You are on page 1of 17

6

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
UNANG MARKAHAN – MODULE 2
(Week 5-7)

PASIYA:
Fact or Bluff

1
MODULE 2: PASIYA: FACT OR BLUFF

Unang Bahagi

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin

nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Sa modyulna ito inaasahang:
1. Nakasasang-ayon sa pasiya ng nakararami kung nakabubuti ito.
2. Nakagagamit ng impormasyon (wasto/tamangimpormasyon).
(EsP6PKPIa-i-37)

Sa nakaraang modyul ay natutunan mong suriin ng mabuti ang mga bagay na

may kinalaman sa sarili at pangyayari, bago magpatuloy, alamin muna natin kung
ano ang inyong kakayahan.

Ang lahat ay magkakaugnay. Ito ay parehong itinuturo ng siyensya at

relihiyon. Ang ibig sabihin anuman ang pagpapasiyahan nating gawin apektado ang
lahat di man kaagad ito nakikita. Ang pagpapasiya ay nangangailangan ng iyong
abilidad na pumili ng mga bagay na walang paiba-iba walang pag-aalinlangan at
walang pagliliban.Nangangailangan din ito ng masusing pag-iisip at pagsasaalang-
alang sa lahat ng alternatibong solusyon at ang magiging resulta ng anumang
pagpapasiyang gagawin.

Dahil dito ang pagpapasiya ay napakahalaga sapagkat ang dapat maging

bunga nito ay ang kabutihang panlahat hindi lamang para sa mga iilan at piling tao.
Ang pagiging mahinahon ay makatutulong upang dumating ka sa pasiya para sa
kabutihang panlahat.

IkalawangBahagi:
Gawain I. A.
Panuto: Isulat sa patlang ang “TAMA” kung wasto ang isinasaad ng pahayag at
“MALI”naman kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel.

2
_____1. Madaling maunawaan ang mga sitwasyon o pangyayari kung ang tao ay
mahinahon sa pagtanggap sa naganap sa kaniyang buhay.
_____2. Ang pasiya ay pinagtibay sa isip at kalooban na dapat gawin. Malaki
ang maitutulong ng bara-barang pagpapasiya.
_____3. Ang pagmamahal sa katotohanan ay pagkuha ng datos sa tunay na
pangyayari at tamang impormasyon, mula dito ay gumawa ng pagpapasiya.
_____4. Palaging isaisip na iyong pagpapasiya ay dapat palaging sa iyo lamang
ikabubuti.
_____5. Ang pagmamahal sa katotohanan ay nakatutulong sa mga tao na
makagawa ng pasiya na ikabubuti ng nakarararami.

Mahusay! Naipamalasmo ang iyong kagalingan sa ating nakaraang mga

aralin.Iyong naipakita at naisapuso ang iba’t ibang konsepto sa pagbuo ng isang
natatanging desisyon sa iyong sarili at sa inyong buong pamilya.
Ngayon, ating susukatin ang iyong kaalaman tungkol sa bagay na ating tatalakayin
sa modyul
na ito. Tara, simulan na natin!

Gawain 1-B
B. Panuto: Isulat ang salitang “FACT” kung tama ang ipinapahayag ng bawat
pangungusap at BLUFF naman kung hindi.Gawin ito sa sagutang papel.
________1. May pagpupulong na gaganapin sa inyong barangay sa Lunes.
Naisipan mong dumalo at iparating sa iba ang nasabing pagpupulong.
________2. Nais mong magkulong sa bahay habang may clean up drive sa
inyong barangay.
________3. Nakikinig ka ng balita sa radyo/tv upang malaman ang
kaganapang mangyayari sa iyong komunidad.
________4. Nakikiisa ka sa mga gawain pampurok/pambayan.
________5. Ugaliing makinig sa mga payo ng iyong mga magulang, mas
makabubuting isangguni sa kanila ang anumang bagay na kailangan ng
pagpapasiya.

Gawain I-C.

3
Panuto: Basahin ang kuwento sa susunod na pahinana may pamagat na “Isang
Mahirap na Desisyon” at sagutin ang mga tanong pagkatapos. Gawin ito sa
sagutang papel.

