You are on page 1of 16

MGA ISYUNG MORAL

TUNGKOL SA

SEKSUWALIDAD
PRE – MARITAL SEX
• Ang isang lalaki o babae ay nagkaroon ng
kakayahang makibahagi sa pagiging manlilikha ng
Diyos kapag tumuntong na siya sa edad ng
pagdadalga o pagbibinata (puberty).
• Ito ay gawaing pagtatalik ng isang babae at lalaki na
wala pa sa wastong edad o nasa edad na subalit
hindi pa kasal..
PRE – MARITAL SEX
• Ang pakikipagtalik ay hindi pangangailangang biyolohikal
tulad ng pagkain at hangin na ating hinihinga.
• Hindi kinakailangang makipagtalik upang mabuhay sa
mundong ito.
• Ang pananaw na kailangan ang pagtatalik upang mabuhay ay
isang mahinang pagkilala sa pagkatao ng tao dahil
ipinagwawalang – bahala niya ang kakayahan ng taong
ipahayag ang kaniyang tunay na pagkatao.
PRE – MARITAL SEX

• Mayroon o walang pagtatalik, mananatiling buhay ang tao.


• Ang pagkikipagtalik at paggamit ng ating mga kakayahang
sekswal ay mabuti sapagkat ito ay kaloob sa atin ng Diyos.
Ito ay isang regalo o banal na kaloob ngunit maaari lamang
gawin ng mga taong pinagbuklod ng Kasal.
PRE – MARITAL SEX
• Dagdag pa rito , ang kabataang nagsasagawa ng pre – marital sex
ay hindi pa handa sa mga maaaring maging bunga nito sa
kanilang buhay.
• Hindi pa sila gaano katatag upang harapin ang responsibilidad na
kaakibat ng pag – aasawa at pagkakaroon ng anak.
• Ang kabataan ay nasa panahong nagbubuo pa lamang ng
kanilang sarili upang maging ganap at responsableng tao.
PRE – MARITAL SEX

Kung kaya hindi pa sila napapanahong


magkaroon ng anak, na mangyayari iyon
kapag nakipagtalik sila ng wala pa sa
hustong gulang at hindi pa kasal.
PORNOGRAPIYA
- Ang pornograpiya ay nanggaling sa dalawang salitang Griyego,
“porne” na may kahulugang prostitute o taong nagbebenta ng
panandaliang aliw, at “graphos” na nangangahulugang pagsulat o
paglalarawan.
- Ang pornograpiya ay mga mahahalay na
paglalarawan(babasahin, larawan o palabas)na may layuning
pukawin ang seksuwal na pagnanasa ng naonood o nagbabasa.
Epekto ng Pornograpiya sa Tao
• Ang maagang pagkahumaling sa pornograpiya ay nagkakaroon
ng kaugnayan sa pakikibahagi ng tao o paggawa ng abnormal
na gawaing seksuwal, lalong lalo na ang paghahalay.
• May mga kalalakihan at kababaihan ding dahil sa pagkasugapa
sa pornograpiya ay nahihirapang magkaroon ng malusog na
pakikipag – ugnayan sa kanilang asawa. Nakakaranas sila ng
seksuwal na kasiyahan sa panood at pagbabasa ng
pornograpiya, at pang – aabuso sa sarili at hindi sa normal na
pakikipagtalik.
Epekto ng Pornograpiya sa Tao

• Ito rin ay ginagamit ng mga pedophiles sa


internet upang makuha ang kanilang
bibiktimahin.
• Ang mga mahahalay na eksenang ipinapakita
ng pornograpiya ay pumupukaw ng mga
damdaming seksuwal ng kabataang wala
pang kahandaan para rito. Nagdudulot ito ng
labis na pagkalito sa kanilang murang edad.
Ano ba ang masama sa pornograpiya?
• Ang tao ay maaaring mag – iba ang asal.
• Ang mga seksuwal na damdamin na ipinagkaloob ng Diyos sa
tao, na maganda at mabuti, ay nagiging makamundo at
mapagnasa.
• Kapag ang tao ay naging kasangkapan sa seksuwal na
panganailangan at pagkahumaling, lahat ng mabuting layunin sa
pakikipagkapuwa ay maaaring hindi na matupad.
PANG – AABUSONG SEKSUWAL

• Ito ay pang – aabuso na isinasagawa ng


isang nakakatanda na siyang
pumupwersa sa isang nakababata
uapang gawin ang isang gawaing
seksuwal.
• Ang pang – aabusong seksuwal ay maaaring
paglalaro sa maseselang bahagi ng sariling
katawan o katawan ng iba, paggamit ng ibang
bahagi ng katawan para sa seksuwal na Gawain
at sexual harassment.
• Karamihan sa mga nagiging biktima ng pag –
aabusong seksuwal ay ang mga bata o kabataang
may mahihinang kalooban, madaling madala, may
kapusukan at kadalasan, iyong nabibilang sa
mahihirap at pamilyang hiwalay ang mga
magulang.
PROSTITUSYON

• Ito ay sinasabing siyang pinakamatandang propesyon o


gawain ay siyang pagbibigay ng panandaliang aliw
kapalit ng pera.
• Karamihan sa mga taong nasasangkot sa ganitong
gawain ay iyong mga nakararanas ng hirap, hindi
nakapag – aral, at walang muwang kung kaya’t madali
silang makontrol.
PROSTITUSYON

• Mayroon din namang may maayos na pamumuhay,


nakapag – aral ngunit marahil ay naaabuso noong bata
pa.
• Dahil dito nawawala ang kanilang paggalang sa sarili at
tamang pagkilala kung kaya’t minabuti na lamang
nilang ipagpatuloy ang kanilang karanasan.

You might also like