You are on page 1of 27

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan - Modyul 1
Ang Pagmamahal sa Diyos sa mga
Kongkretong Pangyayari sa Buhay
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Ang Pagmamahal sa Diyos sa mga Kongkretong
Pangyayari sa Buhay
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Eugene S. Abuloc


Editor: Hermogina G. Bonga
Tagasuri: Mila D. Gimeno
Tagapamahala:

Josephine L. Fadul – Schools Division Superintendent


Melanie P. Estacio - Assistant Schools Division Superintendent
Christine C. Bagacay – Chief – Curriculum Implementation Division
Hermogina G. Bonga – Education Program Supervisor – EsP / Values Ed
Lorna C. Ragos - Education Program Supervisor
Learning Resources Management

Inilimbag sa Pilipinas ng ____________________________


Department of Education – Region XI

Office Address: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

E-mail Address: tagum.city@deped.gov.ph

i
10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan -Modyul 1
Ang Pagmamahal sa Diyos sa mga
Kongkretong Pangyayari sa Buhay

ii
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa


ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin
at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng
mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng
mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito
ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos
ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat
isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito
upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang
guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga
aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit
wala sila sa paaralan.

iii
Alamin Natin

Sa mga nakaraang mga modyul natutunan mo na mayroon mga


pagkatataon na dapat ikaw ay magkusa sa iyong mga pagtugon lalo na sa
mga gawaing humahamon sa iyong kakayahan na tumugon.
Natural at normal ang makihalubilo sa taong nakasanayan na natin -
mga taong kilala at kapalagayang-loob. Madaling mahalin ang kasa-kasama
at kabatak o “kakosa” sa maraming bagay. Madaling pagmalasakitan ang mga
nakikita at nakakasama sa kasalukuyang panahon. Subali’t mahirap
mahalin ang malayo sa atin - ang hindi nakikita o nakakasama.
Sa ikatlong markahan, inaanyayahan kayo na maging mapanuri sa
inyong pagmamahal sa Diyos, paggalang sa buhay, pagmamahal sa bayan,
at pangangalaga sa kalikasan.

Ang modyul na ito ay may dalawang Kasanayang Pampagkatuto:


1.1 Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal sa Diyos.
(EsP10PB-IIIa-9.1)

1.2. Natutukoy ang mga pagkakataong nakatulong ang pagmamahal


sa Diyos sa kongkretong pangyayari sa buhay.
(EsP10MK-IIIa-9.2)

1
Aralin Ang Pagmamahal sa Diyos

1 sa mga Kongkretong
Pangyayari sa Buhay

Subukin Natin

Gawain 1. Paunang Pagtataya


Panuto : Basahin at pag-aralan ang bawat pangungusap at unawain ang
tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik ng iyong napiling
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang pagmamahal ng tao sa Diyos ay isang _______________.


A. Tungkulin
B. Tugon
C. Tawag
D. Tanda

2. Saang berso ng bibliya makikita ang dalawang pinakamahalangag utos ng


Panginoong Hesus?
A. Mateo 21:37-39
B. Mateo 22:37-39
C. Mateo 23:37-39
D. Mateo 24:37-39

2
3. Si Chison ay palagiang nagsisimba. Siya ay nagsisilbi bilang isang
sakristan ng kanilang Parokya at aktibo sa pagpapaunlad ng
espiritwalidad ng kapuwa niya kabataan. Anong pamamaraan ng
pagmamahal sa Diyos ang kaniyang ginagawa?
A. Puso
B. Kaluluwa
C. Pag-isip
D. Lakas

4. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng masidhing pagmamahal ng Diyos


sa tao?
A. Paglikha sa tao
B. Paglikha ng mundo
C. Pagbibigay ng kaligtasan.
D. Pagpapadala ng kaniyang anak upang tubusin ang tao

5. Ang mga ito ay mga maituturing na gawi ng taong umiibig sa Diyos


maliban sa:

A. Pagtulong sa kapuwa.
B. Pagsisimba tuwing linggo.
C. Pang-aabuso sa kapangyarihan bilang isang opisyal.
D. Pag-aaral ng mabuti upang makamit ang mithiin sa buhay.

