You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XI – Davao de Oro
Schools Division of Davao de Oro
Nabunturan East District

First Quarter Examination


Edukasyon sa Pagpapakatao 8

Name: ______________________________________________ Score: ________________________


Year & Section: _______________________________________ Date:_________________________

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang angkop na sagot. Isulat ang titik
ng
napiling sagot sa patlang.

_____1. Alin sa sumusunod na kilos ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa mabuting nagawa ng isang
miyembro ng pamilya?
A. pag-aaksaya ng oras at panahon
B. magliliwaliw sa mga gustong lugar
C. pagtangkilik ng mga mabubuting kilos
D. pagsantabi ng tagumpay ng miyembro ng pamilya
_____2. Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos na
pamilya?
A. pagkakaroon ng mga anak C. pagsunod sa mga patakaran
B. pagtatanggol ng karapatan D. pinagsama ng kasal ang magulang
_____3. Nagkasakit ang asawa ni Rina, wala silang trabaho kaya pansamantala silang pinatira sa bahay ng
kaniyang byanan upang maipagamot ang kaniyang asawa. Aling katangian ang ipinakita ng kaniyang
byanan?
A. madasalin B. matulungin C. mapagkunwari D. mapagkumbaba
_____4. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapatunay ng pagmamahalan at pagtutulungan?
A. Kahit mahirap ang pamilyang Sagan ay nakatapos pa rin sa pag-aaral ang
anim na magkakapatid dahil nagsasalit-salitan sila sa pag-aaral.
B. Bagaman mayaman ang mga magulang ni Ester, lumaki siyang hindi masaya dahil bihira lang
niyang makasama ang kaniyang mga magulang
C. Maganda ang trabaho ng ate ni Peter at malaki rin ang sweldo nito bagaman natigil pa rin sa
pag-aaral si Peter dahil may malubhang karamdaman ang kaniyang ama at hindi rin
naman sila naalala ng kaniyang ate.
D. Naulila sa mga magulang sina Nena at Nene. Tumigil muna si Nene sa pag aaral upang
maghanap ng trabaho at mapag-aral si Nena. Nakatapos at nakapaghanap ng trabaho si
Nena ngunit biglang naglaho si Nene.
_____5. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pamilyang may matatag na pagmamahalan?
A. Maririnig ang napakalakas na sigawan sa loob ng tahanan nina Carlos at Alexa.
B. Palaging nagbabangayan ang magkapatid na Mary at Jane dahil lang sa maliit na bagay.
C. Nagpapalitan ng masasakit na salita ang mag-asawang Ariel at Mae na
nagbunga ng kanilang paghihiwalay.
D. Tinatanggap ni Claresse ang kamalian ng kaniyang kapatid at pinatawad
ito sa mga nagawang kamalian.
_____6. Araw-araw naglalako ng paninda si Aling Ester nang sa gayon ay matustusan niya ang pag-aaral ng
kaniyang mga anak. Lagi rin niya itong pinapayuhan na magsipag sa kabila ng kahirapan sa buhay.
Anong positibong impluwensiya ang ipinakita ni Aling Ester?
A. Hindi hadlang ang kahirapan sa buhay.
B. Pinasama ang anak sa paglalako ng paninda.
C. Tumigil ang anak sa pag-aaral upang makatulong.
D. Maging matatag at masipag sa kabila ng problema sa buhay.
_____7. Nakiisa si Ernie sa pagbabahagi ng salita ng Diyos kasama ang pamilya. Pinayuhan din niya ang
tatlong anak na palaging manalangin at magpasalamat. Paano naging maimpluwensyang ama si Ernie
sa mga anak?
A. pagiging masipag na ama at mapagbigay sa kaniyang pamilya
B. sa pagpapayo sa mga anak na hindi makalimot sa Panginoon at Magpasalamat
C. pagsuporta sa mga pangangailangan ng kaniyang anak sa paaralan
D. pagpapakita ng mabuting pagpapasya at desisyon sa buhay bilang ama
_____8. Nasira ang bahay ng kapitbahay nina Janna noong nagdaang bagyong Shina. Sila ay pinatira muna
nila Janna sa kanilang bahay dahil naawa ito sa kanila. Anong kaugalian ang umuiiral kay Janna?
A. ang pagkamatulungin ni Janna
