You are on page 1of 9

Edukasyon sa

Pagpapakatao 10
Ikatlong Markahan
Ikalawang Linggo

Development and Quality Assurance Team

Developer: Delia C. Bode & Fe C. Cosare

Evaluator: Arnold F. Bode, Imelda A. Grumo
Learning Area Supervisor: Megenila C. Guillen, PhD

Illustration Credits:
Title Page Art: Marieto Cleben V. Lozada
Title Page Graphics: Bryan L. Arreo
1
Page

Visual Cues Art: Ivin Mae M. Ambos

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
Pamantayan sa Pagkatuto:

• Napangangatwiran na: Ang Pagmamahal sa Diyos ay

pagmamahal sa kapwa. (ESP10PB-IIIa-9.3)

• Nakagagawa ng angkop na kilos upang mapaunlad ang

pagmamahal sa Diyos. (ESP10PB-IIIa-9.4)

Layunin: Pagkatapos ng linggo, ikaw ay inaasahang:

• nakapaglalahad ng mga patunay na ang pagmamahal sa Diyos ay
pagmamahal sa kapwa;
• nakapagsasakilos ng angkop na gawain upang mapaunlad ang
pagmamahal sa Diyos; at
• nakapagsasabuhay ng pagmamahal sa Diyos .

Mga Gawain ng Mag-aaral

Leksiyon

Pamilyar ka ba sa dalawang utosng Diyos? Ibigin mo ang Diyos nang buong

puso, kaluluwa at pag-iisip; at ibigin mo ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili?

Ang Diyos ay pag-ibig at nilikha niya ang tao, hayop at kalikasan upang
maipakita ang kanyang wagas na pag-ibig. Ang kanyang paglalang ay manipes-
tasyon ng kanyang pagmamahal kaya’t inaasahan ding mahalin natin ang ating
kapwa at ang lahat ng nilikha upang maipadama nating mahal din natin Siya.
Ang pagmamahal sa kapwa ang daan upang mapalalim ng tao ang kaniyang
pagmamahal at pananampalataya sa Diyos.Ang pag-ibig sa Diyos at sa ating kapwa
ay hindi maaring paghiwalayin. Mula sa pagmamahal ay nagbabahagi ang tao ng
kanyang sarili sa iba. Sa oras na magawa ito ng tao, masasalamin sa kanya ang
pagmamahal niya sa Diyos dahil naibahagi niya ang kanyang buong pagkatao, talino,
yaman, at oras nang buong-buo at walang pasubali. Ito ang makapagbibigay ng
kahulugan sa kanyang buhay. Ito rin ang makasasagot ng dahilan ng kanyang pag-
iral sa mundong ito.

Ang tunay na diwa ng espiritwalidad ay ang pagkakaroon ng mabuting

ugnayan sa kapwa at ang pagtugon sa Diyos nang may kasamang kapayapaan at
2
Page

kapanatagan ng kalooban. Ito ay lumalalim kung isinasabuhay niya ang kanyang

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
disenyo bilang kawangis ng Diyos at kung paano niya minamahal ang kanyang
kapwa. Ika nga, patay ang paniniwala na walang kalakip na gawa. Ang kakayahang
magmahal sa kanyang kapwa ay isa sa mga benepisyo upang magkaroon ng matalik
na ugnayan sa Diyos. Ayon kay Agapay (1991), nararapat na may lakip na paggalang
at pagmamahal ang pakikipag-ugnayan natin sa ating kapwa upang mas yayabong
ang pagmamahalan at kasiyahan ito ng Diyos.

Kilala mo ba si Mother Teresa ng Calcutta? Nakita sa kanya ang malalim na

ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng paglilingkod sa mga tao na hindi katanggap-
tanggap sa Lipunan tulad ng mga pulubi sa lansangan, may mga sakit na ketong ,
mga matatandang may sakit na iniwan ng kanilang pamilya, at marami pang iba.
Sila ay inalagaan at tinutulungan, pinakain at minahal ni Mother Teresa na walang
hinihintay na anumang kapalit. Sinabi ni Mother Teresa: Paano mo nalalaman na
nagmamahal ka? Ito ang tunay na pagmamahal, ang magmahal ng walang
hinihintay ng anumang kapalit kahit na nahihirapan o nagsasakripisyo ay
nagmamahal pa rin. Ganyan ang ipinakitang pagmamahal ni Mother Teresa-isang
pagmamahal na ang hinahanap ay makita ang Diyos sa piling ng kapwa
pinaglilingkuran. Kaya’t mapatunayan lamang ng tao na minamahal niya ang Diyos
kung minamahal niya ang kanyang kapwa.

Mga uri ng Pagmamahal ayon kay C.S. Lewis na siyang halintulad sa ginawa ni Mother
Teresa ng Calcutta:

1. Affection – ito ay ang pagmamahal bilang magkakapatid, lalo na sa mga

magkakapamilya o maaring sa mga taong nagkakilala at nagiging malapit o palagay
na ang loob sa isa’t-isa.

2. Philia - ito ay pagmamahal ng magkakaibigan. Mayroon silang iisang tunguhin o

nilalayon na kung saan sila ay magkakaugnay.

