You are on page 1of 11

Region III

Division of City of San Fernando, Pampanga


City of San Fernando, Pampanga
PANIPUAN HIGH SCHOOL
Detailed Lesson Plan on One-Week Curriculum in
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 7

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kanyang mga tungkulin sa bawat gampanin
bilang nagdadalaga/nagbibinata.

B. Pamantayan sa Pagganap

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawaing angkop sa maayos na pagtupad ng kanyang mga
tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga/nagbibinata

C. Pamantayan sa Pagkatuto
4.1. Natutukoy ang kanyang mga tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga/
Nagbibinata. EsP7PSIg-4.1
4.2. Natataya ang kanyang mga kilos tungo sa maayos na pagtupad ng kanyang mga tungkulin
bilang nagdadalaga/nagbibinata. EsP7PSIg 4.2
4.4. Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa maayos na pagtupad ng kanyang mga tungkulin
sa bawat gampanin bilang nagdadalaga/nagbibinata EsP7PSIh-4.4

II. NILALAMAN
Paksa: Mga Tungkulin ng Nagbibinata o Nagdadalaga
Kaugnay na pagpapahalaga: Pagiging Responsible, Bukas-Isipan

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian
· Kto12 Gabay Pangkurikulum, Edukasyon sa Pagpapakatao May 2016,
Edukasyon sa Pagpapakatao Learner’s Material Grade 7 p 91-116
Modyul 4 : Ang Aking Tungkulin Bilang Kabataan

IV. PAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin
(Ano ang inaasahang Maipamalas Mo p. 91)
Ang bawat tao ay ipinanganak sa mundo upang gampanan ang kanyang misyon sa buhay.
Ang misyong ito ay makakamit sa pamamagitan ng pagtupad ng iba’t ibang tungkulin. Ano nga ba
ang iyong tungkulin? Kanino ka nga ba may tungkulin? Sa pamamagitan ng araling ito
mauunawaan mo ang mga kasagutan sa mga tanong na ito.
Maliban sa mga nakasanayan mong tungkulin bilang kabataan, sa panahon ng COVID-19
may mga tungkulin din na inaasahan sa iyo mula sa iyong mga magulang, mga kapatid at
miembro ng barangay o pamayanan.
Ang kailangan ay ang iyong kahandaan na simulan ang isa na namang makabuluhang aralin.
Handa ka na ba?
Sagutin mo ang Paunang Pagtataya sa pahina 92-95 ng LM. Ilagay ang titik ng tamang sagot
sa iyong kwaderno.

B. Paghahabi ng layunin sa aralin (Ano ang inaasahang Maipamalas Mo)


Sa araling ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan
at pag-unawa:
1. Natutukoy ang mga tungkulin bilang nagdadalaga/nagbibinata at ang mga karagdagang
tungkulin sa panahon ng krisis/epidemya na dulot ng COVID 19;
2. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng pag-unawa sa iba’t ibang tungkulin bilang nagdadalaga
o nagbibinata; at
3. Nakagagawa ng plano ng pagtupad sa walong tungkulin bilang isang kabataan at natutukoy
ang maayos na pagtupad ng plano gamit ang journal log.

1
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin (Pagtuklas ng Dating Kaalaman)
Gawain 1: Pagsusuri ng Video/Panalangin
Panoorin mo ang video ng isang 3 taong gulang na bata na ipinagdadasal ang mga tao noong
panahon ng COVID-19. Gamitin ang link https://www.youtube.com/watch?v=frV6iqDBB-U na ito
kung ikaw ay may internet
Kung wala kang internet basahin ang panalangin
DASAL, MABISANG SANDATA AT KALASAG
D-ios na pinagmulan ng kaalaman, at lumikha ng langit at lupa. Sa iyo lamang ang aming papuri,
pasasalamat at pagsamba. Ikaw na nagbibigay ng buhay at kumakalinga. Anumang pagsubok, ikawa
ang lagi naming kasama

A-ming pagkakamali iyong patawarin at kami’y saklolohan sa dinaranas na Pandemya ngayong


kasalukuyan. “Pagkat kami’y nawalan ng disiplina sa mga bagay na materyal at nakalimutan kung sino
ang tunay na nagbibigay ng lahat.

