You are on page 1of 17

St. Michael’s School, Inc.

ESP(G9)_First Quarter Big Idea: Responsibilidad


Las Piñas City
Stage 1- Desired Results
ESTABLISHED Transfer
GOALS G Students will be able to independently use their learning to…
Naipapamalas ng
T
 Naisasagawa ng mag-aaral ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o
mag-aaral ang pag- sektor sa pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural at pangkapayapaan.
unawa sa lipunan Meaning
at layunin nito
UNDERSTANDINGS ESSENTIAL QUESTIONS
(kabutihang
panlahat).
Students will understand that… U Q
1. Paano naipapamalas ng lipunan ang
 Ang katatagan, disiplinang pansarili, pagpapahalaga sa tao at ang tao sa
pagkakabuklod ng pamilya, pagsunod, lipunan?
pagmamalasakit, pagpapakumbaba, 2. Paano napapanatili ng principles of
pagtutulungan ay kailangan ng kabataan subsidiarity ang kaayusan ng bansa?
upang mamuhay ng maayos. 3. Paano napupunán ng karaniwang mga
mamamayan ang pagkukulang ng
pamahalaan sa pagtataguyod ng
kabutihang panlahat?

Acquisition
Students will know… Students will be skilled at…
K S
Week 1
Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat 1.Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang
panlahat
2. Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng
pagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat sa
pamilya, paaralan, pamayanan o lipunan

Week 2
1. Napangangatwiranan na ang pagsisikap ng
bawat tao na makamit at mapanatili ang
kabutihang panlahat sa pamamagitan ng
pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga ay mga
puwersang magpapatatag sa lipunan
2. Naisasagawa ang isang proyekto na
makatutulong sa isang pamayanan o sektor sa
U
pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural,
at pangkapayapaan.
Bakit may lipunang pulitikal? Week 3
Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa 1. Naipaliliwanag ang:
a. dahilan kung bakit may lipunang
pulitikal b. Prinsipyo ng Subsidiarity c.
Prinsipyo ng Pagkakaisa
2. Natataya ang pag-iral o kawalan sa
pamilya, paaralan, baranggay, pamayanan, o
lipunan/bansa ng: a. Prinsipyo ng
Subsidiarity b. Prinsipyo ng Pagkakaisa

Week 4
1. Napatutunayan na: a. May mga
pangangailangan ang tao na hindi niya
makakamtan bilang indibidwal na makakamit
niya lamang sa pamahalaan o organisadong
pangkat tulad ng mga pangangailangang
pangkabuhayan, pangkultural, at
pangkapayapaan. b. Kung umiiral ang
Prinsipyo ng Subsidiarity, mapananatili
ang pagkukusa, kalayaan at pananagutan ng
pamayanan o pangkat na nasa mababang antas
at maisasaalang-alang ang dignidad ng
bawat kasapi ng pamayanan. c. Kailangan
ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga
pagsisikap na mapabuti ang uri ng
pamumuhay sa lipunan/bansa, lalo na sa
pag-angat ng kahirapan, dahil nakasalalay
ang kaniyang pag-unlad sa pag-unlad ng
lipunan (Prinsipyo ng Pagkakaisa).

2. Nakapagtataya o nakapaghuhusga kung


umiiral ang Prinsipyo ng Subsidiarity at
Pagkakaisa ay umiiral o nilalabag sa
pamilya, paaralan, pamayanan (baranggay),
at lipunan/bansa

Naipamamalas ng Lipunang Ekonomiya (Economic Society) 3.1. Nakikilala ang mga katangian ng
magaaral ang pag- mabuting ekonomiya
unawa sa lipunang EsP9PLIe-3.1
ekonomiya.
3.2. Nakapagsusuri ng maidudulot ng
magandang ekonomiya
EsP9PLIe-3.2

3.3. Napatutunayan na: a. Ang mabuting


ekonomiya ay iyong napauunlad ang lahat –
walang taong sobrang mayaman at maraming
mahirap. b. Ang ekonomiya ay hindi para
lamang sa sariling pag-unlad kundi sa pag-
unlad ng lahat.
EsP9PLIf-3.3

