You are on page 1of 8

Ikatlong Lagumang Pagsusulit

Ikatlong Markahan
EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 10
2021-2022

PANGALAN : ____________________________ BAITANG AT TAON: __________ ISKOR : _______

I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na
titik ng iyong napiling sagot at isulat ito sa iyong papel.

_____ 1. Ano ang kahulugan ng “pater” na pinagmulan ng salitang patriyotismo?


A. Katatagan at kasipagan C. Pinagmulan o pinanggalingan
B. Kabayanihan at katapangan D. Pinagkopyahan o pinagbasehan

_____ 2. Ito ay tumutukoy sa pagiging organisado ng ideya, salita, kilos na may layuning mapabuti ang
ugnayan sa kapuwa. Ang pagiging disiplinado sa lahat ng pagkakataon.
A. Kaayusan C. Kasipagan
B. Kapayapaan D. Katarungan

_____ 3. Ito ay ang resulta ng pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan, at kawalan ng kaguluhan.


A. Kaayusan C. Kasipagan
B. Kapayapaan D. Katarungan

_____ 4. Alin ang hindi kabilang sa mga pagpapahalagang dapat linangin upang tuwirang maisabuhay ang
pagmamahal sa bayan?
A. Katarungan at pagkakaisa C. Katahimikan at kapayapaan
B. Paggalang at pagmamahal D. Katotohanan at pananampalataya

_____ 5. Alin ang hindi angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan?


A. Pag-awit sa Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad.
B. Paggawa ng paraan upang makatulong sa mga suliranin ng bansa.
C. Pagiging tapat sa sarili, sa kapuwa, sa gawain, at sa lahat ng pagkakataon.
D. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling pamilya.

_____ 6. Ano ang mangyayari kung di tay bumibili ng mga produkto na sariling atin?
A. Walang mangyayari C. Magsisimula ang WW3
B. Ok lang ang Pilipinas D. Bababa ang ating ekonimiya

_____ 7. May nakita kang tao na lumbag sa batas (minor crime). Ano ang dapat mong gawin?
A. Magreport agad sa Pulis
B. Magkunwaring walang nakita
C. Tutulungan siya sa kanyang gingawa.
D. Pagsabihan siya na mali ang ginagawa niya at itoy may kaukulang parusa.

_____ 8. May nakita kang tao na hindi maayos na inaawit ang Pambansang Awit. Ano ang dapat mong
gawin?
A. Magreport agad sa Pulis
B. Magkunwaring walang nakita
C. Hindi makikialam dahil iba’t iba ang ating paraan.
D. Pagsabihan siya na ayusin niya ang pag-awit dahil may kaukulang pananagutan ang sinumang
kumanta ng hindi maayos ng ating pambansang awit.

_____ 9. Sinesegurado nito ang paggalang sa karapatan ng bawat isa ay naisasabuhay


A. Kaayusan C. Kasipagan
B. Kapayapaan D. Katarungan

_____10. Ito ay ang pagiging matiyaga na tapusin ang anumang uri ng gawain nang buong husay at may
pagmammahal.
A. Kaayusan C. Kasipagan
B. Kapayapaan D. Katarungan
_____11. Ano ang mangyayari kung itataksil natin ang sarili nating bayan?
A. Magiging maunlad ang ating bayan
B. Magkakaroon ng pagkakaisa sa ating bayan
C. Magkakaroon ng pagmamahalan sa ating bayan
D. Walang kaayusan at pagkakaunawaan sa ating bayan

_____12. Ano ang mangyayari kung di mo nererespeto ang pambansang awit at watawat ng atng bayan?
A. Paparangalan ka ng ating bayan
B. Pasasalamatan ka ng ating bayan
C. Kikilalanin kang bayani ng ating bayan
D. Magkakaroon ka ng kaukulang pananagutan sa ating bayan.

_____13. Bilang isang estudyante alin sa mga ito ang pwede mong magawa upang maipakita na mahal mo
ang iyong bayan?
A. Pag-dudruga C. Pag-iinom ng alak
B. Paglalakwatsa D. Pakikilahok sa mga community service.

