You are on page 1of 12

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

IKATLONG MARKAHAN
GRADE 10
S.Y.2019-2020

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin at bilogan ang


pinakaangkop na sagot.

1. Sinasabi sa Hebreo 11.1 na “Ang pananampalataya ang siyang kapanatagan sa mga bagay na
inaasam, ang kasiguruhan sa mga bagay-bagay na hindi nakikita.” Alin sa sumusunod na pahayag ang
tama tungkol dito?
a. Nagiging panatag ang tao dahil iniibig siya ng Diyos.
b. Nagiging panatag ang tao dahil siya ay naniniwala at nagtitiwala sa Diyos.
c. Nagiging panatag ang tao dahil siya umaasa sa pagmamahal sa Diyos.
d. Nagiging panatag ang tao dahil alam niya na hindi siya pababayaan ng Diyos.
2. Ito ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa itong malayang desisyon na malaman at
tanggapin ang katotohanan sa pagkatao.
a. Espiritwalidad b. Panalangin c. Pananampalataya d. Pag-ibig
3. Alin sa sumusunod ang nagsasabi ng tunay na diwa ng espiritwalidad?
a. Ang palagiang pag-aaral at pagbabasa ng salita ng Diyos.
b. Ang pagiging maawain at matulungin sa pangangailangan ng kapwa.
c. Ang pananatili ng ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng pananalangin
sa araw-araw.
d. Ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa at pagtugon sa
tawag ng Diyos.
4. Ang sumusunod ay naglalarawan ng buhay ng pananampalataya maliban
sa:
a. Kumikilala at nagmamahal sa Diyos.
b. Naglilingkod at palagiang nanalangin sa Diyos.
c. Nagmamahal at tumutulong sa kapwa.
d. Nagmamahal sa Diyos at nagmamahal sa kapwa
5. Sa aklat ng Mateo 22:37-39 MBB "Sumagot si Jesus, “Ibigin mo ang
Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang
buong pag-iisip. Ang pahayag na ito ay mababasa o matagpuan sa Biblia sa:.
a. Mateo 22:37-39 MBB b. Mateo 23:37-39MBB c. Mateo 24:37-39MBB
6. Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili." Ang salitang ito ay:
a. Tama, dahil ito ay payo ng ating mga magulang
b. Tama, dahil ito ay salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia
c. Mali, dahil ito ay pansariling interes lamang
d. Mali, dahil ang salitang ito ay hindi nagsasabi ng totoo.
7. Sa pamamagitan ng pananahimik o pagninilay mauunawaan ng tao ang __________ ng Diyos?
A. Kakayahan B. Mensahe C. Pagpapala
8. Paano mo lubos na makikilala ang Diyos? Sa pamamagitan ng ___________.
A. Pagdarasal B. Pagsisimba C.Pag-aaral ng Kaniyang Salita
9. Paano mapalalago at mapapalalim ang pananampalataya ng isang tao?
A. Sa pamamagitan ng pakikipagkapwa
B. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng aklat tungkol sa espiritwalidad
C. Sa pamamagitan ng pagdarasal
10. Analohiya: _____________:Makapagbibigay ng papuri,Pananahimik:Makapag-isip
A. Pag-aaral B. Pagsamba C. Panalangin
11. Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang panahon ng pananahimik o pagninilay?
A. Upang malaman ng tao ang tunay na mensahe ng Diyos sa kaniyang buhay
B. Upang lumawak ang kaniyang kaalaman at magsabuhay ng aral ng Diyos
C.Upang lumalim ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa Diyos.

12. Araw-araw ay nagsisimba si Aling Cora at hindi nakalilimot na magdasal. Ipinagdarasal niya rin
ang kanyang kasambahay na sa kasalukuyan ay nasa ospital. Naipakita ba ni Aling Cora ang kanyang
pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan nito?
A. Oo, dahil ginagawa naman niya ang kanyang tungkulin sa Diyos.
B. Oo, dahil ang kaniyang pagsisimba, pagdarasal, pagbabasa at pagkikitungo sa kapwa ay
ikinalulugod ng Diyos.
C. Hindi, dahil nababalewala ang kaniyang ugnayan sa Diyos kung hindi maganda ang
ugnayan niya sa kanyang kapuwa

13. Bakit may mga pagkakataong hindi natutupad ang hinihiling sa panalangin?
A. Dahil hindi siya mahal ng Diyos
B. Dahil ikinalulugod ng Diyos ang kanyang mga gawa
C. Dahil hindi pa ito dapat mangyari.
14. Paano malalaman ng tao kung ano ang ginagawa niya sa kanyang
paglalakbay at kung saan siya patutungo?
A. Sa pamamagitan ng pamamasyal.
B. Sa pamamagitan ng pananahimik at pagninilay
C. Sa pamamagitan ng pagmamahal sa kapwa.

