You are on page 1of 8

Edukasyon sa

Pagpapakatao 10
Ikatlong Markahan
Unang Linggo

Development and Quality Assurance Team

Developer: Fe C. Cosare
Evaluator: Delia C. Bode, Arnold F. Bode, Imelda A. Grumo
Learning Area Supervisor: Megenila C. Guillen, PhD

Illustration Credits:
Title Page Art: Marieto Cleben V. Lozada
Title Page Graphics: Bryan L. Arreo
1
Page

Visual Cues Art: Ivin Mae M. Ambos


Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
Pamantayan sa Pagkatuto:

• Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal ng Diyos


(EsP10PB-IIIa-9.1)

• Natutukoy ang mga pagkakataong nakatulong ang pagmamahal


sa Diyos sa kongkretong pangyayari sa buhay. (EsP10PB-IIIa-9.2)

Layunin: Pagkatapos ng linggo, ikaw ay inaasahang:

• Nakatutukoy ng kahalagahan ng pagmamahal ng Diyos;


• nakapagpapakita ng kongkretong pangyayari sa buhay na
nakatutulong ang pagmamahal sa Diyos.; at
• nabigyang halaga ang pagmamahal ng Diyos.

Mga Gawain ng Mag-aaral

Leksiyon

Ang pagmamahal ay isang emosyon na nakapagdudulot ng kaligayahan sa


tao na siyang dahilan kung bakit siya umiiral sa mundo. Ito ang naging susi ng
pagpapalalim sa kanyang pagmamahal sa kapwa at sa matalik(ultimate) na
pakikipag-ugnayan sa Diyos((communion with God).Masabi ring, ang pagmamahal
ng Diyos ang nagpapasidhi sa damdamin ng tao upang simulan nating maghanap
at tanggapin ang kaalaman ukol sa Diyos at gawin Siyang sentro sa kanyang
pananampalataya. Sa madaling sabi, ang tunay na pagmamahal ng Diyos ay ang
pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapwa at pagtugon sa tawag ng Diyos.

Iniligtas ng Diyos ang tao mula sa kasalanan dahil sa Kanyang pagmamahal sa


kanila. Makabuluhan na mahalin ng tao ang Diyos dahil sa ibinigay Niyang buhay na
walang hanggan. Dapat tandaan ng tao, na manalig at sundin ang mga kagustuhan
ng Diyos sa paniniwalang kung sinuman ang maniniwala sa kanya ay pagkakalooban
Niya. Higit sa lahat may magandang plano ang Diyos sa tao. Nais Niyang maranasan
ng tao ang kahulugan at kabuluhan ng buhay, ang mabuhay na maligaya at
maginhawa. Ngunit kailangan na maging malinaw sa tao na hindi ang mga bagay
na materyal ang makapagbibigay ng tunay na kaligayahan kundi ang paghahanap
sa Diyos na Siyang pinagmulan sa lahat ng biyaya at pagpapala.
2
Page

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
Kahalagahan ng Pagmamahal ng Diyos

Ang pagmamahal ng Diyos ay :

naggabay sa tao sa pagpasya at pagkilos batay sa pamantayan(norms) ng tao at


pagpapahalagang moral. Sa tulong nito, tayo ay napapatnubayan kung paano
kumilos bilang tao(makataong kilos), gamitin ang kalayaan nang husto,
pahalagahan ang katotohanan at igalang ang dignidad ng kapwa at higit sa lahat
igalang ang kabanalan ng buhay.

nagbibigay o nagpabago sa kamalayan ng tao upang magkaroon ng kaliwanagan


ng kaisipan hinggil sa tunay na rason ng pag-iiral at pag-uunawa sa tunay na
kahulugan ng kaligayahan.

nagpadalisay sa puso ng tao upang magmahal nang tapat sa kapwa at sa lahat ng


nilikha ng Diyos. Ito rin ang nagtutulak sa atin upang igalang, tanggapin,
magpatawad at magmalasakit sa kapwa sa paniniwalang kung ano ang ating
ginawa sa kapwa ay ginawa rin natin sa Diyos.

