You are on page 1of 28

aktibiti

Kahulugan ng Liham
Pangnegosyo
Ang liham pang-negosyo ay isang pormal
na sulat na kadalasang ipinapadala ng
isang entidad, tao, grupo, o kompanya sa
isa pa. Ginagamit rin ito sa mga panlabas
na transaksyon gaya ng paghingi ng
pahintulot sa isang kompanya o ang
paghingi ng tulong sa labas na mga
partido (external parties).
Mahalaga rin ang liham na pang-negosyo
dahil ginagamit din ito bilang isang
katibayan na magagamit sa mga panahon
na kailangan magbigay ng patunay ng
isang hiling o transaksyon.
Ang liham pang negosyo ay karaniwang isinisulat
para sa taong nasa labas ng organisasyon o
kompanya.
Ang liham pang negosyo ay isang pormal na sulatin.
Ito ay higit na pormal kaysa sa isang personal na
sulat. Ang pagsulat ng liham pang negosyo ay may
nararapat na pormat kagaya ng margin na isang
pulgada sa bawat gilid ng papel.
Iba’t-ibang uri ng Liham
Pangnegosyo
– Paghanap ng trabaho;
– • Paghingi ng impormasyon;
– • Pagtugon sa tanong o paglilinaw;
– • Promosyon ng mga ibenebenta at/o serbisyo;
– • Pagkalap ng pondo;
– • Pagrerehistro ng mga reklamo;
– Koleksiyon ng mga bayad;
– • Pagpapasalamat at pagpapahayag ng
pagpapahalaga o pagkalugod;
– • Pag-uulat tungkol sa aktibidad
– • Pagpapasalamat at pagpapahayag ng
pagpapahalaga o pagkalugod;
– • Pagbibigay ng magandang balita o
positibong mensahe;
–• Pag-aanunsiyo
–• Talaan o record ng mga
kasunduan;
–• Follow up tungkol sa mga usapan
sa telepono;
–• Pagpadadala ng ibang
dokumentong teknikal.
Bahagi ng Liham Pangnegosyo

– 1. Ulong-sulat-matatagpuan dito ang


pangalan, lokasyon at impormasyon sa
pagkontak sa ahensiyang pagmumulan ng
liham; kalimita nito ng nagtataglay ng logo
ng nasabing kompanya o institusyon
2. Petsa-nagsasaad kung kailan
isinulat ang liham

3. Patunguhan- inilalagay rito ang


pangalan at katungkulan ng taong ibig
pagbigyan ng liham; kung sino ang
pangunahing ibig patunguhan nito
4. Bating Pambungad-
maiksingpagbatisapatutunguhan
ngliham

5. Katawan ng Liham-nagtataglay ng
mismong nilalaman ng liham
6. Bating Pangwakas-maiksing pagbati bago
wakasana ng liham
7. Lagda-pangalan o mismong lagda ng
nagpadala ng liham.
HALIMBAWA NG LIHAM PANG NEGOSYO ( KOLEKSIYON NG BAYAD)
Tukuyin ang iba’t ibang bahagi ng liham na ito:
143 Pinya Road
Masipag, Manila, 0059

Hunyo 7, 2019

MARIA MAGDALENA
Teacher
Malaya Elementary School
Malaya, Manila, Philippines
Mahal na Gng. Magdalena

Magandang Araw!

Ipinahahatid ng liham na ito ang tungkol sa inyong utang na


nagkakahalaga ng P10,000 libong piso na nag due noong June 18, 2019.
Nais naming ipaalam sa inyo na binibigyan po naming kayo ng tatlong
araw upang bayaran ang inyong pagkakautang . Kung kayo ay hindi
magbabayad ng utang ay mapipilitan po kami na pandamantalang kunin
ang inyong kolateral bilang kapalit sa inyong pagkakautang.
Naipaliwanag nap o naming ito noong kayo ay kumuha ng utang sa amin
at nakasulat din po ito sa ating kontrata.

kinagagalak naming kung gagawan ninyo agad ng aksiyon ang aming


kahilingan.

Lubos na gumagalang,

Marlon Beta,
ABC Company, Manager
Analisis: hulaan mo!

–Babasahin ng inyong mga


kaklase ang kahulugan ng
liham pangkalakal at
huhulaan mo ito:
Unang hulaan:

Kung may nakita kang nakapaskin


na naghahanap ng trabaho ,
maari kang mag-apply gamit ang
liham na ito.
Sagot :
Liham sa Paghanap ng trabaho
O
Application Letter
Pangalawang hulaan:

–Kung mayroon isang bagay na nais


mong maunawaan, maaring kang
gumawa ng liham na ito upang
malaman ang iyong nais malaman
–Sagot :
Liham sa Paghingi ng
impormasyon
Ikatlong hulaan: anong klaseng
liham ito??
Sagot:
Pagtugon sa tanong o
paglilinaw
Ikaapat na hulaan: anong
klaseng liham ito?
Sagot:
Liham na Promosyon ng
mga ibenebenta at/o
serbisyo
At iyon ang mga uri at bahagi ng
Liham Pangnegosyo/ Pangkalakal

– Mahalaga ang pagsulat ng liham pangkalakal dahil


ito ay mainam na gamitin upang makipag
ugnayan tayo sa opisina
– Magagamit natin ito kung mag-aaply tayo ng
trabaho o mayroon tayong bilihin na propdukto.
– Ngayon dadako na tayo sa ating gawain
Abstraksiyon:

– Bumuo ng pangkat at magsagawa ng paligsahan


sa pagalingan sa pagbuo ng liham pangnegosyo
(Promosyon ng mga ibenebenta o serbisyo) at -----
-isusulat sa pisara
APLIKASYON

Indibidwal na Gawain:
Sumulat ng isang Liham sa Paghanap ng
trabaho.
Pagtataya:

Isulat ang pitong bahagi ng Liham Pangnegosyo/


pangkalakal

Magbigay ng limang uri ng Liham Pangkalakal

Ano ang kahalgahan ng pagsulat ng Liham Pangkalakal?


Takdang Aralin:

Gumawa ng Halimbawa ng liham pangnegosyo/


pangkalakal:
1. Follow up tungkol sa mga usapan sa telepono
2. Pagpapasalamat at pagpapahayag ng pagpapahalaga o
pagkalugod

You might also like