15. Hindi masasabi na maganda ang ugnayan ng tao sa Diyos kung hindi maganda ang ugnayan niya
sa kanyang.
A. Katrabaho B. Kapamilya C. Kapwa
16. Nautusan kang bumili ng gamot ng iyong ina para sa nakakabatang mong kapatid, ngunit ikaw ay
gumagawa pa ng iyong takdang aralin. Paano mo susundin ang iyong ina kahit alam
mong may gagawin ka pa?
a. Susunod ka ngunit ikaw ay nagdadabog.
b. Ihihinto mo muna ang paggawa ng iyong takda at susunod sa
iyong ina
c. Hindi mo ito papakinggan.

17. Ang iyong kamag-aral ay may kapansanan sa pagsasalita at ikaw ay kanyang kinausap. Paano mo
ipakikita na hindi hadlang ang kanyang kapansanan?
a. Aasarin mo ito.
b. Kakausapin ito ng buong respeto at bilang isang normal na tao.
c. Hindi mo ito kakausapin at lalayo ka.
18. Ang tao ay nilikha ng _____ na may kanya-kanyang kakayahan at
talento… a. Bagay b. Diyos c. Hayop d. Tao
19. Ang iyong nakasabay sa daan papuntang paaralan ay ang iyong guro. Marami syang bitbit at
hirap na hirap ito. Ang maari mong gawin ay?
a. Mauuna ka at hahayaan mo lang siya.
b. Hahayaan mo lang ito at magkukunwaring walang napansin.
c. Aalukin mo ito ng iyong tulong.
20. Ang ________ ay tumutukoy sa pag-uugali na nagpapakita ng pananagutan at isang
responsibilidad sa ating kapwa.
a. Pakikipag-iibigan b. Pagmamahal c. Pagsasalo d. Pakikipagkapwa-tao
21. Ang iyong mga kamag-aral ay pumunta sa inyong bahay. Ang iyong kapatid ay nanduon at
ito ay may kapansanan. Ano ang iyong gagawin upang ipakita na mahal mo ang
iyong kapatid?
a. Papuntahin sa kwarto at magtago.
b. Ikakahiya ito.
c. Ipapakilala sa mga kamag-aral at ipagmamalaki ito.

22. Pupunta ka sa isang kaarawan ng iyong kaibigan ngunit biglaang sumama ang pakiramdam ng
iyong mabutihing ina. Ano ang iyong ipapakita sa iyong ina sa ganitong sitwasyon?
a. Ipagpapaliban mo na lang ang pag-alis at aalagaan ang iyong ina.
b. Hahayaan mo na lang ito at aalis ka pa rin.
c. Bibilhan mo siya ng gamot, sabay alis.

