You are on page 1of 4

Aralin: Edukasyon sa Pagpapakatao

Baitang: 6

I. LAYUNIN:
A. Naisasagawa ang mga tamang hakbang na makatutulong sa pagbuo ng isang
desisyon na makabubuti sa pamilya
B. Naipapakita na ang opinyon ng bawat miyembro ng pamilya ay mahalaga sa
paggawa ng pasiya
II. NILALAMAN:
Paksa: Pasiya Mo, Pasiya Ko: Sa Ikabubuti ng Lahat
GAD Core Message: Shared Decision-Making
Kagamitang Panturo: Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon
Mga Larawan

III. PAMAMARAAN:
A. GAWAIN
1. Magpakita ng larawan kung saan naka-upo ang mga tao habang
nakapalibot sa isang mesa. Magtanong: Ano kaya ang isinasaad sa
larawan?(ang mga tao ay naghihintay ng kanilang inorder na pagkain)
(ang mga tao ay nag-uusap) (ang mga tao ay nagpupulong)

2. Magtanong:
Bakit kaya nagpupulong ang mga tao?
Nagpupulong ba kayo sa inyong tahanan? Bakit, kailan, at paano niyo ito
ginagawa?

Isang
Basahin ang kuwento atMahirap na Desisyon
alamin kung ano pasiya ng mag-anak na Gomez.
Constancia Paloma

Sa Makati naninirahan ang pamilya nina Nelia. Doon na ipinanganak ang kanilang
mga magulang. Ang bahay na kanilang tinitirhan na lamang ang natitirang maliit na bahay
doon dahil napaliligiran na ito ng matataas na gusali at malalaking kompaniya.
Masaya silang naninirahan doon dahil malapit sila sa bilihan ng kanilang mga
pangangailangan at malapit din sa kaniyang paaralan. Pati ang kapatid niya na si Leah, na
pangalawa sa panganay ay sa Makati rin nagtratrabaho. Ang tanging malayo lang ang trabaho
ay ang tatay nila na nagtratrabaho sa Dasmariñas, Cavite.

Isang gabi, nakita nilang magkakapatid na seryosong nag-uusap ang kanilang ama at
ina. Mayroon din silang hawak na mga sulat. Naging suliranin sa magkakapatid ang nakita
nilang iyon, lalo na nang maulit pa ito ng ilang beses.

“Wala na kayang trabaho si Tatay?” ang tanong ni Nelia sa sarili. Pero sa tingin niya,
hindi naman masyadong seryoso ang sitwasyon. “Ano nga kaya ang problema ng ating
pamilya?”, tanong naman ng kanilang panganay na si Tom. “Malalaman din natin ‘yun kapag
handa na silang ipaalam sa atin ang problema, dahil kung mayroon mang dapat bigyan ng
pasiya, dapat kasama tayong magbibigay ng ating sari-sariling pasiya hanggang tayo ay
mabuo sa pagkakaisa,” ang sabi naman ni Leah.

Dumating na nga ang pagkakataong hinihintay ng magkakapatid. Isang araw ng


Linggo, pagkatapos ng hapunan, pinulong ng mga magulang nila ang tatlong magkakapatid
at ipinaalam ang sitwasyong dapat bigyan agad ng pagpapasiya.

“Mga anak,” ang bungad ng kanilang ama. Kailangan nating pagpasiyahan kung
papayag tayo na bilhin ng katabi nating mall ang ating bahay at lupa. Mukha na tayong
kawawa dito.”

Isa pa, mga anak, kahit sarili natin ang bahay at lupa, mukha na tayong squatter dito.
Kaya, sinabi ng inyong ina na papayag na siya na ipagbili ang ating lupa at bahay, pumayag
na ako. “Ang inyong pasiya na lamang ang aming hihintayin,” ang paliwanag ng kanilang ama.

“Oo nga, Tatay, mukha na nga tayong kawawa dito, pero patagalin pa natin para
tumaas pa ang halaga ng ating bahay at lupa.” ang paliwanag ni Tom.

“Ikaw Leah, anong pasiya mo? Ang tanong ng kaniyang ina. “Okey lang po sa akin kasi
kailangan na. Hindi na talaga tayo bagay dito.”

“A, ewan sa inyo!” ang sigaw ni Tom. “Ang kabutihan ng pamilya ang iniisip ko kaya
gusto kung pataasin pa ang halaga ng ari-arian natin!” sabay ali ni Tom at nagkulong sa
kuwarto.

“Ikaw, anak,” ang tanong ng nanay niya kay Nelia. “Kahit po malalayo ako sa mga
kamag-aral ko at kaibigan, payag po ako na iwanan na natin ang bahay na ito, kasi kailangan
na,” ang sabi ni Nelia. “Aba, kahit bunso, bukas ang isipan, a!” ang nakangiting sabi ng
kanilang nanay. “Hayaan ninyo, susundan ko sa kuwarto ang kuya ninyo. Paliliwanagan ko,”
ang dugtong ng kanilang Nanay.

