You are on page 1of 7

1

Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Learning Activity Sheet (LAS)
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng gawain kung ito‟y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag


upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang
Visayas.

Bumubuo sa pagsusulat ng Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Learning Activity Sheet

Manunulat: Divine Grace Marie S. Rosos


Editor: Alma C. Sinining
Tagasuri: Jona S. Demaraye, Claudia T. Villaran, Marineth I. Villena,
Gethel A. De Guzman

Tagalapat: Antonio O. Rebutada


Management Team:
Ramir B. Uytico Clarissa G. Zamora
Pedro T. Escobarte Fevi S. Fanco
Elena P. Gonzaga Ivy Joy A. Torres
Donald T. Genine Alma C. Sinining
Miriam T. Lima Jason R. Alpay

2
MABUHAY!

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay


nabuo sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Dibisyon ng Lungsod ng
Escalante sa pakikipagtulungan ng Kagawaran gn Edukasyon, Rehiyon 6 –
Kanlurang Visayas sa sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division
(CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang
ating mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng
Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na


mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa
kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang
buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang
isinasaalangalang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga Learning Facilitator:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Learning Activity Sheet (LAS) na ito


ay binuo upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang
ng edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang
mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto
sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan
ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner‟s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Learning Activity Sheet (LAS) na ito


ay binuo upang matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka
ngayon sa iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng
makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain
nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.

3
Quarter 4, Week 4b
Learning Activity Sheets
Pangalan ng Mag-aaral:
Grado at Pangkat:
Petsa:

GAWAING PAMPAGKATUTO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY

KASANAYANG PAMPAKATUTO AT KODA

• Nakapagbubuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay.


(Week 4/ EsP9PK-IVd-14.4)

PANIMULA

Upang ikaw ay lubos na magabayan sa pagbuo ng iyong Personal na Pahayag ng


Misyon sa buhay narito ang halimbawang ginawa ng isang mag-aaral.

Balang araw ay nais kong maging isang inhinyero at maging instrumento sa


pagpapahayag ng pagmamahal ng Diyos at pagpapalaganap ng Kaniyang mga
salita at karunungan sa lahat, lalo na sa mga kabataan, sa pamamagitan ng pag-
aaral ng mabuti, pagsasaliksik at pag-alaala sa walang hanggang pagmamahal
ng Diyos sa lahat ng aking ginagawa.

Elemento Hakbang sa Gagawin Takdang Oras/Panahon


Pag-aaral ng mabuti • Pagbabalik-aral sa • 2 hours a day
mga nagdaang aralin
• Pag-aaral ng mga
asignatura
Pagsasagawa ng • Pananaliksik sa mga • Isang beses isang
Pananaliksik problema na Linggo
kinakaharap ng
lipunan
• Pananaliksik tungkol
sa mga bagay na
makapupukaw ng • Isang beses isang
atensyon sa mga Linggo
kabataan,
Pag-alaala sa Diyos • Panalangin • Araw-araw
• Tuwing Linggo

4
• Pagdalo sa Banal na
Misa • Sabado at Linggo
• Pagsali sa mga
gawain sa simbahan
at organisasyon

Sa paggawa nito isaalang-alang ang kraytiryang SMART, ibig sabihin, Specific,


Measurable, Attainable, Relevant, at Time Bound. Ito ay mahalaga upang maging
kongkreto sa iyo ang iyong tatahakin sa iyong buhay.
Tiyak (Specific). Kailangan ang lahat ng isusulat mo dito ay ispisipiko. Kung kaya’t
mahalaga na ikaw ay magnilay upang makita mo ang nais mong tahakin. Hindi
makatutulong sa iyo kung pabago-bago ka ng iyong nais. Kailangan mong siguraduhin
ang iyong gagawin.
Nasusukat (Measurable). Nasusukat mo ba ang iyong kakayahan? Kailangan na ang
isusulat mo sa iyong personal na pahayag ng misyon ay kaya mong gawin at
isakatuparan. Dapat mo rin na pagnilayang mabuti kung ito ba ay tumutugma sa iyong
mga kakayanan bilang isang tao sapagkat kung hindi ay hindi mo rin ito mabibigyan
ng katuparan.
Naaabot (Attainable). Kailangan na itanong mo sa iyong sarili na ang personal na
pahayag ng misyon ko ba sa buhay ay makatotohanan? Ito ba ay kaya kong abutin o
kaya ko ba itong gawin? Ito ba ay mapanghamon?
Angkop (Relevant). Ito ba ay angkop para makatugon sa pangangailangan ng iyong
kapuwa? Isa ito sa kinakailangan mong tingnan at suriin. Dito ay kailangan na ituon
mo ang iyong isip na ang buhay ay kailangan na ibahagi sa iba.
Nasusukat ng Panahon (Time Bound). Kailangan na magbigay ka ng takdang
panahon o oras kung kalian mo maisasakatuparan ang iyong isinulat. Ito ang
magsasabi kung ang personal na pahayag ng misyon sa buhay ay iyong nagawa o
hindi. Kailangan rin na itakda ito kung pangmatagalan o pangmadalian lamang upang
maging gabay mo ito sa iyong mga pagpaplano at pagpapasiyang gagawin

MGA SANGGUNIAN

1. Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Batayang Aklat ng mag-aaral, p 7.

5
MGA GAWAIN

Gawain:
Panuto:
1. Bumuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay.
2. Ito ay dapat nagtataglay ng S.M.A.R.T.
3. Gumawa ng talahanayan o matrix upang maging tiyak ang bawat element nito.
4. Maging malikhain sa pagbuo nito.
Halimbawa:

Pag-aaral ng mabuti at Pagtatapos ng High School pagpasa sa Pagiging isang


Pagsisikap na makatapos at pagpasok sa bar exam matagumpay na abogado
ng High School. isang Law School.

________________________________________________________________________

Paghahanda para Pag-aaral ng mabuti pagiging isang Pagiging isang pampublikong


sa pagpasok sa at pagsiskap na ganap na abogado
law school makatapos abogado Pagtulong sa nangangailangan

A. Mga Batayang Tanong


1. Bakit kailangan mong bumuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay?
2. Ano ang kahalagahan nito sa iyong buhay?

B. Batayan sa pagbibigay ng iskor sa Rubrik


15 10 5
Pagkakabuo Angkop at wasto May ilang Walang
ang mga salitang salitang kaugnayan at
ginamit sa ginamit na hindi wasto ang
pagbubuo hindi angkop mga salitang
at wasto ginamit
Nilalaman Mabisang Hindi Hindi
naipahayag ang gaanong naipahayag
mensahe naipahayag nang mabisa
ng mabisa ang nilalaman
ang mensahe ng mensahe

6
REPLEKSIYON

Bilang isang mag-aaral, paano makakatulong sa iyo ang pagbuo ng personal na


misyon sa buhay?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

SUSI SA PAGWAWASTO

Depende sa sagot ng mag-aaral.

You might also like