You are on page 1of 6

Region X

DIVISION OF ILIGAN CITY


Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Ikatlong Markahang Pagsusulit
SY 2019-2020

Pangalan: ______________________________ Baitang at Seksyon: ____________________Iskor: __________


Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat pahayag at bilugan ang titik ng pinakaangkop na sagot.
1. Ano ang isinasaad ng anomang bagay na kanais-nais, kapuri-puri, nagbibigay ng inspirasyon, at kapaki-pakinabang na
gumagabay sa pagpili at paggawa ng partikular na layunin sa ikalilinang at ikabubuti ngisang tao?
A. Pag-asa B. Pagtulong C.Pagpapahalaga D. Pagsasanay
2. Ano ang paghubog ng mga birtud gamit ang paulit-ulit na pagsasagawa at pagsasanay ng mga mabuting kilos nang may
pagsisikap? Kaalaman
A. Gawi B. Gawin C. GawaD. Gawain
3. Ang birtud ay may malaking kaugnnayan sa pagpapahalaga. Ano ang angkop na paliwanag sa pahayag na ito?
A. Parehong makabubuti ang mga ito sa tao.
B. Mahalagaang isang bagay na birtud ng tao.
C. Ang birtud ay kahit anong bagay na mahalaga sa tao.
D. Paulit-ulit na ginagawa ng tao ang mabuting kilos para sa pinahahalagahan kaya ito ay nagiging birtud niya.
4. Alin sa sumusunod ang tama tungkol sa birtud at pagpapahalaga?
A. Ang mga ito ay madaling taglayin ng tao.
B. Ang mga ito ay mula pasa kapanganakan ng tao.
C. Ang birtud ay lilipas na kilos ng tao at ang pagpapahalaga ay nasa isip lamang niya.
D. Ang pagsasabuhay ng birtud sa pagkamit ng pinahahalagahan ay tunay na pagpapakatao.
5. Bakit mahalagang malampasan ang mga tukso sa paghubog ng mga pagpapahalaga at birtud?
A. Malalaman ng tao ano ang tukso. B. Magiging kilala siya sa iba.
C. Magpatatatag ng loob na patuloy na magpakatao D. Magdadala ng suwerte sa buhay.
6. Ano ang halimbawa ng kultura na nakagawian nang kilos ng mga Iliganon?
A. Pagsakay sa Tartanilla B. Pagbili ng sariling sasakyan C. Pamasahe sa jeep D. Paglakad kahit may pera
7. Alin sa sumusunod ang tinutukoy sa makabagong katagang, “Think before you click”?
A. Unawain muna ang kalalabasan ng pananalita at kilos bago ito sabihin at isagawa.
B. Kalmado sa pag-iisip at paggawa ng mga bagay-bagay
C. Ipakita ang kahusayan sa paggamit ng computer
D. Pagkakaroon ng kagalingan sa pag-internet
8. May group chat ang inyong klase. Nababasa mo rito ang pag-aaway, paglalaitan at pagkakampihan ng marami mong
mga kaklase. Ano ang pinakaangkop mong gawin?
A. Ipaalam ko sa kanila na mali ang ginawa nila.
B. Sabihin ko sa aking mga magulang na kausapin sila.
C. Kunsultahin ko ang aming gurong tagapayo kung ano ang mabuting gawin.
D. Hahayaan ko na lamang dahil alam kong di magtagal at magkakabati din sila
9. Ang iyong mga kaklase ay naglaro habang wala pa ang inyong guro. Natapakan ni Lino ang paa ni Ben na may sugat
at humantong ito sa pag-aaway ng dalawa. Nang dumating ang inyong guro, pinarusahan niya ang lahat na naglaro.
Sang-ayon ka ba sa ginawa ng inyong guro?
A. Opo, dahil narapat lamang silang parusahan.
B. Opo, upang matakot na silang maglaro sa silid-aralan.
C. Hindi po, dahil si Lino at Ben lamang ang dapat parusahan.
D. Hindi po, dahil mas magtanda sila kung ipinaunawa ng guro ang masamang epekto sa paglalaro sa silid-aralan.
10. Bata pa lamang, sinasanay na ni Threcia ang kaniyang sarili na gawin ang mabuti at iwasan ang masamang kilos sa
gabay ng kaniyang ina. Tinuturuan din siya na iayon ang kaniyang kilos sa tamang katuwiran. Nahihirapan man,
ipinagpapatuloy niya ang pagsusumikap na gumawa ng mabuti. Anong uri ng birtud ang hinuhubog ni Threcia?
A. Birtud bilang gitna B. Moral na birtud C. Intelektuwal na birtud D. Teolohikal na birtud
11. Habang may pagsusulit sa EsP, napapansin ni Tina na namumutla ang kaniyang katabi dahil sa matinding sakit ng
tiyan. Ano ang gagawin ni Tina bilang pagsasabuhay ng Teolohikal na birtud ng pagmamahal?
A. Kumustahin at tanungin ang katabi.
B. Sumigaw dahil nabigla sa nakikita katabi.
C. Hayaang mapansin ito ng iba dahil sumasagot pa siya.
D. Ibulong sa guro at magboluntaryo na dalhin ito sa klinik.