23. Ang iyong kaibigan ay nagkwento tungkol sa kanyang sikreto at sinabing huwag mo raw itong
ipagkakalat. Ano ang iyong gagawin sa kahilingan ng iyong kaibigan?
a. Sisiraan mo siya.
b. Ipagkakalat mo ito sa iba.
c. Hindi mo ito sasabihin sa iba dahil isa kang tunay na kaibigan.
24. Isang matanda ang iyong nakita at nahihirapan ito sa kanyang pagtawid. Ano ang maari mong gawin
bilang pagtanaw ng respeto sa nakakatanda?
a. Tutulungan at aalalayan ito sa pagtawid.
b. Ipagsasawalang bahala mo ito at hindi papansinin.
c. Tatawanan mo ito.
25. Sa oras ng recess, nakita mo ang iyong kamag-aral na hindi kumakain at napag alaman mong ito ay
walang baon. Paano mo ipapakita na mahal mo ang kapwa mo?
a. Iingitin mo ito.
b. Aalukin mo ito ng dala mong pagkain at bibigyan.
c. Hindi mo ito papansinin.
26. Bakit nararapat na pahalagahan ang buhay ng tao?
a. Sapagkat ang tao ay obra ng Diyos na ginawa sa sarili Niyang imahe.
b. Sapagkat ang tao ay may responsibilidad na gagampanan sa lipunan.
c. Sapagkat ang tao ay may pangarap na dapat abutin.
27. Ang mga sumusunod ay mga gawa na nagpapakita ng paglabag sa paggalang sa buhay maliban
sa;
a. Prostitusyon b. Aborsiyon c. Pagpapatiwakal
28. Anong isyung moral sa buhay ang tumutukoy sa pagpapalaglag ay pag-alis ng isang fetus o
sanggol na hindi maaaring mabuhay sa pamamagitan ng kaniyang sarili sa labas ng bahay-bata ng ina?
a. Aborsiyon b. Alkoholismo c. Euthanasia
29. Anong proseso ang isinagawa sa modernong medisina upang wakasan ang buhay ng taong may
malubhang sakit na kailanman ay hindi na gagaling pa?
a. Suicide b. Abortion c. Euthanasia
30. Bakit pinakaangat ang tao sa ibang nilikhang may buhay?
a. Nilikha siyang may isip, kilos-loob, puso, kamay, at katawan na magagamit niya upang makamit
niya ang kaganapan bilang tao.
b. May kakayahang hanapin, alamin, unawain, at ipaliwanag ang mga katotohanan at layunin ng
mga bagay-bagay sa kaniyang paligid.
c. May isip at kilos-loob na nagbibigay ng kakayahang kumilos, gumawa, at magpahalaga sa
kaniyang sarili, kapuwa, at iba pang nilikha.
31. Alin sa mga sumusunod ang naipapakita ng paggalang sa kapwa?
a. Pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan
b. Pakikipagugnayan sa mga taong nakakahalubilo
c. Pagbibigay ng halaga sa isang tao
32. Ang mga sumusunod ay mga epekto sa paggamit ng bawal na droga maliban
a. Nahihirapan sa pagproseso ang isip
b. Nagdudulot ng tamang pagpapasiya
c. Nagdudulot ng blank spot
33. Ang sumusunod ay pisikal na epekto ng labis na pag-inom ng alak maliban sa:
a. Nagpapabagal ng isip
b. Nagpapahina ng enerhiya
c. Nababawasan ang kakayahan sa pakikipagkapwa.
34. Alin sa mga sumusunod ang maaaring sanhi ng pagpapatiwakal?
a. Despair o kawalan ng pag-asa
b. Maging positibo sa buhay
c. Abala ang sarili sa makabuluhang gawain
35. Ang mga sumusunod ay iilan sa mga dapat gawin para makaiwas sa
depression o pagpapatiwakal maliban sa;
a. Panatilihing abala ang sarili sa makabuhuluhang gawain tulad ng paglilingkod sa kapwa at
pamayanan.
b. Pagkakaroon ng matibay na support system (pamilya at mga kaibigan).
c. Magmukmok sa kwarto oras ng may matinding problem
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
UNANG MARKAHAN MARKAHAN
GRADE 10
S.Y.2018-2019

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin at bilogan ang


pinakaangkop na sagot.
______ 1. Alin sa sumusunod ang hindi batayan sa dignidad ng tao?
a. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapuwa.
b. Isaalang-alng ang kapakanan ng kapuwa bago kumilos.
c. Tumulong sa kapuwa kung may ibalik sa iyo.
d. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.
_________ 2. Alin sa mga sumusunod ang hindi mo makikita na nagbigay
pagpapahalaga sa dignidad ng tao?
a. Tulungan mong ma-iangat ang kanyang sarili, kaya bigyang panahon sa pag-uusap.
b. Huwag kang magpapagod hangga’t nakikita mo ang pagtitiwala sa kanyang sarili.
c. Makinig ka sa kanyang mga opinion suggestion upang makikita niya ang kahalagahan ng kanyang
sarili.
d. Maraming negatibong palagay at paghuhusga ang kanyang narinig.
_________3. Ano ang ibig sabihin sa kasabihang: “Huwang mong gawin sa iba , Ang ayaw mong
gawin ng iba sa iyo.” Alin ang hindi kahulugan sa
Kasabihang ito?
a. Kung ano ang makakabuti sa iyo ay makakabuti din sa iba.
b. Kung ano ang makakasama sa iyo makakasama din sa kapwa.
c. Kung gusto mo na walang mangyayaring masama sa iyo huwag Kang manakit sa iba.
________4. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kapwa, maliban sa;
a. Si Juan na pantay ang pakikitungo sa tao mahirap man o mayaman.
b. Si Ana ay hindi kinaklimutan magdasal.
c. Si Tomas ay matulungin sa kapwa.
d. Si Pedro na ginagawa ang anumang iutos sa kanya.

