You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
QUARTER 3
Third Periodical Exam
Edukasyon sa Pagpapakatao 10

Name:________________________________________ Grade & Sec: ___________________________

PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang ipinapahayag ng
pangungusap at MALI naman kung ang isinasaad ng pahayag ay mali.

_________1. Ang pagmamahal ng Diyos ay sentro ng pananampalataya.


_________2. Nakaplano ang lahat ng ginagawa ng Diyos, patunay ng Kanyang walang
hanggang pagmamahal sa Kanyang mga nilalang.
_________3. Nababago ng pagmamahal ng Diyos ang mga hindi kanais nais na gawain ng
isang tao.
_________4. Pinadadalisay ang puso ng bawat tao upang magmahal ng tunay sa kapwa.
_________5. Ang kahalagahan ng pagmamahal ng Diyos ay ang pagbabago sa kamalayan
ng tao.
_________6. Upang mapaunlad ang pagmamahal ng tao sa Diyos, kinakailangang palaging
nakabukas ang kaisipan ng tao sa pagbabago.
_________7. Ang pagsubok ay tanda ng pagmamahal ng Diyos sa tao.
_________8. Ang pagmamahal sa Diyos ay nagbibigay pag-asa para banan ang pagsubok
sa buhay.
_________9. “Ang Diyos ay pag-ibig at ang buhay ay pag-ibig”, ibig sabihin ay nubuhay ang
tao upang umibig at magmahal sapagkat mula pa sa pagkasilang, kakambal
na ng tao ang tunay na kahulugan ng pag ibig.
_________10. Sa aklat ng Juan sa Bibliya ay nakasulat doon ang paglikha ng Diyos sa
sanlibutan at ang pagkalikha ng tao nana kawangis ng Diyos.
_________11. Hindi na natin kailangang humingi ng kapatawaran sa pagkakamali natin sa
ibang tao sapagkat mapagmahal ang Diyos at handang magpatawad sa
ating mga kasalanan.
_________12. Ang pagmamahal ng Diyos ay walang kinikilingan, ito ay pantaypantay.
_________13. Nababago ng pagmamahal ng Diyos ang mga masasamang kaisipan at
panibughong nararamdaman sa kapwa.
_________14. Ang pagmamahal ng Diyos ay nakapagbibigay lunas o kagalingan at
pagbabago sa buhay ng tao.
_________15. Ang buhay ay sagrado at ito ay pinakamahalagang biyayang kaloob ng
Diyos sa tao

PANUTO: Hanapin ang sagot o karugtong ng Hanay A sa Hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
patlang.

Hanay A Hanay B

_____16. Ito ang nag- uudyok sa iyo upang ikaw ay A. katarungan at pagmamahal
maglingkod sa kapwa ng walang B. Parabula ng Mabuting
Samaritano

hinihinging kapalit. C. 1 Corinto 13:4–8


_____17. Ang pakikipag-ugnayan mo sa iba at D.paggalang at pagmamahal
pagbabahagi ng sarili sa iba, ay E. Golden Rule
pagpapakita ng F. Mosias 4:16–24
_____18. Naipakita rito kung sino ang ating kapwa G.Ramon
at kung paano tayo dapat makitungo H. Agapay, 1991
sa ating kanila. I. Pagmamahal
_____19. Ang makabuluhang pakikipagkapwa ay J. epektibong komunikasyon at
pagtugon sa pangangailangan ng iba pagtanggap
na may
_____20. “Hindi dapat tangkaing magpasya kung
karapat-dapat ba o hindi ang isang tao sa
ating tulong”
_____21. “Ang pag- big ay hindi nagkukulang kailanman”
_____22. Kinakailangan ang mga ito sa pagpapatatag ng
pakikipagkapwa.
_____23. Kailangan ito upang maibigay ang nararapat
sa kapwa na walang iba kundi ang
paggalang sa kanyang
_____24. Nagsabi na, “Nararapat na may kalakip
na paggalang at pagmamahal ang
pakikipagugnayan natin sa ating kapwa.
_____25."Gawin mo sa kapwa mo ang nais mong
gawin nila sa'yo"

Panuto: Basahin ang mga pahayag. Lagyan ng plus sign (+) kung ito ay mga angkop na kilos na
nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan at minus sign (-) kung ito ay nagpapakita ng mga paglabag sa
pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan.