12. Ang sumusunod ay mabisang paraan upang malampasan ang tukso na humahadlang sa paghubog ng birtud maliban
sa:
A. Hayaan lamang na lilipas ang nararanasang tukso.
B. Kilalaninang situwasiyong pinagmumulan ng tukso.
C. Kumunsulta sa mga taong may alam sa mabuting pamumuhay.
D. Humingi ng gabay sa Panginoon sa pamamagitan ng regular na panalangin.
13. Bilang kabataan, may mga pangyayari sa iyong buhay na hindi mo gusto. May mga pagkakataon na ikaw ay
nakararanas ng kabiguan sa buhay. Anong birtud ang kailangan mo upang makayanan mo ang mga pagsubok na ito?
A. Katarungan B. Pagtitimpi C. Katatagan D. Maingat na paghuhusga
14. Ano ang kabuuang tawag sa pandamdam, pambuhay, ispiritwal at banal na mga antas ng mga pagpapahalaga?
A. Hirarkiya ng Pagpapahalaga B. Handog ng Pagpapahalaga
C. Hamon sa Pagpapahalaga D. Hango sa Pagpapahalaga
15. Ano ang angkop na pagkaunawa sa pahayag na, “Ang pagpapahalaga ay nilalayong makamit ng isang tao”?
A. Ang pagpapahalaga ay ayon sa tao
B. Ang pagpapahalaga ay likas sa tao.
C. Ang pagpapahalaga ay saklaw lahat ng tao.
D. Ang pagpapahalaga ay nagbibigay ng direksyon sa buhay ng tao
16. Magkasabay ang lakad ng pamilya ni Odetteat ang paanyaya ng kaniyang mga kaibigan na sila ay maglalaro. Nalilito
siya kung ano ang pipiliin niya. Ano ang nararapat na piliin niya?
A. Piliin ang magpaliligayasa kaniya B. Maglalaro muna at saka na ang pamilya
C. Piliin ang mas mataas na pagpapahalaga D. Magtanong sa matalik na kaibigan kung ano ang pipiliin
17. Ang sumusunod ay mga uri ng ispiritwal na halaga ayon kay Max Scheler, maliban sa:
A.Pagpapahalaga sa katarungan B. Pagpapahalagang pangkagandahan
C. Pagpapahalaga sa matibay na damdamin at loob D. Pagpapahalaga sa ganap na pagkilala sa katotohanan

18. Malapit na ang ikalabintatlong kaarawan ni Em-Em, pinapipili siya ng kaniyang mga magulang kung kumain sila ng
mga kaibigan niya sa labas o bilhan siya ng bagong backpack. Pinipili niya ang backpack dahil magagamit niya ito ng
matagal habang ang pagkain sa labas ay isang araw na kaligayahan lamang. Ano ang naiisip ni Em-Em?
A. Mas mahalaga kapag bago B. Mas mahalaga kapag mas tumatagal
C. Mas mahalaga kapag para sa kaarawanD. Mas mahalaga kapag bagay ang matanggap
19. Ang sumusunod ay katangian ng mataas na antas ng halaga maliban sa:
A. Mataas ang antas ng halaga kung tumatagal at hindi nababago ng panahon
B. Mataas ang antas ng halaga kung ito ay nagiging batayan ng iba pang halaga
C. Mataas ang antas ng halaga kung ito ay nakabatay sa organismong nakararamdam nito.
D. Kahit dumadami pa ang nagtataglay ng halaga mahirap pa ring mabawasan ang kalidad nito

