You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON CITY

Gawaing Pagkatuto sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)

Baitang: Sampu (10) Linggo: Una (1) Kuwarter: Ikatlo (3)

Pangalan: ________________________________ Petsa: __________

I. Panimulang Konsepto:
Paano ka ba magmahal? Naitanong mo na ba ito sa iyong sarili?
Paano mo minamahal ang Diyos? Sinasabi sa Juan 4:20, “Ang
nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa kani-
yang kapatid ay isang sinungaling. Kung ang kapatid na kaniyang
nakikita ay hindi niya magawang ibigin, paano niya maiibig ang
Diyos na hindi niya nakikita?”
Dahil sa pagsulong at lumalawak na puwersa ng teknolohiya,
mahalaga na magkaroon ng kamalayan at aktibong pagkilos upang
mapaunlad ang pagmamahal sa Diyos. Sa araling ito, tutulungan
kang matuklasan at mapalalim ang iyong pag-unawa sa kahalagahan
ng pagpapaunlad ng pagmamahal sa Diyos. Nilalayon din ng araling
ito na matukoy ang mga konkretong pagsasabuhay ng pagmamahal
sa Diyos sa buhay ng tao.

II. Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs


Natutukoy ang mga pagkakataong nakatulong ang pagmamahal
sa Diyos sa konkretong pangyayari sa buhay. (EsP10PB-IIIa-9.2)

III. Mga Gawain:


Pagsasanay 1
Lagyan ng tsek (/) ang gawaing naglalarawan sa pagmamahal ng
Diyos at ekis (X) kung hindi.
__________1. Pangongopya ng sagot sa oras ng pagsusulit.
__________2. Pagsasabi ng masasamang salita laban sa kapwa.
__________3. Pangangaral at pagsasabuhay ng Salita ng Diyos.
__________4. Pagtulong sa kapwang nangangailangan.
__________5. Pagsisinungaling.
Prepared by: LORNA L. BELANO, Teacher III

Address: City Hall Compound, Cabid-an, Sorsogon City, Sorsogon


Telephone No. (056) 311-2445
Email Address: sorsogon.city@deped.gov.ph “REACH, SHINE, Build a LEGACY!”
Website: depedsorsogoncity.ml
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON CITY

__________6. Pag-inom ng alak at paninigarilyo.


__________7. Araw-araw na pagdarasal at pagsimba.
__________8. Paggalang sa karapatan ng kapwa.
__________9. Pagsuway sa pangaral at utos ng magulang.
_________10. Boluntaryong pagsunod sa health protocol habang nasa
ECQ/MCQ tayo.

Pagsasanay 2
Tama o Mali. Isulat sa patlang ang T kung ang inilarawang pagkilos
ng tao ay bunga ng Pagmamahal ng Diyos at M kung hindi.
___________1. Natatanggap ang sariling kahinaan at mga kakayahan.
___________2. Pagkainggit at paghahangad sa mga pag-aari ng kapwa.
___________3. Walang takot na pagsusuri ng sariling buhay upang
mamuhay ayon sa katotohanan.
___________4. Pakikilahok sa mga pangkatang gawain ng simbahan.
___________5. Kawalan ng pagtitiwala sa sarili na mamuhay nang
marangal.
___________6. Pagsasagawa ng mga hakbangin tungo sa makasariling
pag-unlad.
___________7. Pagkilos tungo sa mga bagay na mabuti at mainam
para sa tao.
___________8. Pagbibigay na walang hinihintay na kapalit.
___________9. Tapat sa layunin na tulungan ang kapwang
nahihirapan.
__________10. Pigilan ang sarili sa mga makamundong gawain.

IV. Pagpapalalim:

Prepared by: LORNA L. BELANO, Teacher III

Address: City Hall Compound, Cabid-an, Sorsogon City, Sorsogon


Telephone No. (056) 311-2445
Email Address: sorsogon.city@deped.gov.ph “REACH, SHINE, Build a LEGACY!”
Website: depedsorsogoncity.ml
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON CITY