_____14. Nayong panahon ng pandemya, paano mo maipapakita ang pagmamahal mo sa bayan?


A. Paggala sa Mall C. Pakikilahok sa mga parties
B. Manatili sa bahay D. Pakikipaglaro sa mga kaibigan sa kalye

_____15. Tuwing eleksiyon, sa paanong paraan mo maipapakita ang pagmamahal mo sa ating bayan?
A. Pagpili sa nararapat na walang kapalit C. Ipagbibili ang buto sa mga tumakbo sa
halalan
B. Pagpilili sa di-narapata na walang kapalit D.Hindi bubuto dahil walang pakiaalam sa
bayan

_____16. Paano nakahahadlang ang pandaraya at pagkamakasarili sa pag-unlad ng isang bayan gayundin
sa pagka-Pilipino natin?
A. Nakaaapekto sa mabuting pakikipagkapuwa
B. Masamang matutuhan ng mga batang Pilipino.
C. Nawawala ang kapayapaan sa bayang sinilangan.
D. Hindi ito nagpapahayag ng pagmamahal sa bayan.

_____17. Paano napalawak ng pagmamahal sa bayan ang pakikipagkapuwa?


A. Nagmumulat ng kamalayan sa mga tao sa mga isyu at problema ng bayan.
B. Nagtataguyod ng reporma ng pamahalaan para sa mas mabuting pamumuno.
C. Gumagamit ang midya at teknolohiya sa pagpapalawak ng kawilihan at kaalaman.
D. Nagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan na magkaisa, magtulungan, at magdamayan.

_____18. Bakit mahalagang mahalin ng bawat Pilipino ang kanilang bayan?


A. Biyaya ng Diyos ang pagkalooban ang tao ng lipunang kinabibilangan at pamayanang matitirhan.
B. Naka Utang natin sa ating bayang sinilangan ang kalayaan at pagkakataong hubugin ang ating
pagkatao.
C. Nakilala siya ng mundo dahil sa talino at angking kagalingan na hinubog sa kaniyang bayang
sinilangan.
D. Dito tinatanggap at iniingatan ang tao ng kaniyang mga mahal sa buhay upang hubugin ang
kaniyang mga kakayahan

(Para sa bilang 19-21, basahin ang talata sa ibaba at sagutan ang mga sumusnod na katanungan.)

Ano ang mangyayari sa grupo ng manlalaro kung hindi ramdam ang pagmamahal nito sa kanilang
koponan? Maipananalo ba ng mga manlalaro ang kanilang grupo? Hindi ba lagi mong naririnig ang
salitang “puso” sa tuwing kinakapanayam ang isang manlalarong nagbigay ng malaking puntos upang
ipanalo ang kanilang koponan?

_____19. Anong pagpapahalaga ang ipinahahayag ng talata?


A. Pagmamahal sa laro C. Pagmamahal sa kapuwa
B. Pagmamahal sa bayan D. Pagmamahal sa koponan

_____20. Ano ang pangunahing mensahe ng talata?


A. Mahalaga ang pagbibigayan at sportsmanship ng mga manlalaro upang maiwasan ang tunggalian
at sakitan.
B. Ang pagsisikap na sanayin ang angking kakayahan na kinakailangan sa laro ay mahalaga para
makamit ang tagumpay.
C. Piliin ang tamang laro at libangan na lalong makatutulong sa paghubog ng malusog na
pangangatawan at isipan.
D. Kung may pagmamahal sa loob ng koponan, masaya, at mas madali para sa mga manlalaro na
isakatuparan ang mithiing manalo.

_____21. Ano ang kaugnayan ng paksang laro na binasa sa pagmamahal sa bayan?


A. Ang manlalaro at mamamayan ay magkatulad na may malaking pananagutan sa tagumpay ng
koponan o bayan.
B. Ang tagumpay ng lahat ay nakasalalay sa mabuting pamumuno at paggabay ng coach ng koponan
o ng pinuno ng pamahalaan.
C. Ang pagmamahal sa koponan o bayan ang magbubuklod sa mga manlalaro o mamamayan para
makamit ang tagumpay ng lahat.
D. Ang paglalaro ng mga kasapi ng koponan ay kumakatawan sa pagganap ng bawat mamamayan sa
kanilang tungkulin para sa bayan.

_____22. Saan nakikita ang tunay na kahulugan ng patriyotismo para sa isang Pilipino?
A. Sa pagtutulungan ng bawat mamamayang Pilipino sa panahon ng sakuna at kalamidad.
B. Sa pagsulong ng adhikaing ipagmalaki ang ating kultura at isulong ang turismo ng bansa.
C. Sa bawat pagkilos ng bawat Pilipino natutugunan ang mga pangangailangan ng taong bayan.
D. Sa mga hangarin at pangarap ng bawat mamamayan tungo sa pag-unlad ng sarili at kapuwa-
Pilipino.