3. Eros - ito ay pagmamahal batay sa pagnanais lamang ng isang tao. Kung ano ang
makapagdudulot ng kasiyahan sa kanyang sarili. Halimbawa: Mahal mo siya dahil
maganda siya. Ito ay tumutukoy sa pisikal na nais ng isang tao.

4. Agape – Ito ang pinakamataas na uri ng pagmamahal. Ito ang pagmamahal na

walang kapalit. Ganyan ang Diyos sa tao. Patuloy na nagmamahal sa kabila ng mga
pagkukulang at patuloy na pagkakasala ng tao ay patuloy pa rin niyang minamahal
dahil ang tao ay mahalaga sa kanya. Kung gayon, ang bawat isa sa atin ay
inaayayahan na tularan ang Diyos. Sikapin natin na mahalin ang atng kapwa dahil
ito ang palatandaan ng pagmamahal natin sa Diyos na lumikha.
3
Page

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
Mga Angkop na Kilos upang mapaunlad ang pagmamahal sa Diyos

Ang pananampalataya ay dapat ding palaguin. Ang pagpapatibay ay

mahaba at mahirap na prosesong ito ngunit nag-iiwan naman ito ng kaluguran sa
taong umiibig. Bako-bako man ang daan tatahakin ngunit tunay na man nalalasap
ang tagumpay sa pagkakaroon ng buhay na walang hanggan.

1. Panalangin- Ito ay paraan ng pakikipag-ugnayan sa Dyos. Sa pagdarasal, maaring

magbigay ng papuri, pasasalamat, humingi ng tawad at humiling sa Kanya. Minsan ang
hiling ay di matupad kaya’t narapat na isaisip na di pa ito siguro ang tamang panahon
upang magkatotoo.

2. Panahon ng pananahimik o Pagninilay- Nakatutulong ito upang makapag-isip at

mapagnilayan kung ano ang ginawa sa paglalakbay at kung saan ito patungo.

3. Pagsamba/ pagsisimba- Ang pagsamba ang pinakamataas na pagpapahalagang

maibibigay ng tao sa Diyos. Sa pamamagitan nito, mas napalawak ang kanyang
kaalaman sa Salita ng Diyos at maibahagi ito sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng
kaalaman na napulot sa pagsisimba.

4. Pag-aaral ng salita ng Diyos- Mahalaga ito upang lubos na makilala ng tao ang
Diyos kasama na ang kanyang mga turo at aral.

5. Pagmamahal sa Kapwa – Ang pagmamahal sa Diyos ay patay kung di mo rin

mahalin ang iyong kapwa. Mahalagang maipakita ng tao ang pagmamalasakit at
paglilingkod sa kapwa ng buong puso, isip at kaluluwa.

6. Pagpapabasa ng mga aklat tungkol sa espiritwalidad- nakatutulong ito upang mas

mapalago ang ugnayan sa Diyos. Ang repleksiyon sa mga aklat ay naglalahad ng
mga pagninilay ng may-akda na kapupulotan din ng mga aral at inspirasyon.

Mula sa paraan ito napapalalim ng tao ang kaniyang ugnayan sa Diyos. Kay’t di
maaring ihiwalay ang espritualidad sa pananampalataya. Ang espiritwalidad ang
pinaghuhugutan ng pananampalataya at ang pananampalata naman ang siyang
nagpapataas ng espritwalidad ng tao.

4
Page

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
Gawain 1
Magbahagi ng pangyayari sa iyong buhay na nagpapatunay na ang pagmamahal sa
sa Diyos ay pagmamahal sa kapwa.

Sitwasyon Patunay
Halimbawang sitwasyon:
Binigyan ko ng pagkain Sinabi ng Diyos na “Kung ano man ang iyong ginawa sa
ang batang nanlilimos. iyong pinakamahirap na kapatid ay siya ring ginawa ninyo sa
akin”. Ang pagbibigay tulong sa iba ay ngapapakita ng
pagmamahal sa Diyos dahil ang ating kapwa ay kawangis
ng Diyos at minahal niya ito kayat sinumang magmahal sa
kapwa ay mahal rin niya Siya.
1.

2.

3.

4.

5.

Gawain 2
Kasama ang pamilya mo, magsasakilos ng isang gawaing magpapaunlad ng
pagmamahal sa Diyos.Sundin ang mga sumusunod na pormat sa ibaba para sa
pagpaplano at pagsasagawa.