3.4. Nakatataya ng lipunang ekonomiya sa


isang baranggay/pamayanan, at
lipunan/bansa gamit ang dokumentaryo o
photo/video journal (hal.YouScoop)
Naipamamalas ng Lipunang Sibil (Civil Society), Media at 4.1. Natutukoy ang mga halimbawa ng
magaaral ang pag- Simbahan lipunang sibil at ang kani-kaniyang papel
unawa sa Lipunang na ginagampanan ng mga ito upang makamit
Sibil (Civil ang kabutihang panlahat
Society), Media at EsP9PLIg-4.1
Simbahan.
4.2. Nasusuri ang mga adhikaing
nagbubunsod sa mga lipunang sibil upang
kumilos tungo sa kabutihang panlahat
EsP9PLIg-4.2

4.3. Nahihinuha na : a. Ang layunin ng


Lipunang Sibil, ang likaskayang pag-unlad,
ay isang ulirang lipunan na pinagkakaisa
ang mga panlipunang pagpapahalaga tulad ng
katarungang panlipunan, pang-ekonomiyang
pag-unlad (economic viability),
pakikilahok ng mamamayan, pangangalaga ng
kapaligiran, kapayapaan, pagkakapantay ng
kababaihan at kalalakihan (gender
equality) at ispiritwalidad. b. Ang
layunin ng media ay ang pagpapalutang ng
katotohanang kailangan ng mga mamamayan sa
pagpapasya. c. Sa tulong ng simbahan,
nabibigyan ng mas mataas na antas ng
katuturan ang mga materyal na
pangangailangan na tinatamasa natin sa
tulong ng estado at sariling pagkukusa.
EsP9PLIh-4.3

4.4. a. Natataya ang adbokasiya ng iba’t


ibang lipunang sibil batay sa kontribusyon
ng mga ito sa katarungang panlipunan,
pangekonomiyang pag-unlad (economic
viability), pakikilahok ng mamamayan,
pangangalaga ng kapaligiran, kapayapaan,
pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan
(gender equality) at ispiritwalidad (mga
pagpapahalagang kailangan sa isang
lipunang sustainable )
EsP9PLIh-4.4
St. Michael’s School, Inc. Edukasyon sa Pagpapakatao (G9) Big Idea: Respeto
Las Piñas City UbD Template

Stage 2 - Evidence
Evaluative Criteria Assessment Evidence
TRANSFER TASK(S):
Rubrik para sa creative TT
output/performance. GRASPS:
Goal: Ang mga mag-aaral ay bubuo ng planong proyekto na kikilalanin ang
kabutihang panlahat sa lipunan.

Role: Ang mga mag-aaral ay inaasahang maging isang economic planner;


videographer;reasearcher

Audience: Ang kanilang mga kabarangay

Situation: Itatampok ang programang makabubuti para sa lipunan.

Product/Performance: Video documentary/project proposal


Standard: Ang produkto/gawain ay bibigyang puntos batay sa creative
output/performance rubric.
OTHER EVIDENCE:
OE
 Maiksing Pagsusulit
 Mga mini tasks at Gawain sa batayang aklat
 Oral Recitation
 Mahabang Pagsusulit
 Markahang Pagsusulit

St. Michael’s School, Inc. Edukasyon sa Pagpapakatao (G9) Big Idea: Respeto
Las Piñas City UbD Template

Stage 3 – Learning Plan


Summary of Key Learning Events and Instruction

- Opening of Classes
- Orientation with advisers
- Familiarization with students
- Student’s Handbook Orientation
- Subject teachers’ rotation
- Subject Orientation
- Familiarization with students; set expectations
Week 1 LC:
1. Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat.
2. Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat sa pamilya,
paaralan, pamayanan o lipunan
LT:
1. Magagawa kong matukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat.
2. Magagawa kong makapagsuri ng mga halimbawa ng pagsasalang-alang sa kabutihang panlahat sa
pamilya, paaralan, pamayanan o lipunan.

Aktibiti:
ENGAGE:
- Paunang Gawain: Pagbati, Pagtsek ng atendans,Pagababahagi ng balita
- PAUNANG PAGTATAYA
- Ang mga mag-aaral ay inaasahang magsagot ng paunang pagtataya kaugnay ng ng aralin.

