You are on page 1of 3

GRADE 10 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Kahirapan at Dignidad

Ang prinsipyo ng dignidad pantao ay hindi lamang pagbabawal sa pagpatay o


Dignidad Taglay Nating Lahat pagpapahirap sa buhay. S halip, ito ay panawagan ng isang kultura ng buhay, pakikiisa sa mga
mahihirap, para sa katarungan, kapayapaan at kabutihan ng buhay.
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at
pang-unawa: Ang kahirapan ay nangangahulugang isang kakulangan ng pangunahing
 Nakakapagpapaliwanag ng kahulugan ng dignidad ng tao pangangailangan ng tao tulad ng pagkain, pananamit at tahanan. Madalas ang kahirapan ay
 Nakapagsusuri kung bakit ang kahirapan ay nagiging sanhi ng mababang pagtingin sa hadlang upang hindi matamasa ang mga karapatan ang nararapat para sa iyo bilang tao.
dignidad ng mga mahihirap at indigenous groups.
Dahil sa kahirapan, ang dignidad ng tao ay natatapakan ng ibang tao lalong-lalo na sa
mga may kapangyahiran dahil maliit ang pagtingin nila nito. Kadalasan, ang mga mahihirap
Kung ang isang bagay ay nawala sa iyo, hindi ba’t hinahanap mo ito at kung sakaling hindi ang siyang naaabuso at napagkaitan ng oportunidad sa maraming bagay gaya ng pagkakaroon
na talaga makita, hindi ba papalitan na lamang ito ng bago. Sa pangkalahatan, ang mga nga tamang hanapbuhay at pagtanggap ng mga nararapat na benepisyo galing sa
materyal na bagay ay napapalitan. Subalit hindi ganito ang kaso pagdating sa tao. Bawat tao gobyerno.Kung minsan bulag tayo sa katotohanang ito kung kaya nakararamdam tayo ng
ay natatangi, nag-iisa at di maaaring palitan. Maaaring may kapangalan, may kamukha, may kakulangan. Hinahanap natin sa ating sarili ang lahat ng ating nakikita sa ating kapwa. Sa
kapareho ng pagsasalita subalit wala siyang makakatulad. Maging ang identical twins ay may ganitong paraan, inaakala natin na tayo ay napagkakaitan.
pagkakaiba pa rin. Dahil dito, makikita natin na bawat isa ay namumukod-tangi dahil hindi siya
maaaring palitan. Ang lahat ng materyal na bagay ay sa lupa lamang, hindi natin dapat na inuubos ang
ating panahon at pagod sa mga bagay na ito. Ang di matinag na karangalang taglay ng tao ay
Sa pagiging bukod tangi ng tao nakabatay ang Dignidad. Ito ay likas na kaloob ng Diyos ang pinakamahalagang ari-arian ng isang tao. Nagmumula ang kahalagahang ito hindi sa
nang lalangin niya ang tao ayon sa kaniyang wangis. Dahil dito, nararapat lang na bigyang- anomang “mayroon” ang isang tao kung hindi ano siya bilang tao.
galang natin ang ating kapwa sapagkat tayong lahat ay may kani-kaniyang dignidad.
Kung ang lahat ng tao ay mabibigyang-linaw ukol sa bagay na ito, hindi na magiging
Ang dignidad ay ang tanging kayamanang tinataglay ng lahat ng nilalang – mahirap o mahirap ang pagpapanatili ng mataas na antas ng dignidad ng bawat tao sa anomang uri ng
mayaman, anumang lahi ang pinagmulan, walang pagkakaiba sa halaga ng dignidad, anumang lipunan. Kailangan mo ng tulong mula sa iyong sarili, sa iyong kapwa at sa Diyos upang
kulay ng ng balat at saanman ang pinanggalingan. Lahat ay pantay-pantay sa taglay nating maisagawa ito. Sa ganitong paraan, muli nating maaalala na tayo ay ANAK ng DIYOS.
dignidad.
Inaasahan ng Diyos na yaong nabiyayaan ay magbabahagi ng mga biyayang ito sa mga
taong nangangailangan ng mga ito. Ang ganitong mga pagkakaiba ang humihikayat sa tao na
Ang Dignidad ay ang dangal ng pagkatao. Ito ang pagkabanal at pagkabukod isabuhay ang pagiging mapagbigay at mabuti. Ang nais ng Diyos ay yakapin ng tao ang
tangi ng tao na nag-uugat mula sa kaniyang materyal at espiritwal na kalikasan.Walang pagbabahagi ng mga biyaya at regalo na natanggap ng bawat tao mula sa Kaniya.
ibang nilalang na higit na banal sa tao. Ang tao ay nilalang ng Diyos na Kaniyang
kawangis, may isip at kilos-loob at dito nakabatay ang kaniyang dignidad. Ang dignidad ng tao ay hindi nakasalalay sa kalagayan sa buhay ng tao: mayaman ka
man o mahirap/katutubo sapagkat ang tao ay nilikha na kawangis ng Panginoon. Dahil sa
dignidad, lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi makasasakit o
Ang dignidad ay galing sa salitang Latin na dignitas,mula sa dignus, ibig sabihin makasasama sa ibang tao. Nangingibabaw ang paggalang at pakikipagkapatiran, dahil sa mata
“karapat-dapat”. Ang dignidad ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa ng Diyos, pantay-pantay ang lahat. Samakatuwid, kailangan mong tuparin ang iyong tungkulin
pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapwa. na ituring ang iyong kapwa bilang natatanging anak ng Diyos na may dignidad.
Mapangangalagaan ang tunay na dignidad ng tao sa pamamagitan ng pagtingin sa bawat tao
. na kaugnay ng Diyos. Nakasalalay ang ating tunay na dangal sa katotohanang tinatawag tayo
upang makapiling ang Diyos.

