You are on page 1of 5

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING ESP-7

Pangalan ______________________________ Iskor __________


Baitang at Seksyon _________ Petsa __________

Test I: Maramihang Pagpipili

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat
ito sa patlang bago ang bilang.

____1. Ang kalayaang ng tao ay nakasalalay sa kaniyang ________________.


a. konsensiya c. dignidad
b. kilos-loob d. isip

____2. Ang kalayaan ng tao ay hindi lubos. Ang pangungusap ay nangangahulugang:


a. Hindi ganap na malaya ang tao, hindi siya maaaring mamili batay lamang sa
kaniyang nais
b. Ang kalayaang ng tao ay nagtatapos sa kaniyang paglabag sa likas na moral.
c. Magiging malaya lamang ang tao kung ang kanyang ginawa ay kabutihan.
d. Lahat ng nabanggit.

____3. Ano ang nagbibigay hugis o direksyon sa kalayan?


a. Batas Moral c. Dignidad
b. Isip d. Konsensiya

____4. Siya ang nagpaliwanag na ang kaugnay ng kalayaang sa Likas na Batas


Moral ay kaugnayan ng dalampasigan sa baybay-dagat.
a. St. Fecilidad C. Lipio c. Esther Esteban
b. St. Felicidad C. Lipio d. Eserth Esteban

____5. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kalayaang maliban sa isa:


a. Pag-aaral ng leksyon c. Bayanihan
b. Masayang pamilya d. Kahirapan

____6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kalayaan?


a. Pag-inom ng bawal na gamot c. Paglalaro ng ML maghapon
b. Pagtulong sa mga gawaing-bahay d. Pagtapon ng basura kahit saan

____7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI sakop ng panlabas na kalayaan?


a. Politikal c. kalayaang tumukoy
b. Pang-akademikong kalayaang d. Propesyonal
____8. Ito ang kalayaan upang maisakatuparan ang gawain na ninais ng kilos-loob.
a. Panloob na Kalayaan c. Propesyonal na Kalayaan
b. Poltikal na Kalayaan d. Panlabas na Kalayaan

____9. Ang konsepto ng kalayan ay nangangahulugang na nagagawa o nakakayang


gawin ng tao ang nararapat.
a. St. Fecilidad C. Lipio c. Esther Esteban
b. St. Felicidad C. Lipio d. Eserth Esteban

____10. Ito ang pinagbabatayan ng paggamit ng kalayaan.


a. Kalayaan c. Kamalayan
b. Likas na Batas Moral d. Kilos-loob

____11. Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?


a. Kapag siya ay naging masamang tao.
b. Sa oras na nakagawa ng mali sa iba.
c. Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao
d. Sa oras na niyapakan niya ang kanyang sariling pagkatao.

____12. Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?


a. Sa paningin ng Diyos at lipunan.
b. Sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilyar.
c. Sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig.
d. Sa kanilang dignidad bilang tao at ang Karapatang dumadaloy mula rito.

____13. Ang mga sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad
maliban sa:
a. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
b. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
c. Maging pantay sa pakikitungo sa mga tao sa lahat ng pagkakataon.
d. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa nais mong gawin nilang pakikitungo sayo.

____14. Paano mapananatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?


a. Kumilos bilang kagalang-galang na indibidwal
b. Iangkop lagi ang sarili sa pangkat na kinabibilangan.
c. Isabuhay ang pagpapahalaga sa karangalan bilang tao.
d. Panatilihin ang kabutihanupang makakuha ng paggalang sa iba

____15. Paano mo matutulungan ang isang pulubi na maiangat ang kanyang


dignidad?
a. Palaging bigyang ng pagkain at pera sa araw-araw.
b. Maghan ap ng institusyon na maaaring kumalinga sa kanya.
c. Tulungang hanapin ang pamilyar upang may mag-aruga sa kanya.
d. Lapitan at kausapin sa araw-araw upang maitaas ang kanyang konsepto sa sarili

____16. Kaninong tungkulin ang pagtuturo ng mga karapatan at pagpapahalaga sa


dignidad?
a. Sa mga guro c. Sa isang taong iginagalang sa baranggay
b. Sa mga magulang d. Sa mga namumuno sa pamahalaan.

