You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
COBOL NATIONAL HIGH SCHOOL
Cobol, San Carlos City, Pangasinan

Mala-masusing
Banghay-Aralin sa Edukasyon sa
Pagpapakatao
(Ikalimang Linggo: Espiritwalidad at
Pananampalataya)

Inihanda ni:
FREXIE ANN MATABANG
Gurong Nagsasanay

Inihanda para kay:


GNG. LALAINE A. PERALTA
Gurong Tagapagsanay
A. Pamantayang Nilalaman: Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
pananampalataya at espiritwalidad sa pag-ganap.
B. Pamantayan sa Pagganap: Nakagagawa ang mag-aaral ng angkop na kilos
upang mapaunlad ang sariling pananampalataya at espiritwalidad.

C. Pamantayan sa Pagkatuto: (MELC's)


1. Natutukoy ang mga katangian ng tao bilang espiritwal na nilalang.
EsP10PB-IIIg-12.1
2. Nasusuri ang kaugnayan sa Diyos. EsP10PB-IIIg-12.2
I. Layunin
1. Natutukoy ang mga katangian ng tao bilang espiritwal na nilalang.

2. Nasusuri ang kaugnayan sa Diyos.

3. Nakagagawa ng angkop na kilos upang mapaunlad ang sariling


pananampalataya at espiritwalidad.

II. Nilalaman

Paksa: Espiritwalidad at Pananampalataya

Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral, pp. 235-252

Kagamitan: Cellphone, Laptop, Libro

Values Integration: Kabutihan Panlahat, Pagkamaka-Diyos

GAD Integration: Pagmamahal sa Diyos at sa kapwa

III. A. Panimulang Gawain

a. Pagtsetsek/Pagtatala ng mga lumiban sa klase.


b. Pagsasa-ayos ng silid-aralan.
c. Paglalahad ng Most Essential Learning Competencies

1. Pagganyak: (Guess me what)


Ibibigay ng mga mag-aaral ang mga pakahulugan ng salitang
Espiritwalidad at isusulat sa pisara ang sagot.

B. Panlinang na Gawain
a. Sa iyong palagay, mahalaga ba na malaman ng tao ang kaniyang
espiritwalidad?
b. Ano ang magandang dulot nito sa tao? Ipaliwanag.
c. Paano makatutulong ito sa pagpapaunlad ng pananampalataya?

C. Pagtalakay sa Aralin

 Pagtalakay sa kahulugan ng Espiritwalidad at Pananampalataya.


 Pagtatanong ng guro kung bakit kailangan ng tao ang may kasama
upang maging magaan ang kaniyang paglalakbay
 Pagbibigay ng mga mag-aaral ng halimbawa na nagpapakita ng
Pananampalataya.
 Tanong sa mga mag-aaral "Paano ka nakikipag-ugnayan sa mga taong
nakapaligid sa iyo o sa iyong kapuwa?

Iba't-ibang Uri ng Relihiyon:


1. Pananampalatayang Kristyano
2. Pananampalatayang Islam
3. Pananampalatayang Buddhismo

Ilan sa mga dapat gawin upang mapangalagaan ang ugnayan ng tao sa


Diyos:
1. Panalangin.
2. Panahon ng Pananahimik o Pagninilay.
3. Pagsisimba o Pagsamba.
4. Pag-aaral ng Salita ng Diyos.
5. Pagmamahal sa kapwa.
6. Pagbabasa ng mga aklat tungkol sa Espiritwalidad.

Apat na Uri ng Pagmamahal ayon kay C.S. Lewis:

1. Affection
2. Philia
3. Eros
4. Agape

D. Paglalapat (Act the Word)

Panuto: Hatiin sa tatlong grupo ang klase. Gumawa ang bawat pangkat ng
malikhaing presentasyon kung paano nila maipapakita ang ugnayan sa Diyos.
Bubunot ang naatasang lider ng bawat pangkat ng tig-dalawang gawain na
nagpapakita ng ugnayan ng tao sa Diyos at ipapaliwanag nila ito.
E. Paglalahat
Magbibigay ng tatlong sitwasyon ang guro at ilalagay ng mga mag-aaral sa
pangalawang kolum kung ano ang kanilang gagawin.

Mga Sitwasyon: Ang aking gagawin:


1. Mahal na mahal mo ang iyong mga
magulang. Isang araw, habang ikaw ay nasa
paaralan, nakatanggap ka ng balita na
naaksidente sila at nag-aagaw buhay sa
ospital. Hindi ka nakalilimot sa Diyos sa
araw-araw at nagsisilbi ka sa inyong
simbahan. Ngunit pareho silang binawian ng
buhay dahil sa aksidente na kanilang sinapit.
Sisisihin mo ba ang Diyos sa pangyayaring
ito?
2. Isang gabi, habang ikaw ay naglalakad
pauwi sa inyong bahay, may nakita kang
isang lalaking nakahandusay sa kalsada.
Siya ay duguan at halos hindi na humihinga.
Paglapit mo sa kaniya ay namukhaan mong
siya ang lalaking bumugbog sa iyong ama na
naging dahilan ng pagka-ospital nito. Ano
ang iyong gagawin?
3. Kumatok ang iyong kapitbahay at
humihingi sa iyo ng tulong dahil ang
kaniyang anak ay may malubhang
karamdaman. Noong araw na ion, sakto
lamang ang iong pera para sa ingong
gastusin sa bahay. Ano ang ayong gagawin?
F. Pagtataya

Panuto: Ibigay ang mga hinihingi.

Ibigay ang tatlong (3) uri ng relihiyon.


Ibigay ang mga anim (6) na dapat gawin upang mapangalagaan ang ugnayan ng tao
sa Diyos.
Ibigay ang apat (4) uri ng pagmamahal.
Paano mo maisasabuhay ang iyong pakikipag-ugnayan sa Diyos? Ipaliwanag.

V. Takdang-Aralin

Panuto: Sagutin ito na may katapatan. Lagyan ng tsek ang iyong sagot sa bawat
kolum at bigyan ng paliwanag ang sagot sa huling hanay ng kolum. Copy & answer.

Palaging Paminsan- Hindi


ginagawa minsang ginagawa Paliwanag
ginagawa
1. Pagdarasal bago at
pagkatapos kumain.
2. Pagdarasal bago matulog
at pagkagising sa umaga.
3. Pagbabasa ng
Bibliya/Pag-aaral ng Salita
ng Diyos.
4. Pagsisimba/Pagsamba.

5. Pagtulong sa kapuwa na
nangangailangan.
6. Pananahimik o personal
na pagninilay.

Sagutin ang mg tanong:

1. Ano ang iyong natuklasan sa iyong sarili matapos mong magawa ang gawain?

2. Naging masaya ka ba sa nakita mo mula sa iyong mga sagot? Bakit?

3. Ano ang masasabi mo sa iyong ugnayan sa Diyos? Ipaliwanag.

You might also like