. ____________________________________________

Isaisip

Mabuti na ang bawat tao ay magkaroon ng pagsusuri sa


kanyang sarili upang mapagtanto niya kung papaano niya
mapauunlad ang kanyang pagkatao. Mahalagang
mapanatili ng tao ang kanyang dignidad bilang paggalang
sa pagiging nilikha ng Diyos ayon sa wangis Niya. Ang
taong may dignidad ay magiging kagalang-galang sa
paningin ng ibang tao lalo’t higit sa kanyang sarili. Ikaw
bilang isang kabataan, paano mo mapananatili ang iyong
dignidad? Ano ang mga bagay o gawain na makapag-aalis
sa iyo nito? Gumawa ng isang paninindigan ukol dito.
Ilagay ang iyong sagot sa malinis na papel gamit ang
pormat na ito.

10
Bilang isang kabataan, upang mapanatili at
mapaunlad ko ang aking dignidad at maigalang
ang dignidad ng aking kapwa ako ay…….

Isagawa

Pangatuwiranan. Nararapat ba na ilagak sa Home


for the Aged ang isang magulang na matanda na dahil
walang kaanak na maaaring mag-asikaso at magalaga sa
kanya habang ang kaniyang mga anak ay abala sa
trabaho. Nawawala ba ang dignidad ng isang tao kapag
siya ay matanda na at wala nang kakayahang alagaan
ang kaniyang sarili? Magsulat ng talata na binubuo ng
sampung pangungusap.
_______________________________________________________
________________________________________________________
_______________________________________________________

11
Tayahin

Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at M kung ito ay


mali.

1. Ang dignidad ay nagmula sa salitang Latin na


dignitas.
2. Ang golden rule ay “huwag mong gawin sa iba ang
ayaw mong gawin ng iba sa iyo.”
3. Gumawa ng mabuti sa iyong kapwa.
4. Ang lahat ng tao ay nagkakaroon ng pagkakataon na
umunlad sa paraang hindi siya nakakagawa ng
masama sa kanyang kapwa.
5. Isabuhay ang pagpapahalaga hindi kung sa anong
kayamanan mayroon ang isang tao.
6. Humanap ng institusyon upang may tumulong sa
iyong kapwa.
7. Piliin ang mga taong tutulungan.
8. Tapakan ang mga taong mahirap.
9. Makisalamuha lamang sa mga taong alam mong
matutulungan ka.
10. Laging isipin na naka-aangat na sa iyo ang isang
tao.
11. Matuto tayong maging mapagkumbaba at
mapagpaubaya.
12. Malaman natin na may mga pagkakaiba-iba ang
isang tao.
13. Igalang ang buhay ng ibang tao.
14. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa.

12
15. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao.

Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng isang islogan na nagpapakita ng


pagpapahalaga sa dignidad ng tao. Isulat ito sa iyong
sagutang papel.

Halimbawa: “ Kung dignidad ay pinahahalagahan mo,


anoman ang katayuan mo sa mundo, lalakad kang
nakataas ang iyong noo”.

13
Susi sa Pagwawasto

14

You might also like