S-alamat po sa mga taong laging nandyan sa oras ng kagipitan, sa mga frontliners tulad ng pulis, doktor
at nars, na handing magbuwis ng buhay. Basbasan mo sila ng iyong pagpapala at huwag pabayaan
upang makapaglingkod at magmalasakit sa mga kababayan. Ipinapanalangin din po namin ang mga
nahawaan, bigyan mo po sila ng kagalingan at ang mga yumao bigyan mo po sila ng walang hanggang
kapahingaan. Nawa’y mahanap at matuklasan na ng mga nag-aaral, nagsasaliksik na dalubhasa sa
kalusugan ang tunay na lunas at gamot COVID-19.

A-ral na naming natutuhan sa araw-araw na pamumuhay physical at social distancing man magsilbi
sanang gabay. Kalinisan sa sarili, kapaligiran at pamamahay sa turo mo o Diyos, aming kinagagalak ng
tunay

L-umalapit at nagsusumamo kami Panginoon ng kapayapaan, upang kinakaharap naming pangamba ay


masolusyunan nang manumbalik sa normal ang buhay, ayon sa iyong kalooban. Ito’y aming hinihiling sa
iyong dakilang pangalan na tunay naming lunas at kaligtasan. Amen.

Mga Gabay na tanong para sa Gawain 1:


1. Ano ang naramdaman mo habang pinakikinggan/binabasa mo ang panalangin?
2. Paano mo inilalarawan ang panalangin ng bata?
3. Sino-sino ang nabanggit ng bata sa panalangin? Ano-ano ang kanilang mga tungkulin?
4. Sino sa mga nabanggit sa panalangin ang isinasasama mo sa iyong panalangin? Bakit?
5. Sino naman ang hindi mo naisama sa iyong panalangin? Bakit?

Gawain 2: Pagsagot ng tseklist


Panuto: Sa bawat aytem, lagyan ng tsek (/) ang kolumn kung nagagawa mo ang isinasaad sa
bawat tungkulin at ekis (x) ang katabing kolumn kung hindi. Maging tapat sa mga sagot upang
tunay na mataya ang kakayahan sa pagtupad ng mga tungkulin.

2
Mga Karagdagang aytem:
Mga Tungkulin Nagagawa Ko Hindi ko
Nagagawa
41. Nanatili sa tahanan sa panahon ng Enhanced
Community Quarantine (ECQ).
42. Naghuhugas ng kamay gamit ang sabon ng hindi bababa
sa 20 segundo.
43. Sinusunod ang patakaran ng social distancing.
44. Ginawang produktibo ang utos na manatili sa tahanan.
45. Nagsusuot ng face mask kapag lumalabas ng bahay.

Ilagay ang sagot sa iyong kwaderno gamit ang isang matrix. Halimbawa ng matrix na gagawin sa
notebook. Huwag munang maglalagay ng sagot sa kolum na Uri ng Tungkulin.

3
Mga Tungkulin Uri ng Nagagawa Ko Hindi ko
Tungkulin Nagagawa
1.
2.
3.
4.
Up to 50

Base sa sagot mo, anong antas ka kaya sa pagtupad ng iyong mga tungkulin? Gamitin ang ang
gabay sa ibaba sa pagsukat ng iyong antas.