3
Gawain 2. Concept Mapping
Panuto: Isulat sa loob ng bilog ang iyong pakahulugan sa salitang PAGMAMAHAL.
Gawin ito sa inyong sagutang papel.

PAGMAMAHAL

Gawain 3. Katangian ng Diyos


Panuto: Batay sa iyong karanasan, ano ang mga katangian ng Diyos. Isulat ang
iyong mga sagot sa sagutang papel.

4
Aralin Natin

Bilang tinaguriang obra maestra ng Diyos at pinaka-espesyal na nilalang,


tayo ay dapat tumugon sa panawagan ng Diyos na mahalin ang lahat ng Kaniyang
nilikha lalo’t higit ang ating Diyos.

Ang Pag-ibig ng Diyos

Ngunit bago natin talakayin ang panawagang tumugon sa pagmamahal, atin


munang balikan ang ating paniniwala sa pag-ibig ng Diyos.

 May isang Diyos Ama na nagmamahal at makapangyarihan sa


lahat. Nilikha Niya ang lahat mula sa kawalan at pinanatili Niya ito.

 Sa labis Niyang pagmamahal, ipinagkaloob ng Diyos sa atin ang


“grasyang nakapagpapabanal”. Ito ay isang pakikibahagi sa buhay ng
Diyos! Higit pa sa buong sanlibutan ang grasya na nasa isang tao.

 Ang Diyos ay pag-ibig na lubusang nagbibigay ng kaniyang sarili.


Nilikha niya tayo na kalarawan Niya. Tayo ay mga persona na may isip at
may malayang kalooban, at tinawag tayo na isabuhay ang pag-ibig ng
Diyos.

 Yamang hindi natin kayang likhain ang grasya at ligtasin ang


sarili, gumawa ang Diyos ng paraan upang muli tayong maging banal.
Naging tao ang Diyos mismo upang ipakita ang kaniyang pag-ibig sa atin.
Sinimulan niya ang ugnayan ng kaniyang pag-ibig sa atin.

 Sa pagiging tao ng Diyos sa persona ni Kristo Hesus. Sa kaniyang


pangangaral (Mateo 22:37-39), nabanggit niya ang dalawang
pinakamahalagang utos: (1) “ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang

5
buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip” at (2) “ibigin
mo ang iyong kapuwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.”

 Ang ating pagmamahal sa Diyos ay ating tugon sa kaniyang


tawag ng pag-ibig. Huwag nating kalimutan na siya ang unang nagmahal
at tumawag sa atin.

Ang mga Gawi ng Pagmamahal sa Diyos

Paano ba mahalin ang Diyos? Kung ating babalikan ang berso. Ito ay nagbigay
ng napaka simpleng mga hakbang. Ang paglinang ng pag-ibig sa Diyos ay hindi
lamang basta pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa Kaniya. Gaya ng
mapatutunayan ng mga lingkod ng Diyos sa buong daigdig, lumalago ang tunay na
pag-ibig sa Diyos habang nakikilala ng isa ang Kaniyang personalidad, at lalo pa
itong sumisidhi habang nagiging pamilyar ang isa sa kung ano ang iniibig ng Diyos,
kung ano ang kinapopootan Niya, at kung ano ang Kaniyang mga pinipili at mga
kahilingan. Ito ang mga gawi ng pagmamahal sa Diyos:

1. Pag-ibig sa Diyos Nang Ating Buong Puso. Tinutukoy ng Kasulatan ang


makasagisag na puso, na siyang panloob na pagkatao—ang ating mga
naisin, saloobin, at damdamin. Kaya ang pag-ibig sa Diyos nang ating
buong puso ay nangangahulugan na higit sa anumang bagay, nais nating
palugdan ang Diyos. (Awit 86:11)

2. Pag-ibig sa Diyos Nang Ating Buong Kaluluwa. Sa Kasulatan, ang


salitang “kaluluwa” ay pangunahin nang tumutukoy sa ating buong
pagkatao gayundin sa buhay na taglay natin. Kaya ang pag-ibig sa Diyos
nang ating buong kaluluwa ay nangangahulugan na ginagamit natin ang
ating buhay upang purihin siya at upang patunayan ang pag-ibig natin sa
Kaniya.

