You are on page 1of 2

BAGA NATIONAL HIGH SCHOOL

BAGA, NAGA, ZAMBOANGA SIBUGAY


ESP Grade 10
Summative Test – Q3
S.Y. 2021-2022
Name: _________________________________ Score: __________________
Yr/Section: ________________________________ Date:___________________
Panuto: Basahing at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot at isulat sa
patlang na nakalaan bago ang mga bilang.
_____1. Sinasabi sa Hebreo 11.1 na “Ang pananampalataya ang siyang kapanatagan sa mga bagay na inaasam, ang kasiguruhan sa mga
bagay-bagay na hindi nakikita.” Alin sa sumusunod na pahayag ang tama tungkol dito?
a. Nagiging panatag ang tao dahil iniibig siya ng Diyos.
b. Nagiging panatag ang tao dahil siya ay naniniwala at nagtitiwala sa Diyos.
c. Nagiging panatag ang tao dahil siya umaasa sa pagmamahal sa Diyos.
d. Nagiging panatag ang tao dahil alam niya na hindi siya pababayaan ng Diyos.
_____2. Ito ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa itong malayang desisyon na malaman at tanggapin ang katotohanan sa
pagkatao.
a. Espiritwalidad b. Panalangin c. Pananampalataya d. Pag-ibig
_____3. Alin sa sumusunod ang nagsasabi ng tunay na diwa ng espiritwalidad?
a. Ang palagiang pag-aaral at pagbabasa ng salita ng Diyos.
b. Ang pagiging maawain at matulungin sa pangangailangan ng kapwa.
c. Ang pananatili ng ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng pananalangin sa araw-araw.
d. Ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa at pagtugon sa tawag ng Diyos.
_____4.Ang sumusunod ay naglalarawan ng buhay ng pananampalataya malibansa:
a. Kumikilala at nagmamahal sa Diyos.
b. Naglilingkod at palagiang nanalangin sa Diyos.
c. Nagmamahal at tumutulong sa kapwa.
d. Nagmamahal sa Diyos at nagmamahal sa kapwa
____5. Sinasabi sa Jeremias 29:11 “Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama
kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung- puno ng pag-asa.” Alin sa mga
sumusunod na pahayag ang tama ukol dito?
A. Nais ng Diyos na mamuhay ka na puno ng pangamba
B. Nais ng Diyos na mamuhay ka ng masaya.
C. Nais ng Diyos na mamuhay ka ng masagana at maginhawa.
_____6. Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili." Ang salitang ito ay:
a. Tama, dahil ito ay payo ng ating mga magulang
b. Tama, dahil ito ay salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia
c. Mali, dahil ito ay pansariling interes lamang
d. Mali, dahil ang salitang ito ay hindi nagsasabi ng totoo.
_____7. May mga pagkakataong hindi natutupad ang hinihiling ng tao sa kanyang panalangin. Ang mga sumusunod ay tama maliban sa
____________.
A. Dahil hindi siya mahal ng Diyos
B. Dahil hindi pa ito dapat mangyari.
C. Dahil maaaring makasama ito sa kanya
_____8. Anong pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos ang nagpapakita ng papuri at pasasalamat, paghingi ng tawad at paghiling sa
kanya.
A. pagsamba B. pagsisimba C.panalangin
_____9. Paano malalaman ng tao kung ano ang ginagawa niya sa kanyang paglalakbay at kung saan ang kanyang patutunguhan?
A. Sa pamamagitan ng pakikipagsapalaran.
B. Sa pamamagitan ng pananahimik at pagninilay.
C. Sa pamamagitan ng pamamasyal.
_____10. Kung ang pagsisimba ay makatutulong sa tao upang lalo pang lumawak ang kaniyang kaalaman sa Salita ng Diyos, ano
naman ang makatutulong sa tao upang lubusan niyang makikilala ang Diyos?
A.Pag-aaral ng salita ng Diyos
B.Pagbabasa ng Banal na Kasulatan o Koran
C.Pag-aaral ng salita ng Diyos at pagbabasa ng Banal na Kasulatan o Koran
_____11. Hindi masasabing maganda ang ugnayan ng tao sa Diyos kung hindi maganda ang ugnayan niya sa
kanyang kapwa. Bakit?
A. Dahil ang tao ay umiiral para sa sarili lamang
B. Dahil ang tao ay umiiral kasama ang kanyang kapwa
C. Dahil ang tao ay umiiral para sa Diyos lamang
_____Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa uri ng pagmamahal na “Affection”?
a. Ito ay ang pagmamahal bilang magkakapatid, lalo na sa mga magkakapamilya.
b. Ito ay pagmamahal ng magkakaibigan.
c. Ito ay pagmamahal batay sa pagnanais lamang ng isang tao.
d. Ito ang pinakamataas na uri ng pagmamahal na walang kapalit.
_____13. Ang Philia ay pagmamahal ng magkakaibigan kung saan mayroon silang magkaibang tunguhin o inilalayon na kung
saan sila ay magkakahiwalay. Ang pangungusap ay ___________________