Bilangin at tingnan ang iyong nakuhang iskor at alamin kung nasa anong antas ka
sa pagtupad ng iyong mga tungkulin:
Iskor Antas ng Pagtupad ng Tungkulin
34-45 Napakahusay ng Pagtupad ng mga tungkulin
23-33 Mahusay ang apgtupad ng mga tungkulin
12-22 Hindi Mahusay ang pagtupad ng mga tungkulin
0-11 Kailanagang matutuhan ang mga paraan ng pagtupad ng mga
tungkulin

Kumusta? Naging masaya ka ba sa sagot mo sa tseklis? Tingnan mong muli ang resulta ng
iyong sagot at sagutin ang mga inihandang tanong sa ibaba.
Mga Gabay na Tanong para sa Gawain 2:
1. Naging madali ba ang iyong pagsagot sa tseklis? Bakit? Bakit hindi?
2. Sa kabuuan, ano ang iyong naging pagtataya sa iyong kakayahan sa pagtupad sa iyong
tungkulin bilang nagdadalaga/nagbibinata?
3. Ano ang mahalagang aral na iyong nakuha mula sa gawain?

Gawain 3: Paglalagay ng kategorya/Uri ng Tungkulin


Balikan ang gawain 2. Suriin muli ang mga nakalistang tungkulin sagutin ang kolum 2.
Ilagay kung anong katgorya ang mga tungkulin gamitin ang sumusunod na Code

Tungkulin Code
Tungkulin sa Sarili S
Tungkulin Bilang Anak A
Tungkulin Bilang Kapatid K
Tungkulin Bilang Mag-aaral M
Tungkulin sa Aking Pamayanan P
Tungkulin Bilang Mananampalataya MD
Tungkulin Bilang Konsyumer ng Midya KM
Tungkulin sa Kalikasan/Kapaligiran KK

Mga Gabay na Tanong sa Gawain 3


1. Ilan ang nagagawa mo sa bawat kategorya? (Gamitin ang sagot sa Gawain 2 para sa
pagbilang ng mga nagagawa sa bawat tungkulin)
2. Alin sa mga uri ng tungkulin ang pinakarami ang iskor mo na nagagawa? Alin ang
pinakamababa?
3. Ano ang realisasyon mo sa resulta ng gawain?

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 (Paglinang


ng mga Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa)
Gawain 4
Sa pagharap mo sa malaking gampanin sa buhay, napapaligiran ka ng mga taong may
kaugnayan sa iyo bilang nagdadalaga/nagbibinata. Bilang tugon sa hamon na ito, ikaw ngayon

4
ay makikipag-ugnayan sa kanila sa pamamagitan ng pag-alam tungkol sa kanilang inaasahan
sa iyo bilang nagdadalaga/nagbibinata.

Kamag-aral

Pari
kaibigan

Kamag-aral Guro

magulang kapitan

Kapanayamin ang mga taong nakatala sa graphic organizer. (Kung hindi maaring lumabas dahil sa
social distancing maaring gawin ang panayam sa pamamgitan ng pag text, pagtawag o sa amamagitan
ng online kung ikaw ay may internet). Pumili ka ng mga tao sa kahon na kaya mong kapanayamin na
magbibigay ng malinaw na sagot tungkol sa mga tungkuling inaasahan sa iyo bilang
nagdadalaga/nagbibinata. Isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno gamit ang katulad na pormat sa
itaas.
Mga Gabay na tanong sa Gawain 4:
1. Ano ang iyong konklusyon sa kinalabasan na sarbey?
2. Ano ang iyong damdamin sa mga nakasulat na inaasahang tungkulin? Ipaliwanag
3. Ano-anognpaghahanda ang dapat mong gawin upang magampanan mo ang mga inaasahang
tungkulin bilang nagdadalaga o nagbibinata.

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 (Paglinang ng mga


Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa) Integration of COVID-19
Gawain 5: Pagsusuri ng Kaso
Pansinin ang mga usapan sa kasunod na mga sitwasyon. Isulat sa inyong kwaderno ang mga sagot
sa sinasabi ng tauhan kung ikaw ang nasa kanilang katayuan. Maging tapat sa isusulat na sagot,

Anak, palagi kang matulog


ng maaga para mapanatili
mong malakas ang iyong
katawan

5
Aray ko ang sakit. Nadapa ako
sa paglalaro
Matigas ang ulo mo
sinabi ng bawal
maglaro sa labas

6
Sa panahon ng COVID, ito
ang dapat kong gawin……

Mga Gabay na Tanong sa Gawain 5:


Kumusta ang iyong mga sagot sa bawat sitwasyon? Subukin namang sagutin ang mga kasunod na
tanong. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.