EXPLORE:
-RECIPE para sa MATIWASAY NA LIPUNAN
Pamamaraan kung paano magagamit ang mga sangkap na inilagay (hal. Ilagay ang katarungan sa
isang malaking lalagyan at haluan ito ng pagmamahal.
Matapos itong mapagsama ay budburan ito ng bukas na komunikasyon)
Ipasagot ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang iyong naging realisasyon matapos maisagawa ang gawain?
2. Ano ang pinakamahalagang sangkap sa pagkakaroon ng matiwasay na lipunan? Ipaliwanag.
3. Ano ang pinakamahalagang pamamaraan sa pagkakaroon ng matiwasay na lipunan? Ipaliwanag

EXPLAIN:
TEXT ANALYSIS/RESEARCH
Ipatuon ang pansin sa mga sumusunod:  Paaralan  Simbahan  Pamilya  Mga negosyo  Pamahalaan.
1. Ipatala o ipasulat ang maikling paglalarawan ng bawat isang institusyon o sektor ng lipunan
na naitala.
2. Pagkatapos, magsagawa ng pagsasaliksik sa mga ito, maaaring sa silid-aklatan o sa internet
upang matukoy ang mga sumusunod:
a. Ano ang layunin ng bawat sektor?
b. Ano ang kontribusyon nito sa lipunan?
c. Ano ang nakikitang tunguhin ng mga ito sa kasalukuyan?
d. Ano ang kasalukuyang kalagayan nito sa ating bansa? Ano ang ginagawa nito tungo sa pagkamit
ng kanilang layunin? Mayroon ba itong nagiging impluwensiya sa mga mamamayan at naiambag na
tulong sa pag-unlad ng lipunan?
e. Nakatutulong ba ito sa pagkamit ng layunin ng lipunan? Magsulat ng komprehensibong
paliwanag.
3. Matapos nito ay gumawa ng isang komprehensibong ulat tungkol dito o maaari naman isang
dokumentaryo na maaaring i-post sa social networking sites.
4. Matapos maisagawa ang kabuuang proseso ay sagutin ang mga sumusunod na tanong: a. Ano ang
maitutulong ng mga sektor ng lipunan na nabanggit sa pagkamit ng layunin ng lipunan? b. Ano ang
maaaring maganap kung hindi matutupad ng mga sektor na ito ang kanilang mga tungkulin sa
lipunan? c. Paano matitiyak na makatutulong ang lahat ng sektor na ito upang gawing matiwasay
ang lipunan? d. Kung magkakaroon ng iisang layunin ang lahat ng sektor na nabanggit, ano kaya
ang layunin na ito? e. Paano makatutulong ang mga sektor na ito ng lipunan sa pagkamit ng
kaganapan ng iyong pagkatao?

PAGSUSURI NG BIDYO/VIDEO ANALYSIS


- Pagpapanood ng Self Made Video na ginawa ng guro bilang pagpapaliwanag o paglilinaw sa
mga kaisipan.

EXTEND:
- Pagpapatala sa Graphic organizer ng kaisipan na maaring sumagot sa tanong na “Paano mo
maipapakita ang pagpapahalaga mo sa lipunan?”

EVALUATE: Balikan ang paunang pagtataya sa ebalwasyon

Remarks:
Week 2 LC:
1. Napangangatwiranan na ang pagsisikap ng bawat tao na makamit at mapanatili ang kabutihang
panlahat sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga ay mga puwersang magpapatatag
sa lipunan
2. Naisasagawa ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o sektor sa
pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural, at pangkapayapaan.

LT:
1. Magagawa kong mapangatwiranan na ang pagsisikap ng bawat tao na makamit at mapanatili ang
kabutihang panlahat sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga ay mga puwersang
magpapatatag sa lipunan
2. Magagawa kong maisagawa ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o sektor sa
pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural, at pangkapayapaan.
Aktibiti:
ENGAGE:
- Paunang Gawain: Pagbati, Pagtsek ng atendans,Pagababahagi ng balita

EXPLORE:
Balik aral kaugnay sa konsepto ng bawat sektor

EXPLAIN:
TEXT ANALYSIS/RESEARCH
Pagpapasuri ng batayang aklat
Pamprosesong tanong:
a. Ano ang maitutulong ng mga sektor ng lipunan na nabanggit sa pagkamit ng layunin ng lipunan?
b. Ano ang maaaring maganap kung hindi matutupad ng mga sektor na ito ang kanilang mga
tungkulin sa lipunan?
c. Paano matitiyak na makatutulong ang lahat ng sektor na ito upang gawing matiwasay ang
lipunan?
d. Kung magkakaroon ng iisang layunin ang lahat ng sektor na nabanggit, ano kaya ang layunin na
ito?
e. Paano makatutulong ang mga sektor na ito ng lipunan sa pagkamit ng kaganapan ng iyong
pagkatao?