________5. Sino sa mga sumusunod ang higit na nagpapakita ng tunay na kahulugan ng dignidad.
a. Si Tomas na mabait sa kanyang mga kaibigan.
b. Si Pedro na ginagawa ang anumang iutos sa kanya.
c. Si Ana na hindi lumiliban sa klase.
d. Si Juan na pantay ang pakikitungo sa tao mahirap man o mayaman.

_______6. Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?


a. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang pagmamahal at
pagpapahalaga
b. Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay
c. Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kakilala.
d. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa mga ito
_______7. Ang tunay na mensahe ng gintong aral (Golden Rule).
a. Magkatulad ang inyong pagkatao bilang tao.
b. Siya ay iyong kapwa tao
c. May karapatan ang bawat indibidwal.
d. Ang tao ay may dignidad
_______8. Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?
a. Sa oras na niyapakan ng kapwa ang kanyang pagkatao
b. Kapag siya ay nagiging masamang tao
c. Sa sandaling nalabag ang kaniyang karapatang pantao
d. Hindi nawawala ang dignidad ng tao gaano man siya kasama. C. Basahing mabuti ang mga
tanong at pangungusap at piliin ang pinakaangkop na sagot.
_______9. Karaniwang naririnig mula sa matanda na bago mo sabihin o gawin ang isang bagay ay
makasampu mo muna itong isipin. Ano ang ipinapahiwatig nito?
a. Bigyan ng kahulugan ang buhay.
b. Isaalang-alang ang kapakanan ng sariling buhay.
c. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
d. Itaguyod ang dignidad ng kapwa.
_________10. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng angkop na kilos sa pagpaphalaga ng
dignidad?
a. Si Juan na laging namimigay ng pagkain sa kanyang mga kaibigan.
b. Si Ana na hindi pinipili ang tutulungan kaibigan man o hindi.
c. Si Pedro na ginagawa ang anumang iutos sa kanya.
d. Si Tomas na masunurin sa kanyang mga magulang.
_______11. Ano ang dahilan kung bakit iba-iba ang pakikitungo ng tao sa kapwa.

a. Dahil sa hindi naunawaan ang dignidad ng tao.


b. Dahil sadyang mapagmahal ang tao.
c. Dahil sa matinding damdamin ng tao
d. Dahil sa pagsunod sa kagustuhan ng Diyos.

_______12. Ang paggalang sa karapatan ng iyong kapwa, pagmamahal, pagpapahalaga sa buhay,


kapayapaan, katotohanan ay ilan sa mga pagpapahalaga tungo sa mabuting pakikipag-ugnayan, ang
pangungusap ay;
a. Tama, dahil ito ang magbibigay sa atin ng kaginhawaan sa buhay.
b. Tama, dahil buod ng ating pagpapakatao.
c. Mali, dahil hindi ito kayang gawin ng tao.
d. Mali, dahil kailanman hindi ito magdudulot nga kasiyahan.