A. ACTION PLAN

Pamagat ng Gawain : ____________________________________________

Mga Taong sangkot o kasali : ____________________________________________

Petsa : ____________________________________________

Lugar : ____________________________________________

I. Kahalagahan:

1. ____________________________________________________________________________

II. Layunin:

1. ____________________________________________________________________________

2. ____________________________________________________________________________
5

3. ____________________________________________________________________________
Page

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
III. Pamamaraan ng pagsagawa:

1. ____________________________________________________________________________

2. ____________________________________________________________________________

3. ____________________________________________________________________________

4. ____________________________________________________________________________

5. ____________________________________________________________________________

6. ____________________________________________________________________________

7. ____________________________________________________________________________

IV. Mga Inaasahan Awtput:

1. ____________________________________________________________________________

V. Mga kakailanganin:

____________________________________________________________________________________

B. SALAYSAY NG MGA PANGYAYARI (Narrative Report)

(Isalaysay ang mga pangyayari sa actibiti

C. Talaan ng mga kalahok ( Attendance Sheet)

D. Mga Aktwal na kuhang Larawan:

E. Repleksyon o Pagninilay:

Inihanda ni: Noted by:

_______________________ ___________________________________
6
Page

Lagda at Pangalan Religious Group Representative

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
Rubrik sa Pagtataya ng Aktiviti

Krayterya Higit na Nakamit ang Bahagyang Hindi Nakamit Walang Walang

Inasahan inaasahan nakamit ang ang Inaasahan Napatunaya Nagawa
(5) Inaasahan
(4) (2) n (0)
(3)
(1)
Pagiging - Lahat ng - May isang - May dalawang - May tatlong - May apat - wala
Makatotohanan mga kulang na kulang na kulang na na kulang na
katibayan dokumento dokumento dokumento dokumento
ay na di- na di- na di- naiisumite na di-
naisumite. naiisumite naiisumite - Medyo naiisumite
- Pinaka- - Mas- - Angkop- maangkop- -Di angkop
angkop na angkop na gawain ang angkop na na gawain
gawain ang gawain ang isinagawa gawain ang ang ginawa
isinagawa isinagawa isinagawa

Aplikasyon Naisagawa/n Naisagawa/n Naisagawa/nai Naisagawa/nais Naisagawa/ Walang

aisasabuhay aisasabuhay sasabuhay ng 3 asabuhay ng 2 naisasabuhay nagawa
ng 5 beses ng 4 beses beses beses ng 1 beses

Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng
pinakatamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.

1. Kailan nasasalamin sa tao ang kanyang pagmamahal sa Diyos.

Sa oras/pagkakataong:
A. nagawa niya ang kanyang trabaho.
B. na siya’y nagtatagumpay sa buhay.
C. natutugunan niya ang pangangailangang hiningi ng kapwa.
D. naibahagi niya sa iba ang kanyang pagkatao, yaman, at oras na buong buo
at walang pasubali.

2. Aling pahayag ang kaugnay sa Juan 4:20. Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos,
subalit napopoot naman sa kanyang kapatid ay sinungaling?”
A. Ang pagmamahal sa Diyos ay may kalakip na gawa.
B. Kawangis ng Diyos ang kapwa narapat lamang mahalin din siya.
C. Maipakita ang pagmamahal sa Diyos kung minahal din ang kapwa.
D. Ang pagmamahal sa Diyos ay maipakita sa mabuting ugnayan sa kaniya.
7
Page

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
3. Aktibo sa gawaing pansimbahan si Aling Mercy. Katunayan, siya ang lider nang
samahan nila. Nangunguna siya sa mga dasal, bible sharing at walang absent sa
misa. Kahit ganito, malupit siya sa kaniyang mga kasambahay at maging sa kamag-
anak niya. Nagsasabuhay ba siya ng kanyang pananampalataya?
A. Oo, dahil nagampanan niya ang tungkulin niya sa Diyos.
B. Oo, dahil aktibo siya sa simbahan at kalulugdan ito ng Diyos.
C. Hindi, dahil nakasakit siya ng loob.
D. Hindi, dahil ang totoong nagmamahal sa Diyos ay nagmamahal din sa kapwa.

4. Dobleng sakit ang naramdaman ni Charles pagkat hiniwalayan siya ng kanyang

nobya at naghiwalay rin ang kanyang mga magulang. Upang maibsan ito, sumama
siya sa kanyang mga barkada sa pag-iinom ng alak at pagdodroga. Nahuli siya ng
mga pulis at sising-sisi siya. Kung ikaw si Charles, ano ang iyong pinakaangkop na
gawin sa panahon nang iyong kapighatian?
A. Magmukmok sa kwarto.
B. Manalangin sa Diyos at dudulog sa taong mapagkatiwalaan.
C. Maghanap ng ibang magiging syota at bagong kilalaning magulang.
D. Magwalwal kasama ang barkada upang maipalabas ang sama ng loob.

5. Madalas naglaan ng oras si MJ para pag - iisipan nang malalim na may kalakip na
pagsusuring espiritwal ang kanyang magiging patutunghuhan. Alin sa mga sumusunod
na pagsasabuhay ng pagmamahal sa Diyos ang kanyang nakasanayan?
A. panalangin
B. Pagninilay
C. Pagsisimba
D. Pagbabasa sa Banal na Aklat

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1.
Maaring magkaiba ang sagot
Gawain 2.
Maaring magkaiba ang sagot. Ibatay sa rubrik ang pagbibigay ng marka.

Mga Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao 10- Modyul pahina – 248-249

8

https://ph.theasianparent.com/epekto-ng-aborsyon
Page

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
Susi sa Pagwawasto sa Pagsusulit (For Teacher Only)
1.D
2.C
3.D
4.B
5.B

9
Page

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.

You might also like