____17. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagsasaad ng tunay na


mensahe ng “Golden Rule”?
a. “Igalang mo ang iyong ama’t-ina”
b. “Mahalin mo ang iyong sarili at ang iyong kapwa.”
c. “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo”.
d. “Anuman ang ginawa mo sa akin ay ginawa mo na rin sa iyong kapwa”.
____18. Ano ang mas mataas na pamantayan na pinagbabatayan ng konsensiya sa
paghusga ng mabuti at masama?
a. Batas Panlipunan c. Likas na Batas Moral
b. Mga turo ng Simbahan d. Mga aral ng Magulang

____19. Ang Likas na Batas Moral ay para sa lahat ng tao. Ito ay nauunawaan at
katanggap-tanggap sa lahat. Dahil ito ay nakaukit sa kalikasan ng tao, sinasaklaw
nito ang lahat ng tao. Ito ay nangingibabaw sa lahat, anuman ang lahi, kultura, sa
lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon.
a. Walang hanggan ang Likas na Batas Moral
b. Ang Likas na Batas Moral ay Unibersal
c. Ang Likas na Batas Moral ay Obhektibo
d. Ang Likas na Batas Moral ay hindi nagbabago

____20. Naghahanda ng Kodigo sa Jacqueline bago ang pagsusulit nila sa Matematika.


Nakaramdam siya ng pagkabalisa sa paggamit nito. Naisip niya na masama
gumamit na kodigo at mas mabuting maging tapat. Sa anong panahon kumikilos
ang konsensiya na Jacqueline.
a. Bago ang kilos
b. Habang Isinasagawa ang kilos
c. Pagkatapos Gawin ang Kilos
d. Habang iniisip ang kilos

TEST II: Tama o Mali

Panuto: Unawain ang bawat pahayag at tukuying kung ang mga ito ay nagpapahayag ng
katotohanan o kasinungalingan, Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay may katotohanan,
Isulat naman MALI kung ang pahayag ay hindi wasto.

____1. Ang tao ay walang kakayahang gawin palagi ang anumang kanyang naisin.

____2. Ang tao ay tunay na malaya sa kanyang pagpili o pagpapasya.

____3. Katangian ng kilos-loob na itakda ang kanyang kilos tungo sa kanyang


maaaring hantungan.

____4. Ang tao ang nagtatakda ng kanyang kilos para sa kanyang sarili.

____5. Ang nangyayari sa buhay ng tao ay magic.

____6. Lahat ng tao, anuman ang kanyang gulang, anyo, antas ng kalinangan at
kakayahan, ay may dignidad.

____7. Ang dignidad ng tao ay nagmumula sa kanyang sarili; kaya’t ito ay likas sa kanya.

____8. Mahalin ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.

____9. Ang dignidad ay galing sa salitang latin na dignitas, ibig sabihin ay “karapat-dapat”
.
____10. Obligasyon ng tao na igalang ang kanyang sariling buhay at buhay ng kapwa.
III. PAGPUPUNO
Panuto: Punan ang mga nawawalang salita mula sa pamimilang kahon sa ibaba upang
mabuo ang talata tungkol sa konsepto ng dignidad ng tao. Isulat ang tamang sagot sa
patlang.

Ang (1) _______________ ay galing sa salitang Latin na (2) ____________________, mula sa


(3)___________, ibig sabihin ay (4) _________________________. Ang dignidad ay
nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa (5) __________________________ at (6)
______________________ mula sa kaniyang (7) __________. Lahat ng tao, anuman ang
kaniyang (8) _______________, anyo, antas ng (9) __________________________ at (10)
__________________, ay may dignidad.

dignidad gulang karapat-dapat dignitas kalinangan


kakayahan kapwa dignus
paggalang katangian pagpapahalaga

IV. PAGPAPALIWANG

Panuto: Magbigay ng sariling pagpapaliwanag sa mga sumusunod na


pahayag/pangungusap batay sa iyong sariling pag-unawa.

1. “Mahalin ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili”. (5 puntos)

2. “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo”. (5 puntos)

Inihanda ni: Sinuri ni:

Mishelle M. Lubiano Leny V. Mirabueno


ESP Teacher Department Head

Nabatid ni: Pinagtibay ni:

Almar M. Alvarado Ma. Fe M. Salomon


JHS Coordinator/HT-I Secondary School Principal I

You might also like