Source: docplayer.net

ISANG MAHIRAP NA DESISYON

Isinulat ni: Constancia Paloma

Sa Makati naninirahan ang pamilya nina Nelia.Doon na ipinanganak ang

kanilang mga magulang. Ang bahay na kanilang tinitirahan na lamang ang
natitirang maliit na bahay doon dahil napapaligiran na ito ng matataas na
gusali at malalaking kompanya.
Masaya silang naninirahan doon dahil malapit sila sa bilihan ng kanilang
mga pangagailangan at malapit din sa kaniyangp aaralan. Pati ang kapatid
niya na si Leah, na pangalawa sa panganay ay sa Makati rin nagtatrabaho.
Ang tanging malayo lang ang trabaho ay ang tatay nila na nagtatrabaho sa
Dasmarinas Cavite.
Isang gabi, nakita nilang magkakapatid na seryosong nag-uusap ang
kanilang ama at ina. Mayroon din silang hawak na mga sulat. Naging suliranin
para sa magkakapatid ang nakita nilang iyon, lalo na nang naulit pa ito ng ilang
beses.
“Wala na kayang trabahosi Tatay?” ang tanong ni Nelia sa sarili. Pero
sa tingin niya, hindi naman masyadong seryoso ang sitwasyon. “Ano nga kaya
ang problema ng ating pamilya?” tanong naman ng kanilang panganay na si
Tom. “Malalaman din natin ‘yun kapag handa na silang ipaalam sa atin ang
problema, dahil kung mayroon mang dapat bigyan ng pasiya, dapat, kasama
tayong magbibigay ng ating sari-sariling pasiya, hanggang tayo ay mabuo sa
pagkakaisa,” ang sabi naman ni Leah.

4
Dumating na nga ang pagkakataong hinihintay ng magkakapatid. Isang
araw ng Linggo, pagkatapos ng hapunan, pinulong ng mga magulang nila ang
tatlong magkakapatid at ipinaalam ang sitwasyong dapat bigyan agad ng
pagpapasiya.
“Mga anak,” ang bungad ng kanilang ama. Kailangan natin
pagpasiyahan kung papayag tayo na bilihin ng katabi nating mall ang ating
bahay at lupa. Mukha na tayong kawawa dito.”
lsa pa, mga anak, kahit sarili natin ang bahay at lupa, mukha na tayong
squatter dito. Kaya, sinabi ng inyong ina na papayag na siyang ipagbili ang bahay
at lupa, pumayag na ako.
“Ang inyong pasiya na lamang ang aming hihintayin,” ang paliwanag ng kanilang
ama.
“Oo nga, Tatay, mukha na nga tayong kawawa dito pero patagalin pa natin
para tumaas pa ang halaga ng ating bahay at lupa.” ang paliwanag ni Tom.
“Ikaw, Leah, ano pasiya mo?” ang tanong ng kaniyang ina. “Okey lang po
sa akin kasi kailangan na. Hindi talaga tayo bagay dito.”
“A, ewan sa inyo!” ang sigaw ni Tom. “Ang kabutihan ng pamilya ang iniisip
ko kaya gusto kong pataasin pa ang halaga ng ari-arian natin!” sabay alis ni Tom
at nagkulong sa kwarto.
“Ikaw, anak,” ang tanong ng nanay niya ikaw Nelia. “Kahit po malalayo ako
sa kamag-aral ko at kaibigan, payag po ako na iwanan na natin ang bahay na ito,
kasi kailangan na,” ang sabi ni Nelia. “Aba, kahit bunso, bukas ang isipan, a!” ang
nakangiting sabi ng kanilang nanay. “Hayaan ninyo, susundan ko sa kuwarto ang
kuya ninyo. Papaliwanagan ko,” ang dugtong ng kanilang Nanay.
Mahigit isang oras ding nag-usap ang mag-ina. Bumalik sila sa salas at
sinabi ni Tom na dahil siya lang ang may ibang pasiya, at napagpaliwanagan
naman siya ng kaniyang ina na ang tawad na tatlong milyong piso para sa maliit
na bahay at lupa ay malaki na ring maituturing.
Napagkasunduan rin ng mag-anak na sa Dasmarińas na sila bumili ng bahay
at lupa, at doon na rin sila lahat magtatrabaho at mag-aaral.
Dahil sa pagkabukas-isipan at mahinahong usapan, nagkaisa ang buong
pamilya.