PAGSUSURI NG BIDYO/VIDEO ANALYSIS


- Pagpapanood ng Self Made Video na ginawa ng guro bilang pagpapaliwanag o paglilinaw sa
mga kaisipan.

EXTEND:
1. Ang mga mag-aaral ay inaasahang magsasagawa ng survey tungkol sa mga suliraning kinakaharap
ng komunidad o pamayanan. Palimitahan ang sarbey sa 20 respondents.
2. Ang suliranin ay maaaring pangkapaligiran, pangkapayapaan, pangkaayusan o pang-edukasyon.
Maaaring may iba pang makita sa proseso ng pagsasagawa nito.
3. Magsagawa ng pagtatanong sa mga naninirahan sa komunidad o pamayanan kung ano ang kanilang
nakikitang suliranin sa kanilang paligid.(Maaring imessage ng personal)
4. Mahalagang isama ang mga namumuno sa komunidad o pamayanan sa isasagawang survey.
5. Matapos maglaan ng panahon sa pangangalap ng datos ay gumawa ng pangkalahatang ulat ukol sa
naging resulta ng survey.
6. Pumili ng tatlo sa mga nakalap at iantas ang mga ito batay sa kahalagahan. Pumili ng tatlong
pangunahing suliranin.
7. Iulat sa klase ang kalalabasan ng survey gamit ang graph na mayroong maikling pagsusuri at
pagpapaliwanag.

PROJECT PLAN
- Batay sa naging resulta ng ginawang survey sa naunang bahagi, simulan na ang pagpaplano
para sa pagsasakatuparan ng isang proyekto upang matugunan ang pinakaunang suliraning
naitala. Ilalahad ito sa GENYO SHARED BLOG/E-PORTFOLIO

EVALUATE: Pagtatakda ng Pagsusulit sa GENYO.

Remarks:
Week 3 LC: Naipaliliwanag ang:
a. dahilan kung bakit may lipunang pulitikal
b. Prinsipyo ng Subsidiarity
c. Prinsipyo ng Pagkakaisa

LT: Magagawa kong maipaliwanag ang:


a. dahilan kung bakit may lipunang pulitikal/pampolitika
b. Prinsipyo ng Subsidiarity
c. Prinsipyo ng Pagkakaisa

Aktibiti:
ENGAGE:
- Paunang Gawain: Pagbati, Pagtsek ng atendans,Pagababahagi ng balita
- PAUNANG PAGTATAYA
- Ang mga mag-aaral ay inaasahang magsagot ng paunang pagtataya kaugnay ng ng aralin.

EXPLORE:
Pagbubuo ng kaisipan gamit ang salita

b. Nagkaroon ka na ba ng karanasang tungkol sa mga konseptong


ito? Sa paanong
paraan?
c. Ano ang mga salitang hindi pamilyar para sa iyo?

*ang mga sagot ay maaring ilagay sa forum o assignment


Organization Profiling
Ang mga mag-aaral ay inaasahang gumawa ng profile ng samahang kinabibilangan.
Pumili ng isa sa mga sumusunod: a. pamilya b. klase sa paaralan c. barkadarkada d.
organisasyong kinaaaniban, at iba pa
2. Ang magiging anyo ng profile na bubuuin ay isang e-portfolio.
3. Isulat ang kanilang mga pangalan, at idikit ang kanilang mga larawan sa espasyong nakalaan.
4. Sumulat ng maikling paglalarawan sa bawat isa. Mahalagang maipakita sa paglalarawan kung
paanong namumubukod-tangi ang bawat isa sa pangkat.
5. Kailangang isa-isahin ang (a) pagkakapare-pareho ng mga katangian (ano ang katangiang taglay
ng lahat) at (b) pagkakaiba-iba ng bawat isa (ano ang nagpapabukod-tangi sa bawat isa).
6. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod: a. Paano nakakatulong ang inyong pagkakapare-pareho
sa pagiging isang matatag na samahan? b. Paano naman ninyo/mo hinaharap ang pagkakaiba-iba
upang mapanatili ang magandang samahan?

EXPLAIN: ZOOM MEETING CLASS - PAGSUSURI NG BIDYO/VIDEO ANALYSIS


- Pagpapanood ng Self Made Video na ginawa ng guro bilang pagpapaliwanag o paglilinaw sa
mga kaisipan.