nag-udyok sa tao upang italaga ang kanyang paniniwala at pagtitiwala sa Diyos. Sa


pamamagitan nito, tanggap natin ang ating limitasyon, kahinaan at kakulangan at
naniniwala tayo na ito’y kayang punan ng ating Diyos.

nagpapabalik-loob sa kinikilang Diyos. Sa pamamagitan nito, naliliwanagan ang tao


na baguhin ang maling gawi at kilos at magbalik loob sa Diyos sa likod ng pagiging
makasalanan at isabuhay ang kanyang totoong misyon sa buhay ayon sa kaloob ng
Diyos.

Gawain 1.

Panuto: Pilin mula sa kahon sa ibaba ang kahalagahan ng pagmamahal sa


Diyos na tinutukoy sa bawat sitwasyon. Isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot
sa sagutang papel.

Ang pagmamahal ng Diyos ay:

A. nagpapabalik -loob sa Diyos


B. nagbigay o nagpabago sa kamalayan
C. nagpadalisay sa puso ng tao na magmahal
D. nagtalaga sa paniniwala at pagtitiwala sa Diyos.
E. naging gabay sa tamang pagpapasya batay sa pamantayan ng tao at
moral na pagpapahalaga
3
Page

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
Sitwasyon:
1. Si Maria ay naging biktima ng panggagahasa. Dala ng depresyon, nagbabalak
siyang kitilin ang sariling buhay ngunit nakausap niya ang kanyang kaibigan at
siya’y pinayuhan na huwag ituloy dahil ito’y labag sa kagustuhan ng Diyos. Kaya,
imbes na magpakamatay, ibinaling na lamang niya ang atensyon sa mga
gawaing nagpapaunlad sa pagmamahal sa Diyos.

2. Palihim na nagbabahagi ng tulong si Mang Pepe sa mga nasalanta ng


bagyong Auring.

3. Kahit na maraming pagsubok sa buhay, hindi nagawang sumuko ni Aling


Martha sapagkat alam niyang naroon ang Diyos lagi.

4. Naging sugapa sa droga si Totoy pero nang makilala niya ang isang alagad ng
Diyos siya ay naliliwanagan sa mga salita ng Diyos. Ngayon, siya na ay
nagsasanay na maging alagad ng Diyos din.
5. Si Lloyd ay tinuturuan ng kanyang magulang ng mga simpleng gawain at takot
sa Diyos sa pamamagitan ng pagdaral at pagpapasalamat sa Diyos sa araw-
araw. May maganda mang nagyayari o wala, importante siya’y maging tapat
at magpasalamat sa lahat ng pagkakataon sa Diyos na siyang nagbigay
buhay sa ating lahat.

Gawain 2

Panuto: Sumulat ng isang salaysay ng kongkretong pangyayari sa iyong buhay


batay sa mga inilahad na mga kahalagahan ng pagmamahal ng
Diyos.(Isang pangyayari bawat kahalagahan)

PAMANTAYAN SA PAGBIBIGAY NG ISKOR SA GAWAIN

Higit na Nakamit ang Bahagyang Hindi Nakamit ang Walang


Inasahan inaasahan nakamit ang Inaasahan Napatunayan
(5) (4) Inaasahan (2) (1)
(3)
Naglalahad Naglalahad ng 4 Naglalahad ng 3 Naglalahad ng 2 Naglalahad ng 1
ng 5 na kongkretong na kongkretong na kongkretong na kongkretong
kongkretong pangyayari sa pangyayari sa pangyayari sa mga pangyayari sa
pangyayari mga kahalagahan mga kahalagahan ng mga
sa mga ng pagmamahal kahalagahan ng pagmamahal ng kahalagahan ng
kahalagahan ng Diyos pagmamahal ng Diyos pagmamahal ng
ng Diyos Diyos
pagmamahal
4

ng Diyos
Page

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
Gawain 3.

