You are on page 1of 3

SUMMATIVE TEST IN ESP 6

(Week 1-2)

I. Basahin ang pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Sa buhay ng tao, dumarating ang mga pagkakataon na tayo ay sinusubok


ng Diyos, ngunit kailangan nating magpakatatag at umiwas sa tukso.
Bakit?
A. upang maging maayos ang ating pamumuhay
B. upang mapanatili ang ating mabuting pagkatao.
C. upang makaraos sa kahirapan ng buhay
2. “Sa paggawa ng kabutihan, hindi kailangang maghintay ng anumang
kapalit.” Ano ang ibig sabihin nito?
A. Kapag may ginawang mabuti kailangan may kapalit
B. Gumawa ng mabuti sa kapwa ng bukal sa kalooban
C. Kapag di ka gumawa ng mabuti sa kapwa di ka pagpapalain

3. “Ang kabutihan ay dapat taglayin ng mga kabataan dahil ito ang simula ng
pagiging isang mabuting tao.” Ano ang kahulugan nito?
A. Lahat ng kabataan ay dapat maging mabuti
B. Ang kabutihang taglay ng isang kabataan ay nagpapakita ng pagiging
mabuting tao
C. Maging mabuting tao upang maging mabuting kabataan
4. Ang pagiging mabuti sa kapwa ay nagdudulot ng ibayong ligaya hindi
lamang sa sarili bagkus pati na rin sa ating kapwa. Ang lahat ay ialay lamang
sa ating ______ na may likha sa lahat.

A. magulang

B. Panginoon

C. sarili

5. Kung ano ang itinanim, siyang aanihin. Ano ang kahulugan nito?

A. Kapag gumawa ka ng mabuti sa kapwa, gagawan ka rin ng mabuti ng iyong


kapwa.
B. Kapag nagtanim ka ng mangga, aanihin mo din ay mangga.

C. Kung di ka magsisikap sa iyong buhay ay di ka magtatagumpay.

II. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa pamamagitan ng pagsasaalang-


alang ng inyong kalooban. Isulat ang tittik ng wastong sagot.

6. Hindi naniniwala sa K-12 ang iyong mga magulang at wala sila ng balak
na pagaralin ka sa Senior High, hanggang Junior High School lamang
ang nais na ipatapos nila sa iyo. Ano ang iyong magiging pananaw?
A. manahimik na lang at magmukmok
B. umasang mababago ang kanilang pasiya
C. sumama ang loob sa kanila
D. subukan na magbisyo na lamang
7. Si Ali ay isang Muslim at naniniwala siya sa Koran, samantalang si Mario
ay isang Kristiyano at naniniwala naman siya sa Bibliya, ano ang dapat
nilang gawin?
A. magdebate C. magrespetuhan
B. magkaunawaan D. magpayabangan
8. Dumanas ng matinding pagsubok ang pamilya ni Noly, ano ang dapat
niyang gawin?
A. titigil sa pag-aaral C. mananalig sa Diyos
B. magrerebelde D. makikinig sa payo ng kaibigan
9. Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa iyong kapwa?
A. maglimos sa pulubi sa daan
B. magsimba tuwing lingo
C. tumulong sa nasunugan/nabahaan
D. samahan ang mga barkada
10. Niyaya ka ng iyong kaibigan na abangan ang iyong kaklase sa labas dahil
di nagbigay ng baon sa kanila, ano ang iyong magiging pasiya?
A. matakot at sumunod sa kanila
B. magsumbong sa guro
C. manalangin at humingi ng tulong at gabay sa Diyos
D. umiyak ng umiyak
11. Ang ating buhay ay hindi natin sarili. Ibig ng Diyos na ihandog natin
ito sa ating kapwa at sa ibang bagay na kanyang nilikha. Ano ang ibig
sabihin nito?
A. Pananagutan nating mahalin, igalang, at pahalagahan ang ating
kapwa.
B. Pananagutan nating mahalin, igalang at pahalagahan ang ating sarili
C. Wala tayong pananagutan sa ating kapwa
II. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagpapakita ng positibong
pananaw, pag-asa at pagmamahal sa kapwa at sa Diyos, MALI kung
hindi.
12. Ginagawa at hinuhubog natin ang ating pagkatao at mga kalagayan sa
buhay sa ating pananalig sa Diyos.
13. Nananatili ang pananalig sa Diyos sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.
14. Sinisiraan ang pagkatao ng kaibigang nakaaway.
15. Pinatatawad ang mga taong nagkasala sa iyo gaya ng pagpapatawad ng
Diyos sa atin.

IV. Ipaliwanag ang katagang ito: “Nothing is impossible to God ” (Walang


imposible sa Panginoon) 5 puntos (16-20)

You might also like