You are on page 1of 5

GEN. RICARDO G. PAPA SR.

, MEMORIAL HIGH SCHOOL – MAIN


DANES CAMPUS, USUSAN TAGUIG CITY

1st SUMMATIVE TEST


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

PANGALAN: ________________________________________________________________ BAITANG/SEKSYON:


______________________
I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang mga sagot sa kuwaderno.

1. Alin sa mga sumusunod ang nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasya at pagkilos?


a. Batas. b. Mga pagtuturo ng magulang tungkol sa tama o mali
c. Konsensiyang nahubog sa Batas-Moral. d. Mga batas ng mga may awtoridad

2. Alin sa mga sumusunod ang sinusuri ng konsensiya?


a. Puso b. Ang mga maling nagawa ng tao
c. Pamumuhay ng isang tao. d. Kung ang kilos ay tama o mali

3. Bakit mahalagang makilala ng tao ang katotohanan sa kahalagahan ng paghubog sa konsensiya?


a. Upang magamit nang mapanagutan ang kaniyang Kalayaan b. Upang makaiwas sa paggawa ng kasalanan
c. Upang alam ang gagawin sa mga susunod na araw d. Upang magkaroon ng maayos na
pamumuhay

4. Bakit mahalagang simulan mula bata ang paghubog ng konsensiya?


a. Mahalaga ito upang makaiwas sa gulo.
b. Mahalaga ito upang makaiwas sa maling paghusga sa mabuti o masama sa hinaharap.
c. Mahalaga ito upang ang gagawin ng bata sa hinaharap ay pawang kabutihan
d. Mahalaga ito upang masanay siya sa tamang pamumuhay.

5. Ang mga sumusunod ay mga paraan upang maipakita ang pananagutan sa kilos maliban sa isa.
a. Alamin at unawain ang mga talakayan tungkol sa isyung moral
b. Kilalanin ang mga tunay na pagpapahalagang moral na sangkot sa isang kilos
c. Iwasan ang mga usapin tungkol sa isyung moral na may kinalaman sa kilos.
d. Suriin ang mga sariling hangarin.

6. Bakit kailangan nating maglaan ng panahon para sa regular na pananalangin?


a.dahil sa pamamagitan nito nahuhubog ang ating konsensiya c. dahil nakasanayan na nating manalangin
b.dahil ito ay nakasaad sa likas na batas moral d. dahil ito ang turo sa atin ng diyos

7. Saan nagmula ang ating kakayahang maunawaan at piliin ang mabuti patungo sa mabuting pagkilos?
A. Nagmula ito sa mga itinuro sa atin ng ating mga magulang C. Nagmula sa ipinamana ng magulang
B. Nagmula sa konsensiyang nahubog nang mahusay D. Nagmula sa mga natututunan sa paaralan

8. Kailan natin masasabi na hinuhubog natin ang ating konsensiya?


A. Kapag kumikilos tayo nang may pananagutan C. Kapag kumikilos tayo ayon sa kagustuhan natin
B. Kapag kumikilos tayo ayon sa utos ng may likha D. Kapag kumikilos tayo na walang nasasaktan

9. Alin sa mga sumusunod ang hakbang na makatutulong upang ang konsensiya ng tao ay kumiling sa mabuti?
A. Iwasan ang mga pagkakamaling nagawa
C. Unawain at pagnilayan ang mga karanasan na hamon ng buhay
B. Talikuran ang mga pagkakamali
D. Humingi ng tulong sa tamang tao kapag kinakailangan
10 .Alin sa mga sumusunod ang pamantayang ginagamit ng tao upang suriin ang iniisip, salita at gawa?
A. Puso B. Likas na Batas Moral
C. Konsensiya D. Kilos-loob

11. “Ang Tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na Kaniyang obra maestro.” Ano ang nais iparating ng
kasabihan?
A. Ang tao’y may katangiang tulad ng katangiang taglay Niya.
C. Kapareho ng tao ang Diyos.
B. Kamukha ng tao ang Diyos.
D. Ang tao ay inilikha ayon sa pisikal na katangian ng Diyos.