6
3. Pag-ibig sa Diyos Nang Ating Buong Pag-iisip. Ang pag-ibig sa Diyos
nang ating buong pag-iisip ay nangangahulugan na gagawin natin ang
lahat ng kinakailangang pagsisikap upang maunawaan ang personalidad,
mga layunin, at mga kahilingan ng Diyos (Juan 17:3; Gawa 17:11).

4. Pag-ibig sa Diyos Nang Ating Buong Lakas. Ginagamit ng maraming


kabataan sa kongregasyong Kristiyano ang kanilang lakas sa pagpuri sa
Diyos. (Kawikaan 20:29; Eclesiastes 12:1) Ang isang paraan ng
pagpapakita ng maraming kabataang Kristiyano na iniibig nila ang Diyos
nang kanilang buong lakas ay sa pamamagitan ng pakikibahagi sa
paglilingkod sa simbahan at sa komunidad.

Ang Simbahang Katolika ay naglatag ng mga katesismo patungkol dito.


Maipapakita natin ang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng:

1. Pagsamba. Sambahin natin ang Diyos sa pamamagitan ng pagtanggap sa


ating mga pagkukulang at tanging Siya lamang ang makapagbibigay nito.

2. Pagdarasal. Tayo ay inaanyayahang magdasal dahil sa pamamagitan nito


nagiging isa tayo sa Diyos.

3. Pagsakripisyo. Ito ay ang ating pagpapakumbaba at pagalagay sa Diyos


bilang pinakamahalaga kaysa sa ating sarili.

4. Paggawa ng Mabuti sa Kapuwa.

7
Haligi ng Islam at Mga Saligan ng Pananampalataya

Ang mahahalagang aral ng Islam ay batay sa limang mga prinsipyo, na


tinutukoy bilang Limang haligi ng Islam. Ang mga gawaing ito ng pagsamba ay
tinatawag na mga Haligi ng Islam, at ang mga ito ay ang mga sumusunod:

a. Patotoo o Pagpapahayag ng pananampalataya (Shahadah). Ang


isang nilikha ay dapat magpahayag ng patotoo.

b. Mga Pormal na Panalangin (Salah). Ang isa ay dapat magsagawa ng


limang pang araw-araw na pagdarasal sa kanilang mga itinakdang
oras. Sa pamamagitan ng pagdarasal, ang isang Muslim ay
napapanatili ang kaniyang relasyon sa Allah, ina-alala Siya madalas,
at umiiwas na makagawa ng pagkakasala.

c. Obligadong Kawanggawa (Zakah). Ang mga may nakatago ng tiyak


na halaga ng kayamanan ay dapat maglaan ng isang partikular na
bahagi nito taun-taon sa mga itinalagang mga karapat-dapat na
tatanggap.

d. Pag-aayuno (Sawm). Ang mga Muslim ay dapat na mag-ayuno sa loob


ng isang buwan, at ito ay isinasagawa tuwing buwan ng Ramadan, sa
pamamagitan ng pag-iwas sa pagkain, pag-inom at pakikipagtalik
mula sa bukang liwayway hanggang sa takipsilim. Ang layunin ng
pag-aayuno, tulad ng nabanggit sa Quran, ay upang madagdagan ang
kabanalan ng isang tao at ang kamalayan sa Diyos.

e. Paglalakbay sa Landas ng Allah (Hajj). Ang paglalakbay patungo sa


Bahay ng Diyos, ang Kabah, sa Mecca ay obligado para sa bawat may
kakayahang Muslim minsan sa kanilang buhay. Ang Hajj ay isang
pisikal at biswal na katibayan ng kapatiran ng sangkatauhan, at ang
kanilang pagkakapantay-pantay sa pagkaalipin sa harap ng Allah.