1. Naharap ka na ba sa mga sitwasyong nabanggit?


a. Kung Oo, naging madali ba ang paninindigan mo na maisakatuparan ang iyong
tungkulin?
b. Kung hindi pa, ano ang maitutulong sa iyo ng pagganap sa mga tungkulin bilang isang
kabataan? Ipaliwanag.
2. Ano ang magiging epekto sa iyong sarili kung hindi mo tutuparin ang iba’t ibang tungkulin?
Ipaliwanag.
3. Paano mapauunlad ng mga tungkuling ito ang iyong sarili bilang nagdadalaga/ nagbibinata? 4. Bakit
nararapat na gawing positibo ang pagtingin sa mga tungkulin?
5. Ano-ano ang mga kinakailangan mong pagpapahalaga na makatutulong sa iyo upang
magampanan nang mapanagutan ang iyong mga tungkulin bilang
nagdadalaga/nagbibinata?

F. Paglinang ng Kabihasnan (Pagpapalalim)

Integration of Concepts on COVID-19 and GMRC

Basahin at unawain ang mahalagang konsepto ng aralin gamit ang sanaysay:

MGA TUNGKULIN BILANG NAGDADALAGA O NAGBIBINATA

1. Tungkulin sa Sarili. Ang tungkulin ay laging dapat nagsisimula sa sarili. Mahirap isalin sa ibang
tao ang responsibilidad kung hindi ito nagsimulang ilapat sa sarili. Bilang isang tinedyer, may mga
bagay na dapat mong bigyang-pansin upang masabi mong tunay mong natupad ang iyong
tungkulin sa iyong sarili.
a. Pagharap at Wastong Pamamahala sa mga Pagbabago sa Yugto ng
Pagdadalaga/Pagbibinata
b. Pagpapaunlad ng Talento at Kakayahan at Wastong Paggamit ng mga ito.
c. Makabuluhang Paggamit ng mga Hilig.
d. Pangangalaga ng iyong Kalusugan at Pansariling Kaligtasan lalo na sa Panahon ng Krisis o
paglaganap ng sakit tulad ng COVID-19.