(Para sa bilang 23-25, basahin ang talata sa ibaba at sagutan ang mga sumusnod na katanungan.)

Si Mang Juan ay tanod sa kanilang baranggay. Ang oras ng kaniyang ronda ay mula ikapito ng gabi
hanggang ikalabindalawa ng madaling araw. Ang pasok niya sa trabaho sa kabilang bayan ay mula
ikawalo ng umaga hanggang ikaapat ng hapon. Walang kapagurang ginagawa ito ni Mang Juan araw-
araw. Hindi nagrereklamo ang kaniyang asawa dahil alam niya na si Mang Juan ay talagang matulungin at
masipag. Aktibo rin siya bilang isang lay minister ng kanilang simbahan. Maganda ang bonding nila ng
kaniyang apat na anak. Isang araw, napili siya ng kanilang munisipalidad bilang natatanging mamamayan
ng kanilang bayan. Nang tanungin ng mga hurado kung hindi ba siya nahihirapan sa kaniyang ginagawa,
walang pag-alinlangan na sinagot niya na “ito ay bunga ng pagmamahal.” Hindi nagtatapos sa pamilya ang
pagpapakita ng pagmamahal kundi nagpapatuloy ito sa kapuwa at sa pamayanan. Sa pagsisiyasat at
pagtatanong ng mga hurado sa mga taong malapit at hindi gaanong kilala si Mang Juan, lumitaw na siya
ang huwaran bilang mamamayan.

_____23. Mahal ba ni Mang Juan ang kaniyang Bayan?


A. Oo, dahil nagtatrabaho siya araw-araw.
B. Hindi, dahil napapagod na siya sa pagroronda niya araw-araw.
C. Oo,dahil ginawaga niya ang trabaho niya ng may pagmamahal at walang pag-aalinlangan.
D. Hindi, dahil ayaw na ang kaniyang ginagawa at napipilitan lang siyang mag-ronda dahil walang
ibang makapag ronda sa kanilang bayan.

_____24. Si Mang Juan ba ay isang mabuting halimbawa para sa kaniyang kapuwa?


A. Oo C. Pwede
B. Hindi D. Baka

_____25. Paano ipinapakita ni Mang Juan ang pagmamahal sa bayan?


A. Sa pagiging minister niya sa kanilang simbahan.
B. Sa pagiging matulungin niya at masipag sa trabaho.
C. Sa pamamagitan ng pagroronda niya araw at gabi sa magkabilang bayan.
D. Lahat ng nabanggit.
II. Para sa bilang 26-30.

Panuto: Gamit ang concept web sa ibaba, isulat ang mga mahalagang konseptong nahinuha mo
mula sa paksang “Ang Kahalagahan ng Pagmamahal sa Bayan”?

Ang Pagmamahal sa
Bayan

Pamantayan sa Pagkatuto
Pamantayan Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula
5 puntos 4 puntos 3 puntos 2 puntos
Kalidad ng Nakasulat ng mga Nakasulat ng mga Nakasulat ng iilan Hindi nagawa ng
paggawa ng mahalagang konsepto mahalagang konsepto lang na mga tama ang gawain.
concept web ng mahusay at ng may husay ngunit konsepto.
kumpleto. may kulang.

Performance Task # 3.
Panuto: Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng mga paraan ng pagmamahal sa bayan.

Pamantayan 20 18 15 13
Malinaw at Katamtamang husay
maayos ang
ideyang Maayos ang ideyang ang ideyang
Kalidad sa paggawa ipinamamalas. Hindi nagawa
ipinamamalas. May ipinamamalas.
ng maayos ang
ng poster. Nagpapakita ng sapat na kamalayan Walang sapat na gawain.
maliwanag na
sa gawain. kamalayan sa
kamalayan sa
gawain. gawain
Ika-apat Lagumang Pagsusulit
Ikatlong Markahan
EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 10
2021-2022

PANGALAN : ____________________________ BAITANG AT TAON: __________ ISKOR : _______

I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop
na titik ng iyong napiling sagot at isulat ito sa iyong papel.