a. Tama, dahil dapat magkaiba sila sa lahat ng bagay upang maipakita nila ang kanilang pagmamahal.
b. Mali, dahil dapat isa ang kanilang tunguhin at layunin bilang magkakaibigan.
c. Tama, dahil magkakahiwalay sila sa tunguhin at nilalayon.
d. Mali dahil dapat isa ang kanilang tunguhin at layunin subalit hindi sila magkakaugnay.
_____14. Ang Eros ay pagmamahal batay sa pagnanais lamang ng isang tao. Alin sa mga pahayag ang hindi naglalarawan
sa uri ng pagmamahal na ito.
a. Mahal ko siya dahil maganda siya.
b. Mahal ko siya dahil may trabaho siya.
c. Mahal ko siya dahil makatutulong siya sa aking pag-aaral
d. Mahal ko siya na walang anumang kapalit.
_____15. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tamang naglalarawan sa ugnayan ng tao at sa kanyang kapuwa?
a. Hindi pwedeng ihiwalay ng tao ang kaniyang sarili sa kanyang kapuwa.
b. Maaaring ihiwalay sa tao ang kaniyang saril sa kanyang kapuwa.
c. Maaaring ihiwalay sa tao ang kaniyang ugnayan sa kapuwa.
_____16. Bakit kailangang magbasa ang tao ng mga aklat tungkol sa espiritwalidad ?
a. Ang pagbasa ng mga aklat tungkol sa espiritwalidad ay nakatutulong upang maunawaan ng tao ang mensahe ng Diyos sa
kanyang buhay.
b. Ang pagbasa ng mga aklat tungkol sa espiritwalidad ay nagbibigay pag-asa na patuloy sa paglaban sa anumang
hamon sa buhay.
c. Ang pagbasa ng mga aklat tungkol sa espiritwalidad ay nakatutulong sa paglago at pagpapalalim ng
pananampalataya ng isang tao.
_____17. Ano ang kaibahan ng Eros at Philia ?
a. Ang Eros ay ang pinakamataas na uri ng pagmamahal at ang Philia ay pagmamahal ng magkakaibigan na
mayroong silang iisang tunguhin na sila ay magkaugnay.
b. Ang Eros ay batay sa pagnanais lamang ng isang tao at ang Philia ay pagmamahal bilang magkakapatid o sa mga
taong nagkakilala at naging malapit sa isa’t isa.
c. Ang Eros ay batay sa pagnanais lamang ng isang tao at ang Philia ay pagmamahal ng magkakaibigan na mayroong
silang iisang tunguhin na sila ay magkaugnay.
_____18. Bakit nararapat na pahalagahan ang buhay ng tao?
a. Sapagkat ang tao ay obra ng Diyos na ginawa sa sarili Niyang imahe.
b. Sapagkat ang tao ay may responsibilidad na gagampanan sa lipunan.
c. Sapagkat ang tao ay may pangarap na dapat abutin.
_____19. Ang mga sumusunod ay mga gawa na nagpapakita ng paglabag sa paggalang sa buhay maliban sa;
a. Prostitusyon b. Aborsiyon c. Pagpapatiwakal
_____20. Anong isyung moral sa buhay ang tumutukoy sa pagpapalaglag ay pag-alis ng isang fetus o sanggol na hindi maaaring
mabuhay sa pamamagitan ng kaniyang sarili sa labas ng bahay-bata ng ina?
a. Aborsiyon b. Alkoholismo c. Euthanasia
_____21. Anong proseso ang isinagawa sa modernong medisina upang wakasan ang buhay ng taong may malubhang sakit na
kailanman ay hindi na gagaling pa?
a. Suicide b. Abortion c. Euthanasia
_____22. Bakit pinakaangat ang tao sa ibang nilikhang may buhay?
a. Nilikha siyang may isip, kilos-loob, puso, kamay, at katawan na magagamit niya upang makamit niya ang kaganapan bilang
tao.
b. May kakayahang hanapin, alamin, unawain, at ipaliwanag ang mga katotohanan at layunin ng mga bagay-bagay sa kaniyang
paligid.
c. May isip at kilos-loob na nagbibigay ng kakayahang kumilos, gumawa, at magpahalaga sa kaniyang sarili, kapuwa, at iba
pang nilikha.
_____23. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang nagpapakita ng paraan sa pagpapahalaga sa buhay?
a. Pahalagahan ang kalusugan ng katawan tanda ng pagmamahal sa BUHAY na ibinigay ng Diyos.
b. Kumain ng kahit ano tanda ng pag-aalaga ng katawan.
c. Magsumikap sa pag-aaral tanda ng pagpapahalaga sa sarili.
_____24. Alin sa mga sumusunod na mga bansa na ipinagbabawal ang aborsiyon dahil ito ay isang iletihimong paraan
upang kontrolin ang paglaki ng pamilya.
a. Amerika b. Canada c. Pilipinas
____25. Ang mga sumusunod ay iilan sa mga dapat gawin para makaiwas sa depression o pagpapatiwakal maliban sa;
a. Panatilihing abala ang sarili sa makabuhuluhang gawain tulad ng paglilingkod sa kapwa at pamayanan.
b. Pagkakaroon ng matibay na support system (pamilya at mga kaibigan).
c. Magmukmok sa kwarto oras ng may matinding problem

“Educating the MIND without educating the HEART is no Education at all”


- Aristotle

Keep Safe and God Bless!!!!


Parents/Guardians Signature over Printed Name

You might also like