7
2. Ang Tungkulin Bilang Anak. Tungkulin mong igalang at mahalin ang iyong mga magulang.
Sumunod sa kanilang payo at bilin. Mag-aral ng mabuti at maging mabuting tao. Tulungan mo
ang iyong mga magulang sa abot ng iyong makakaya.
3. Ang Tungkulin Bilang Kapatid. Ang mabuting pakikitungo sa iyong mga kapatid ay makakatulong
upang matuto kang makitungo nang maayos sa iyong kapwa. Mahalin at respetuhin ang
karapatan ng mga kapatid. Turuan at magsilbing gabay sa mga nakababatang kapatid.
4. Ang Tungkulin Bilang Mag-aaral. Pahalagahan ang iyong pag-aaral sa pamamagitan ng mga
sumusunod:
a. Mag-aral ng mabuti.
b. Magkaroon ng masidhing pagnanais na matuto. Lalo na ngayong panahon ng COVID na may
ipinapatupad na patakaran sa tinatawag na “New Normal”. Maaaring may pagkakataon na
hindi papayagang pumapasok sa paaralan ang mga mag-aaral kaya ikaw ay mabibigyan
lamang ng mga modyul na iyong pag-aaralan at sasagutin. Kailangan mong matuto na wala
sa iyong tabi ang iyong guro,kaya kailangan manggaling sa sarili ang pagnanais na matuto.
c. Bigyang halaga ang iba’t ibang paraan ng pagkatuto. Maaring sa panahon na ito, hindi
lamang ang pagpapataas ng grades o marka ang ating target kung hindi ang pagtatalas ng
kakayahan at paglinang ng kaalaman sa ibat’t ibang paraan.
d. Pagyamanin ang kakayahan sa pag-iisip. Walang iba pang makapagpapalakas sa isip kundi
ang palagi mo itong gamitin. Malaki ang iyong responsibilidad na matutuhan lahat ang iyong
asignatura sa sarili mong kaparaanan. Gamitin ang iyong kakayahan dahil mahalaga ito sa
proseso ng iyong pagsisikap na matuto.
e. Matuto mong lutasin ang sarili mong suliranin. Mas marami kang kakaharaping suliranin sa
yugtong ito at sa panahon ng “New Normal”. Siguraduhin na piliin mo lamang ang kabutihan
5. Ang Tungkulin sa Aking Pamayanan. Ang isang kasapi ng pamayanan ay malugod na tumutugon
sa kanyang mga tungkulin para sa kapakanan nito lalo na sa pagpapatupad ng mga patakaran sa
“New Normal”:
a. Pangalagaan ang maayos at malinis na pamayanan
b. Pagsunod sa mga health protocols na itinakda ng pamahalaan
c. Makibahagi sa mga adbokasiya ng pamayanan kaalinsabay pa rin ang pagsunod sa social
distancing
d. Ilaan ang sarili bilang maging mabuting tagasunod lalo na sa mga patakaran ng iyong
barangay
e. Makibahagi sa kampanya upang tulungan ang pamahalaan, paaralan at inyong barangay sa
pagpapatupad ng mga patakaran sa “New Normal”
6. Ang Tungkulin Mo bilang Mananampalataya. Sa Panahon ng COVID-19 na hindi pinapayagan
ang pagpupulong ng mga tao tulad ng pagsisimba at pagsamba at maaring magpatuloy pa rin ito
kahit wala na ang Enhanced Community Quarantine (ECQ). Hindi ito dapat maging hadlang para
tuparin natin ang ating tungkulin bilang mananampalataya. Maraming paraan upang mapatatag
mo ang iyong pananampalataya kahit hindi na pinapayagan ang tinatawag na “communal
worship”; ang pananalangin sa araw-araw, pakikinig sa salita ng Diyos, pakikibahagi sa worship
services o pagsisimba online o sa telebisyon ay mga alternatibong paraan ng pagpalalim natin ng
relasyon sa Diyos.
7. Ang Tungkulin sa Kalikasan at Kapaligiran. Tungkulin mo na pangalagaan ang kalikasan kahit sa
simpleng paraan lamang. Maging malinis sa inyong kapaligaran lalo na sa inyong sariling
bakuran. Magtanim ng mga puno at halaman sa inyong bakuran. Sa panahon ng COVID-19,
napatunayan natin na napakahalaga ng pagtatanim sa bakuran na maari nating pagkuhanan ng
ating makakain sa araw-araw.
8. Ang Tungkulin Mo Bilang Konsumer ng Media. Napakalaki ng ginampanan ng media sa panahon
ng epidemya o pandemya dulot ng COVID-19. Ngunit hindi rin makakaila na naging instrumento
din ito ng panloloko at pamemeke lalo na sa paghatid ng maling balita o maling impormasyon.
Bilang isang kabataan, may tungkulin ka bilang isang konsyumer, huwag mong hayaang maging
alipin ka ng midya lalo ng social media. Gamitin ang mapanuring pag-iisip sa mga napapanood o
nakikita, gamitin ang media bilang instrumento ng pagpapakalat ng kapayapan, kaayusan at
pagmamahalan. Gamitin ang midya ng mapanagutan.

