You are on page 1of 4

PANGALAN:___________________________________ YR & SECTION:______________ ESP10-EXAM-Q3

TEST I. Panuto: Bahasin at unawaing mabuti ang bawat tanong.Isulat ang TITIK ng tamang sagot sa
patlang.

______1. Ano ang kahulugan ng “pater” na pinagmulan ng salitang patriyotismo?


A. pinagkopyahan at pinagbasehan C. kabayanihan at katapangan
B. pinagmulan o pinanggalingan D. katatagan at kasipagan
SAGOT:B
______2. Ang ________________ ay tumutukoy sa mga ideolohiyang pagkamakabayan at damdaming
bumibigkas sa isang tao at sa iba pang may pagkakaparehong wika, kultura, at mga kaugalian o tradisyon.
A. kalayaan B. katarungan C. patriyotismo D. nasyonalismo
SAGOT:C
______3. Ang sumusunod ay mga pagpapahalaga na indikasyon ng pagmamahal sa bayan maliban sa:
A. Laging inuuna ang pansariling kapakanan C. Pagsulong sa kabutihang panlahat
B. Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa D. Pagpapahalaga sa buhay
SAGOT:A
______4. Alin ang hindi angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan?
A. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling pamilya.
B. Pagiging tapat sa sarili, sa kapwa, sa gawain at sa lahat ng pagkakataon.
C. Paggawa ng paraan upang makatulong sa mga suliranin ng bansa.
D. Pag-awit ng Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad
SAGOT:A
______5. Bakit mahalagang mahalin natin ang ating bayan?
A.Biyaya ng Diyos ang pagkalooban tayo ng lipunang kinabibilangan at pamayanang matitirahan.
B.Dito tinatanggap at iniingatan natin ang ating mga mahal sa buhay upang hubugin ang ating mga
kakayahan.
C. Nakilala tayo ng mundo dahil sa talino at angking kagalingan na hinubog sa ating bayang sinilangan.
D. Utang natin sa ating bayang sinilangan ang ating kalayaan at pagkakataong hubugin ang ating pagkatao.
SAGOT:A
_____6. Alin sa sumusunod ang iyong gagawin kung bibigyan ka ng pagkakataon na gumawa ng isang bagay na
makakaya mo para sa kalikasan?
A. Magdasal para tataas ang ekonomiya ng bayan.
B. Gagawa ng mga programang ipapatupad ng barangay upang makatulong ng malaki.
C. Lilinisin ng mag-isa ang isang ilog na marumi at sasali sa mga proyektong lilikom ng pondo para sa ilog.
D. Maging mapanuri at magkukusa sa mga gawaing kailangan ako.
SAGOT:D
_____7. Ang mga sumusunod ay maling pagtrato sa kalikasan, maliban sa isa.
A. Paghiwa-hiwalay ng basura bilang nabubulok at di nabubulok.
B. Pagtatapon ng basura sa mga anyong tubig.
C. Hindi maayos na pagtatapon ng basura.
D. Pagsusunog sa mga basura
SAGOT:A
_____8. Ano ang kahulugan ng pagiging tagapangalaga ng kalikasan?
A. Paggamit sa kalikasan na hindi isinasaalang-alang ang iba
B. Paggamit sa kalikasan nang walang pakundangan
C. Paggamit sa kalikasan nang may pananagutan
D. Paggamit sa kalikasan na naaayon sa sariling kagustuhan
SAGOT:C
____9. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng paggamit sa kalikasan bilang isang kasangkapan lamang?
A. Paggamit ng lupain na may pagsasaalang-alang sa tunay na layunin nito
B. Pagkamalikhain at responsibilidad sa gagawing pagbabago sa kapaligiran
C. Pagpuputol ng puno at pagtatanim muli sa mga bagong binhi
D. Malawakang paggamit ng mga kemikal upang makakuha ng maraming ani.
SAGOT:D