B. naging mapagkumbaba siya sa iba
C. pagpapakita ng malasakit sa kapuwa
D. pagiging mabait sa mga nangangailangan
_____9. Bakit kailangang pairalin ang pagmamahalan at pagtutulungan ng isang pamilya? Upang;
A. Maging matatag ang pamilya.
B. Maayos ang pagtrato sa bawat isa.
C. Mapanatili ang respeto sa isa’t isa.
D. Magkakaroon ng matiwasay na pagsasama ang pamilya.
_____10. Pag may pagmamahalan, magiging inspirado na makamit ang tagumpay, alin sa mga sitwasyon ang
nagpapakita ng patunay?
A. Nagsumikap si Yvonne na makapagtapos ng pag-aaral upang mapasaya at masuklian
ang lahat na sakripisyo at pag-aaruga ng kaniyang mga magulang.
B. Laging ipinagagawa ni Vicky ang kaniyang proyekto sa kasintahang si Neil.
C. Madalas tulala si Rica sa klase sa kaiisip kung saan sila mamamasyal ng kaniyang
kasintahan.
D. Nakipaghiwalay si Arnold sa kaniyang kasintahan dahil nais niyang bigyang- tuon ang
kaniyang pag-aaral.
_____11. Ano ang orihinal at pangunahing karapatan ng mga bata?
A. karapatang kumain C. karapatan sa edukasyon
B. karapatang mabuhay D. karapatang magkaroon ng magulang
_____12. Ano ang hinuhubog sa mga kabataan sa pagpili ng damit na maisusuot at pagkuha ng kurso ayon sa
kanilang nais?
A. pag-aayuno B. pagpapasya C. pagkilos D. pagsasakripisyo
_____13. Suriin ang mga pahayag. Alin sa sumusunod ang may katotohanan tungkol samga banta sa pamilya?
I- EDUKASYON II- KAHIRAPAN III- ORAS IV- TEKNOLOHIYA
A. I, II at III B. I, II at IV C. II, III at IV D. I, II, III at IV
_____14. Maagang pumapasok sa paaralan si Benny araw-araw. Nagbabalik-aral siya sa mga leksyon bago
magsimula ang klase. Anong gawi ang ipinakita ni Benny?
A. pagpapaunlad sa pag-aaral
B. paglilingkod sa kapuwa mag-aaral
C. pagsisikap na makalikha ng aralin
D. pagsasabuhay ng pananampalataya
_____15. Bakit sinasabing ang edukasyon ay tanging pamana ng isang magulang sa anak?
A. dahil ang edukasyon ay nagpapayaman
B. dahil ito ay nagpapadagdag ng kaalaman
C. dahil ang edukasyon ay hindi nananakaw ninuman
D. dahil ito ay pinto na magbubukas sa pagkamit ng pangarap
_____16. Bakit sinasabing ang pagbibigay ng edukasyon, paghubog sa pagpapasya at pananampalataya ay
pinakamagandang regalo ng magulang sa anak? Dahil ito ay:
A. trabaho ng magulang sa anak
B. tungkulin ng magulang sa anak
C. dapat maibigay ng magulang sa anak
D. batayan na makabuluhan ang pag-aaruga at pagpapalaki sa anak
_____17. Alin sa sumusunod ang angkop na kilos sa pagpapaunlad ng mga gawi sa pag-aaral?
A. Pagtatakda ng oras upang alamin kung gaano kahaba ang kinakailangang gugulin ni
Yan sa pag – aaral sa mga asignatura.
B. Gumagawa si Mat ng walang kabuluhang bagay.
C. Ipinagpabukas ni Elle ang lahat ng kaniyang mga gawain dahil hindi pa naman ito ipapasa.
D. Pinagsanib ni Zelo ang lahat ng mga gawain o kasanayan upang madali
lamang itong matapos.
_____18. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng matagumpay na pagharap sa mga banta sa
paggabay sa pagpapasiya?
A. Si William ang gumagawa ng desisyon para sa kaniyang mga anak.
B. Nakagawa ng pasiya si Alisah na pinagsisihan niya sa bandang huli.
C. Hindi nababahala si Marga sa kaniyang kinabukasan dahil handang ibigay ng ina ang lahat
ng kaniyang gusto.
D. Binigyan ng pagkakataon ni Aling Susan ang anak na unawain ang sitwasyong
kinalalagyan dahil sa ginawang pagpapasiya.
_____19. Dating nanampalataya si Lucky sa Diyos ngunit nang magkasakit ng kanser nag-iba ang kaniyang
paniniwala, ni ayaw niyang magsimba. Bilang magulang, ano ang nararapat gawin upang muling
maibalik ang pananampalataya ni Lucky?
A. Igalang ang desisyon ng anak.
B. Pagalitan ang anak hanggang sa magbalik-loob.
C. Ipaalala na ang Panginoon ang sentro ng buhay ng tao.