20. Ang pera ay nagpapasaya sa tao ngunit may mga tao na maraming pera ang naghahanap pa rin ng pamilya na buo at
mga tapat na kaibigan na tunay na makapagpapasaya sa kanila. Anong katangian ng mataas na antas ng halaga ang
pinatutunayan nito?
A. Habang tumatagal ang halaga, mas tumataas ang antas nito
B. Mas malalim ang kasiyahan na nadama, mas mataas ang antas ng halaga
C. Mataas ang antas ng halaga kung ito ay lumilikha ng iba pang mga halaga
D. Mas mahirap mabawasan ang kalidad ng halaga kahit pa dumarami ang nagtataglay nito
21. Bakit angkop na tawagin na “ordo amoris” o order of the heart ang Hirarkiya ng Halaga?
A. Ang puso at isip ng tao ay nagpapahalaga sa lahat ng bagay
B. Ang puso ng tao ay mabilis maghanap ng katuwiran kaysa kaniyang isip.
C. Ang puso ng tao ay kayang magbigay ng katwiran na maaaring hindi mauunawaan ng isip.
D. Ang puso ng tao ang dapat na pairalin sa pamimili ng pahahalagahan, hindi kailanman ang isip
22. Si Dan ay hindi nakatapos ng kolehiyo dahil maaga siyang nag-asawa. Lagi siyang pinadalhan ng kaniyang mga
magulang na nasa ibang bansa ng pera. Dahil dito hindi na siya naghanap ng trabaho. Lagi na lamang siyang lumabas
kasama ang mga kaibigan, uminom at manigarilyo. Nasa anong antas ang halaga ni Dan?
A. Pambuhay na halaga B. Pandamdam na halaga C. Ispiritwal na halagaD. Banal na halaga
23.Hangad ni Glenda ang matiwasay na buhay. Kapag labis ang pagod sa trabaho ay nagbabakasyon siya upang
makapagpahinga. Kumakain siya ng masustansiyang pagkain upang mapanatiling malusog ang kaniyang
pangangatawan. Nasa anong antas ang halaga ni Glenda?
A. Pambuhay na halaga B. Ispiritwal na halagaC. Pandamdam na halaga D. Banal na halaga
24. Isang tanghali, nasa loob ng inyong silid-aralan ng Baitang Hope si Andrea, nalilito siya kung sasali ba sa paglalaro ng
Takyan ng inyong mga kaklase, mag-aaral para sa pagsusulit ninyo sa Filipino, maglalaro ng kaniyang cellphone o
matutulog na lamang. Ano ang mabisang paraan ng pagpipili ang ipapayo mo kay Andrea?
A. Pipiliin ang naaayon sa ginagawa ng mas maraming kaklase
B. Pipiliin angnaaayon sa kung ano ang magaan at madaling gawin
C. Pipiliin ang naayon sa mataas na uri ng Hirarkiya ng Pagpapahalaga
D. Pipiliin ang naaayon sa mas gusto niyang gawin para sa sarili niya mismo

25.Alin sa sumusunod na paninindigan ang TAMANG hakbang tungo sa mataas na halaga?