Pagnilayan ang kung paano mo mapapahalagahan ang pagmamahal ng Diyos.Isulat


ang iyong sagot sa sagutang papel
. Isip
Halimbawa: Iwasan ang pag-iisip ng masama
sa kapwa
1. __________________________________________
2. __________________________________________

Puso
Halimbawa: Pagmamahal na walang
kondisyon.
1. _________________________________________

Gawa
Halimbawa: Pagkakawanggawa
sa panahon ng kalamidad

1. ________________________________
2. ________________________________

5
Page

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng
pinakatamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.

1. Napagtanto ni Andy na ang karangyaan ay hindi nakapagbigay sa kanya ng


lubusang kaligayahan kundi ang pagkakaroon ng simpleng pamumuhay kasama
ang kanyang mga minamahal. Anong kahalagahan ng pagmamahal ng Diyos ang
tinutukoy sa sitwasyon. Ang pagmamahal ng Diyos ay:
A. nagpapabalik -loob sa Diyos
B. nagbigay o nagpabago sa kamalayan
C. nagpadalisay sa puso ng tao na magmahal
D. naging gabay sa tamang pagpapasya batay sa pamantayan ng tao at
moral na pagpapahalaga

2. Pinalaki si Julius ng kanyang mga magulang na mapagmahal at may takot sa Diyos.


Napatunayan ito nang magkolehiyo siya na nahiwalay na siya sa kanyang pamilya.
Magagawa na niya ang mga bagay na gusto niyang gawin pero ganoon pa man
mas pinili niyang gawin ang mga gawain na makapabuti sa kanyang sarili kaysa sa
pag-aabuso ng kanyang kalayaan. Paano nakatutulong ang pagmamahal ng Diyos
upang maging mabuting bata siya? Sa pamamagitan nito:
A. Nagbabago siya.
B. Nagkaroon siya ng kamalayan.
C. Nagagabayan siyang magpasya at kumilos ayon sa kagustuhan ng tao.
D. Napagbuklod niya ang lahat ng miyembro ng pamilya

3. Alin sa mga sumusunod na mga pagkakataon ang nagsasaad na nakatutulong ang


pagmamahal sa Diyos sa kongkretong pangyayari sa buhay ng mga tauhan sa
sitwasyon?
A. Nanalo si Mang Robert sa STL linggo-linggo.
B. Naaksidenti si Jun at maraming kaibigan ang nag-ambag ng tulong.
C. Sinagot na si Arvin ng kanyang niligawan.
D. Binilhan ng bagong cellphone si Kris ng kanyang magulang

4. Ang pagmamahal sa Diyos ay nagsisilbing matibay na sandigan upang pag-isahin


ang puso ng bawat isa gamit ang pag-ibig. Alin sa mga sumusunod na halimbawang
sitwasyon ang pinakaugnay dito?
A. Pagkakaisa ng pamilya sa panahon ng kaginhawaan.
B. Pagkakaisa ng maraming tao mula sa iba’t ibang lahi para sa isang layunin
C. Pagpapatawad sa nagkakasala
D. Pagtanggap sa kapwa kahit sino pa siya.

5. Bilang anak ng Diyos, paano mo higit mapapahalagahan Siya?


A. Pagsisimba o pagsamba tuwing banal na araw.
B . Pagbasa ng mga aklat hinggil sa esprituwalidad.
6

C. Pakikilahok sa gawaing pampamayanan ipinatupad.


Page

D. Pagpaninidigan sa katarungan at katotohanan.


Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
Susi sa Pagwawasto

Gawain 1.

1. E

2. C

3. D

4. A

5. C

Gawain 2.

Maaring magkaiba ang sagot. Ibatay sa rubrik ang pagbibigay ng marka.

Gawain 3.

Maaring magkaiba ang sagot

Mga Sanggunian

Punsalan, T.G., et.,al. n.d. Pagpapakatao, Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao sa Sekondarya.
Rex Book Store.

Brizuela, Mary Jean B. et., al 2015. Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul para sa Mag-aaral. FEP
Printing Corporation.
7
Page

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
Susi sa Pagwawasto sa Pagsusulit (For Teacher Only)
1.B
2.C
3.B
4.B
5.A

8
Page

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.

You might also like