_____ 1. Alin sa 4R kabilang ang paggamit ng Eco-bag kapalit ng plastic bag?


A. Recycle C. Replace
B. Reduce D. Reuse

_____ 2. Ang batas na ito ay may layuning maitatag ang gabay sa konserbasyon ng tubig. Saklaw na rin
dito ang lahat na yamang tubig na sakop ng teritoryo ng Pilipinas.
A. Republic Act 1067 C. Republic Act 9003
B. Republic Act 7586 D. Republic Act 9147

_____ 3. Siya ang nagsabing “Ang tao at kalikasan ay magkasama sa isang malaking disenyo.”
A. Aristotolis C. St. Thomas Aquinas
B. Immanuel Kant D. W. Norris Clarke Sj

_____ 4. Ano ang epekto ng Global Warming sa tao?


A. Magkakroon ng madalas na pag-ulan at pag-init ng panahon.ang pag-ulan.
B. Magkakaroon ng pagtaas sa libel ng tubig sa dagat at magiging dahilan ito ng pagbaha.
C. Mag-iiba ang klima ng mundo, na maaaring maka apekto sa buhay ng tao at pinsala sa ari-arian.
D. Magkakaroon ng mga kalamidad magiging madalas ang pag-ulan, pagguho ng lupa at pag-init ng
panahon.

_____ 5. Ano ang kahulugan ng pagiging tagapangalaga ng kalikasan?


A. Hindi isinasaalang-alang ang iba.
B. Responsabling pagamit ng kalikasan.
C. Paggamit ng kalikasan ayon sa kagustohan.
D. Walang pakundangang pagamit ng kalikasan.

_____ 6. Ang sumusunod ay maling pagtrato sa kalikasan, maliban sa isa.


A. Pagsusunog ng basura.
B. Hindi maayos na pagtatapon ng basura.
C. Pagtatapon ng basura sa mga anyong tubig.
D. Paghiwa-hiwalay ng basura bilang nabubulok at di nabubulok.

_____ 7. Sa anong paraan maipapakita mo ang pagiging responsabling mag-aaral?


A. Gawin lahat ng mga pinag-uutos ng guro.
B. Sumusunod sa mga panuntunan ng paaralan.
C. Makinig lamang sa lahat ng ipag-uutos ng Punong guro.
D. Pagkukusa at disiplina na gawin ang nararapat na gawain sa loob at labas ng paaralan.

_____ 8. Paano mo maipapakita ang pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan? Ano ang gagawin mo
kung nakita mo ang iyong kapitbahay na nagtatapon ng basura sa ilog?
A. Mag kunwari na wala kang nakita.
B. Pabayaan nalang para walang away.
C. Pagsabihan na wag nang ulitin dahil magiging madumi ang tubig.
D. Ipag alam agad sa barangay o sa may awtoridad ang pangyayari para mabigyan ng kaukulang
aksyon.
_____ 9. Ang batas na ito ay naglalayong matiyak ang kasalukuyan at hinaharap ng susunod na
henerasyon, para sa walang hanggang pag-iral ng mga katutubong halaman at hayop.
A. Republic Act 7586 C. Republic Act 8749
B. Republic Act 7942 D. Republic Act 9003

_____ 10. Ito ay mga paraan upang makatulong sa pagpapangalaga ng kapaligiran. Maliban sa_____,
A. Pagsasabuhay ng 4R. C. Pagawa ng abuti at disiplinado
B. Pagtatanim ng mga puno D. Itapon ang basura sa tamang lugar.

_____ 11. Ang sumusunod ay hindi nagpapakita ng paggamit sa kalikasan bilang isang kasangkapan,
maliban sa isa.
A. Pagpuputol ng puno at pagtatanim muli ng mga bagong binhi.
B. Paggamit ng lupain na may pagsasaalang-alang sa tunay na layunin nito.
C. Pagkamalikhain at responsibilidad sa gagawing pagbabago sa kapaligiran.
D. Malawakang paggamit ng mga kemikal upang makakuha ng maraming ani.

_____ 12. Saan nagsisimula ang pagtuturo ng disiplina sa pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan?
A. Sa mga barangay na nagpapatupad ng mga ordinansa.
B. Sa loob ng paaralan, dahil ang guro ngpapatupad nito.
C. Sa loob ng bahay, dahil ang mga magulang ang unang dapat magturo ng disiplina.
D. Sa ibang tao na may mas mataas na awtoridad dahil mas epektibo kung sila ang nagpapatupad ng
disiplina.