12. Ano ang pangunahing gamit ng kilos-loob?


A. Ito ang pagpili at kilalanin ang pagkakaiba ng nararamdaman o emosyon, paghuhusga at pagpapasiya.
B. Ito may kakayahang magnilay o magmuni-muni kaya’t nauunawaan nito ang kaniyang nauunawaan.
C. Ito ang kakayahang kumuha ng buod ng esensiya sa mga partikular na mga bagay.
D. Ang tunguhin ng isip ay katotohanan at kakayahang magnilay.

13. Sa pamamagitan nito ay may kaalaman ang tao sa kung ano ang mabuti sa masama.
A. isip B. kilos-loob C. pagkatao D. damdamin

14. Sa pamamagitan ng _____, ang tao ay nakapagpapasiya at isakatuparan ang pinili.


A. isip B. kilos-loob C. pagkatao D. damdamin

15. Ang ___________ ng tao ay bunga ng nahubog na isip at kilos-loob na batay sa katotohanan sapagkat ang katotohanan ay
inaalam sa tulong ng pag-iisip at akmang kilos-loob.
A. isip B. kilos-loob C. emosyon D. karunungan

16. Para maiangat ang dignidad ng lahat ng tao, dapat tumulong ang lipunan dahil dito nagsisimula. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil itinatadhana ng saligang batas ang paggalang sa pagkakapantay-pantay nglahat ng tao.
B. Tama, dahil ang tunay na diwa ng pagiging isang bansa ay nasa pagkikilala sa karapatan at dignidad ng lahat ng tao.
C. Mali, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao
D. Mali, dahil kailangang igalang ng mamamayan ang katayuan ng mga tao na mas mataas ang katungkulan sa
pamahalaan.

17. Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?


A .Kapag siya ay naging masamang tao. C. Sa oras na niyapakan ng kapwa ang kanyang pagkatao
B. Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao. D. Wala sa nabanggit

18. Paano mapananatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?


A. Kumilos bilang kagalang-galang na indibidwal.
B. Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapwa upang laging makuha ang paggalang ng kapwa.
C. Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang maging karapat-dapat sa kanilang pagkilala
D. Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian maayroon kundi sa karangalan bilang tao.

19. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng dignidad ng tao?


A. Magiging malaya ang tao na ipakita ang kanyang totoong sarili.
B. Mapananatili ang damdamin ng pagmamalaki sa lahat ng tao.
C. Masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng kanyang nais nang walang pag-aalinlangan.
D. Ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi makasasakit o makakasama sa ibang tao.
20. Paano mo matutulungan ang isang pulubi na maiangat ang kanyang dignidad bilang tao?
A. Palagi siyang bigyan ng pagkain at pera sa araw-araw.
B. Tulungan siyang hanapin ang kanyang pamilya upang may magaruga sa kanya.
C. Humanap ng isang instituyon na maaaring kumalinga sa kanya at mabigyan siya ng disenteng buhay.
D. Lapitan siya at kausapin sa araw-araw upang maitaas ang kanyang konsepto sa kanyang sarili.

21. Alin sa aytem sa ibaba ang hindi naaangkop na gawain sa pagtugon ng tunay na kalayaan?
A. Kusang-loob B. makasarili C. pagmamahal D. responsibilidad

22. Bilang mag-aaral, ano ang kailangang mong gawin upang makamit ang tunay na kalayaan?
A. Magpasa ng batas sa kongreso.
B. Manahimik at maglathala ng mga storya ng naging biktima ng pang aapi sa social media.
C. Gumawa ng plakard at magwelga sa kalsada o sa labas ng gate ng paaralan.
D. Makipag-usap sa kaukulang tao at magbigay ng suhestiyon o panukala tungkol sa isyo.

