You are on page 1of 3

BANGHAY-ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

MODYUL 3: PAGPAPAUNLAD NG MGA HILIG


(September 16-17, 2019)

I. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga hilig.


Pamantayang sa Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawaing angkop para sa pagpapaunlad ng kanyang
mga hilig.
Kasanayang Pampagkatuto: a. Natutukoy ang kaugnayan ng pagpapaunlad ng mga hilig sa pagpili ng kursong
akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay
b. Nakasusuri ng mga sariling hilig ayon sa larangan at tuon ng mga ito
c. Naipaliliwanag na ang pagpapaunlad ng mga hilig ay makatutulong sa pagtupad ng
mga tungkulin, paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon, kursong akademiko o
teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay, pagtulong sa kapwa, at paglilingkod
sa pamayanan
d. Naisasagawa ang mga kilos tungo sa pagpapaunlad ng mga sariling hilig
Mga Layunin
Sa pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang kaugnayan ng pagpapaunlad ng mga hilig sa pagpili ng kursong akademiko o
teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay
b. Nakasusuri ng mga sariling hilig ayon sa larangan at tuon ng mga ito
c. Naipaliliwanag na ang pagpapaunlad ng mga hilig ay makatutulong sa pagtupad ng mga tungkulin,
paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon, kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o
hanapbuhay, pagtulong sa kapwa, at paglilingkod sa pamayanan
d. Naisasagawa ang mga kilos tungo sa pagpapaunlad ng mga sariling hilig

II. Nilalaman: PAGPAPAUNLAD NG MGA HILIG

Sanggunian:
EsP 7 Gabay sa Pagtuturo, Modyul 3
Esp 7 Modyul sa mga Mag-aaral, Modyul 3

Mga Kagamitan:
Sagutang papel, pansulat, mga larawan, powerpoint presentation (optional)

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
 Pambungad na Panalangin
 Pagbati
 Pagpuna sa kalinisan ng silid-aralan
 Pag-uulat/Pagtatala ng liban

Formative Assessment
B. Pagtuklas ng Dating Kaalaman
1. Gawain 1: Basahin at unawain mo ang kasunod na case study. Pagkatapos ay sagutin mo ang mga tanong na
kasunod nito. Isulat ang mga sagot sa iyong kuwaderno.
Mula pagkabata, nakasanayan na ni Lesli na panoorin ang kaniyang ina sa paggawa ng oatmeal cookies. Natuto
siyang mag-bake at ito ang kaniyang gustong gawin sa kaniyang libreng oras. Sinubukan niyang magtimpla gamit ang
kakaibang sangkap.
Nakatanggap siya ng maraming papuri dahil sa kakaibang sarap ng kanyang timpla. Dahil dito, nagkaroon siya ng
tiwala sa sarili.
Gumagawa siya ng oatmeal cookies kapag may okasyon at ibinibigay sa mga kaibigan bilang regalo. Hanggang
nagbigay siya ng mga ito sa isang ‘Home for the Aged’ dahil nabalitaan niyang wala silang panghimagas.
Sa edad na 15, nagtayo siya ng bakeshop sa tulong ng kanyang mga magulang dahil sa kakaibang timpla ng
kanyang mga oatmeal cookies. (www.guideposts.com)
Mga tanong:
1. Ano ang kinagigiliwang gawin ni Leslie?
2. Ilarawan ang natatanging kakayahan ni Leslie.
3. Paano nakatutulong sa kaniya at sa ibang tao ang taglay niyang hilig? Ipaliwanag.
2. Gawain 2: Tukuyin ang bagay na iyong ginagawa sa iyong libreng oras. Isulat mo sa kuwaderno ang iyong mga
sagot.
Isulat ang sampung gawain na gusto mong gawin sa iyong libreng oras. Iranggo mo ito mula sa
iyong pinakagusto (Ranggo 1) hanggang sa pinakahuling gusto (Ranggo 10). Maaaring ginagawa mo ito
sa bahay, sa paaralan, o pamayanan.
Suriin mo ang iyong isinulat na mga pinagkakaabalahan. Pagkatapos, sagutin ang kasunod na mga tanong.
Isulat sa kuwaderno.
1. Ano-ano ang natuklasan mo sa iyong ginawang talaan? Sa iyong ginawang pagraranggo sa mga ito?
2. Bakit mahalaga ang pagtuklas ng sariling mga kinahihiligan? Ang pagpapaunlad ng mga ito?