Malaki at malalim ang nagagawa ng pagmamahal ng Diyos sa


buhay ng tao.
(a) Sa bisa ng pagmamahal ng Diyos, nababago nito ang
kamalayan ng tao. Dahil sa pagmamahal ng Diyos nahihikayat ang
bawat isa tungo sa makatotohanan at walang takot na pagsusuri ng
sariling buhay. Nagbubunga ito ng pagtanggap at pagkilos tungo sa
pagtitiwala sa walang hanggang pagkakandili ng Diyos.
(b)Pinadadalisay rin ng banal na pag-ibig ng Diyos ang puso ng
bawat tao upang magmahal nang tunay sa kapwa at sa lahat ng
nilikha ng Diyos. Ang anumang gawin natin sa ating kapuwa ay
parang ginawa na rin natin sa Diyos. Sa kawalan ng sapat na
paliwanag ng rason, tanging pagmamahal sa Diyos ang siyang
magpapakilos sa tao upang lumapit at makilala nang lubos ang
kapangyarihan at karunungan ng Diyos.
© Sa tulong ng pagmamahal ng Diyos, nagagabayang
magpasiya at kumilos ang tao batay sa mga pagpapahalagang
moral at pagsasabuhay ng mga birtud. Binibigyang-direksiyon ng
pagmamahal sa Diyos ang pagsasabuhay ng mga biyaya ng espiritu
gaya ng karunungan at pag-ibig. Dahil sa pagmamahal sa Diyos,
nagkakaroon ng kakayahan ang tao na maunawaan, mapag-pasiyahan,
at mailapat sa tunay na buhay ang katotohanan at kabutihan.
(d) Sa paggabay ng pagmamahal sa Diyos, nakakaranas ang
tao ng pagbabalik-loob. Binabago ng pagmamahal sa Diyos ang mga
maling gawi at kilos ng tao.Pinatitibay rin ng pagmamahal sa Diyos
ang isip upang makita ang mga bagay-bagay sa iba’t ibang
perspektibo, samantalang hinuhubog nito ang kilos-loob upang
kumilos tungo sa mga bagay na mabuti at mainam para sa tao.

Ang mga nakatalang mga katangian ay Bunga ng Ispiritu (mula sa


sulat ni San Pablo sa mga taga-Galacia 5:22-23): “Subalit ang bunga
ng Ispiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan,
kabutihan, katapatan, kahinahunan at pagpipigil sa sarili.”

Prepared by: LORNA L. BELANO, Teacher III

Address: City Hall Compound, Cabid-an, Sorsogon City, Sorsogon


Telephone No. (056) 311-2445
Email Address: sorsogon.city@deped.gov.ph “REACH, SHINE, Build a LEGACY!”
Website: depedsorsogoncity.ml
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON CITY

Siyam na Bunga ng Banal na Ispiritu


1. Pag-ibig Pinakadakilang handog ng
Diyos
2. Kagalakan Lakas ng pag-ibig
3. Kapayapaan Seguridad ng pag-ibig
4. Katiyagaan Tibay ng pag-ibig
5. Kabaitan Kilos ng pag-ibig
6. Kabutihan Ugali ng pag-ibig
7. Katapatan Katatagan ng pag-ibig
8. Kahinahunan Kababaang-loob ng pag-ibig
9. Pagpipigil sa sarili Tagumpay ng pag-ibig

Masasabi lamang ng tao na siya ay nagmamahal sa Diyos kung


nagmamahal siya sa kaniyang kapuwa. Hindi ito madali, ngunit isa
itong hamon para sa lahat dahil kung anuman ang ginawa natin sa
ating kapuwa ay sa Diyos natin ginagawa. Kaya’t mapapatunayan
lamang ng tao na minamahal niya ang Diyos kung minamahal niya
ang kaniyang kapuwa.

V. Sanggunian:
Punsalan et.al., Pagpapakatao 10
Modyul Para sa Mag-aaral, EsP 10

ESP QUALITY ASSURANCE TEAM


Chairman: ELENA D. ANINIPOT
Members: MARICEL B. BROQUEZA
MARK E. ENTICO
Prepared by: LORNA L. BELANO, Teacher III

Address: City Hall Compound, Cabid-an, Sorsogon City, Sorsogon


Telephone No. (056) 311-2445
Email Address: sorsogon.city@deped.gov.ph “REACH, SHINE, Build a LEGACY!”
Website: depedsorsogoncity.ml
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON CITY

VELLA REY P. FURIO


MA. TERESA O. PEREZ

Prepared by: LORNA L. BELANO, Teacher III

Address: City Hall Compound, Cabid-an, Sorsogon City, Sorsogon


Telephone No. (056) 311-2445
Email Address: sorsogon.city@deped.gov.ph “REACH, SHINE, Build a LEGACY!”
Website: depedsorsogoncity.ml

You might also like