D. Hahayaan ang anak na maniwala na walang Panginoon.
_____20. Narinig mong pinag-uusapan ka ng iyong mga kaklase dahil umano sa pagnanakaw ng selpon ng
iyong guro, alam mo sa sarili na hindi naman ito totoo ngunit nakaramdam ka pa rin ng sobrang galit
kung kaya agad mong sinuntok ang pinanggalingan ng maling balita. Tama ba ang iyong pagpapasiya?
A. Hindi, dahil nasaktan ang damdamin
B. Hindi, dahil pinairal ang galit sa halip na mag-isip muna
C. Oo, dahil mali ang magpakalat ng
maling balita
D. Oo, dahil napahiya ka sa harap ng maraming tao
_____21. Sino-sino sa mga kasapi sa pamilya ang epektibong tagapaglinang ng bukas na komunikasyon?
A. ina at ama B. ina at anak C. ama at anak D. mga anak o anak
_____22. Anong antas ng komunikasyon ang tungkol sa gawaing meditasyon at pagrerepleksiyon?
A. interpersonal B. intrapersonal C. kultural D. organisasyonal
_____23. Anong uri ng komunikasyon na ang halimbawa ay Valedictory Address?
A. pampubliko B. pangkaunlaran C. pangkultura D. pangmasa
_____24. Paano mapanatili ang bukas na komunikasyon sa pamilya?
A. Sa hindi pakikinig sa bawat isa
B. Sa paghusga ng bawat sinasabi ng kausap
C. manatiling walang-kibo kapag kinakausap
D. pagiging positibo at sensitibo ng damdamin ng bawat miyembro
_____25. Ano ang mabisang paraan upang ang isang pamilya ay magkakaintindihan?
A. Ang bawat miyembro ay bukas palad.
B. Ang bawat miyembro ay bukas sa pagtulong.
C. Ang bawat miyembro ay bukas sa pagsisikap.
D. Ang bawat miyembro may bukas na kumunikasyon.
_____26. Ano ang nararapat gawin bilang isang ina kung napapansin mo na balisa ang iyong anak at tila ay
may bumabagabag?
A. Hayaan siyang magkuwento.
B. Palilipasin muna ang kanyang nararamdaman.
C. Kakausapin siya at bigyan ng payo kung kinakailangan.
D. Tatanungin siya kung masama ba ang kaniyang pakiramdam.
_____27. Bakit mahalagang magkaroon ng bukas na komunikasyon? Dahil:
A. madaling makakamit ang anumang hangarin ng buong pamilya
B. paraan ng pasalita at di-pasalitang pagpapahayag sa palitan ng impormasyon sa pamilya
C. napakahalagang pundasyon sa relasyon ng mag-asawa, magulang sa anak, at kapatid
sa kapatid
D. hinihikayat ang bawat miyembro ng pamilya na makapagpahayag ng pagkakaisa,
pagmamahal at pagpapahalaga sa bawat isa
_____28. Bakit mahalagang matukoy ang uri ng komunikasyong mayroon ang isang pamilya?
A. dahil ito ang mahalagang katangian ng isang matatag at malakas na pamilya
B. dahil ito ang paraan ng pasalita at hindi pasalitang pagpapalitan ng ideya sa pagitan ng
miyembro ng pamilya
C. dahil nakatutulong ito sa pagpapahayag ng pangagailangan, gusto, damdamin, ideya,
pagpapahalaga at malasakit sa ibang miyembro
D. dahil malaki ang maitutulong ito upang maintindihan ang tunay na dahilan kung bakit
nagkakaroon ng problema at hindi pagkakaunawaan
_____29. Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng magulang sa pagtuturo ng angkop na kilos?
A. dahil ang kanilang mga ipinakikitang kilos at gawi ang tutularan ng mga bata
B. dahil sila ang magsasanay sa mga bata sa pagmamahal sa pag-aaral at kaalaman
C. dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng isang bata sa pagtamo ng kaalaman
D. dahil magulang ang unang tagapaghubog sa pagpapahalaga o buong pagkatao ng
isang bata
_____30. Bilang isang mabuting magulang, paano mo maitataguyod ang pagkakaroon nang maayos na
komunikasyon sa pamilya?
A. Maging mapagmatyag ka sa kilos ng bawat miyembro.
B. Hikayating maging bukas ka sa saloobin anumang oras.
C. Makinig ka lamang sa malapit na miyembro ng pamilya.
D. Wala kang pakikinggan kapag may hidwaang nagaganap.
_____31. Alin sa mga sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng
maayos na pamilya?