TEXT ANALYSIS/RESEARCH
Ipatuon ang pansin sa mga sumusunod:  Paaralan  Simbahan  Pamilya  Mga negosyo  Pamahalaan.
1. Ipatala o ipasulat ang maikling paglalarawan ng bawat isang institusyon o sektor ng lipunan
na naitala.
2. Pagkatapos, magsagawa ng pagsasaliksik sa mga ito, maaaring sa silid-aklatan o sa internet
upang matukoy ang mga sumusunod:
a. Ano ang layunin ng bawat sektor?
b. Ano ang kontribusyon nito sa lipunan?
c. Ano ang nakikitang tunguhin ng mga ito sa kasalukuyan?
d. Ano ang kasalukuyang kalagayan nito sa ating bansa? Ano ang ginagawa nito tungo sa pagkamit
ng kanilang layunin? Mayroon ba itong nagiging impluwensiya sa mga mamamayan at naiambag na
tulong sa pag-unlad ng lipunan?
e. Nakatutulong ba ito sa pagkamit ng layunin ng lipunan? Magsulat ng komprehensibong
paliwanag.
3. Matapos nito ay gumawa ng isang komprehensibong ulat tungkol dito o maaari naman isang
dokumentaryo na maaaring i-post sa social networking sites.
4. Matapos maisagawa ang kabuuang proseso ay sagutin ang mga sumusunod na tanong: a. Ano ang
maitutulong ng mga sektor ng lipunan na nabanggit sa pagkamit ng layunin ng lipunan? b. Ano ang
maaaring maganap kung hindi matutupad ng mga sektor na ito ang kanilang mga tungkulin sa
lipunan? c. Paano matitiyak na makatutulong ang lahat ng sektor na ito upang gawing matiwasay
ang lipunan? d. Kung magkakaroon ng iisang layunin ang lahat ng sektor na nabanggit, ano kaya
ang layunin na ito? e. Paano makatutulong ang mga sektor na ito ng lipunan sa pagkamit ng
kaganapan ng iyong pagkatao?

PAGSUSURI NG BIDYO/VIDEO ANALYSIS


- Pagpapanood ng Self Made Video na ginawa ng guro bilang pagpapaliwanag o paglilinaw sa
mga kaisipan.

EXTEND:
- Video Analysis/Pagsusuri ng Bidyo “Bayan Ko”

Kabanata 1: http://www.youtube.com/watch?v=u-a3qSXv4hg
Kabanata 2: http://www.youtube.com/watch?v=DCAiZClTPlg
Kabanata 3: http://www.youtube.com/watch?v=5UUY1RFVunA
Kabanata 4: http://www.youtube.com/watch?v=p1e7mna_2j8
Kabanata 5: http://www.youtube.com/watch?v=aw0IrE6IJdg
Kabanata 6: http://www.youtube.com/watch?v=cBDG3V-LaxI
- Pagpapatala sa DATA RETRIEVAL CHART
PAMPROSESONG TANONG:
 a. Bakit mahalagang mayroong samahan?
 b. Bakit mahalagang mayroong namumuno?
 c. Paano magkakaroon ng katiwasayan sa isang pangkat o samahan?
 d. Ano-ano ang mga pangangailangan ng tao na hindi niya kayang tugunan nang mag-isa?
 e. Sino ang makakatulong sa kaniya upang ito ay tugunan? Sa paanong paraan?
 f. Sa paanong paraan makakamit ng samahan ang kanilang mga layunin? Ano-ano ang mga
bahaging gagampanan ng mga kasapi sa pagkamit nito?

EVALUATE: Balikan ang paunang pagtataya at magbigay ng ebalwasyon.


Remarks:
LC:
3.1. Nakikilala ang mga katangian ng mabuting ekonomiya.
3.2. Nakapagsusuri ng maidudulot ng magandang ekonomiya.
3.3. Napatutunayan ang Batayang Konsepto
3.4. Nakatataya ng lipunang ekonomiya sa isang baranggay/pamayanan at lipunan/bansa gamit ang
dokumentaryo o photo/video journal (Hal. YouScoop) Aktibiti:
ENGAGE: Balitaan;
SURVEY ANALYSIS
1. Makipag-ugnayan sa guro upang maisagawa ang pagpapangkat sa klase. 2. Magsagawa ng isang
survey sa mga kapwa mag-aaral sa paaralan. Tanungin ang mga kapwa mag-aaral ng mga sumusunod:
a. Magkano ang kanilang baon sa loob ng isang araw? b. Ano-ano ang kanilang pinagkakagastusan
sa kanilang baon? c. Sapat ba o hindi ang kanilang natatanggap na baon? Ipaliwanag d. Ano ang
naidudulot ng kakulangan sa baon? e. Kung hindi sapat ang natatanggap na baon, Paano
sinosolusyonan ang kakulangang ito?