______13. Paano mo maipapakita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?


a. Magkaroon ng takot sa Diyos.
b. Pahalagahan mo ang tao bilang tao.
c. Maging magalang ka sa matatanda
d. Maging masunurin sa utos ng magulang.
_______14. Isang uri ng tinig na nagbibigay payo sa tao at nag-uutos sa gitna ng isang moral na
pagpapasya kung paano kumilos sa isang konkretong sitwasyon.
a. Konsensiya c. Kalayaan
b. Dignidad d. Kilos-loob
_______15. Saan maihahantulad ang konsensiya?
a. Musika ng buhay c. Munting tinig
b. Konkretong sitwasyon d. Mahabang karanasan
_______16. Anong uri ng batas ng tao ang may kakayahang gawin ang mabuti o masama.
a. Mataas na batas c. Batas sa pagpapasya
b. Likas na batas moral d. Sobhetong bata
_______17. Para lumayo ang tao sa masamang paggamit ng konsensiya, kailangan ay:
a. Pumasok sa simbahan c. Maniwala sa nakita sa internet
b. Sumama sa kaibigan d. Kausapin ang magulang
_______18. Nais ni Jimmy magkaroon ng cellphone kaya nagsisikap siyang magtrabaho sa libreng
oras sa eskwela. Anong prinsipyo ng likas na batas moral ito? a. Pangangalaga sa sarili
b. Pagiging rasyonal
c. Gawin ang mabuti, umiwas sa masama
d. Nilikha na nag-iisip ng pag-aaral
_______19. Bakit itinuturing na pinakamataas na batayan ng kilos ang likas batas moral?
a. Ito ang pamantayan ng moralidad ng tao
b. Ito ang batayan ng isip
c. Ito ang paghuhusga
d. Ito ang konsensiya ng tao
_______20. Mali ang kaisipan ng konsensiya, kapag:
a. Sinusunod ang munting budhi c. madaling maniwala sa balita
b. Nagbagabag at nagnilay d. Matagal magdasal
_______21. Ang sumusunod ay ang unang prinsipyo ng likas batas moral, maliban sa:
a. Nag-iisip bago mag desisyon c. Paggawa ng mabuti
b. Umiiwas sa masama d. Pag-aalaga sa sarili
_______22. Para masunod ang likas na batas moral mahalagang maunawaan ang mga prinsipyo nito.
Ano ang pahayag na ito?
a. Tama, dahil batayan ito ng mabuti at masama
b. Tama, dahil isa itong batas
c. Mali, dahil hindi importante ang mga prinsipyo nito
d. Mali, dahil mayroon kaming konsensiya

_______23. Nilikha ang tao na mabuti, sa kabila nito:


a. Napapagod ang tao sa hamon ng panahon
b. Naimpluwensiyahan sa media
c. Kahit mabuti, pinili parin ang masama
d. Palaging gumagawa ang tao ng desisyon
_______24. Paano mas maging malaya ang tao sa kabila ng hamon ng panahon?
a. Kapag nagsasabi palagi sa nararamdaman
b. Kapag sinunod ang mabuti at tama para sa lahat
c. Kapag tinuruan ng mga magulang
d. Kapag pinagbutihan ang pag-aaral
Para sa bilang 25 at 26

Si Aling Flor ay may nag-iisang anak. Kaya sinisikap niyang maibigay ang tamang edukasyon at
mabuting pangaral sa anak. Isang araw humingi ang anak ng bagong cellphone ngunit hindi niya ito
pinagbigyan dahil hindi naman ito pangunahing pangangailangan. Sinabi niya sa anak na maghintay ng
tamang panahon sa lahat ng bagay.

__________25.Ano ang ipinapahayag ng seleksiyon?


a. pagsasalarawan ng tunay na pag-ibig
b. paghahambing nito sa iba’t ibang bagay
c. paglalahad ng mga pangyayari sa buhay nila
d. pagpapahiwatig ng nararamdaman
_______26. Aling prinsipyo ng likas na batas moral ang sinunod ni Aling Flor?
a. Ang paggawa ng mabuti, lumayo sa masama.
b. Ang lahat na may buhay, kasabay sa pangangalaga niya sa saril.
c. Ang lahat ng mga nilikha sa mundo dahil nasa tao ang pagpaparami at bigyang ng mabuting
edukasyon ang mga anak.
d. Ang pagiging rasyonal ng tao, kaya natural sa tao ang alamin ang katotohanan at sa lipunang
kanyang kinabibilangan.
_______27. Sa buong mundo hindi inaasahan ang pagkakaroon ng pandemya na COVID-19. Paano
nagagamit ang dikta ng konsensiya sa panahong ito?
a. Umasa sa pamahalaan c. Matakot sa frontliner
b. Mag-isip ng mapagkakakitaan d. Mananatili sa bahay
_______28. Gaano man kabigat ang mga pagsubok ng panahon dapat manatiling matatag at lagging
manalangin sa Panginoon. Sa prinsipyo ng likas batas moral, ang pahayag ay:
a. Pangangalaga sa sarili
b. Pagiging rasyonal
c. Gawin ang mabuti, umiwas sa masama
d. Nilikha na nag-iisip ng pag-aaral
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
IKAAPAT NA MARKAHAN
GRADE 10
S.Y.2019-2020

