You are on page 1of 2

Edukasyon sa Pagpapakatao 7

S.Y. 2022-2023
UNANG MAHABANG PAGSUSULIT
Pangalan: _________________________________ Baitang at Seksyon: ____________________ Iskor: ____________
Panuto: Suriin ang mga sumusunod. Piliin ang wastong sagot at isulat lamang ang titik sa patlang bago ang bilang.
_____ 1. Ang mga sumusunod sa paghahanda para sa paghahanapbuhay, maliban sa isa na hindi. Alin ito?
A. Kilalanin ang iyong mga talent, hilig at kalakasan
B. Magkaroon ng plano sa kursong nais
C. Sumangguni sa mga matagumpay na kakilala na may hanapbuhay
D. Magkaroon ng oras sa paglalaro at libangan
_____ 2. Si Ferdie ay malaki na ang pinagbago sa pakikipaglaro. Dati gusto niya na lahat ng laruan ay kanya. Ngayon
marunong na siyang magbahagi sa mga kalaro at hindi na siya nakikipag-away. Si Ferdie ay nagpakita ng:
A. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan
B. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan
C. Pagtamo ng mapanagutan asal
D. Pagtanggap ng papel sa lipunan
_____ 3. Alin sa mga ito ang hindi nagpapakita ng pagbuo ng tiwala sa sarili?
A. Kilalanin ang sarili at alamin ang kahinaan
B. Maging positibo sa kabila ng mga suliranin
C. Panatilihin ang takot at pagiging mahiyain
D. Sikaping makihalubilo sa karamihan
_____ 4. Ano ang gagawin mo para matuto kang makihalubilo sa kapwa?
A. Sasama kahit kanino na lamang
B. Sasama sa mga paanyaya ng kaibigan kapag kasama ang kapatid
C. Laging dadalo sa mga pagtitipon o handaan. Kahit saan lugar.
D. Makikisangkot o makikibahagi sa mga gawain sa paaralan kasama ang mga kamag-aral
_____ 5. Ang pag- unlad ng tao ay nagsisimula sa _____.
A. pamilya B. paaralan C. sarili D. kapwa
_____ 6. Ito ay pagkagusto o pagiging masaya sa ating ginagawa.
A. tiyaga B. mithiin C. hilig D. tiwala
_____ 7. Ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay nababago ng ____.
A. pera B. panahon C. siyensya D. lugar
_____ 8. Ito ay preperensya sa mga partikular na uri ng gawain at gumaganyak sa iyo na kumilos at gumawa.
A. Talento B. Kakayahan C. Hilig D. Pangarap
_____ 9. Ito ay preperensya ng uri ng pakikisangkot sa isang gawain.
A. Tuon ng atensyon B. Kakayahan C. Hilig D. Pangarap
_____ 10. Sa anong larangan ng hilig nabibilang ang pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan?
A. Outdoor B. Mechanical C. Social service D. Scientific
_____ 11. Alin sa mga sumusunod na mga bagay na may buhay na nilikha ng Diyos angpinaniniwalaan na kanyang “OBRA
MAESTRA”
A. tao B. hayop C. halaman D. pagkakataon
_____ 12. Ito ay may kapangyarihang maghusga, mangatwiran, magsuri, mag-alaala at umunawa ng kahulugan ng mga
bagay.
A. kilos-loob B. isip C. emosyon D. pisikal
_____ 13. Ano ang batayan ng kabutihan at konsensiya?
A. Obligasyong Moral B. Likas na Batas Moral C. Karapatang Pantao D. Wala sa nabanggit
_____ 14. Sa pamamagitan ng Likas na Batas Moral, ang tao ay nagkakaroon ng kakayahang makilala ang ____?
A. Tunay at peke C. dapat at kulang
B. Tama at mali D. Wala sa nabanggit
_____ 15. Alin ang HINDI katangian ng Likas na Batas Moral?
A. Di-Nagbabago C. Walang Hanggan