8
Gawin Natin

Ibigay ang Gawi ng Pagmamahal sa Diyos


Panuto : Batay sa natalakay sa itaas, pag-aralan ang mga sitwasyon sa ibaba.
Tukuyin kung alin sa mga gawi ng pagmamahal sa Diyos ang makikita. Kung
ito ay puso, kaluluwa, pag-iisip o lakas. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Bilang Sitwasyon Gawi ng Paliwanag


Pagmamahal sa
Diyos

Bata pa lamang si
Rhandel ay batid na niya
ang tawag sa kaniya
upang maging isang pari.
Kaya pagkatapos ng
1 Junior High School,
siya ay kumuha ng
HUMSS Strand bilang
paghahanda sa
pagpasok sa seminaryo

Si Roy naman ay
kabilang sa mga aktibo
sa simbahan. Siya ay
palaging tumutulong
2
kung mayroong mga
sakuna o bagyo. Siya ay
bahagi ng social action
team ng simbahan.

9
Bilang isang guro, si Tina
ay ginagabayan ang
kaniyang mga mag-aaral
3 na tahakin ang landas na
makapagpapasaya sa
Diyos sa pamamagitan
ng kaniyang halimbawa.
Natutuwa si Shaun sa
kaniyang linggohang
pag-awit bilang
miyembro ng choir sa
4 kanilang kapilya. Buong
diwa siyang kumakanta
upang ipakita sa
Panginoon ang kaniyang
pagpupuri.

10
Sanayin Natin

Gawin 1. Ibahagi ang iyong Karanasan.


Panuto: Mula sa iyong karanasan, magbigay ng isang sitwasyon na nagpapakita
ng pagmamahal sa Diyos batay sa mga gawi at ipaliwanag.

Gawi ng Pagmamahal Karanasan Paliwanag


sa Diyos

Puso

Kaluluwa

Pag-iisip

Lakas

11
Gawain 2. I-KONEK MO.
Panuto: Bigyan ng paliwanag ang koneksyon ng mga konsepto patungkol sa gawi
ng pagmamahal sa Diyos batay sa mga karanasan sa mga pamamaraan sa
pagpapakita ng pagamamahal sa Diyos.

Gawi ng Pagmamahal Ipaliwanag ang kanilang Mga Pamamaraan sa


sa Diyos koneksyon Pagpapakita ng
Pagmamahal sa Diyos

Halimbawa:
Sa pagsamba
Puso nangangailangan ang Pagsamba
taos-pusong pakikibahagi.

Kaluluwa Pagsasakripisyo

Pag-iisip Pagdarasal

Lakas
Pagmamahal sa Kapuwa

12
Tandaan Natin

Sa ating patuloy na paglalakbay tungo sa kaganapan ng ating sarili,


dapat nating tandaan ang mga ito:

 Ang ating pagmamahal sa Diyos ay ating


TUGON sa Kaniyang tawag na magmahal.

 Ang pagmamahal sa Diyos ay nababanaag sa


mga gawi ng (1) puso, (2) kaluluwa, (3) pag-
iisip, at (4) lakas.

 Ang mga pamamaraan sa pagpapakita ng


pagmamahal sa Diyos ay sa (1) pagsamba, (2)
pagsasakripisyo, (3) pagdarasal, at (4)
pagmamahal sa kapwa.

 Ang mga gawi ng pagmamahal sa Diyos ay


kinakailangan na makikita sa kilos ng tao
sapagkat ang pagmamahal na kulang sa kilos
ay patay. Bagkus, ang pagmamahal sa Diyos
ay nakikita sa mga kilos at gawain ng tao
patungo sa kaniyang pagsusumikap na
mapagbuti ang kaniyang sarili at maging
kasapi ng lakas na nagtataguyod ng
kabutihang panlahat.