A. Ang lahat ng tao ay nagtatagumpay sa pagtugon sa bawat pagpapahalaga.
B. Sapat nang malaman na ang bawat tao ay may kakayahang magkamit ng mataas na antas ng halaga.
C. Kapag hindi natugunan ng isang tao ang isang halaga, nasisira ito at ang taong hinditumutugon dito.
D. Nakaliligtaanman ng isang tao ang kaniyang kaligtasan dahil sa pagtulong sa kapuwa, nananatili pa ring mabuti ang
kaniyang ginagawa.
2
26. Matagumpay at abala man sa negosyo si Gino, naglalaan pa rin siya ng panahon para sa pagtulong sa mga mahihirap
sa kanilang lugar. Ibinabahagi niya ang kaniyang kaalaman sa negosyo sa kanila bilang paglilingkod sa Diyos. Hindi
siya naghihintay ng ano mang kapalit. Nasa anong antas ang halaga ni Gino?
A. Banal na halaga B. Ispiritwal na halaga C. Pambuhay na halaga D. Pandamdam na halaga
27. Alin ang pahayag na tumutukoy sa karunungan?
A. Mapilosopiyang pangangatuwiran.
B. Mahilig magbigay ng pangangatuwiran.
C. May maraming alam sa mga bagay-bagay.
D. Kakayahang humatol nang tama at gawin ang mabuti ayon sa nauunawaan.
28. Bakit mahalaga sa tao na ginagawa ang paghingi ng payo, paghatol batay sa tinitimbang na mga ebidensya at
isakilos ang pasiya?
A. Upang hindi hihina ang kaniyang ulo B. Upang hangaan ang paraan ng pag-iisip
C. Upang magtataglay siya ng praktikal na karunungan D. Upang maperpekto ang anomang gawain
29. Si Laila ay nasa Baitang Ikapito. Nang tinalakay sa klase nila ng EsP ang pagbuo ng moral na karunungan,
ninanais niyang magkaroon nito. Ano ang nararapat niyang gawin?
A. Gamitin ang isip sa pag-unawa, pagnilayan ang naunawaan at gamitin ang kilos-loob sa kabutihan.
B. Agad-agad makiusap sa kaibigan na tulungan siyang magkaroon nito.
C. Pumunta sa library para mag-research tungkol dito.
D. Pakikinggan ang lahat na sinasabi ng mga tao dito.
30. Si Sarah ay isang doktor. Ano ang indikasyon na may birtud siya ng karunungan at tiwala sa sarili?
A. Marunong siyang mag-opera. B. Ginagamit niya ang kaniyang kakayahan sa paglilingkod.
C. May maganda siyang bahay at sasakyan. D. Isa siyang kilala na manggagamot sa kanilang lugar.
31. “Nararamdaman ng taong may karunungan ang damdamin ng kaniyang kapuwa.” Ano ang kahulugan nito?
A. May damdamin ang tao kaya siya nakadadama.
B. Naiisip ng taoang kaniyang nararamdaman para sa kapuwa.
C. Nalalaman ng tao ang bunga sa gagawing paglingkod sa kapuwa.
D. Nakapaglilingkod ang tao batay sa pagkadama niya sa pangangailangan ng kapuwa
32. Si Syrah ay walang tiwala sa kaniyang sarili. Ano ang nararapat niyang gawin?
A. Tanggapin ang kaniyang sarili batay sa realidad.
B. Tanggapin ang katangian na gusto niyang makamit.
C. Tanggapin ang kaniyang sarili ayon sa magulang niya.
D. Tanggapin ang sinasabi ng ibang tao tungkol sa kaniya.
33. Alin ang hindi kabilang sa mga hakbang ng praktikal na karunungan?
A. Kailangang makaranas ng suliranin. B. Kailangang pag-aralan ang ebidensya.
C. Kailangang makinig sa payo ng may karanasan. D. Kailangang isakilos ang napagpasiyahan.
34. Nais mong magkaroon ng kamalayan sa sarili upang may batayan ka ng konsepto mo sa iyong
sarili. Ano ang gagawin mo?
A. Pagmumuni-muni o pagnilay-nilay tungkol sa iyong sarili. B. Paglilinis ng iyong sarili
C. Palaging titingnan ang iyong mukha sa salamin.D. Pagpapalakas ng iyong sarili.
35. Alin sa sumusunod na pahayag ang katotohanang nagbabago?
A. Ikaw ay nilikha na kawangis ng Diyos. B. Ikaw ay nagdadalaga/nagbibinata.
C. Ikaw ay minamahal. D. Ikaw ay may kalakasan
36. Alin ang halimbawa ng konsepto sa sarili na hindi akma sa realidad?
A. Iniisip niyang maganda siya, maraming bumabati sa kaniya.
B. Masarap raw siyang magluto, malusog ang kaniyang pamilya.
C. Sinasabing magaling sa AP, mababa naman ang grado sa card.
D. Magaling raw siyang gumawa ng cake, may umo-order sa kaniya.
37. Alin sa sumusunod na pangungusap ang tamang pananaw sa karunungan at tiwala sa sarili?
A. Ito ay mga birtud na nagpapaunlad sa pagkatao ng tao at sa kaniyang pakikipagkapuwa.
B. Ito ay mga kilos na mapagpipilian ng tao kung alin ang kaniyang isasabuhay.
C. Ito ay mga pinahahalagahan ng tao mula sa kaniyang kapanganakan.
D. Ito ay mga iniisip ng tao tungkol sa kaniyang sarili at sa kapuwa.
38. Paano naipakikita na napauunlad ang karunungan at pagtitiwala sa saril?
A. May personal na kaligayahan, makatao ang pakikipagkapuwa at mapanagutan na mamamayan
B. Pagkilos na tumutungo sa pagiging kilala mo sa lahat ng iyong mga ginagawa.
C. Pagiging kakilala at kaibigan ng lahat ng tao na nakapaligid sa iyo.
D. Pag-alala sa iyo ng mga taong nagagawan mo ng kabutihan.

