You are on page 1of 9

10

Edukasyon
sa Pagpapakatao

Ikaapat na Markahan – Modyul 8


Kahalagahan at Layunin ng Kaalaman
sa Paggalang sa Dignidad ng
Seksuwalidad
Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas
Alamin

Bago ka magpatuloy sa modyul na ito alam


kung sa panahon ngayon maraming kang
tanong sa mga nangyayari sa paligid mo sa
paligid natin na kung minsan ay hindi natin
alam ang ibig sabihin nito. Isa sa mga ito ay
halimbawa, kung ano ibig sabihn ng respito at
dignidad ng tao,sa modyul na ito ay alam
kung makatutulong sayo. Handa ka na ba?

Ang aralin na ito ay sadyang ginawa ng may-akda upang mapalawak ang iyong
kaalaman sa mga isyu tungkol sa kawalan ng paggalang sa seksuwalidad. Inaasahan din na
sa pamamagitan ng aralin na ito ay:

Napapangatwiranan na: Makatutulong sa pagkakaroon ng posisyon tungkol sa


kahalagahan ng paggalang sa pagkatao ng tao at sa tunay na layunin nito ang
kaalaman sa mga isyung may kinalaman sa kawalan ng paggalang sa dignidad at
seksuwalidad ng tao (ESP 10PI-IVb-13.3)

Balikan

Aba! Maganda ang ginawa mo ah,


masaya para sayo! Eh ngayon naman
tingnan nga natin Kung mayroon ka bang
naalala sa nakaraang modyul at mga
gawain.
Napag-aralan mo ang mga isyung moral tungkol sa seksuwalidad, ito ay ang:
Pagtatalik bago ang kasal o Pre-marital Sex, Pornograpiya, Pang-aabusong Seksuwal at
Prostitusyon. Sa bagong aralin, lalawak ang ating kaalaman sa mga isyu tungkol sa kawalan
ng paggalang seksuwalidad ay daan upang magkaroon ng malinaw na posisyon sa
kahalagahan ng paggalang sa kabuuan ng pagkatao ng tao sa tunay na layunin nito.

Maalala na hindi maganda ang epekto ng bawat isyung moral tungkol sa


seksuwalidad.

Ngayon ay pag-aaralan mo ang isyu kung paano ka makapagbibigay ng sarili mong


pananaw at paninindigan sa mga isyu na may kinalaman sa dignidad at seksuwalidad ng
tao.

Tuklasin
Sa panahon ngayon maliban sa mga isyo ng
seksuwalidad, dignidad at sa paggalang ng pagkatao ng
tao ay mayroon na namang sinasabing (Coronavirus or
covid 19) O Pandemya na kinatakutan ng sambayanan
hindi lang sa pilipinas kundi sa buong mundo, gusto kung
ipaalam sa iyo na kahit na mayroon tayong malaking
hamon sa buhay ngayon sa pagpigil ng sakit na
nakakamatay, sana huwag po natin kalimutan o hindi
pagtu-onan ng pansin kung ano ibig sabihin ng isyong
moral tungkol sa paggalang sa sekuwalidad
paggalang.Ngayon handa ka naba?Tingnan nga natin.
Gawain 1:

Sa gawain ito Isulat sa bilog ang mga isyung moral tungkol sa seksuwalidad na iyong
nalaman gawin ito sayong kuwarderno.

ISYU TUNGKOL SA
SEKSUWALIDAD
Gawain 2:

Dito naman Isulat ang sarili mong pang-unawa sa salitang “DIGNIDAD”. Ilagay sa bilog ang
mga salitang maiuugnay ditto. Isulat sa inyong kuwaderno ang inyong sagot.

DIGNIDAD

Gawain 3:

Dito naman sagutin ang katanungan na nasa ibaba.