13
Suriin Natin

Love Letter to God


Panuto: Basahin ang liham ng Diyos Ama sa nasa ibaba. Gumawa ng Liham
na sumasagot dito. Gamitin ang porma na nasa ibaba.

Aking Anak,

Siguro di mo ako kilala pero alam ko ang lahat tungkol sayo.


Alam ko kapag ika'y nakaupo at kapag ika'y nakatayo.
Alam ko lahat ng gawain mo.
Maging ang mga buhok sa iyong ulo ay nabibibilang.
Pagkat ika'y nilikha sa Aking wangis.
Sa akin ika'y buhay, nakakakilos at ganap.
Pagkat ika'y nagbuhat sa akin.
Kilala na kita bago ka pa ipinaglihi.
Hinirang na kita nang balakin ko ang paglikha.
Hindi ka isang pagkakamali,
sapagkat lahat ng araw mo'y nakasulat sa aking aklat.
Aking itinakda ang panahon ng Iyong pagsilang
at saan ka maninirahan.
Buong ingat at kamangha-mangha kang nilikha.
Akin kang hinugis sa sinapupunan ng iyong ina.
At iniluwal ka sa araw ng iyong pagsilang.
Ako'y di wastong pinakilala ng mga hindi nakakakilala sa akin.
Hindi ako malayo, hindi ako galit.
Sa halip Ako'y ganap na kapahayagan ng pag-ibig.
At nasa kong puspusin kita ng aking pag-ibig
Dahil ika'y aking anak, at Ako'y iyong ama.
Aking ihahandog sa iyo ang higit pa sa
maaaring ibigay ng iyong ama sa lupa.

14
Dahil Ako ang ganap na Ama.
Lahat ng mabuting kaloob na iyong tinatanggap
ay galing sa aking kamay.
Pagkat Ako ang nagkakaloob at nagbibigay
ng lahat ng iyong pangangailangan.
Aking plano para sa iyong kinabukasan
ay laging puspos ng pag-asa.
Dahil minamahal kita ng pag-ibig na walang hanggan.
Ang aking isipan patungkol sa iyo
ay sindami ng buhangin sa dalampasigan.
At Ako'y masayang aawit sa iyo ng may kagalakan.
Hindi ako titigil sa paggawa ng mabuti sa'yo.
Dahil ikaw ang aking pinakamamahal na kayamanan.
Aking nais na patatagin ka ng buong puso't kaluluwa ko.
At nais kong ipahayag sa iyo ang mga
dakila't mahihiwagang bagay.

Kung Ako'y buong puso mong hahanapin,


Ako'y iyong masusumpungan.
Hanapin mo sa akin ang iyong kaligayahan
at aking ibibigay ang mga naisin ng iyong puso.
Pagkat Ako ang nagbigay ng iyong mga naisin.
Sapagkat Ako ang iyong dakilang mang-aaliw.
Ako din ang Ama na aaliw sa iyo sa lahat ng kapighatian.
Kapag ika'y bigo, Ako'y malapit sa iyo.
Tulad ng pagkanlong ng pastol sa isang tupa,
kinanlong kita sa aking puso.
Isang araw, papahirin ko ang bawat luha sa iyong mga mata.
At aking papawiin ang lahat ng hirap
na iyong dinanas sa mundong ito.
Ako ang iyong Ama at iniibig kita gaya

15
ng aking pag-ibig sa aking anak na si Jesus.
Pagkat kay Jesus ang pag-ibig ko sa iyo ay nahayag.
Siya ang ganap na sinag ng aking pagka-Diyos.
Siya ay dumating upang ipakita na Ako
ay panig sa iyo at hindi laban sa iyo.
At upang sabihin sa iyo na hindi ko binibilang
ang iyong mga kasalanan.
Si Jesus ay namatay upang ikaw at Ako ay magkasundo.
Ang kaniyang kamatayan ay naging ganap na kapahayagan
na ng aking pag-ibig sa iyo.
Aking isinuko ang lahat ng aking iniibig
upang makamit ang iyong pag-ibig.
Kung iyong tatanggapin ang kaloob ng aking anak na si Jesus,
tinanggap mo rin Ako.
At wala nang makapaghihiwalay sa iyo sa aking pag-ibig.
Umuwi ka na sa akin at Ako'y magbibigay ng
pinakamalaking handaan na makikita sa langit.
Ako ang Ama sa pasimula pa at mananatiling Ama.