1
Dignidad: Likas na Pagkabukod-tangi ng Tao positibong pagtingin sa sarili, kaaya-ayang pagtanggap sa sarili, mabuting pakiramdam sa
paggawa ng mabuti, at pakikipagkapwa ay pagpapakita ng paggalang sa sarili. Kung may
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at paggalang sa sarili. Kung may paggalang ang isang tao sa kaniyang sariling dignidad, may
pang unawa: kakayahan din siyang gumalang sa dignidad ng iba.
 Napatutunayan na nakabatay ang dignidad ng tao sa kanyang pagkabukod-tangi (hindi 2. Ano ang Nakakaapekto sa Dangal Pantao? Ang konsepto ng dangal ay walang higit na
sya nauulit sa kasaysayan) at sa pagkakawangis niya sa Diyos (may isip at kalooban
mababa o higit na mataas. Maliwanag na “ ang pagsanggalang at paggalang nito ay
 Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita sa kapwang itinuturing na
iginagawad para sa lahat maging ano man ang gulang, kabuhayan, kasarian, relihiyon o
mababa ang sarili na siya ay bukod-tangi dahil sa kanyang taglay na dignidad bilang
lahi” nang pantay-pantay sa dahilang pantay ang kanilang kalikasan bilang tao at pantay rin
tao ang mga karapatang pantao. Subalit, bilang isang pagpapahalaga o katangian, ang dangal
ay maaaring mabago. Gaya ng ibang pagpapahalaga, nagbabago ito batay sa kalidad ng
Marahil tinatanong mo ang iyong sarili,” Bakit may pagkakaiba ang tao? Bakit may taong
ating pamumuhay. Ang dangal ay ibinababa kapag ang tao ay nagiging masama. Kagaya
mayaman? Bakit may mahirap? Bakit magkakaiba ang kanilang edad, kasanayang pisikal,
ng pagpababa ng ng kaniyang pagkatao, bumababa rin ang kaniyang dangal. Ang taong
intelektuwal at moral na kakayahan, ang benepisyo na natatanggap mula sa komersiyo, at ang
nagpapakabuti ng pagkatao ay nagpapakabuti rin sa kaniyang dangal. Ang pagbabago ng
pagkakabahagi ng yaman? Maging ang talento ng tao ay hindi pantay-pantay na naibahagi. Sa dangal ay maaaring dulot panloob o panlabas na salik.
kaniyang kapanganakan, hindi ibinigay sa tao ang lahat ng kaniyang pangangailangan para sa
pag-unlad ng kaniyang materyal o pangkatawan at pang-espiritwal na buhay. Ipinahihiwatig 3. Tatlo na Antas ng Aksiyon sa Pagpapatibay ng Dangal Pantao
nito na kailangan natin ang ating kapwa. Kasama ito sa plano ng Diyos, na tunay na nagnanais  Pansarili – Ang Mabuting Buhay
na matanggap ng bawat indibidwal ang kaniyang mga pangangailangan mula sa kaniyang  Pakikipagkapwa – Mabuting Ugnayan
kapwa.  Panlipunan – Karapatang pantao at ang Batas
May mga katangian ang tao na nagpapabukod-tangi sa kaniya kung ihahalintulad sa ibang 4. Apat na Pinakamahalagang Aksiyon sa Pagsanggalang ng Dangal Pantao
nilikha. Sapagkat mayroon siyang isip na nagbibigay sa kaniya ng kakayahang umunawa ng Ayon kay Pope John Paul II, may apat namahalagang aksiyon para sa pagtatanggol at
konsepto, mangatuwiran, magmuni-muni at pumili nang malaya. May likas na kakayahan paggalang sa dangal pantao:
siyang hubugin at paunlarin ang kaniyang sarili gamit ito. Hindi man agad nagagamit ng ilan  Pagtatanggol sa Kabanalan ng Buhay at ang Pinagmulan Nito
ang kakayahang ito katulad ng mga bata, ang pagiging bukod-tanging tao ang mabigat na  Pagtatanggol sa Dignidad ng Paggawa
dahilan ng kaniyang dignidad. Kung kaya wala itong pinipili, hindi ito para lamang sa iilan.  Pagtatamo ng Buong Edukasyon at Kalinangan
Sabi nga ni Papa Juan Pablo II para sa mga magsasaka at manggagawang Pilipino, ”May  Pagpapaunlad ng Kabutihang Panlahat at Katarungang Panlipunan
karapatan kayong mamuhay at pakitunguhan kayo nang naaayon sa inyong dangal bilang tao; 5. Pagtatanggol sa Kabanalan at Dignidad ng Buhay
at kasabay nito, may karampatang tungkulin din kayo na makitungo sa kapwa sa ganito ring Ang buhay ay banal at ang dignidad ng tao ang batayan ng moral na pamumuhay ng
paraan.” isang lipunan. Ang dignidad ng tao ay hindi nanggagaling sa uri ng kaniyang hanapbuhay kundi
mula sa kaniyang pagkatao.Ang mga tao ay dapat iginagalang nang may kabanalan. Ang
ugnayan ng bawat tao ay dapat banal. Ganiyan ang tao, isang banal, dahil siya ay nilikhang
Ang Dangal Pantao kawangis ng Dakilang Maylalang.
1. Paggalang sa Sarili: Simula ng Paggalang sa Pantaong Dignidad. Ang pag-unawa natin Ang utos ng Diyos, “Huwag kang papatay, “ay nagsasabing dapat igalang ang buhay
ng ating pagkatao sa sariling pagkatangi ang susi ng pagkakaroon ng ating paggalang sa ng bawat tao.Igalang sa pamamagitan ng pagmamahal ng mapagbigay at paglilingkod sa
sariling dangal. Ang paggalang sa sarili ay nagpapakita ng mabuting pangangalaga sa kapwa.
sariling dangal. Ito ay naipakikita sa wastong pagsasaayos ng katawan at kaluluwa. Ang