1. Isulat sa kwaderno ang mga isyu na iyong nabanggit sa Gawain 1.


2. Gumawa ng isang pangungusap na maglalarawan sa dignidad gamit ang mga salita
na iyong isinulat sa kahon.

Suriin

Aba! Ngiti naman diyan! Napansin


ko maganda ang ginawa mo sa nakaraan
modyul , masaya ako ulit para sayo,
nyayon naman ay gusto ko ipaalam sa iyo
kung bakit mahalaga ang paggalang sa
pagkato ng tao,seksuwalidad at dignidad
ng kapwa.
Kung mapapansin mo, marami ang mga problema ang kinakaharap ng ating lipunan
sa ngayon lalong–lalo na ang isyu tungkol sa kawalan ng paggalang sa dignidad at
seksuwalidad ng tao. Makikita natin sa telebisyon o kaya sa internet na talamak ang mga
gawain immoralidad na ginagawa ng mga tao. Ang mga isyung; Pagtatalik bago ang kasal,
pornograpiya, mga Pang-aabusong seksuwal at Prostitusyon ay ginagawa ng mga tao
anumang oras na kanilang gusto. Sa gawaing ito napapababa ng mga tao ang kanilang
kahalagahan bilang tao. Nawawala na ang pagbibigay respeto sa kanilang sarili at sa
kanilang kapwa. Ang pakikitungo ng mga tao ay isa na lamang bagay na kanilang
magagamit sa panahon na kanilang kakailanganin.

Ang nakakagulat na pangyayari ay pati mga kabataan ay nasasangkot sa mga


isyung moral tungkol sa seksuwalidad. Dahil sa maagang namulat sa pakikipagrelasyon,
kadalasan ay sa kanilang pinaka-murang edad ay nagkakaroon na sila ng karelasyon.
Ngunit ang kanilang pakikipagrelasyon ay dahil lamang sa kasiyahan na kanilang nadarama
tuwing kasama nila ang kanilang nobyo o nobya. Masasabing ang pakikipagrelasyon nila ay
hindi pangmatagalan na hahantong sa pagbuo ng pamilya. Hindi rin maitatanggi na ang mga
kabataan ay maagang namulat sa kaalaman tungkol sa pakikipagtalik dahil na rin sa
impluwensiya ng social media. Kung kaya’t ang kanilang pakikipagrelasyon, minsan ay
nauuwi sa pakikipagtalik upang masubukan ang ganitong gawain. Minsan nadadala ang
mga kabataan sa maling pananaw tungkol sa pakikipagtalik. Iniisip nila na mapatutunayan
ang tunay na pagmamahal sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa kanilang karelasyon. Ang
ganitong uri ng pagmamahal ay kondisyonal. Laging tandaan na ang pagmamahal na tunay
hindi ito kailanman humihingi ng kapalit. Ayon pa kay Sta. Teresita, “Ang mabuhay sa pag-
ibig ay pagbibigay ng di nagtatantiya ng halaga at hindi naghihintay ng kapalit.” Sa
pakikipagrelasyon ay hindi na kailangan na makipagtalik upang mapatunayan ang iyong
pagmamahal, kailangan lamang ng tiwala at paggalang sa isa’t-isa.

Dapat mong tandaan na ginawa ng Panginoon ang tao upang maging katuwang
niya na maging mapanlikha at magparami. Kung kaya’t mayroon tayong seksuwalidad o ang
ating pagkalalaki at pagkababae bilang instrumento upang maipagpatuloy natin ang gawaing
layuning ito.

Ang paggamit ng ating seksuwalidad ay kinakailangang gamitin sa tamang paraan at


tamang oras. Ang seksuwalidad ng tao ay kailangang gamitin sa layuning magkaroon ng
anak at magkaisa sa pamamagitan ng pagtanggap ng sakramento ng kasal. Kung kaya’t
ang pagtatalik bago ang kasal, pornograpiya, pang-aabusong seksuwal at prostitusyon ay
masama sapagkat taliwas ito sa layunin ng paggamit ng seksuwalidad at hindi nito
isinakatuparan ang tunguhin ng tao sa paggamit ng kanyang seksuwalidad.
Ang pagkakasangkot sa mga isyung may kinalaman sa seksuwalidad ay
nakapagpababa sa kahalagahan ng tao, sapagkat nagiging kasangkapan na lamang ang
kanyang sarili o ang kanyang kapwa sa makamundong pagnanasa. Kung kaya tinatrato niya
ang kanyang sarili o kapwa bilang isang bagay na lamang na makapagbibigay sa kanya ng
pansariling kaligayahan.