Mahigit isang oras ding nag-usap ang mag-ina. Bumalik sila sa salas at sinabi ni Tom
na dahil siya lang ang may ibang pasiya, at napagpaliwanagan naman siya ng kaniyang ina
na ang tawad na tatlong milyong piso para sa maliit na bahay at lupa ay malaki na ring
maituturing.

Napagkasunduan rin ng mag-anak na sa Dasmariñas na sila bumili ng bahay at lupa,


at doon na rin sila lahat magtatrabaho at mag-aaral.
B. PAGSUSURI
Dahil sa pagkabukas-isipan at mahinahong usapan, nagkaisa ang buong pamilya.
Itanong:
B. PAGSUSURI
Itanong:
1. Ano ang naging problema ng pamilya Gomez?
2. May katwiran ba si Tom na huwag pumayag sa pasiya ng buong pamilya
na ipagbili ang kanilang bahay at lupa?
3. Kung ikaw ay isa sa miyembro ng pamilya, ano ang magiging pasiya mo?

GAD Integration:
4. Sino-sino sa pamilya ang dapat gumawa ng pasiya?
5. Bakit mahalaga na isangguni sa lahat ng miyembro ng pamilya kapag
gagawa ng pasiya?
6. Ano-ano ang batayan na dapat gawin ng bawat pamilya sa paggawa ng
wastong pasiya?
Ilahad sa klase:
Mga Hakbang na dapat sundin sa paggawa ng isang pasiya
1. Alamin ang suliranin
2. Kumuha ng impormasyon at kunin ang opinyon ng lahat ng
miyembro ng pamilya para sa pasiyang gagawin.
3. Pag-aralan ang lahat ng posibleng solusyon.
4. Isaalang-alang ang maaaring ibunga ng bawat solusyon.
5. Gumawa ng pasiya
6. Pag-aralan ang kinalabasan ng ginawang pagpapasiya

C. PAGHAHALAW
Tulungan ang mga bata na mabuo ang sumusunod na konsepto:
- Ang pagkonsulta sa bawat kasapi ng pamilya bago gumawa ng pasiya
ay nakatutulong sa pagbuo ng makabuluhang pasiya.
- Bawat miyembro ng pamilya ay dapat binibigyan ng pagkakataon na
magpahayag ng opinyon lalo na kung gagawa ng desisyon na
makakaapekto sa buong pamilya.
- Para makagawa ng pasiya, dapat sundin ang mga hakbang sa paggawa
nito.

D. PAGLALAPAT
Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon. Sagutin ang mga tanong
sa dulo ng bawat isa.
1. Gustong-gusto ni Lyka na manood at tumulong sa pagluluto ng kaniyang
nanay. Isang umaga, tinanghali ng gising ang kaniyang nanay. Nagpunta
na si Lyka sa kusina. Inihanda niya ang lulutuin sa almusal. Hindi pa rin
bumangon ang nanay niya kung kaya naisipan niyang magluto na. Isinalang
niya ang itlog upang prituhin. Pumunta siya sandali sa kuwarto niya,
pagbalik niya sa kusina ay tostado na ang itlog. Ano sana ang ginawa ni
Lyka bago siya nagpasiyang magluto?
2. Hindi malaman ni Romella kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa siya
binibili ng kaniyang ama ng bagong modelong cellphone gayong sinasabi
nito na malaki ang naipon niyang pera nang umuwi galing Saudi. Nang
kinausap niya ang nanay niya, sinabi nitong binubuo ng pamilya ang perang
pambili ng bahay at lupa para hindi na sila mangupahan. Ano ang dapat
gawin ni Romella sa desisyon ng kaniyang pamilya?

3. Sobra kang malapit sa nanay mo ngunit hindi ka masyadong malapit sa mga


kapatid mo. Isang araw, sinabihan ka ng nanay mo na pinasusunod siya ng
tatay mo sa Amerika. Sa tingin mo, hindi ka masyadong inaasikaso ng iyong
dalawang nakatatandang kapatid. Ngunit kailangan pa ninyo ng dagdag na
pondo para maipaayos ang inyong bahay at mangyayari lang iyon kapag
nag-abroad rin ang iyong ina. Pero sinabihan ka ng iyong ina na kapag hindi
mo siya pinayagang umalis, hindi siya tutuloy. Ano ang magiging pasiya
mo?

IV. PAGTATAYA
Punan ng kinakailangang datos ang tsart. Mag-isip ng isang sitwasyon
o suliranin ng iyong pamilya na kinailangang isangguni sa bawat miyembro
ng pamilya bago makagawa ng pasiya.

1. Suliranin ng pamilya
2. Mga pagpipiliang pasiya na
ginawa ng bawat miyembro ng
pamilya
3. Mga maaring kahihinatnan ng
pasiya
4. Pasiyang nabuo ng buong
pamilya
5. Pagsusuri sa kapasiyahan

V. GAWAING-BAHAY
Sumulat ng isang repleksiyon tungkol sa isang pangyayari sa iyong buhay na
kinakailangang gumawa ng pasiya. Sino ang kadalasang hinihingan mo ng tulong
kapag kailangan ng pasiya?

Ginawa ni:
GIRLIE T. MANALO

You might also like