23. Lahat na naibigay ay mabuting dulot ng pagsasabuhay ng tunay kalayaan maliban sa isa.
A. Nagkakaroon ng katahimikan at katiwasayan sa damdamin, loob ng pamilya at sa pamayanan.
B. Nagkakaroon ng pagkitil ng sariling kahusayan sa paggawa at pagbibigat tulong sa kapwa tao.
C. Nagkakaroon ng katibayan ng pagsasama, kapatiran at pagtulong sa kapwa.
D. Nagkakaroon ng malayang pagpili, pagbibigay ng sariling pananaw sa mga isyu na nararasan sa ating komunidad.

24. Ano ang pangunahing elemento sa pagtugon ng tunay na kalayaan?


A. Kalayaang pumili C. Pagkamit ng hustisya
B. Karapatang bumili at magtinda D. Responsibilad at pagsilbi

25. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita na ang tunay na kalayaan ay pagtugon nang may pagmamahal at paglilinkod?
A. Nagagawa ni Asuncion ang bumili ng mga kagamitan na sunod sa uso.
B. Malakas ang loob ni Agustin kaya lahat ng ayaw niya ay nasasabi niya ng walang kasinungalingan.
C. Kadakilaan sa kalooban ni Ginang Teresa Diamante ang magbigay ng ayuda sa mga bahay ampunan kahit kaunti.
D. Matamlay si Corason na sumama sa kanyang nanay sa lugar ng mga bakwit dahil may lakad sila ng kanyang
kaibigan.

26. Ang pag-aaral ay maituturing na mahabang paglalakbay sa buhay. Alin ang mahalagang salik ang makakatulong sa atin para
maiwasan ang lubhang pagsisisi sa bandang huli?
A. Impormasyon sa mga pagsubok na maaring kakaharapin C. Mga payo o gabay ng ating mga magulang
B. Sitwasyon ng paaralan D. Pagkakataong makapag-aral sa lungsod

27. Bago pumasok si Pilar sa paaralan bilang grade 10, matiyaga niyang sinusuri ang pagkakasunud-sunod ng kanyang mga
asignatura. Ito rin ang ginamit niyang batayan sa paggawa ng kanyang takdang aralin para wala siyang makaligtaan. Aling salik
ang lalong nakatulong sa kanyang pagpapasya?
A. Impormasyon mula sa talaan ng kanyang araw-araw na asignatura.
B. Mga payo ng kanyang mga magulang at guro.
C. Ang sitwasyon na kanyang hinaharap.
D. Ang pagkakataon o oras na maari niyang gamitin sa bawat asignatura.

28. May nabasang paligsahan sa pagsulat ng sanaysay hinggil sa pangangalaga ng kalikasan si Pilar. Pinag-isipan niyang
mabuti kung sasali siya dahil ang mananalo ay magkakaroon ng gantimpalang maglakbay sa mga bansang kasapi sa ASEAN.
Kung sakaling siya ay sasali, aling salik ng pagpapasya ang nagbigay ng lakas-loob para sumali sa patimpalak?
A. Ang taglay na talino ni Pilar
C. Ang sitwasyon sa mga bansang kasapi sa ASEAN
B. Ang impormasyon na nabasa
D. Ang pagkakataong malibot ang mga bansang kasapi sa ASEAN.
29. Bago sumali sa paligsahan sa pag-akyat ng bundok, inalam muna ni Pedro ang katangian ng kanyang aakyating bundok.
Nalaman niya na ito ay isang “rain forest” kung saan may mga linta sa daraanan niya. Nagpasya siyang magbaon ng “anti leech
sock” para hindi siya makagat ng mga linta. Alin ang nakatulong sa kanyang pagpapasya?
A. Ang sitwasyon ng bundok na kanyang aakyatin.
C. Ang mga payo ng mga bihasang umaakyat sa mga rainforest.
B. Ang impormasyong nabasa niya tungkol sa mga linta.
D. Ang una at pangalawang salik