B. Pangkalahatan D. Walang Direksiyon
_____ 16. Ano ang isang munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay payo sa tao at nag-uutos sa kanya sa gitna ng isang
moral na pagpapasya?
A. Konsensiya C. Obligasyon
B. Pag-unawa D. Karunungan
_____17. Ito ang itinuturing na kakambal ng kalayaan.
A. Dignidad B. Kilos-loob C. Pananagutan D. Konsensya
_____ 18. Kailan nagsisimula ang pagkakaroon ng tao ng kalayaan?
A. Pagkasilang B. Pag matanda na C. Pagdating sa tamang edad D. Kapag nag aaral na
_____ 19. Ang dignidad ay mula sa salitang Latin na dignitas. Ano ang ibig sabihin ng salitang dignitas?
A. Kawang-gawa B. pagmamahal C. karapat-dapat D. magaling
_____ 20. Kailan ibinibigay ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao?
A. tuwing hinihingi ng pagkakataon C. tuwing siya ay bata pa at may pakinabang
B. hangga’t siya ay nabubuhay D.kapag siya ay may pinag-aralan
____ 21. Saan nagsisimula ang lahat ng tagumpay ng tao?
A. pangarap B. pagnanasa C. panaginip D. pagpapasya
____ 22. Sa kalagitnaaan ng pasulit ay maingay na nag –uusap ang mga katabi mong kaklase.
A. Makikipag-usap din sa kanila, para masaya C.Susuwayin at sabihan silang makinig sa misa.
B. Hahayaan na lang sila D. Lilipat ka ng upuan para hindi madisturbo.
____23. Ano ang gagawin mo kapag wala pa ang nanay mo at umiiyak na ang kapatid mong bunso dahil sya’y
nagugutom?
A. Hayaan ko na lang na umiyak. C. Ipagtitimpla ko siya ng gatas.
B. Papaluin ko siya. D. Pupunta ako sa kapitbahay
____ 24. Ano ang dapat mong gawin kapag ikaw ang naatasang maging lider ng inyong pangkat sa paggawa ng
pangkatang
proyekto sa ESP?
A. Pumili ng bahaging madali at gumawa mag-isa.
B. Himukin ang mga kasapi na magtulong-tulong.
C. Sabihin sa mga kasapi na mag kanya-kanyan gawa.
D. Sabihin sa mga kasapi na ikaw na lamang gagawang mag-isa para matapos.
____ 25. Ano ang ibig sabihin ng bokasyon?
A. Calling/tawag B. Propesyon C. Direksyon D. Wala sa nabanggit
____ 26. Ito ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdala sa kaniya tungo sa kaganapan.
A. Misyon B. bokasyon C. propesyon D. tamang direksyon
____ 27. Paano maipapakita ng isang tao na siya may masusing gabay sa pagpapasya?
A. Hindi Makamit ang kanyang ninanais sa buhay C. Naligaw sa landas ng buhay
B. Makamit ang kanyang minimithi sa buhay D. Nagkamali sa landas ng buhay
____ 28. Alin ang HINDI ipinagkaloob ng Diyos sa tao?
A. kilos-loob B. puso C. isip D. agimat
____ 29. Gustong sumali sa barkada ng kabataan sa kanilang pamayanan si Lorena. Dapat pipiliin niya ang sasamahan na
____________________.
A. masaya at laging nasa gimik C. kapakipakinabang sa pagbabahagi Ng kakayahan
B. tahimik at walang pakialam sa iba D. masayahin at maykaya
____ 30. Maagang namatay ang tatay ni Richard at maysakit ang kanyang nanay. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Titigil na lang at maghanap ng trabaho
B. Magnanakaw para may pera
C. Maghanap ng pagkakakitaan at ipagpatuloy ang pag-aaral
D. Pagtatrabahuin ang ina at sabihan na kailangan talaga

You might also like