You are on page 1of 2

CLAREMONT SCHOOL OF BINANGONAN

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

Layunin sa Pagkatuto:
Unang Araw:

 Magabayan ang mga magaaral sa pagtukoy ng mga


panibagong nagaganap sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata

 Malinang sa mga magaaral ang pagsusuri sa mga dahilan ng


pagababagong nagaganap sa sarili sa yugtong ito at makapagbigay
ng paraang makakatulong sa pagpapalago ng mga pagbabagong
nararanasan
Ikalawang Araw

 Naipapaliwanag ang pagbabagong pisikal, sosyal,mental, at


moral na aspeto

 Nakapagtatala ng mga paraan kung paano mapangangasiwaan


ang mga pagbabagong nararanasan sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata
Ikatlong Araw

 Naisasagawa ang mga hakbang na makapaglilinang ng mga


pagbabagong nagaganap sa sarili.
Paksang Aralin:

 PAKSA: Ang mga Pagbabago sa Aking Sarili


 SANGGUNIAN:Linangan 7 pp. 2-11
 KAGAMITAN: Libro, Makukulay na Tsalk.
Mga Pangunahing Gawain:

1. Dasal
2. Paglingap
3. Balik-aral
Panganyayak na Gawain:

Magpakita ng larawan ng parehong bata mula pagkabata


hanggang pagdadalaga at ilang mga gawain nila. Itanong sa klase
kung ano ang kanilang mga napansin at masasabi sa larawan.
Pagtanaw:

Ipakilala ang aralin. Gabayan ang mga mag-aaral sa pahina 2.


Anyayahan ang klase na lagyan ng tsek ang bawat lista ng mga
layuning natapos kada araw.
Pasagutan nag gawaing ito sa aklat pp. 2-3
Pagsusuri:
Gabayan ang mga magaaral sa pagpapangkatang gawain.
Pahuusapan ng mga pangkat ang mga pagbabago sa kanilang mga
sarili. Hikayatin silang magbigay ng mga halimbawa. Iuulat ng mga
pangkat ang paglalagom.
Pagpapalalim:

Itanong sa mga bata ang mga dapat linawin. Hikayatin ang mga
bata na magbigay ng kanilang mga natutunan at pagkaunawa tungkol
sa konsepto ng: Moody adulthood, pagbabagong pisikal, emosyonal,
sosyal, at moral.

Gabayan ang mga magaaral sa mga konseptong


nangangailangan ng pagwawasto kung may kamalian at mabigay ang
karagdagang impormasyong maaring wala sa aralin.
Tanungin kung ano ang mga natutunan ng mga bata.
Pagtataya

Sagutan ang mga gawain pp. 9-11


Takdang Aralin:
Maghanda para sa susunod na talakayan.

Inihanda ni:

BB. MARIA THERESA VITOR

You might also like