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga katanungan. Tukuyin ang tamang sagot sa pagpipilian at isulat
ang letra ng tamang sagot sa patlang.

_____1. Paano mo lulutasin kung palagi mong nakikita ang iyong kapitbahay na hinihipo siya ng kaniyang
ama?
A) Sisigawan C) Isusumbong sa alcalde
B) Papanoorin D) Ipagbigay alam sa pulisya/DSWD

_____2. Alin ang HINDI sakop ng isyung moral tungkol sa seksuwalidad?


A) Pornograpiya C) Aborsiyon
B) Prostitusyon D) Pagtatalik bago ang kasal

_____3. Inaanyayahan ka ng iyong mga kaklase na manood ng malalaswang pelikula sa Youtube, ano ang
dapat mong gawin?
A) Umiwas sa kanila
B) Manood kasama ang mga kaklase
C) Ang cellphone mo ang gagamitin upang masaya
D) Ipapaliwanag sa kanila ang epekto ng panonood ng malalaswang
pelikula

_____4. Alin sa mga isyung moral ang may kaugnayan sa seksuwalidad?


A) Pornograpiya C) Aborsiyon
B) Pagpapatiwakal D) Alkoholism

_____5. Bakit kailangang pahalagahan ang iyong dignidad?


A) Ito ang turo ng aking mga magulang
B) Paggalang sa sarili at ng ibang tao
C) Kailangan sa pakikipagkapwa – tao
D) Magkaroon ng sariling disposisyon

_____6. Aling sitwasyon ang nagpapakita ng pang-aabusong sekswal?


A) Pagtingin sa mga hubad na katawan
B) Paghipo sa maseselang parte ng katawan sa mga bata
C) Pagtingin ng malalaswang palabas
D) Pakikipagtalik
_____7. Bakit kailangang igalang ang dignidad at sekswalidad ng isang tao?
A) Dahil ang buhay ng tao ay sagrado
B) Dahil ang tao ay may karapatang mabuhay sa mundo
C) Dahil ang tao ay may Kalayaan
D) Dahil ang tao ay may karapatang igalang ang sarili
_____8. Aling uri ng isyung moral tungkol sa seksuwalidad na sinasabing pinakamatandang propesyon o
gawain na nagbibigay ng panandaliang-aliw kapalit ang pera?
A) Pornograpiya B) Prostitusyon
C) Aborsiyon D) Pagtatalik bago ang kasal
_____9. Bilang isang iskawt, sa paanong paraan na ikaw ay makakatulong sa mga kabataang maagang
nakaranas ng sekswal na gawain?
A) Pagsasabihan na huwag manood ng pornograpiya
B) Magpapakita ng pornograpiyang videos
C) Bibigyan ng mga malalaswang larawan
D) Makipagkwentuhan ng mga malalaswang karanasan
_____10. Nakita mo ang malaswang video ng iyong kaklase, paano ka makakatulong sa kanya?
A) Makinig sa pagbabahagi ng kanyang karanasan
B) Payuhan na huwag ipagpatuloy ang kanyang gawain
C) Ipaalam sa guro ang kanyang ginawa
D) Ipagsasabi sa mga kaklase ang nakita mo sa video.
_____ 11. Ano ang tawag sa may layuning pukawin ang sekswal na
pagnanasa sa pamamagitan ng panonood o pagbabasa?
A) Prostitusyon C) Pornograpiya
B) Sekswal D) Pagtatalik

_____12. Unang monthsary mo ng iyong boyfriend/girlfriend at ang hiningi


niya na regalo ay makipagtalik ka sa kanya, ano ang iyong gagawin?
A) Ibibigay ang gusto niya
B) Mangako na sa susunod na buwan makipagtalik
C) Hihiwalayan ang girlfriend/boyfriend
D) Ipaliwanag sa kanya na hindi pa ang takdang panahon upang
makipagtalik

_____13. Alin ang HINDI isyung moral tungkol sa sekswalidad?


A) Pagpapatiwakal C) Pagtatalik bago ang kasal
B) Pornograpiya D) Mga pang – aabusong sekswal
_____14. Paano mo lulutasin kung palagi mong nakikita ang iyong kapitbahay
na hinihipo siya ng kaniyang ama?