Mga gabay na tanong.

5
1. Ano ang naging problema ng pamilya Gomez?
___________________________________________________________________
_______________
___________________________________________________________________
_______________ 2. May katwiran ba si Tom na huwag pumayag sa pasiya ng
buong pamilya na ipagbili ang kanilang bahay at lupa?
___________________________________________________________________
_______________
___________________________________________________________________
_______________
3.Ano ang batayan sa tamang pagpapasiya?
___________________________________________________________________
_______________
___________________________________________________________________
_______________
4.Bakit mahalaga na maging mahinahon sa pagpapasiya? Ano ang mabuting
naidulot nito?
___________________________________________________________________
_______________
___________________________________________________________________
_______________ 5. Kung ikaw ay isa sa miyembro ng pamilya, ano ang magiging
pasiya mo? Ipaliwanag ang inyong sagot.
___________________________________________________________________
_______________
___________________________________________________________________
_______________

Gawain 2-A
Panuto:Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Ipaliwanag kung sang-ayon ka o
hindi sa mga iminumungkahi sa bawat sitwasyon. Gawin ito sa sagutang papel.
1. Isa ka sa mga pinuno ng inyong klase na tumutulong sa pagpapanatili ng
kalinisan sa inyong silidaralan. Iminungkahi ng inyong pangulo na ikaw ang
magsusubaybay sa pagganap ng tungkulin ng bawat pangkat.
___________________________________________________________________
_______________
___________________________________________________________________

6
_______________
___________________________________________________________________
_______________
___________________________________________________________________
_______________

2. Matapos ang mural painting sa inyong paaralan na ginamitan ng halo-halong

pintura, iminungkahi ng inyong lider na itapon na lang sa kanal ang mga natirang
pintura dahil hindi na ito mapakikinabangan.
___________________________________________________________________
_______________
___________________________________________________________________
_______________
___________________________________________________________________
_______________
___________________________________________________________________
_______________ 3. Napansin ng inyong pangkat na kaya bumabagal ang pag-
akyat ng mga mag-aaral sa silid-aralan ay dahil hindi sila sumusunod sa nakapaskil
na “Keep Right”. Nagmungkahi ang inyong mga kaibigan sa inyong guro na ang
pangkat na ninyo ang mamamahala dito tuwing umaga.
___________________________________________________________________
_______________
___________________________________________________________________
_______________
___________________________________________________________________
_______________ 4. May Fun Run ang Red Cross sa susunod naLinggo.
Iminungkahi ng inyong mga kaibigan na sa halip na manood kayo ng sine, sumama
na lang kayo sa Fun Run at ibayad sa registration ang gagastusin sa panonood
ninyo ng sine.
___________________________________________________________________
_______________
___________________________________________________________________
_______________
___________________________________________________________________
_______________

7
___________________________________________________________________
_______________ 5. Sinabihan ang inyong pamilya ng punong barangay na
kailangan nang alisin ang lumang kotse na hindi na umaandar at nakaparada sa
tapat ng inyong bahay. Nakaaabala raw ito sa mga dumaraang sasakyan dahil maliit
ang inyong kalsada.
___________________________________________________________________
_______________
___________________________________________________________________
_______________
___________________________________________________________________
_______________

Gawain 2-B
Panuto: Sa buong linggong darating,subaybayan ang iyong mga magiging
pasiya. Itala sa iyong journal ang mga ito at bigyang-diin ang mga naging
basehan ng inyong mga pasiya. Gamit ang tsart sa ibaba, ibigay ang
detalye ng mga pasiyang iyong ginawa. Lagyan ng tsek ( / ) ang naging
bunga nito kung mabuti o masama para sa sarili o sa karamihan.

