You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON CITY

Gawaing Pagkatuto sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)

Baitang: Sampu (10) Linggo:Ikatlo Kuwarter: Ikatlo (3)

Pangalan: ________________________________ Petsa: ___________

I. Panimulang Konsepto:
Ang pagmamahal sa Diyos ay maituturing na pinakamahala-
gang batayan upang maisabuhay ng tao ang kanyang kaganapan at
tumugon sa kalooban ng Diyos. Ang pagpapatibay ng pagmamahal
sa Diyos ay isang mahaba ngunit nakalulugod na proseso. Maaaring
maging mahirap sa simula ang pagtahak sa landas ng pagmamahal
sa Diyos dahil minsan ay maraming pagsubok na dumarating sa
buhay ng tao.
Sa araling ito, tutulungan kang matuklasan at mapalalim ang
iyong pag-unawa sa kahalagahan ng pagpapaunlad ng pagmamahal
sa Diyos. Nilalayon din ng araling ito na matukoy ang mga tiyak na
kilos sa pagsasabuhay ng pagmamahal sa Diyos sa buhay ng tao.
II. Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs
Nakagagawa ng angkop na kilos upang mapaunlad ang
pagmamahal sa Diyos. (EsP10PB-IIIb-9.4)

III. Mga Gawain:


Pagsasanay 1
Magtala ng posibleng balakid/hadlang upang mapatibay ang
kaisipan, kalooban at pagkilos tungo sa pagmamahal sa Diyos.

Pagkilos tungo sa pagmamahal Balakid/Hadlang


sa Diyos

1. Pagdarasal Hal. Abala sa mga Gawain na pang-araw-


araw.
2. Pagninilay
3. Pagsimba
4. Pag-aaral ng Salita ng Diyos
5. Pagmamahal sa Kapuwa

Prepared by: LORNA L. BELANO, Teacher III

Address: City Hall Compound, Cabid-an, Sorsogon City, Sorsogon


Telephone No. (056) 311-2445
Email Address: sorsogon.city@deped.gov.ph “REACH, SHINE, Build a LEGACY!”
Website: depedsorsogoncity.ml
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON CITY

Pagsasanay 2
Batay sa sagot mo sa Pagsasanay 1, bumuo ng isang resolusyon kung
paano mo mabibigyang-pansin ang mga balakid na nabanggit upang
mapaunlad ang pagmamahal sa Diyos.

Balakid/hadlang Mga hakbanging Resulta/bunga


ginawa/gagawin

Hal. Abala sa mga Gawain 1.Itakda ang oras ng


na pang-araw-araw. pagsasagawa ng mga
Gawain. Masasanay na mag-ukol ng
2.Maglaan ng tiyak na oras oras o panahon sa
para sa pagdarasal. pagdarasal bilang bahagi ng
3.Palakasin ang disiplina sa pang-araw-araw na
sarili. pamumuhay.

Prepared by: LORNA L. BELANO, Teacher III

Address: City Hall Compound, Cabid-an, Sorsogon City, Sorsogon


Telephone No. (056) 311-2445
Email Address: sorsogon.city@deped.gov.ph “REACH, SHINE, Build a LEGACY!”
Website: depedsorsogoncity.ml
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON CITY

IV. Pagpapalalim:
Narito ang ilan sa mga gabay na maaaring makatulong upang
mapaunlad ang pagmamahal sa Diyos ng bawat isa mula sa personal
at pampamayanang antas.

a. Buksan ang kaisipan at pukawin ang kamalayan upang


suriin ang bawat karanasan at sitwasyon sa buhay. Ang
bawat sitwasyon at karanasan sa buhay ng tao ay isang
mayamang lundayan ng pagpapaunlad ng pagmamahal sa
Diyos. Kadalasan, madaling madala ang bawat isa sa mga
pagsubok sa buhay na karaniwang nagiging dahilan upang
mag-alinlangan sa pagmamahal ng Diyos. Mabuti o masama
man ang karanasan, may mga mensahe ito sa atin upang
mahubog at mapatibay pa ang ating pagmamahal sa Diyos.