_____ 13. Paano maipapamalas ang pagiging responsabling mamayan?


A. Hikayatin ang buong barangay na makiisa sa iyong adhikain.
B. Supportahan ang lahat ng programang pagkalikasan ng Gobyerno.
C. Sumama sa mga rally upang maiparinig ang hinaing na dapat mapangalagaan ang kalikasan.
D. Magplano ng mga nararapat gawain sa bahay upang kahit sa kaunting pamamaraan ay makatulong
sa ikabubuti ng kalikasan.

_____ 14. Bilang isang mamamayan, sa anong simpling paraan maipapakita mo ang pagiging
tagapamahala ng kalikasan?
A. Mag bolontaryo at maging disiplinado.
B. Magtapon ng basura sa tamang tapunan.
C. Magpatupad ng mga batas na may kaukulang parusa.
D. Maging matapang na ipaglaban sa pangangalaga sa kalikasan.

_____ 15. Bilang isang mag-aaral, ano ang isang bagay na pwede mong gawin para sa kalikasan? Alin sa
sumusunod ang iyong gagawin?
A. Magkukusa sa mga gawain sa paaralan.
B. Magtiwala at magdasal bolontaryo at maging disiplinado.
C. Pulutin ang mga basurang nakakalat sa loob ng paaralan.
D. Gagawa ng mga programang susundin ng mga mag-aaral upang makatulong ng malaki.

_____ 16. “Masdan mo ang iyong paligid bawat isa ay nanganganib, sa dalang kapahamakan na tayo rin
ang may lalang.” Ano ang ibig sabihin ng mga salitang ito?
A. Pagkasira ng ating kalikasan dahil sa ating kapabayaaan.
B. Lahat tayo ay mapapahamak dahil na rin sa ating kagagawan.
C. Lahat ng tao sa mundo ay may responsibilidad na pangalagaan ang kalikasan.
D. Ang tao ang siyang dapat sisihin sa lahat ng mga pangyayari sa paligid na siya ring nagdadala ng
kapahamakan sa lahat.

_____ 17. Ang tao at kalikasan ay parti ng isang malaking disenyo. Anong ibig sabihin ng pangungusap na
ito?
A. Ang tao at ang kalikasan ay magka-ugnay.
B. Ang kalikasan ang nagpapayaman sa tao.
C. Lahat ng nasa ibabaw ng mundo ay pantay-pantay.
D. Ang kalikasan ay biyaya ng Diyos kaya dapat na ito ay gamitin.
_____ 18. Habang lumalaki ang kapangyarihan ng tao, lumalaki rin ang kaniyang pananagutan. Alin sa
mga sumusunod na pangungusap ang nagpapatotoo nito?
A. Ang tagapangalaga ng kalikasan kaya dapat niya itong gamitin.
B. Ang kapangyarihan ng tao ay naayon lamang sa magagawa nito.
C. Ang tao ang may karapatan sa lahat ng bagay na nasa lupa.ang tao.
D. Ang tao ay binigyan ng kapangyarihan na pangalagaan ang kalikasan, kaya malaki rin ang kanyang
panangutan nito.

_____ 19. Ayon sa isang pamosong salawikain sa Filipino, “ang sakit ng kalingkingan ay ramdam sa buong
katawan”. Anong ang pinakamalapit na kahulugan nito?
A. Ang maliit na problema ay pwedeng lumaki.
B. Lahat tayo ay apektado sa lahat ng ating ginagawa.
C. Ang kunting sakit sa katawan ay ramdam sa buong katawan.
D. Ang maliit na problemang ginawa ng tao ay pwedeng maka apekto sa kabutihang panlahat.

_____ 20. “Ang tao at kalikasan ay magkaibang umiiral sa mundo kasama na ang mga hayop at halaman
at lahat nag may buhay o wala, ngunit lahat nang ito ay parti ng isang kabuohan”. Anong ibig sabihin nang
pangungusap na ito?
A. Ang lahat ng bagay sa mundo ay magkaiba.
B. Ang mga walang pakinabang sa tao ay hindi kasali sa isang Sistema.
C. Ang tao at kalikasan ay kasabay na umiiral, kahit na magkaiba, ay parti parin sa iisang Sistema.
D. Ang tao at kalikasan ay magkaiba, dahil ang tao ang mas maykapangyarihan sa lahat ng bagay.

