You are on page 1of 6

7

Edukasyon sa
Pagpapakatao 7
Ikaapat na Markahan

Learning Activity Sheet 14.1

ANG KAHALAGAHAN NG
MABUTING PAGPAPASYA SA URI
NG BUHAY
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 7
Alternative Delivery Mode
Learning Activity Sheet No. 14.1
First Edition, 2020

Published in the Philippines


By the Department of Education
Region 6 – Western Visayas

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of
the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or
office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.
Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of
royalties.

This Learning Activity Sheet is developed by DepEd Region 6 – Western Visayas.


ALL RIGHTS RESERVED. No part of this learning resource may be reproduced or
transmitted in any form or by any means electronic or mechanical without written permission
from the DepEd Regional Office 6 – Western Visayas.

Development Team of EsP Activity Sheet.


Writer: Rolando E. Torillo Jr.
T-1 Isabela NHS
District of Isabela 1
Illustrator: Rechell A. Garcia
T-1 Isabela NHS
District of Isabela 1
Editor: Mr. Dandy O. Regalael D. Ma
District of San Enrique
Division of Negros Occidental Management Team:
Marsette D. Sabbaluca, CESO VI
Salvacion J. Senayo,OIC ASDS
Leynee Pinaflor, ASDS
Zaldy H. Reliquias, CID Chief
Raulito Dinaga, LR-EPS
Carmelita R. Segara, EPS

Regional Management Team :


Dr. Ramir B. Uytico, CESO IV
Dr. Pedro T. Escobarte Jr.
Elena P. Gonzaga,
Donald T. Genine
Roland B. Jamora
Leo Tomulto
April C. Velez
Pambungad na Mensahe
Ang EsP 7 Learning Activity Sheet na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan at ito ay nabuo sa pamamagitan
ng sama-samang pagtutulungan ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6-
Kanlurang Visayas at sa pakikipagtulungan ng Isabela NHS at Hinigaran NHS, sa
pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Management Division. Binubuo ito
ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang LAS na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman


ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kanikanilang
tahanan. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap na Filipino
na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-
kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng LAS. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
LAS na ito.

Sa pamamagitan ng LAS na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Para sa mga Learning Facilitator:

Ang EsP 7 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang matugunan ang
pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larangan ng edukasyon, na patuloy
ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan
mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.

Para sa mga Mag-aaral:

Ang EsP 7 Learning Acitivity Sheet na ito ay binuo upang matulungan ka,
na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit wala ka ngayon sa iyong paaralan,
pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at
makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang
mga panuto nga bawat gawain.
Learning Activity Sheets

Pangalan ng Mag-aaral: __________________________________


Grado at Pangkat: _______________________________________
Petsa:____________________________________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

ANG KAHALAGAHAN NG MABUTING PAGPAPASYA SA URI NG BUHAY

I. KASANAYANG PAMPAGPAKATUTO AT KODA

 Naipaliliwanag ang kahalagahan ng makabuluhang pagpapasiya sa uri


ng buhay. (Week 1a/EsP7PB-IVc-14.1)

II. PANIMULA

ANG MABUTING PAGPAPASYA

Marunong ka bang maglaro ng chess? O di kaya


naman ay nakakapanood ka ba ng mga naglalaro nito?
Kung susuriing mabuti ang paglalaro ng chess,
mapapansin na ang sinumang naglalaro nito ay
sumasailalim sa malalim na pag-iisip. Sa buong panahon
ng paglalaro ng chess ay kinakailangan nilang mamili ng
Pinag-aaralan
tamang piyesa na ititira at magpasiya munang
ng gagawing tira. mabuti ang bawat galaw
upang maging batayan ng gagawing tira. Kailangang maging maingat sa
pagpapasiya dahil kung hindi ay magbubunga ng pagkatalo sa laro. May
tuntunin na tinatawag na “touch-move”, nangangahulugan ito na kapag
hinawakan mo ang isang piyesa ay ito na dapat ang iyong ititira, hindi na
maaaring magbago ng isip kung kaya mahalagang sigurado na sa tira bago
ito hawakan. Marahil nagtatanong ka, “Bakit naman biglang napasok ang
chess sa usapan?”
Hindi ba maaari natin ihalintulad ang paglalaro ng chess sa ating
mga pagpapasiya sa buhay? Ang tao ay biniyayaan ng Diyos ng isip at kilos-
loob. Ito ang dahilan kung bakit binibigyan din tayo ng laya na magpasiya
para sa ating sarili. Isa itong gawain na hindi maiiwasan ng sinuman sa
araw-araw. Ngunit ang tanong, sapat na ba ang iyong kaalaman para
magpasiya at mamili? Katulad ka ba ng isang grandmaster sa chess na
laging naipananalo ang kaniyang laban? Kung hindi pa ganap ang iyong
tiwala sa iyong kakayahan, makatutulong sa iyo ang babasahing ito.
Ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapasiya.
Nagmumula ito sa simpleng pagpapasiya katulad ng: kung anong damit ang
isusuot, kung kakain ba ng hapunan, hanggang sa mga komplikadong
pagpapasiya katulad ng: kung papasok ba o hindi sa paaralan, sasama ba
sa kaibigan sa isang party nang walang paalam sa magulang o
pakokopayahin mo ba ang kaibigan mo sa pagsusulit at marami pang iba.
Alinman sa mga ito ay nangangailangan ng kasanayan upang makagawa ng
matalinong pasiya lalo na sa mga sitwasyong moral.
III. MGA SANGGUNIAN
Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7, pahina 295 – 315
IV. MGA GAWAIN
Gawain 1
Panuto: Isulat sa sulatang papel ang iyong mga sagot sa sumusunod
na pagsusulit. Basahing mabuti ang panuto.
1. Piliin mo ang larawan ng itinuturing mong may mas mataas na
kabutihan mula sa kasunod na mga halimbawa. Magsulat ng
maikling paliwanag sa ginawang pagpili sa ibaba. Isulat ang sagot
sa sulatang papel.

A. B.

Ang aking napili:


________________________________________________________
Paliwanag:
________________________________________________________
________________________________________________________

A. B.

Ang aking napili:


________________________________________________________
Paliwanag:
________________________________________________________
________________________________________________________

Gawain 2: May mga pangyayaring hindi natin maiiwasan na


kailangan nating gumawa ng agarang pagpapasiya. Subukin ang
iyong kakayahan na magpasiya sa mga sitwasyon na katulad ng
nasa ibaba. Sundin ang pormat at gawin ito sa iyong sulatang papel.
V. REPLEKSIYON
1. Bilang mag-aaral,ano ang nagiging pagpapasya mo sa mga ibinigay
na sitwasyon?

a.
____________________________________________________________________
b.
____________________________________________________________________
c.
____________________________________________________________________

2. Sa iyong palagay, tama ba ang naging mga pasya? Pangatwiranan.


3. Bakit mahalagang tingnan natin ang maaaring kahinatnan o
bunga nito bago tayo gumawa ng pasya?

VI. SUSI SA PAGWAWASTO

Depende sa sagot ng mga mag-aaral.

You might also like