b. Suriin ang mga potensiyal na karanasan at kaalaman na


maaaring magbunga ng pagmamahal sa Diyos. Napapaloob
sa prosesong ito ang malalim na pagsusuri ng ating mga
pansariling buhay kasama na ang ating mga adhikain sa
buhay. Mainam na mayroon tayong balakin para sa hinaharap,
ngunit mahalagang maunawaan na hindi lahat ng ating naisin
ay maaaring maganap. Kadalasan, ang mga balakid sa
pagkakamit ng ating mga naisin at adhikain ay magsisilbing
gabay upang matutuhan na hindi sapat ang ating mga
pansariling kagustuhan upang matugunan ang ating mga
pangangailangan.

c. Isaalang-alang ang lahat ng kaalaman at pagmamahal sa


anumang hakbangin tungo sa pagpapaunlad ng pagmamahal
sa Diyos. Dahil ang pagmamahal sa Diyos ay ang pinagsamang
kaalaman at kalooban, mahalaga na parehong gamitin bilang
gabay ang mga ito. Mahalaga ang kaalaman tungo sa
pagpapatibay ng katotohanan. Gayundin naman kapag naubos
na ang lahat ng posibleng rason at kadahilanan ng lahat, dito
umuusbong ang pagtitiwala at pagmamahal sa Diyos.
Pinalalakas ng anumang pagsubok ang ating ugnayan sa Diyos

Prepared by: LORNA L. BELANO, Teacher III

Address: City Hall Compound, Cabid-an, Sorsogon City, Sorsogon


Telephone No. (056) 311-2445
Email Address: sorsogon.city@deped.gov.ph “REACH, SHINE, Build a LEGACY!”
Website: depedsorsogoncity.ml
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON CITY

lalong-lalo na sa panahon ng kagipitan, sakuna, at mga


kalamidad.

d. Maglaan ng regular na panahon upang paunlarin ang


pagmamahal sa Diyos. Anuman ang ating paniniwala,
mahalaga na maglaan ng regular at sapat na oras bawat araw
upang makipagtipan sa Diyos. Maaaring magsagawa ng mga
gawain na makapagpapaunlad at makapagpapatibay ng ating
pagmamahal sa Diyos gaya ng pagbabasa ng salita ng Diyos,
pagdarasal, o kaya ay pagninilay-nilay. Pumili ng mga gawain
na kung saan higit na nararamdaman ang presensiya ng Diyos
sa iyong puso lalong-lalo na sa panahon ng kagipitan at
pagsubok sa buhay. Sa ganitong proseso, kusang magliliwanag
ang ating kaisipan at mapupuspos ng biyaya ng pag-ibig ng
Diyos ang ating buhay.

e. Makilahok sa mga pangkatang gawain ng iyong


simbahan. Mainam din na aktibong lumahok at makiisa sa mga
gawain ng ating simbahan. Ang sama-samang pagdarasal at
meditasyon sa salita ng Diyos ay nakapagdadala ng malawak na
kaalaman at karunungan sa bawat isa. Sa bisa ng mga
pagbabahagi ng mga miyembro ng pangkat, napalalalim ang
ating pagkaunawa kung paano kumikilos ang Diyos sa buhay
ng tao. Sa tulong ng mga personal na testimonya ng bawat
isang nananampalataya, nagiging bukas ang ating kaisipan at
kalooban upang tanggapin ang biyaya ng kaliwanagan at
pagmamahal ng Diyos.

V. Sanggunian:
Punsalan et.al., Pagpapakatao 10
Modyul Para sa Mag-aaral, EsP 10

ESP QUALITY ASSURANCE TEAM


Chairman: ELENA D. ANINIPOT
Prepared by: LORNA L. BELANO, Teacher III

Address: City Hall Compound, Cabid-an, Sorsogon City, Sorsogon


Telephone No. (056) 311-2445
Email Address: sorsogon.city@deped.gov.ph “REACH, SHINE, Build a LEGACY!”
Website: depedsorsogoncity.ml
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON CITY

Members: MARICEL B. BROQUEZA


MARK E. ENTICO
VELLA REY P. FURIO
MA. TERESA O. PEREZ

Prepared by: LORNA L. BELANO, Teacher III

Address: City Hall Compound, Cabid-an, Sorsogon City, Sorsogon


Telephone No. (056) 311-2445
Email Address: sorsogon.city@deped.gov.ph “REACH, SHINE, Build a LEGACY!”
Website: depedsorsogoncity.ml

You might also like