1
_____10. Paano mo isasagawa ang programang nagsusulong ng pangangalaga ng kalikasan?
A. Ipapatupad ang batas sa pamamagitan ng dagdag multa sa bawat paglabag.
B. Hayaan na lamang ang mga awtoridad na magsagawa ng proyektong pangkalikasan dahil sila ang may pondo.
C. Gawin ang makakaya na alagaan ang kalikasan kahit sa munting paraan
D. Makikipag-ugnayan at gagawa ng isang komprehensibong pag-aaral upang makapagsagawa ng isang gawaing
pangkalikasan.
SAGOT: C

TEST II: Panuto: Basahin ang mga pahayag. Lagyan ng plus sign (+) kung ito ay mga angkop na kilos na
nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan at minus sign (-) kung ito ay nagpapakita ng mga paglabag sa
pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan. Isulat ang tamang sagot sa patlang.

______11. Hindi ako matatakot iwasto kapag nilabag ng aking kapwa ang batas. Halimbawa, ang hindi
pagtawid ng tama
SAGOT: +
______12. Pawang katotohanan lang ang aking sasabihin sa aking kapwa.
SAGOT: +
______13. Magsasagawa ako ng clean-up drive sa aking komunidad.
SAGOT: +
______14. Susuportahan ko ang mga produktong lokal.
SAGOT: +
______15. Nanaisin kong manahimik kaysa magsabi ng totoo.
SAGOT: -
______16.Hindi ko sasabihin sa kinauukulan na illegal logging ang ikinabubuhay nina Ondoy dahil ninong ko
ang tatay niya.
SAGOT: -
______17.Pipila ako ng maayos at mahinahon kong antayin ang tawag ko.
SAGOT: +
______18.Ipagmamalaki ko sa akong kaibigang banyaga ang mga pagkaing lokal.
SAGOT: +
______19.Magtatanim ako ng mga gulay sa mga bakanteng lote sa aming kapaligiran o sa mga resiklong paso.
SAGOT: +
______20.Sinisikap kong maging totoo at tapat, huwag mangopya at magpakopya
SAGOT: -

TEST III: PAGTUTUKOY


Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na mga aytem. Piliin at Isulat ang TITIK ng tamang sagot sa
patlang.

A. Paninigarilyo B. Suicide C. Aborsiyon


D. Paggamit ng droga E. Euthanasia F. Paglalaro ng online games
G. Kusa(miscarriage) H.Sapilitan (induced) I. Fetus o Baby
J.Pro-life K. Pro-choice H. Panalangin

______21. Ang sinasadya o sapilitang pagkitil ng buhay sa sinapupunan.


SAGOT: C
______22. Ang gawaing nakakasira sa ating baga na kung hindi maagapan ay magiging kanser sa atay.
SAGOT: A
______23. Nagdudulot ito ng negatibong epekto na maaaring kinabibilangan ng balisang pagtulog, sobrang
kalikutan, pagkaduwal, delusyon sa kapangyarihan, napatinding pagka-agresibo at pagiging iritable.
SAGOT: D
______24. Isang uri ng pagpatay sa sarili na isinasagawa sa iba’tibang paraan. Bukod sa labag sa utos ng
Panginoon, ito ay mag-iiwan ng malaking dagok sa pamilya.
SAGOT: B
______25. Ito ay paraan ng pagpatay sa sarili sa tulong ng ibang tao, o ayon sa kagustuhan ng isang pasyente
upang wakasan ang nararamdamang sakit sa katawan, o sakit na nakakamatay o wala ng lunas.
SAGOT: E
______26. Ito ang tawag sa aborsiyon na natural na nangyari at walang anumang prosesong naganap at
kadalasang nangyayari sa mga magulang na hindi kaya ng katawan o may sakit ang dinadala.
SAGOT: G.
______27. Ito ang tawag sa aborsiyon na dumaan sa proseso , opera man o gamut.
SAGOT: H