Naging Bunga
Araw Mga Kapasiyahan
Sa Sarili Sa Karamihan
Mabuti Masama Mabuti Masama

Lunes

Martes

Miyerkules

Huwebes

8
Biyernes

Sabado

Linggo

Gawain 3
A. Panuto:Isulat ang salitang“TAMA” kung tama ang ipinapahayag ng bawat
pangungusap at “MALI” naman kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel.
_____1. Minsan ay may dumarating na napakaraming tukso para magtago ng
katotohanan at bigyan ng kasiyahan o pabor ang sarili. Nararapat lamang na
pagtakpan ang mga pagkakamali upang mailigtas ang sarili.
_____2. Ang tamang pagpapasiya ay may kaakibat na magandang ibubunga.
_____3. Ang pagpapasiya ay nangangailangan ng inyong abilidad na pagpapalit-palit
ng pasya nang walang alinlangan.
_____4.Timbangin ang mga solusyong ibinigay mo at mga kasapi ng pangkat at
mula doon ay piliin mo lamang ang pinakamainam na solusyong galing sa iyo.
_____5. Maraming bagay ang maaaring pagkuhanan ng impormasyon at
ang internet ang pinakamainam sa lahat. Kaya nararapat lamang na
ibatay ang iyong pagpapasiya ayon sa sinsabi ng internet.

B. Panuto: Isulat sa patlang ang “FACT” kung wasto ang isinasaad ng pahayag at
“BLUFF” kung hindi wasto.Gawin ito sa sagutang papel.

______1. Padalos-dalos na pagpapasiya ay laging nakabubuti sa akin.

______2. Ang pagbibigay ng pasiya o paggawa ng desisyon ay dapat
makabubuti sa lahat upang walang matapakan/masaktan o
mapinsala.
______3. Ang desisyon ay dapat ayon sa mga ating konsensiya.
______4. Sinusuri at pinag-iisipan muna ang bawat pasiya na gagawin o ibibigay.
______5. Tanggapin agad ang pasiya ng iba nang walang pag- aalinlangan.

9
______6. Kumonsulta sa mga nakakatanda upang mas matulungan ka sa
pagpapasiya.
______7. Dapat ang desisyong gagawin ay ayon sa pananampalataya, o sa
kinabibilangang relihiyon. ______8. Pag-isipan at suriing mabuti ang maaaring
kahinatnan o maging bunga o resulta ng isang gagawing desisyon o pasiya.
______9. Ipagwalang bahala ang mga ibinibigay na desisyong tulong ng iba.
______10. Pag-aralan lahat ang posibleng mangyari bago gumawa ng huling
pagpapasiya.

SUSI SA PAGWAWASTO

GAWAIN 1-A GAWAIN 2-A GAWAIN 3.A

1. 1. MALI
TAMA
MALAYANG 2. TAMA
2.
MALI PAGSAGOT 3. MALI
4. TAMA
3. 5. MALI
TAMA
4. GAWAIN 2-B
MALI
5.
TAMA MALAYANG
PAGSAGOT

GAWAIN 1-B GAWAIN 3.B.

1. FACT 1. BLUFF
2. FACT
2. BLUFF
3. FACT 4. FACT 3. FACT
5. FACT 4.FACT
5. BLUFF
6.FACT
7. FACT
GAWAIN 1-C 8. FACT
9. BLUFF
MALAYANG 10. FACT
PAGSAGOT

SANGGUNIAN

Ugaling Pilipino saMakabagongPanahon 6

BatayangAklat, pp. 2-17

10
Zenaida R. Ylarde, Gloria A. Peralta, Ed.D.

K to 12 MELCS with CG codes, pp. 86-89

www.google.com/images

Republic of the
Philippines
Department of
Education
Region I
Pangasinan Division II
Binalonan

WORKSHEETS IN EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
QUARTER 1 WEEK (5-7)

MELC: Nagagamit ng impormasyon (Wasto/ tamang impormasyon)

( EsP6PKP–lai-37)

Pangalan:_________________________________________________
Petsa:___________________

Baitang at Seksyon: ________________________________________

Iskor:_____________________

WRITTEN WORKS

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin at isulat sa

sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. Nabasa sa magasin ni Xyryl na may paligsahan sa pag-awit. Ang mga

kalahok ay kailangang magdeposito ng isang libong piso sa nakalagay na bank
account sa magasin. Ano ang dapat gawin ni Xyryl?