_____26. Hindi ako matatakot iwasto kapag nilabag ng aking kapwa ang batas.
Halimbawa, ang hindi pagtawid ng tama.
_____27. Pawang katotohanan lang ang aking sasabihin sa aking kapwa.
_____28. Magsasagawa ako ng clean-up drive sa aking komunidad.
_____29. Susuportahan ko ang mga produktong lokal.
_____30.Nanaisin kong manahimik kaysa magsabi ng totoo.
_____31.Hindi ko sasabihin sa kinauukulan na illegal logging ang ikinabubuhay nina
Ondoy dahil ninong ko ang tatay niya.
_____32.Pipila ako ng maayos at mahinahon kong antayin ang tawag ko.
_____33.Ipagmamalaki ko sa akong kaibigang banyaga ang mga pagkaing lokal.
_____34.Magtatanim ako ng mga gulay sa mga bakanteng lote sa aming kapaligiran
o sa mga resiklong paso.
_____35.Sinisikap kong maging totoo at tapat, huwag mangopya at magpakopya.

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat ang titik ng inyong
sagot sa patlang.

_____36. Alin sa sumusunod ang iyong gagawin kung bibigyan ka ng pagkakataon na


gumawa ng isang bagay na makakaya mo para sa kalikasan?
A. Magdasal para sa pagtaas ng ekonomiya ng bayan.
B. Gagawa ng mga programang ipapatupad ng barangay upang makatulong ng
malaki.
C. Lilinisin ng mag-isa ang isang ilog na marumi at sasali sa mga proyektong lilikom
ng pondo para sa ilog.
D. Maging mapanuri at magkukusa sa mga gawaing kailangan ako.
_____37. Ang mga sumusunod ay maling pagtrato sa kalikasan, maliban sa isa.
A. Paghiwa-hiwalay ng basura bilang nabubulok at di nabubulok.
B. Pagtatapon ng basura sa mga anyong tubig.
C. Hindi maayos na pagtatapon ng basura.
D. Pagsusunog sa mga basura.

_____38. Ang pagiging tagapangalaga ng kalikasan. Ano ang kahulugan nito?


A. Paggamit sa kalikasan na hindi isinasaalang-alang ang iba
B. Paggamit sa kalikasan ng walang pakundangan
C. Paggamit sa kalikasan ng may pananagutan
D. Paggamit sa kalikasan na naaayon sa sariling kagustuhan

_____39. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng paggamit sa kalikasan bilang isang


kasangkapan?
A. Paggamit ng lupain na may pagsasaalang-alang sa tunay na layunin nito
B. Pagkamalikhain at responsibilidad sa gagawing pagbabago sa kapaligiran
C. Pagpuputol ng puno at pagtatanim muli sa mga bagong binhi
D. Malawakang paggamit ng mga kemikal upang makakuha ng maraming ani.

_____40. Paano mo isasagawa ang programang nagsusulong ng pangangalaga ng


kalikasan?
A. Ipapatupad ang batas sa pamamagitan ng dagdag multa sa bawat paglabag
B. Hayaan na lamang ang mga awtoridad na magsagawa ng proketong
Pangkalikas dahil sila ang may pondo.
C. Gawin ang makakaya na alagaan ang kalikasan kahit sa munting paraan
D. Makikipag-ugnayan at gagawa ng isang komprehensibong pag-aaral upang
makapagsagawa ng isang gawaing pangkalikasan.