2
______28. Tumukoy sa isang bagay na inaalis sa sinapupunan ng isang ina sa pamamagitan ng kusa o
sapilitan.
SAGOT: I
______29. Ito ay ang panig na nagsasabing masama ang aborsiyon sapagkat mula nang ipaglihi ito ng
kanyang ina, siya ay tao na kaya ang paglaglag o pag-abort sa sanggol ay isang aksiyon ng pagpatay.
SAGOT: J
______30. Ito ay tinatawag ring “Mercy killing”.
SAGOT: E
Test IV: TAMA O MALI
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang
ipinapahayag ng pangungusap at MALI naman kung ang isinasaad ng pahayag ay mali.
_______31.Ang pagmamahal ng Diyos sa sanlibutan ay umaapaw, inosente puro, hindi nababagabag at
walang hangganan.
SAGOT: TAMA
_______32. Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay kahayagan ng Kaniyang kalikasan.
SAGOT: TAMA
_______33. Nababago ng pagmamahal ng Diyos ang mga masasama at may paninibugho na nararamdaman
sa kapwa.
SAGOT: TAMA
_______34. Ang pagmamahal ng Diyos ay nakapagbibigay lunas o kagalingan at pagbabago sa buhay ng tao.
SAGOT: TAMA
_______35. Ang buhay ay sagrado at pinakamahalagang biyayang kaloob ng Diyos sa tao.
SAGOT: TAMA
_______36. Nilikha at hinubog ng Diyos ang tao na kawangis ng ibang bagay gamit ang mapagpala Niyang
kamay kaya naging espesyal ang itsura nito.
SAGOT: MALI
_______37. Maraming nagsasabi na napakahirap ng kanilang kalagayan sa buhay at para matugunan ang
mga pangangailangan ay kinakailangan nilang magsumikap sa pagtatrabaho at paghahanapbuhay kaya
hindi na kinakailangang maglaan ng maraming panahon para sa Diyos dahil maunawain naman ang Siya.
SAGOT: MALI
_______38. Ang buhay ng tao ay mayroong tunay na pananagutang panlipunan.
SAGOT: TAMA
_______39. Pinadadalisay ang puso ng bawat tao upang magmahal ng tunay sa kapwa.
SAGOT: TAMA
_______40. Sa pamamagitan ng pagmamahal sa Diyos, tayo'y nagkakaroon ng kakayahan na magmahal sa
kapwa.
SAGOT: TAMA
______41. Ang kalikasan ay nararapat na gamitin bilang isang kasangkapan.
SAGOT: MALI
______42. Ang halaga at tunguhin ng bawat pagpapaunlad sa kapaligiran ay hindi nararapat na bigyang-pansin at
timbangin nang maayos.
SAGOT: MALI
______43. Ang lahat ng likas na yaman sa mundo ay kailangang ibahagi sa bawat tao na may pagkakapantay-pantay.
SAGOT: TAMA
______44. Ang mabuhay nang simple ay isang hakbang upang makatulong sa pagpapanatili sa kagandahan at
kasaganaan ng mundo.
SAGOT: TAMA
______45. Sa lahat ng pagkakataon, itapon ang basura sa tamang lugar.
SAGOT: TAMA
______46. Ang tungkulin na pangalagaan ang kalikasan ay nakaugat sa katotohanang lahat tayo ay mamamayan ng
iisang mundo.
SAGOT: TAMA
______47. Inutusan ng Diyos ang tao na alagaan ang kalikasan at maging tagapagdomina nito para sa susunod na
henerasyon
SAGOT: MALI
______48. Ang tunay na pangangalaga sa kalikasan ay pagpapakita ng paggalang sa kabutihang panlahat.
SAGOT: TAMA
______49. Ang Sampung Utos para sa Kalikasan ay listahan ng mga dapat at hindi dapat gawin sa pangangalaga sa
kalikasan.
SAGOT: MALI
______50.Ang responsibilidad na pang-ekolohikal ay gawaing para sa lahat.

3
SAGOT: TAMA

You might also like