_____ 21. Ano ang dahilan kung bakit kailangan ng tao na pangalagaan ang kalikasan?
A. Ang tao ay may responsibilidad na pangalagaan ang Kalikasan.
B. Lahat ng materyal na galing sa kalikasan ang siyang bumubuhay sa tao.
C. Dahil sa taglay na biyayang hatid ng kalikasan, nakasalalay dito ang kinabuhaksan ng tao.
D. Ang kalikasan ang bumubuhay sa tao kaya ang kapalit nito ay dapat pahalagahan at protektahan
para sa susunod na henerasyon.

_____ 22. Sa anong paraan naipapakita ng tao ang pagpapahalaga sa kalikasan?


A. Bilang tagapangalaga ng kalikasan ay dapat gawin ang tungkulin nito kahit na mapag-iwanan ng
panahon.
B. Bibigyang pansin ang mga batas na nakalatag upang mapatupad na naaayon sa pangangalaga sa
kalikasan.
C. Matatamo lamang ang pag-unlad kung gagawa ng hakbang ang tao sa pagtulong sa sarili at sa
kapwa upang mapangalagaan at masugpo ang pagkawasak ng kalikasan.
D. Suportahan ang mga programang build build program ng Gobyerno.Nakikiisa sa mga programang
nagsusulong ng industriyalisasyon gaya ng road widening at earth balling.

_____ 23. Ano ang epekto ng Global Warming sa tao?


A. Magkakroon ng madalas na pag-ulan at pag-init ng panahon.ang pag-ulan.
B. Magkakaroon ng pagtaas sa libel ng tubig sa dagat at magiging dahilan ito ng pagbaha.
C. Mag-iiba ang klima ng mundo, na maaaring maka apekto sa buhay ng tao at pinsala sa ari-arian.
D. Magkakaroon ng mga kalamidad magiging madalas ang pag-ulan, pagguho ng lupa at pag-init ng
panahon.

_____ 24. Ang tao ay may kalayaan. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?
A. Gawin ang lahat ng gusto basta’t para sa ikabubuti ng lahat.
B. Lumabas ng bahay kahit na sa Enhance Community Quarantine.
C. Ipakita na walang sino man ang makakapigil sa lahat ng gusto mo.
D. Gawin ang gustong gawin sa lahat ng oras, dahil ang buhay ay mailki lang.

_____ 25. Ayon kay Papa Benedicto, “mararating natin ang hinaharap kung hindi natin sisirain ang mga
nilikha ng Diyos”. Anong ibig sabihin nito?
A. Ang kalikasan ang daan sa kinabukasan.
B. Kailangang pangalaagan natin ang kalikasan para sa ating kinabukasan.
C. Mararating natin ang hinaharap kung gagamitin natin mabuti ang mga likha Diyos.
D. Kailangang protektahan ang kalikasan para naman tayo ay protektahan din ng kalikasan.
II. Para sa bilang 26-30.

Panuto: Gumawa ng iyong sariling slogan na may disenyo na makapaghihimok ng mga tao sa
inyong barangay o sa tahanan na isabuhay ang 4R, Reduce, Re-use, Recycle at Replace.
Pamantayan sa Pagkatuto
Pamantayan Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula
5 puntos 4 puntos 3 puntos 2 puntos
Kalidad ng Malinaw at maayos Maayos ang Nagpapakita ng Hindi naayon idea
paggawa ng ang pagkakasulat ng pagkakasulat ng ideya kakulangan ng ideya at at nagpapakita ng
slogan ideya. Nagpapakita ng ngunit nagpapakita ng higit na kakulangan ng walang kamalayan
maliwanag na kakulangan ng kamalayan sa gawain. sa gawain.
kamalayan sa gawain. kamalayan sa gawain.

Performance Task # 4.
Panuto: Sumulat ng tatlo hanggang limang pangungusap batay sa iyong mabubuong kaisipan
tungkol sa epekto ng mga suliranin at hamong pangkapaligiran sa pamumuhay ng tao.

Pamantayan sa Pagkatuto
Pamantayan 20 18 15 13
Malinaw at Katamtamang husay
maayos ang
ideyang Maayos ang ideyang ang ideyang
Kalidad sa paggawa ipinamamalas. ipinamamalas. May ipinamamalas. Hindi nagawa
ng maayos ang
ng kaisipan. Nagpapakita ng sapat na kamalayan Walang sapat na gawain.
maliwanag na
sa gawain. kamalayan sa
kamalayan sa
gawain. gawain

You might also like