Nagmamahal,
Iyong Ama,
Makapangyarihan

Mula sa Uploaded na Edisyon ni Irish Fernandez noong 2012

16
Porma ng Liham na iyong Sagot

Mahal na Diyos Ama,

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________.

Nagmamahal,
Iyong Anak

17
Payabungin Natin

Gawain 1. ISABUHAY NATIN!


Panuto: Maglista ng mga gawaing pwede mo’ng gawin upang maipakita ang
iyong pagmamahal sa Diyos.

18
Gawain 2. AKSYON SA PANDEMIC
Panuto: Punan ang speech balloon patungkol sa nagaganap ngayon sa ating
lipunan na tayo ay nasa gitna ng pandemya. Ang pinag-uusapan ay hinggil
sa Pagsamba, Pagdarasal, Pagsasakripisyo at Paggawa ng Mabuti sa Kapuwa.

https://www.thoughtco.com/cartoon-strip-social-interactions-3110699
Rubrik sa Pagwawasto
Kraytirya Puntos
Laman 20 %
Guhit/Pagkamalikhain 30 %
Tamang pagpapakita ng 50 %
Pagmamahal sa Diyos

19
Pagnilayan Natin

Gawain 9. Repleksyon Ko!


Panuto : Sagutin sa tatlo hanggang limang pangungusap ang tanong na
nasa ibaba. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

Bakit mahalagang tumugon ang tao


sa tawag ng pagmamahal ng Diyos?

20
Susi sa Pagwawasto

Ikatlong Markahan- Modyul 1:


Ang Pagmamahal sa Diyos sa mga Kongkretong Pangyayari sa Buhay

D 5.
C 4.
D 3.
B 2.
B 1.
Gawain 1

21
Sanggunian

Arnedo, Patricia Jane S., Rolando V. Balona Jr., Mary Jean B.


Brizuela, Elsie G. Celeste, Sheryll T. Gayola, Geoffrey A. Guevarra,
Glenda N. Rito, Suzanne M. Rivera, Benedick Daniel O. Yumul, and
Earl P. Valdez. Learner’s Module. Pasig City: FEP Printing
Corporation. 2015.

Catechism of the Catholic Church. Vatican Online Archives. 2020.


http://www.vatican.va/archive/ccc_css/archive
/catechism/p3s2c1.htm

Chapter 3 – Loving God Retrieved. 2019. https://mycatholic.life/the-


my-catholic-life-series/my-catholic-morals/chapter-3-loving-god/
Muslim at iba pa. Ang hadith ay kilala bilang ‘hadith ni Gabriel.’
Retrieved at https://www.newmuslims.com/tl/lessons/31/an-
introduction-to-pillars-of-islam-andarticles-of-faith-part-1/

Fernandez, Irish. Father's Love Letter Tagalog. 2012.


https://www.scribd.com/doc/84416777/Father-s-Love-Letter-
Tagalog#download

Kung Paano Natin Ipinakikita ang Ating Pag-ibig sa Diyos. 2017.


https://wol.j https://mycatholic.life/the-my-catholic-life-series/my-
catholic-morals/chapter-3-loving-god/ w.org/tl/wol/d/r27/lp-
tg/2004162#h=20

Websters, Jerry. Cartoon Strip Social Interactions. ThoughtCo is part


of the Dotdash publishing family. 2019.
https://www.thoughtco.com/cartoon-strip-social-interactions-
3110699

22
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Tagum City

Office Address: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

E-mail Address: tagum.city@deped.gov.ph

23

You might also like