39. Anong birtud ang hindi pagkuha ng pansin at papuri mula sa mga tao tungo sa sarili habang naglilingkod sa kapuwa?
A. Lakas ng loob B. Kababaang-loob C. Kilos-loob D. Utang na loob

40. Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang birtud ng pagtitimpi?


A. Hindi siya maaalipin sa panandaliang kasarapan at kasiyahan tungo sa malalim na kaligayahan at
kalayaan.
B. Maraming hahanga sa kaniyang tatag sa pagkontrol ng sarili at tutularan siya.
C. Sapat na sa kaniya anong mayroon siya kaya di na niya kailangang magsikap.
3
D. Magiging madali sa kaniya ang pag-asenso sa buhay nang dahil sa pagtitimpi.
41. Alin sa sumusunod ang pinahahalagahan ng isang taong may birtud ng payak na pamumuhay?
A. Mga kaibigan na sasama saan man niya gustong pumunta
B. Pagkakaroon ng gadget dahil meron nito halos lahat ng tao.
C. May malinis at maayos na tahanan salat man itong makabagong kagamitan.
D. Laging nangungunang nakaaalam sa mga napapanahong balita mula sa internet
42. Bakit kailangang ilapat ng tao sa kaniyang sarili ang mga hakbang sa pagbuo ng mga birtud ng kababaang-
loob, pagtitimpi at payak na pamumuhay?
A. Upang malalaman niya paano ilapat ang mga ito sa buhay niya
B. Upang hindi na siya mahihirapan na gawin ang mga birtud na ito
C. Upang sa pagtanda niya ay maituturo niya ito sa susunod na henerasyon.
D. Upang magkaroon siya ng kaligayahan, kalayaan, kaganapan at makataong pakikipagkapuwa
43. Ikaw ay Presidente ng inyong klase sa EsP. Nasabi sa iyo ng iyong kaklase na napansin niya na ikaw ay
kulang ng kababaang-loob bilang pinuno nila. Ano ang gagawin mo?
A. Idepensa ang iyong sarili at magpaliwanag sa kaniya.
B. Ituring na isang pagsubok lamang ang nalaman mong ito
C. Tanggapin ang pagkukulang at humiling sa guro na palitan ka bilang presidente.
D. Tanggapin ang pagkukulang at simulan mo ang mapanagutang paglilingkod sa mga kaklase mo
44. Alin ang hindi kabilang sa hakbang upang muling mabuo ang pagtitimpi?
A. Aminin ang sariling pagkakamali at suliranin B. Gawin ang tama at paulit-ulit na pagsasanay.
C. Humanap ng mabuting taong hingan ng payo. D. Sundin ang sariling kagustuhan lamang.
45. Idolo ni Jessa ang yumaong si Gng. Gina Lopez na nanguna sa pagpatayo ng Bantay Bata Center
Foundationat dating Kalihim ng Department of Environment and Natural Resources. Ano ang ipapayo mo
kay Jessa upang matularan niya siGng Gina Lopez?
A. Maglingkod na hindi kumukuha ng pansin at papuri mula sa mga tao tungo sa kaniyang sarili
B. Maglingkod kapag hindi na pagod pagkatapos ng maraming ginagawa.
C. Maglingkod kung may panahong gawin ito para sa kapuwa.
D.Maglingkod bagotingnan kung sino ang nangangailangan.
46. Isang mag-aaral sa Baitang 7 ay may tatlong pares ng sapatos. Unang pares ay ginagamit sa pagpasok sa paaralan.
Ang dalawang pares ay rubber shoes na pang-basketball niya. Napansin niya ang kaniyang kaibigan ay walang rubber
shoes. Sa pahintulot ng kaniyang magulang, ibinigay niya ang isang pares sa kaniyang kaibigan. Ano ang birtud na
ipinakita ng mag-aaral?
A. Pagtitimpi B. Kababaang-loob C. Payak na pamumuhay D. Karunungan
47. Alin sa sumusunod na tauhan ang nagpapakita ng birtud ng pagtitimpi?
A. Umuwi na si Carl kahit masarap ang kwentuhan nilang magkaklase dahil 4:00 na ng hapon.
B. Tapos nang kumain ng hapunan si Jan, habang nanood ng t.v. ay kumain naman ng tinapay.
C. May bago ng bag si Gelyn, bumili uli siya nang makita ang magandang bag sa mall.
D. Niyaya ng kaniyang kaibigan si Sol, agad siyang sumama kahit may gagawin pa.
48. Alin ang kilos ng isang nagdadalaga ang sumasalungat sa birtud ng payak na pamumuhay?