A) Sisigawan C) Isusumbong sa alcalde


B) Papanoorin D) Ipagbigay alam sa pulisya/DSWD
_____15. Bakit kailangang igalang ang dignidad at sekswalidad ng isang tao?

A) Dahil ang buhay ng tao ay sagrado


B) Dahil ang tao ay may karapatang mabuhay sa mundo
C) Dahil ang tao ay may Kalayaan
D) Dahil ang tao ay may karapatang igalang ang sarili

_____16. Inaanyayahan ka ng iyong mga kaklase na manood ng malalaswang


pelikula sa Youtube, ano ang dapat mong gawin?
A) Umiwas sa kanila
B) Manood kasama ang mga kaklase
C) Ang cellphone mo ang gagamitin upang masaya
D) Ipapaliwanag sa kanila ang epekto ng panonood ng
malalasang pelikula

_____17. Alin ang HINDI tumutukoy sa mga pang – aabusong sekswal?


A) Hinihikayat ng mga magulang ang anak na magpakita ng
maseselang parte ng katawan sa harap ng camera
B) Panonood ng mga gawaing sekswal
C) Pagpapakita ng ginagawang paglalaro sa sariling ari at
paghihikayat sa mga bata na makipagtalik
D) Pag – iwas sa mga malalaswang babasahin at pelikula

_____18. Ikaw ay nangangailangan ng malaking pera dahil ooperahan ang


iyong nanay, hinikayat ka ng iyong matalik na kaibigan na magbigay
ng panandaliang – aliw kapalit ang malaking halaga ng pera, ano ang
dapat mong gawin?
A) Sumama sa kanya upang magkaroon ng malaking pera
B) Manghiram ng pera sa kapitbahay
C) Hayaan na hindi ma-operahan ang nanay
D) Tanggihan ang alok ng kaibigan at humingi nalang ng tulong
sa ahensiya ng gobyerno gaya ng DSWD
_____19. Sa paanong paraan na ikaw ay makakatulong sa mga kabataang
maagang nakaranas ng sekswal na gawain?
A) Pagsasabihan na huwag manood ng pornograpiya
B) Magpapakita ng pornograpiyang videos
C) Bibigyan ng mga malalaswang larawan
D) Makipagkwentuhan ng mga malalaswang karanasan

_____20. Bakit kailangang pahalagahan ang iyong dignidad?


A) Ito ang turo ng aking mga magulang
B) Paggalang sa sarili at ng ibang tao
C) Kailangan sa pakikipagkapwa – tao
D) Magkaroon ng sariling disposisyon
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
IKALAWANG MARKAHAN
GRADE 10
S.Y.2018-2019