11
A. Magdeposito kaagad ng pera para makasali.
B. Ipagbigay alam sa magulang at suriin kung ito ay legal na patimpalak.
C. Mang-engganyo ng iba pang kasama para makasali.
D. Manghihingi ng pera sa magulang at hindi ipagbigay alam kung saan
gagastusin ito.

2. May patalastas sa pahayagan tungkol sa isang produkto na pampakinis ng

kutis. Gustong-gusto mo rin na kuminis at maging maputi ang iyong kutis ngunit
alam mo na nagkaka-allergy ka sa balat tuwing ikaw ay gagamit ng pampakinis.
Gagamit ka din bang produktong ito?

A. Oo, dahil makatotohanan ang nababasa mong patalastas.

B. Hindi, ipatsek mo muna ito sa iyong doktor kung mabisa ang produktong ito
sa iyong balat at kung wala itong masamang epekto.
C. Oo, dahil ito na ang sagot mo sa iyong mithiin na maging makinis ang iyong
balat.
D. Hindi, dahil hindi ko sigurado kung totoo yung produkto o hindi.

3.Nabalitaan mo sa dyaryo na sangkot ang inyong alkalde sa illegal na droga sa

inyong bayan. May kaklase ka na anak ng inyong alkalde. Bilang isang mag-aaral,
paano mo pakikitunguhan ang nasabing kaklase?

A. Pagtawanan siya.
B. Hindi mo ito kikibuhin at layuan dahil hindi siya mabuting kaibigan.
C. Bibigyan mo siya ng lakas ng loob at hindi kaagad manghusga tungkol sa
kaniyang ama.
D. Ipamalita sa mga kaklase ang nabalitaan at lalayuan ninyo siya.

4.Nagbabasa kayong magkakaibigan ng isang kuwento at napili ng isa mong

kaibigan ay isang kuwento na may malalaswang eksena. Bilang kaibigan, ano ang
dapat mong gawin?

A. Hayaan lamang ang kaibigan sa nais nitong kwentong babasahin.

B. Magsawalang kibo na lamang
C. Palitan ang binabasang kwento na angkop sa inyong magkakaibigan.
D. Paalisin na lang siya.

5.May sakit na leukemia ang iyong kapatid na babae. Ikaw ay naawa na sa kanya
sapagkat nakikita mo siyang naghihirap sa kaniyang dinaramdam na sakit. Isang
araw, may nabasa ka sa diyaryo na lunas sa leukemia. Bilang isang kapatid, ano
ang dapat mong gawin?

A. Komunsulta muna sa doktor kung ito ay mabisa o hindi.

B. Ipainom kaagad ito upang gumaling na ang iyong kapatid.
C. Magsawalang kibo lamang sa nabasang impormasyon.

12
D. Ipapa-sa Diyos na lamang ang sitwasyon ng kapatid.

6.Ano ang dapat isaalang-alang sa pagkilala ng tamang impormasyon?

A. Ano ang mayroon

B. Datos at patotoo
C. Larawan
D. Lugar kung saan nakuha

7.Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita na ang impormasyon ay nakatutulong?

A. Si Daphny ay nakinig ng tsismis ng kapitbahay.
B. Sumusunod si Beth sa ipinag-uutos ng mga frontliners.
C. Palaging nanonood si Randy sa You tube.
D.Mas pinahalagahan ni Rhanwayne ang sabi ng kapitbahay na hindi alam kung
totoo.

8.Alin ang nagsasaad na ang teknolohiya ay nakatutulong sa pagbibigay ng

impormasyon?

A. Si Alvin ay gumamit ng Google upang makatulong sa kanyang mga aralin.

B. Si Aryet ay nagtanong sa kanyang ate ng tamang sagot sa kanyang gawaing
bahay.
C. Nanoodsi Butch ng mga palabas sa internet.
D. Naglaro si Rodil ng mobile legend.

9.Paano ang wastong paggamit ng social media?

A. Maglalaro ng online games.

B. Mag-tiktok maghapon.
C. Maglaan ng oras sa paggamit.
D. Buong araw naka online.

10. Nalaman mo sa balita na ang simula ng klase ay maaring sa buwan ng

Agosto, sa iyong palagay ay hindi ito totoo, ano ang gagawin mo?