2
Angkop na Kilos sa Pagpapahalaga sa Dignidad
Ayon kay Propesor Patrick Lee, ang dignidad ang pinagbabatayan kung bakit
obligasyon ng bawat tao ang sumusunod:
1. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa. Halimbawa, sa kabila ng kahirapan sa
buhay, hindi gagawin ng isang tao ang magbenta ng sariling laman o magnakaw na
nagpapababa ng sariling pagkatao. Sa kabilang dako, kailangan mong tandaan na ang iyong
kapwa ay hindi dapat gamitin para sa sariling kapakinabangan.
2. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos. Karaniwang naririnig mula sa
matatanda na bago mo sabihin o gawin ang isang bagay ay makasampu mo muna itong isipin.
Ano ang magiging epekto sa iba ng iyong gagawin? Nararapat pa ba itong gawin o hindi na?
3. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.
Ang prinsipyong ito ay nagpapatunay anomang gawin mo sa iyong kapwa ay ginagawa mo rin
sa iyong sarili. Ang paggalang sa karapatan ng iyong kapwa, pagmamahal, pagpapahalaga sa
buhay, kapayapaan, katotohanan ay ilan sa mga pagpapahalaga tungo sa mabuting pakikipag-
ugnayan. Ang mga ito rin ang nararapat na ipakita mo sa iyong kapwa.

Paano mo maipapakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?


Una, pahalagahan mo ang tao bilang tao. Ibig sabihin, hindi siya isang bagay o behikulo
upang isakatuparan ang isang bagay na ibig mangyari.
Ikalawa, ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay ibinibigay hangga’t siya ay
nabubuhay
Pangatlo, kahit gaano man kasama ang isang tao, kahit ano pa man ang kaniyang
nagawang kasalanan ay hindi nawawala ang kanyang dignidad. Ang mawawalang lamang ay
ang kanyang sense of dignity. Kaya hindi dapat maging mababa ang tingin sa sarili o sa
kapwa-tao na nakakagawa ng kasalanan. Tandaan natin na ang dignidad ay ipinagkaloob na
ng Diyos sa atin mula pa nang ating pagkasilang kasabay ng ating isip at kilos-loob.

You might also like