PANUTO.Basahin at unawaing Mabuti ang bawat aytem. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Sino ang nagsabi na ang kilos ng tao ang nagbibigay patunay kung ang isang tao ay may control
at pananagutan sa kanyang sarili?
a. Santo Tomas de Aquino
b. Agapay
c. Aristoleles
d. Felicidad Lipio
2. Nakagagawa ng mali ang tao hindi dahil ninais niya kundi nakikita niya ito bilang Mabuti at
nakapagbibigay ito ng kasiyahan. Ito ay sa kadahilanang ang _______ niya ay nakatuon at
kumikling sa Mabuti sa kanya na nakikita niya bilang tama.
a. Isip b. Kalayaan c. kilos -loob d. dignidad
3. Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil sa damdamin?
a. Panliligaw sa crush
b. Pagbatok sa barkada dahil sa biglaang panloloko
c. Pagsugod sa bahay ng kaalitan
d. Panlilibre sa barkada dahil sa mataas na markang nakuha.
4. Alin sa mga ito ang hindi maituturing na gawi?
A. Paglilinis ng ilog
B. Pagpasok ng maaga
C. Pagsusugal
D. Maalimpungatan sa gabi
5. Sa paggawa ng Mabuti dapat piliin ng tao alin ang
a. Mas madaling isagawa
b. Mas nakapagbibigay ng malaking pakinabang sa mga karamihan.
c. Nakakasiya sa diyos at sa kapawa tao
d. Higit na nakabubuti sa kanyang kamag anak.
6. Sa paggawa ng kilos dapat piliin ng tao ang
A. Mas mataas ang kabutihan
B. Mas higit ang ibubungang pakinanabang
C. Nagdudulot na higit na personal na kaayusan
D. Mas malawak ang kapakinabangan.
7. Ang sinansabing pinakamataas na layunin ay tumutukoy sa
a. Tagumpay ng pamilya
b. Masayang pamilya
c. Tagumpay sa pamumuhay
d. Tagumpay sa mundo at sa kabilang buhay
8. Ang uri ng kilos ay naayon sa uri ng
a. Kaalaman
b. Kasanayan
c. Kapaligiran
d. Paniniwala
9. Malalaman ang nilalaman ng kalooban ng tao mula sa kanyang
a. Kaalaman
b. Hilig
c. Hinanakit
d. Kilos at salita
10. Kung kilalanin ang katuruan ni Aristotles, aling kilos ang ipinakita ng isang taong nanakit sa
kapuwa dahil sag alit bilang reaksiyon sa panloloko sa kaniya.
a. Walang kusang loob
b. Kusang loob
c. Di kusang loob
d. Makataong kilos
11. Kung mali ang layunin magiging mali narin ba ang paraan at sirkumstansya?
a. Hindi, dahil iba ang paraan at sirkumstansya sa layunin.
b. Oo, dahil kung masama ang panloob na kilos ay magiging masama na rin ang boung kilos.
c. Hindi, dahil layunin lang naman ang apektado hindi ang ibang kilos
d. Oo, dahil konektado ang mga kilos.
12. Ayon sa kanya, sa bawat makataong kilos , ang kilos loob ang tumutungo sa isang layunin.
a. Sto.Tomas de Aquino
b. Agapay
c. De Torre
d. Felicidad Lipio
13. Ang mga nakapagpapala o nakapagpapabawas ng kabutihan o kasamaan ng isang kilos ay
tinatawag na
a. Kahihinatnan
b. Sirkumstansya
c. Layunin
d. Paraan
14. Isa sa pinakamahalagang element ng makataong kilos ay ang papel ng______.
a. Kilos loob
b. Isip
c. Kaalaman
d. Pananampalataya
15. Ano ang sinasabing pinakamahalang salik sa pagsasagawa ng makataong kilos?
a. Kaalaman
b. Kabutihan ng loob
c. Malakas na pananampalataya
d. Likas na batas moral
16. Ito ay tumutukoy sa kawalan ng kaalaman na dapat taglay ng tao
a. Kahinaan
b. Kawalan ng lakas ng loob
c. Kamangmangan
d. Kawalan ng tiwala sa sarili
17. Kailangan ang maingat na pagtitimbang sa kung ano ang dapat piliin at kilos na gagawin dahil
a. Makakatulong ito sa tao upang magkaroon sya ng mabuting kilos
b. Bawat kilos ay may batayan, dahilan at pananagutan
c. Masisiguro ang tamang pasya ng tao
d. Makakatulong ito sa tao upang matimbang ang pamimilian.
18. Bakit kailangan bigyan ng sapat na panahonan ang pagpapasya ng tao?
a. Upang magsilbing gabay sa araw-araw na pagpapasya
b. Upang matimbang ng maayos ang pamimilian
c. Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pagpili
d. Upang mapagnilayan ng Mabuti ang bawat panig ng isasagwang pamimili
19. Ano ang dalawang kategorya sa 12 yugto ng makataong kilos ayon kay sto. Tomas de Aquino?
a. Isip at kilos loob
b. Intensiyon at layunin
c. Paghuhusga at pagpili
d. Sanhi at bunga
20. Ang tao ay nilikha ng ____ na may kanya kanyang kakayahan at talent
a. Bagay
b. Diyos
c. Hayop
d. tao

You might also like