Mahalagang iyong tatandaan na sa paggawa ng Panginoon ng tao, siya ay may


dignidad, at ito ay likas sa kanya. Ibig sabihin, kailangang igalang at pahalagahan ang isang
tao anuman ang kanyang katayuan sa buhay dahil ang tao ay pantay-pantay dahil sa
karapatan na dumadaloy rito. Kinakailangang tratuhin siya bilang isang tao at hindi isang
bagay lamang na gagamitin para sa pansariling kapanginabangan at isasantabi kung hindi
na kakailanganin.
Ang seksuwalidad ay kinakailangang gamitin na may dignidad. Kailangan sa
paggamit nito ay may paggalang sa sarili at sa kapwa. Lagi mong tandaan sa anumang mga
bagay na gusto mong gawin ay laging mangibabaw ang kabutihan para sa iyong sarili at sa
iyong kapwa. Huwag kalimutan na ang iyong sarili at iyong kapwa ay may dignidad na dapat
pahalagahan at tratuhin bilang isang tao at hindi bagay na gawing kasangkapan para sa
pansariling kapanginabangan.

Pagyamanin

Para mas palawakin pa ang iyong


kaalaman, ngayon tingnan naman natin ang
iyong napag-aralan para naman masasabi
natin sa ating sarili na dapat palang maghintay
sa tamang panahon, mag isip ng mabuti at
maghintay sa wastong pagkakataon na
magpakasal at respituhin ang dignidad ng
kapuwa tao.

Sa Gawain ito ang punan ang kahon na nasa ibaba ng mga isyu tungkol sa seksuwalidad.
Pagkatapos, sa susunod na kahon ay isulat ang epekto nito sa dignidad at seksuwalidad. Sa
huling kahon ay isulat ang iyong pananaw upang mapahalagahan ang paggalang sa
dignidad at seksuwalidad ng tao gawin ito sa iyong kuwaderno.

Mga Isyu Tungkol sa


Seksuwalidad
EPEKTO SA DIGNIDAD AT SEKSUWALIDAD

IYONG SARILING PANANAW UPANG MAPAHALAGAHAN ANG PAGGALANG SA


DIGNIDAD AT SEKSUWALIDAD NG TAO

Isaisip

HMM umaasa ako na nagawa mo ng


madali ang pagyamanin.kung nahirapan ka
huwag mag-alala dahil ang susunod na
Gawain ay mag-iisip kalang ng mabuti
kung ano ang ibig sabihin ng seksuwalidad
at paano ito pahahalagahan.

Ito na-yon punan ang mga sumusunod na pahayag batay sa iyong natutunan at gawin ito sa
iyong kuwaderno.

Ang seksuwalidad ay kaloob ng Diyos sa tao upang


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________

Ang tao kinakailangang pahalagahan dahil


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
______________________________________________________
Isagawa

Nahirapan kabang mag isip?


Mayroon ka na bang karanansan kung
anong ibig sabihin ng seksuwalidad o
mayron kana bang nalalaman tungkol sa
pag-aabuso nito? O di kaya pagrespito sa sa
kapwa tao? Ngayon subukan natin ang
iyong nalalaman.

Ang nasa kahon ay isang sitwasyon na pagkatapos mong basahin ay sasagutin mo


ang katanungan na nasa ibaba. Ang inyong sagot sa bawat tanong ay tatlo (3) hanggang
lima (5) pangungusap lamang na isusulat mo sa inyong kwaderno. Okay kalang ba? Baka
kailanagan mong uminon muna ng tubig at magrelaks ka muna ng ilang saglit.

Isa kang mag-aaral sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 at alam mo ang


mga isyu tungkol sa seksuwalidad at dignidad ng tao at ang masamang epekto
nito. Isang araw nakita mo ang iyong mga kamag-aral na magsyota ay nasa
likuran na bahagi ng iyong paaralan na naghahalikan .
1. Ano ang gagawin mo?
2. Paano mo maipaliliwanag sa kanila ang tungkol sa maaaring epekto sa kanila at ang
kahalagahan ng paggalang sa dignidad ng tao?
3. Bilang kabataan, ano ang maaari mong gawin upang maipakita ang paggalang sa
seksuwalidad at dignidad ng tao?

________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_____________________________________

You might also like