A. Gumagaya sa kaniyang kaklase na mag-lip tint. B. Piliin ang mga tunay na mahalaga sa buhay.
C. Maging tapat sa pakikipagkaibigan. D. Magbigay sa mga nangangailangan.
49. Pinagsabihan si Jerome ng kaniyang ina dahil limang oras na siyang nagbabad sa on-line games sa internet
cafe.Sumunod na araw ay limang oras uli siya sa doon. Anong birtud ang hindi naipakikita ni Jerome?
A. Pagtitimpi B. Kababaang-loob C. Payak na pamumuhay D. Disenting buhay
50. Matapos kumanta ni Airlene sa patimpalak, binati siya ng mga kamag-aral niya. Aling sagot ni Airlene ang
nagpapakita ng birtud ng kababaang-loob?
A.“Di pa nga ako nakapag-practice niyan.” B. “Nahihiya nga ako kasi nasisintunado ako.”
C. “Natuwa kaya ang ibang tao sa kanta ko?” D. “Maraming salamat at nagustuhan ninyo ang pag-awit ko.”

4
SUSI SA PAGWAWASTO
1. C KAALAMAN

2. A KAALAMAN

3. D PAG-UNAWA

4. D PAGSUSURI

5. C PAG-UNAWA

6. A PAGLALAPAT

7. A PAGSUSURI

8. C PAGLALAPAT

9. D PAGSUSURI

10. B PAG-EBALWEYT

11. D PAGLALAPAT

12. A PAGSUSURI

13. C PAG-EBALWEYT

14. A KAALAMAN

15. D PAG-UNAWA

16. C PAGLALAPAT

17. C PAGSUSURI

18. B PAGLALAPAT

19. C PAGSUSURI

20. B PAG-EBALWEYT

21. C PAG-UNAWA

22. B PAG-EBALWEYT

23. A PAG-EBALWEYT

24. C PAGLALAPAT

25. D PAGSUSURI

26. A PAG-EBALWEYT

27. D KAALAMAN

28. C PAG-UNAWA

29. A PAG-LALAPAT

30. B PAG-EBALWEYT

31. D PAG-UNAWA

32. A PAGLALAPAT

33. A PAGSUSURI

34. A PAGLALAPAT

35. B PAGSUSURI

36. C PAG-EBALWEYT

5
37. A PAGSUSURI

38. A PAG-EBALWEYT

39. B KAALAMAN

40. A PAG-UNAWA

41. C PAGSUSURI

42. D PAG-UNAWA

43. D PAGLALAPAT

44. D PAGSUSURI

45. A PAGLALAPAT

46. C PAG-EBALWEYT

47. A PAG-EBALWEYT

48. A PAGSUSURI

49 A PAG-EBALWEYT

50. D PAG-EBALWEYT

You might also like