A. mga patakaran sa pamilya
B. pagkakaroon ng mga anak
C. pinagsama ng kasal ang magulang
D. pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan
_____32. Anong papel ang ginagampanan ng pamilyang nagsusulong ng bayanihan sa isang lugar?
A. panlipunan B. pampolitikal C. pangkalusugan D. pansimbahan
_____33. Alin sa sumusunod ang isa sa papel ng pamilya sa lipunan?
A. maging matatag C. pagkakaroon ng anak
B. maging matapang D. paglahok sa bayanihan
_____34. Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang nagsasabuhay sa mga gawain na nagpapakita ng
gampaning pampamilya?
A. Binibigyan ng sapat na edukasyon ang mga anak.
B. Sama-samang naglilinis ang pamilyang De Vesta sa kanilang bakuran.
C. Nagsama ang magkasintahang sina Juliet at Pedro kahit hindi pa ikinakasal.
D. Bawat miyembro ng pamilyang Faustino ay isinasabuhay ang mga pananagutan.
_____35. Si Zack ay nakapila sa fast food chain para bumili ng pagkain. Nakita niya ang isang matanda
sa kanyang likuran kaya inalalayan niya ito sa priority lane. Anong pampolitikal na papel ang
nagampanan ni Zack sa pagtulong?
A. karapatang pumila C. paggalang sa karapatan ng matanda
B. karapatan ng batang maisilang D. manindigan sa pansariling karapatan
_____36. Si Belle ay isang manggagawa sa pabrika na naaksidente sa oras ng trabaho ngunit hindi
nabigyan ng tulong pinansiyal ng kompanya. Anong karapatang pampolitikal ang nalabag ng
kompanya sa pamilya ni Belle?
A. karapatang magbakasyon
B. karapatang umangat ang posisyon
C. karapatang matanggap nang maaga ang mid-year bonus
D. karapatan ng manggagawang may sakit na magtamo ng pisikal at pang-
ekonomiyang seguridad
_____37. Bakit mahalaga ang pagtulong ng pamilya sa pamayanan?
A. upang matanggap sa lipunang kinabibilangan
B. dahil ito ay maipagmamalaking katangian bilang Pilipino
C. upang kilalanin, papurihan at maging maimpluwensiyang tao sa lipunan
D. dahil ito ay paraan upang maisabuhay ang mga pagpapahalaga at birtud na
itinuturo at natututuhan sa loob ng tahanan
_____38. Alin sa sumusunod na gawain ng pamilya ang higit na makatutulong sa pagbuo ng
mapagmahal na pamayanan?
A. magiliw na pagtanggap sa mga panauhin
B. kusang pagbibigay ng pagkain sa batang umiiyak
C. pagboboluntaryong tumulong sa nasalanta ng bagyo
D. aktibong pamumuno sa isang asosasyong pangkabataan
_____39. Napansin mong marumi ang inyong bakuran at nalalapit na ang Barangay Clean and Green
Program Evaluation. Ano ang nararapat mong gawin?
A. ipagkibit balikat mo na lamang ito
B. agad mo itong aasikasuhin nang bukal sa kalooban
C. tawagin ang nakababatang kapatid at utusan na linisin ito
D. hikayatin ang ibang kasapi ng pamilya na maglinis ng bakuran
_____40. Pinili ka ng iyong mga kaibigan na maging team leader nila sa pagsulong ng programang
pangkalikasan sapagkat nakikitaan ka ng pagmamahal sa kalikasan at kakayahang
manghikayat. Ano ang nararapat na gagawin?
A. makilahok at makiisa dahil ito ay makatutulong sa bayan
B. tatanggihan mo ito at magdadahilan na marami kang gagawin
C. makilahok ng may angas sa sarili dahil alam mo na magaling ka
D. humingi muna ng bayad mula sa mga kaibigan bago ka pumayag

Prepared by:

JERAHMYLL S. ALVIOR
Teacher I
Cabidianan National High School
Republic of the Philippines
Department of Education
Region XI – Davao de Oro
Schools Division of Davao de Oro
Nabunturan East District

First Quarter Examination


Edukasyon sa Pagpapakatao 8

Answer Key

1. C 21. A
2. D 22. B
3. B 23. A
4. A 24. D
5. D 25. D

6. D 26. C
7. B 27. C
8. C 28. D
9. D 29. D
10. A 30. B

11. C 31. C
12. B 32. A
13. C 33. D
14. A 34. B
15. C 35. C

16. D 36. D
17. A 37. D
18. D 38. C
19. C 39. B
20. B 40. A

You might also like