C. Paglinang ng mga kaalaman, kakayahan at pag-unawa


1. Tatalakayin ang “MGA LARANGAN NG HILIG”
2. Ganap mo na bang naunawaan ang iba’t ibang tuon ng mga hilig? Kung ang sagot mo sa tanong na ito ay
“OO”, handa ka na upang gawin ang susunod na gawain.
Ang susunod na gawain ay isang pagsusuri sa iyong mga hilig. Ang gawain ay tinatawag na Imbentaryo
ng mga Hilig-Tuon (Interest-Focus Inventory).
Gamit ang kasunod na talahanayan, gawin ang sumusunod:
1. Isulat sa unang kolum ang mga gawaing iyong iniranggo sa unang gawain.
2. Lagyan ng tsek ( / ) ang angkop na larangan (interest area) sa ikalawang kolum.
3. Lagyan ng tsek ( / ) ang angkop na tuon sa huling kolum.
Larangan ng mga Hilig Tuon
(Interest Areas) (Focus)
SOCIAL SERVICES
COMPUTATIONAL
MECHANICAL

PERSUASIVE
SCIENTIFIC
OUTDOOR

10 Gawaing Iniranggo
LITERARY

CLERICAL
ARTISTIC

MUSICAL

BAGAY

IDEYA
DATA
TAO

Nasiyahan ka ba sa gawain? Sa pagkakataong ito, sagutin mo sa iyong kuwaderno ang sumusunod na


tanong:
1. Ano-ano ang natuklasan mo sa iyong mga hilig?
2. May pagkakatulad ba ang larangan ng iyong mga hilig sa mga uri ng talentong natuklasan mo batay sa
resulta ng isinagawa mong Multiple Intelligence Survey sa ikalawang modyul? Ipaliwanag.
3. Sa kabuuan, ano-ano ang tuon ng iyong mga hilig? May kaugnayan ba ang mga ito sa:
a. pagtupad ng iyong mga tungkulin? Ipaliwanag.
b. pagpili ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal? Ipaliwanag.
c. sa pagtulong sa kapwa at pakikibahagi sa pamayanan? Pangatuwiranan
D. Pagpapalalim
1. Babasahin sa klase ang “MGA HILIG”
2. Magkakaroon ng talakayan ang klase tungkol sa binasa sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na
katanungan:
a. Ilarawan ang mga hilig. Saan nagmula ang mga ito?
b. Bakit mahalaga ang mga hilig?
c. Bakit mahalaga ang pagpapaunlad ng mga hilig?
d. Ipaliwanag ang dalawang aspekto ng mga hilig.
e. Bakit mahalaga ang pagtuklas sa mga hilig at ang tuon ng mga ito?

Summative Assessment
E. Pagsasabuhay ng mga Pagkakatuto
1. Punan mo ang kasunod na Tsart ng Pagpapaunlad ng Aking mga Hilig. Magandang karanasan ito upang
masanay kang magplano para sa iyong sariling pag-unlad. Ikaw lamang ang nakakikilala sa iyong sariling kakayahan
kung kaya ikaw rin ang makaaalam kung anong estilo ang angkop sa iyo sa pagsasagawa ng gawaing ito. May inihandang
isang halimbawa para sa iyo upang magamit mong gabay.

TSART NG PAGPAPAUNLAD NG AKING MGA HILIG


Mga Taong Paano
Mga Pangarap
Hinihingan ng Malalampasan
Paano ko Panahong na Gusto kong Maaaring
Mga Hilig Tulong/ ang mga Ito
Pauunlarin Ito? Ilalaan Makamit Gamit Balakid
Suporta o
ang Hilig
Kokunsultahin
Halimbawa:  Tutugtog ako Mga kaibigan at Isang oras Tuturuan ng Baka may Ipangangako ko
Pagtugtog ng sa loob ng isang guro araw-araw pagtugtog ng ipagawa sa sa aking
gitara oras araw-araw gitara ang mga aking gawain sa magulang na
 Mag-eenrol kapitbahay bahay pagbubutihin ko
ako sa isang upang ang pag-aaral,
guitar school mapaunlad ang para payagan
aming ugnayan nila ako sa mga
at mailapit ko hilig ko.
sila sa Diyos.

You might also like