_____41. Ano ang kahulugan ng “pater” na pinagmulan ng salitang patriyotismo?


A. pinagkopyahan at pinagbasehan
B. pinagmulan o pinanggalingan
C. kabayanihan at katapangan
D. katatagan at kasipagan

_____42. Ang ________ ay tumutukoy sa mga ideolohiyang pagkamakabayan at


damdaming bumibigkas sa isang tao at sa iba pang may pagkakaparehong wika,
kultura, at mga kaugalian o tradisyon.
A. Kalayaan B. katarungan
C. patriyotismo D. nasyonalismo

_____43. Ang sumusunod ay mga pagpapahalaga na indikasyon ng pagmamahal sa bayan


maliban sa:
A. Laging inuuna ang pansariling kapakanan
B. Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa
C. Pagsulong sa kabutihang panlahat
D. Pagpapahalaga sa buhay

_____44. Alin ang hindi angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan?


A. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling pamilya.
B. Pagiging tapat sa sarili, sa kapwa, sa gawain at sa lahat ng pagkakataon.
C. Paggawa ng paraan upang makatulong sa mga suliranin ng bansa.
D. Pag-awit ng Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad.

_____45. Bakit mahalagang mahalin natin ang ating bayan?


A. Biyaya ng Diyos ang pagkalooban tayo ng lipunang kinabibilangan at
pamayanang matitirahan.
B. Dito tinatanggap at iniingatan natin ang ating mga mahal sa buhay upang
hubugin ang ating mga kakayahan.
C. Nakilala tayo ng mundo dahil sa talino at angking kagalingan na hinubog sa
ating bayang sinilangan.
D. Utang natin sa ating bayang sinilangan ang ating kalayaan at pagkakataong
hubugin ang ating pagkatao.

_____46. Alin sa mga sumusunod ang pagpapahalagang kailangan linangin ng mga Pilipino
sa pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan?
A. Pagtangkilik ng mga imported na produkto.
B. Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa.
C. Pagtulong sa kapwa sa harap ng kamera.
D. Pagnanais na kantahin ang pambansang awit ng Pilipinas sa kahit anong
paraan.

_____47. Sa anong dimensiyon ng tao nabibilang ang pagmamahal at pagmamalasakit sa


kapwa?
A. Moral C. Pangkatawan
B. Ispiritwal D. Pangkaisipan

Isa si Jana sa mga kabataang pwede nang bumoto. Agad siyang nagparehistro para sa paparating na halalan.
Nang dumating ang araw ng kampanya, kinausap siya ng kanyang mga magulang na ibenta niya ang kanyang
boto upang magkaroon sila ng pambili ng pagkain. Dahil dito nalilito si Jana kung ano ang kanyang gagawin

_____48. Kung ikaw si Jana, ano ang iyong gagawin?


A. Huwag nalang bumoto.
B. Sundin ang utos ng magulang.
C. Ibenta ang boto sa magkabilang panig.
D. Huwag ibenta ang boto at isagawa ito nang tama.

_____49. Ang pagbenta ba ng boto ay isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa


bayan? Bakit?
A. Oo, upang magkaroon ng pera ang pamilya.
B. Oo, dahil hindi naman malalaman ng taong bayan.
C. Hindi, ang layunin ay mali at ang pagboto ay dapat isagawa nang tama.
D. Hindi, dahil ito ay para sa sarili lamang at hindi para sa lahat ng taong bayan.

_____50. Ano ang ibig sabihin ng “Filipino Time”?


A. Kaugaliang pagpasok nang eksaktong minuto sa nakatakdang oras ng okasyon
B. Kaugaliang pagpasok isang oras bago ang nakatakdang oras ng okasyon.
C. Kaugaliang pagpasok ng mahigit isang oras pagkatapos ng nakatakdang oras
ng okasyon.
D. Kaugaliang pagpasok ng mga Pilipino na hintaying magsimula ang okasyon
bago pumunta

You might also like