Mga Gabay na Tanong sa Sanaysay (Tayahin ang iyong Pag-unawa)

8
1. Ilarawan ang mga tungkulin mo sa bawat gampanin na binanggit sa sanaysay. Maaring gumamit
ng tig-isang pangungusap sa bawat tungkulin. Maari ring gumamit ng malikhaing paraan
halimbawa ng pagpipinta.
2. May mga tungkulin ka pa ba sa sarili na di binanggit sa sanaysay? Banggitin at ipaliwanag.
3. Alin sa mga tungkulin ng mga nagdadalaga/nagbibinata ang madalas na napapabayaan?
Patunayan.
4. Ipaliwanag: ”Ang pagiging mapanagutan ay nagpapakita ng tunay na pagkatao ng tao”.
5. Bakit mahalagang maunawaan ang iba’t ibang tungkulin bilang kabataan?
6. Ano ang maaaring mangyari kung hindi mo tutuparin ang iyong mga tungkulin?
7. Anong kasanayan ang nararapat mong taglayin upang matagumpay mong matupad ang iyong
mga tungkulin?

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Isabuhay Natin)


Gawain 6: Paggawa ng Pansariling Plano sa Pagtupad ng Tungkulin
Gumawa ng Pansariling Plano ng Maayos na Pagtupad ng mga Tungkulin Bilang Kabataan.
Magsisilbi itong gabay sa pagganap ng iyong mga tungkulin bilang kabataan. Magsisilbi din itong
pagtatalaga sa iyong sarili tungo sa maayos na pagganap ng bawat tungkulin:

a. Sa sarili
b. Bilang anak
c. Bilang kapatid
d. BIlang mag-aaral
e. Bilang mamamayan
f. Bilang mananampalataya
g. Bilang consumer ng media
h. Bilang tagapangalaga ng kalikasan
i. Bilang isang kabataan sa panahon ng “New Normal”
Kailangan malinaw na maisalaysay ang komprehensibong plano sa pagganap. Gamiting gabay ang
halimbawa sa unang hanay.

H. Paglalahat ng Aralin (Paghinuha ng Batayang Konsepto)

Gawain 7: Pagbuo ng Konsepto

Panuto: Ano ang iyong naunawaang mahalagang konsepto sa aralin? Sagutin ito gamit ang graphic
organizer sa ibaba.

9
I. Pagtataya ng Aralin

Gawain 8: Maikling Pagsusulit

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa inyong kwaderno.

1.Anong uri ng tungkulin nakapaloob ang “Makabuluhang Paggamit ng Hilig”?

2. Ano ang pinakamakabuluhang layunin ng pagiging isang mag-aaral?

3. Ano ang pinakamataas na tungkulin ng isang anak sa kanyang magulang?

4. Bakit mahalagang tuparin ng tao ang kanyang tungkulin sa kalikasan?

5. Anong uri ng pag-iisip ang dapat linangin ng isang kabataan bilang isang konsyumer ng media?

Sagutin ang mga sumusunod ng Tama o Mali

6. Kapag inalis na ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa inyong pamayanan maaari na tayong
bumalik sa dati nating ginagawa sa ating pamayanan.

7. Bahagi na ng mew normal na pamumuhay ang pagsuot ng face mask kahit natapos na ang ECQ.

8. Bilang isang kabataan, tungkulin ko ang palakasin ang aking katawan upang hindi ako kaagad hawaan
ng sakit tulad ng COVI-19.

9. Ang mga kabataan ay may pangangailangang sosyal kaya dapat hayaan ng pamahalaan ang mga
kabataan na makihalobilo sa kanilang kapwa kabataan kahit sa panahon ng quarantine.

10. Ang pag-unawa ng mga kabataan sa kanilang tungkulin ay isang paraan upang makasunod sila sa
mga patakaran na ipinapatupad sa “New Normal” na pamumuhay.

J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin

Gawain 9: Pagsulat ng Repleksyon

10
Gawain 10:

Muli ay iyong balikan ang ginawang tsart sa Gawain 8. Ang mga natukoy na pamamaraan ng
maayos na pagtupad ng mga itinalang tungkulin ay iyong isasabuhay sa loob ng isang lingo upang ito ay
ganap nang maging bahagi ng iyong buhay. Sundin ang pormat sa ibaba. May inihandang halimbawa
para sa iyo. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

11

You might also like