EXPLORE:
SURVEY ANALYSIS
1. Magsagawa ng kaparehong survey.
2. Sa pagkakataong ito ay mga magulang naman ang bibigyan ng mga tanong. 2. Isulat ang mga
sumusunod na tanong:
a. Magkano ang budget para sa isang buwan?
b. Ano-ano ang kanilang pinagkakagastusan sa tahanan?
c. Sapat ba o hindi ang kanilang budget para sa isang buwan? Ipaliwanag.
d. Ano ang naidudulot ng kakulangan sa budget?
e. Kung hindi sapat ang budget, ano ang paraang ginagawa upang masolusyonan ang
suliranin?
3. Isulat ang mga ito sa malinis na papel. Maaaring magpa-xerox ng maraming kopya upang
maibahagi sa mga mag-aaral at mga magulang
4. Matapos na makuha ang mga papel na kanilang sinagutan ay kuhanin ang pangkalahatang
resulta ng dalawang survey na isinagawa.
5. Gumawa ng ulat mula sa pangkalahatang resulta at ibahagi ito sa klase.
6. Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod na tanong:
a. Sa pangkalahatan, sapat ba ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbubudget ng perang kanilang
hawak? Pangatwiranan
b. Sa pangkalahatan, sapat ba ang kakayahan ng mga magulang sa pagbubudget ng perang kanilang
hawak? Pangatwiranan.
c. Sa iyong sariling karanasan, mahirap ba o hindi na magbudget ng perang hawak? Pangatwiranan.
d. Bakit mahalagang matutuhan ng lahat ang tamang pamamahala sa perang kinikita?
e. Ano ang maaaring maidulot kung hindi mapangangasiwaan nang wasto ang perang kinikita?
f. Anong sitwasyon sa lipunan o pamahalaan ang sinasalamin ng nagdaang gawain? Ipaliwanag.

EXPLAIN: ZOOM MEETING CLASS - LARGE GROUP DISCUSSIONS


TEXT ANALYSIS- https://www.slideshare.net/jomarienel/modyul-3-lipunang-pangekonomiya-51411555

EXTEND:
VIDEO ANALYSIS - Panuto: Panuorin ang GMA News TV segment na Kape at Balita na may titulong
“Ekonomiya ng Pilipinas, itinuturing na 'Best Performing in Asia' ng Phil. Chamber of
Commerce”. At sagutin at isulat sa iyong journal ang mga gabay na tanong.
https://www.youtube.com/watch?v=KZAypzf8Y40

1. Ano-ano ang mga bagay na nakatulong sa pag-angat ng ekonomiya ng pilipinas?


2. Ano ang maaari mong magawa o plano upang makatulong sa pag-unlad na ito sa pamamaraan na
kaya mo sa ngayon?
3. Paano pinauunlad ng gawaing pagpaplano ang buhay ng isang tao?

EVALUATE: Magbigay ng maiksing pagsusulit.


MINITASK: PROJECT PLAN PROPOSAL – Lipunang Pang ekonomiya
file:///D:/System%20Volume/Downloads/esp9lm-160611105031.pdf
Pages 55-57

Remarks:
4.1. Natutukoy ang mga halimbawa ng lipunang sibil at ang kani-kaniyang papel na
ginagampanan ng mga ito tungo sa kabutihang panlahat.
4.2. Nasusuri ang mga adhikaing nagbubunsod sa mga lipunang sibil upang kumilos tungo sa
kabutihang panlahat.
4.3. Naipaliliwanag ang mga Batayang Konsepto.
4.4a. Natataya ang adbokasiya (isinusulong na usapín) ng iba’t ibang lipunang sibil batay sa
kontribusyon ng mga ito sa katarungang panlipunan, pangekonomiyang pag-unlad (economic
viability), pakikilahok ng mamamayan, pangangalaga sa kapaligiran, kapayapaan, pagkakapantay
ng kasarian (gender equality) o espiritwalidad (mga pagpapahalagang kailangan sa isang
sustainable society).
4.4b. Nakapagsasagawa ng mga pananaliksik sa pamayanan upang matukoy kung mayroong lipunang
sibil na kumikilos dito, upang matukoy ang adbokasiya ng lipunang sibil sa pamayanan, at matasá
ang antas ng pagganap ng lipunang sibil sa pamayanan.