30. Naitala ni Pedro ang mga nasaliksik niyang dapat dalhin sa pag-akyat ng bundok. Alin kaya ang sumunod na hakbang na
isinagawa niya?
A.Pagpili ng pasya C. Pagninilay-nilay kung siya ba ay aakyat.
B. Paghahanda ng mga alternatibong dadalhin D. Pagpili ng mahahalang kailangan sa pag-akyat

II. Panuto: Tukuyin kung ang pahayag ay TAMA o ito ay MALI. Isulat ito sa sagutang papel.
______________ 1. Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at sa masama.
______________ 2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba dahil parepareho lamang
ang mga ito na nilalang ng Diyos.
______________ 3. Ang memorya ay pangkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod, at nakapag-uunawa.
______________ 4. Ang kakayahan ng isip ay layong makakuha ng buod ng karaasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito
ng kahulugan.
______________ 5. Ang panloob na pandama ay tumutukoy sa paningin, pandinig, pang-amoy at panlasa.
______________ 6. Pinagsabihan mo ng masasakit na salita ang iyong kaibigan dahil sa sobrang galit.
______________ 7. Ang pagsigaw at paghalakhak ng malakas habang nanonood sa isang pagtanghal ay pagpapakitang
maganda ang pinanonood.
______________ 8. Pinagsabihan ka ng iyong ina na buksan ang sulat ng ate mo upang malaman kung sino ang sumusulat sa
kanya.
______________ 9. Bilang isang miyembro ng isang samahan sa iyong paaralan, sumama kang pumunta sa iyong pungguro
upang magsumbong na hindi naglilinis ang ibang mag-aaral kung eskedyu nila.
______________ 10. Kapatid ng nanay mo ang kahera ng paaralan, pumipila ka upang magbayad.
______________ 11. Pilihin mo ang taong dapat irespeto.
______________ 12. Ang kahirapan ay hindi paglabag sa dignidad ng mga mahihirap.
______________ 13. Nagsisimula sa pagrespeto ang pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao.
______________ 14. Ang pagpintas sa kulay ng balat ng isang tao ay hindi isang diskriminasyon.
______________ 15. Ang lipunan ay isang moral na institusyong binuo ng Diyos upang pangalagaan ang karangalan at dignidad
ng tao.
______________ 16. Ang pagbuo ng proyektong makakatulong para mapanatili ang kalinisan sa paligid ay isang halimbawa ng
pagkakataon para makatulong sa lipunan.
______________ 17. Ang paggamit ng reusable na bayong ay isa sa mga bunga ng pasyang nabuo mula sa mga impormasyong
nakalap na ang mga plastics ay naiipon sa karagatan na siyang pumapatay ng mga yamang tubig at siya ring dahilan ng acid rain
tuwing ito’y sinusunog.
______________ 18. Ang pagkukumpuni ng mga sirang gamit ay isang sitwasyon na tumutugon sa pasyang may pagsaalang-
alang sa mga batas na nangangalaga sa kalikasan.
______________ 19. Ang pakikipagpalitan ng kaisipan sa kapwa ay isang paraan ng isang masusing paghahanap ng
mahahalagang payo o gabay para lalong luminaw ang isasagawang plano.
______________ 20. Ang pangsangguni sa guro o nakatatanda ay isang matalino at maingat na hakbang sa pagbuo ng pasya
dahil sa mga payo o gabay na kanilang ibibigay.
Key to Correction

ANSWER KEY
Multiple Choice
1. C 19. D
2. D 20. A
3. A 21. B
4. B 22. D
5.C 23. B
6. A 24. A
7. B 25. C
8. A
9. C
10. D
11. A
12. B
13. A
14. B
15. D
16. C
17. B
18. D
II. Tama o Mali
1. Tama
2. Mali
3. Mali
4. Tama
5. Mali
6. Mali
7. Mali
8. Mali
9. Tama
10. Tama
11. Mali
12. Mali
13. Tama
14. Mali
15. Tama
16. Tama
17. Tama
18. Tama
19. Mali
20. Tama

You might also like