Aktibiti:
ENGAGE: Balitaan;
SURVEY ANALYSIS
Unang Mapagpipilian (Pangkat A). May naaalala ka bang mga organisasyon na dumayo sa inyong
lugar upang maghatid ng kawanggawa? Nabiyayaan ka na ba sa ganitong paglilingkodbayan? Anong
serbisyo o tulong ang naipaabot sa iyo?
Panuto:
1. Gumawa ng talaan sa papel ng mga natatandaan mong kahalintulad na gawain sa inyong lugar.
2. Sagutin sa papel ang tanong na ito: Ano kayâ ang nagtutulak sa mga taong ito upang
magpakaabala at magpakagastos, gayong ni hindi naman nila tayo kilala? Ipaliwanag.
3. Ibahagi sa klase ang mga sagot ng mga kasapi ng pangkat.
Ikalawang Mapagpipilian (Pangkat B): May nabalitaan ka bang mga organisasyon na nagsagawa ng
kilos-protesta? Tungkol sa anong usapín ang kanilang ipinoprotesta?
Panuto:
1. Gumawa ng talaan sa papel ng mga natatandaan mong kahalintulad na pagkilos na iyong
nabalitaan.
Usapíng ipinoprotesta Pangalan o uri ng organisasyon Petsa o taon
3. Sagutin ang tanong na ito: Ano kayâ ang nagtutulak sa mga taong ito upang iprotesta ang mga
ganitong usapín?
4. Ibahagi sa klase ang mga sagot ng mga kasapi ng pangkat.
EXPLORE:
VIDEO ANALYSIS - Panoorin ang dokumentaryong Like You, We Have Rights, Too mula sa
https://www.youtube.com/watch?v=D3zbaL0_L9Y.
2. Italâ sa kuwaderno ang mga usapíng pinalutang ng mga kinapanayam.
Pangalan o uri ng organisasyon
Uri ng paglilingkod Panahong inilaan
Pananaw ng mga tao tungkol sa resulta o epekto ng serbisyo o kawanggawa
3. Pag-isahin sa pisara an mga naitala mo at ng mga kamag-aral.
4. Bilang isang klase, gumawa ng concept map ng mga usapíng ito.
5. Tukuyin kung alin ang pangunahing usapín.
6. Bumalangkas ng mga pagkilos na maaaring isakatuparan ng isang lipunang sibil upang matugunan
ang pangunahing usapín.

May mga bagay na tinatamasa ang ating pamilya mula sa kagandahang-loob ng iba. Panuto:
1. Isulat sa pisara ang mga “uri ng paglilingkod” na nakalap ng Pangkat A.
2. Isulat din sa pisara ang mga “usaping ipinoprotesta” na nakalap ng Pangkat B.
3. Isulat sa kuwaderno ang kabutihang maaaring idulot sa ating pamilya ng mga paglilingkod at
pagpoprotestang ito.
EXPLAIN: ZOOM MEETING CLASS - LARGE GROUP DISCUSSIONS
TEXT ANALYSIS- https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/esp-9modyul-4
EXTEND: ?

EVALUATE: Magbigay ng maiksing pagsusulit.

Remarks:
GRASPS:
Goal: Ang mga mag-aaral ay bubuo ng planong proyekto na kikilalanin ang kabutihang panlahat sa
lipunan.

Role: Ang mga mag-aaral ay inaasahang maging isang economic planner; videographer;reasearcher

Audience: Ang kanilang mga kabarangay

Situation: Itatampok ang programang makabubuti para sa lipunan.

Product/Performance: Video documentary/project proposal


Standard: Ang produkto/gawain ay bibigyang puntos batay sa creative output/performance rubric.
LC: Napatutunayan na: a. May mga pangangailangan ang tao na hindi niya makakamtan bilang
indibidwal na makakamit niya lamang sa pamahalaan o organisadong pangkat tulad ng mga
pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural, at pangkapayapaan.

Aktibiti:
1. Balitaan
2. Presentasyon ng GRASPS

Remarks:

You might also like