A. Magsaliksik gamit ang internet

B. Magtanong sa nanay
C. Magbabasa sa facebook D. Magtatanong sa kaklase.

13
II. Panuto: Isulat ang“FACT”kung wasto ang isinasaad ng bawat pangungusap
at“BLUFF”naman kung hindi wasto.

_____1. Madaling maunawaan ang mga sitwasyon o pangyayari kung ang tao ay
mahinahon sa pagtanggap sa naganap sa kaniyang buhay.
_____2. Ang pasya ay pinagtibay sa isip at kalooban na dapat gawin. Malaki ang
maitutulong ng barabarang pagpapasya.
_____3. Ang pagmamahal sa katotohanan ay pagkuha ng datos sa tunay
napangyayari at paghahanap ng katiyakan ng tamang impormasyon.
_____4. Ang pagmamahal sa katotohanan ay nakatutulong sa mga tao na isipin
muna ang sarili lalo na sa pangangalap ng tamang impormasyon.
_____5. Minsan ay may dumarating na napakaraming tukso para magtago ng
katotohanan at bigyan ng kasiyahan o pabor ang sarili. Nararapat lamang na
pagtakpan ang mga pagkakamali upang mailigtas ang sarili.
_____6. Ang pagpapasya ay nangangailangan ng inyong abilidad na pagpapalit-palit
ng pasya nang walang alinlangan.
_____7. Timbangin ang mga solusyong ibinigay mo at mga kasapi ng pangkat at
mula doon ay piliin mo lamang ang pinakamainam na solusyong galing sa
iyo.
_____8. Kapayapaan sa isip at damdamin, kagaanan at kapanatagan ng loob ang
dulot ng pagsasabi
ng katotohanan.
_____9. Ang pagiging mapagpasensiya ay makatutulong sa tao upang makapaglaan
siya ng sapat na panahon tungo sa pagbabago.
_____10. Madalas na dumarating sa buhay ng tao ang tukso ito ay nagbibigay
karapatan sa atin na
magtago ng katotohanan at mabigyan ng pabor ang sarili.

PERFOMANCE TASK

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon at

ipaliwanag ang inyong nararapat gawin sa bawat sitwasyon. Gawin ito sa sagutang
papel.

1. Ang pamilya Morla ay may planong magbakasyon sa Baguio sa susunod na linggo

ngunit napanood nila sa balita sa telebisyon na may paparating na bagyo sa araw
din na ito.
___________________________________________________________________
_______________

14

2.Narinig ni Jomar sa radyo na mali ang naging balita sa nangyaring insidente sa

kanilang lugar.
___________________________________________________________________
_______________
___________________________________________________________________
_______________
___________________________________________________________________
_______________
___________________________________________________________________
_______________
___________________________________________________________________
__________

3.Napanood ni Arlene sa telebisyon na mas pinatindi ng mga pulisya ang panghuhuli

sa mga taong nagtutulak at gumagamit ng pinagbabawal na gamot at alam mong
ang kuya mo ay lulong dito.
___________________________________________________________________
_______________
___________________________________________________________________
_______________
___________________________________________________________________
_______________
___________________________________________________________________
_______________
___________________________________________________________________
_______________

4.Narinig ni Brayan sa radyo na walang pasok sa Lunes ngunit ayaw maniwala ng

kaniyang nanay.
___________________________________________________________________
_______________
___________________________________________________________________
_______________
___________________________________________________________________
_______________
___________________________________________________________________
_______________

15
___________________________________________________________________
_______________

5.Nabasa mo sa Facebook post ng iyong kapitbahay na mayroon nang kaso ng

Covid-19 sa inyong barangay at kumakalat na ang balita sa inyong lugar.
___________________________________________________________________
_______________
___________________________________________________________________
_______________
___________________________________________________________________
_______________
___________________________________________________________________
_______________
___________________________________________________________________
_______________

RUBRIC PARA SA PAGPAPALIWANAG NG BATANG KONSEPTO GAMIT ANG

GRAPHIC ORGANIZER

KRAYTIRYA 5 3 1
Paghinuha ng Nahinuha ang Nahinuha ang Nahinuha ang
batayang konsepto batayang batayang batayang konsepto
konsepto nang konsepto ng may sa paggabay ng
hindi ginagabayan kaunting guro sa kabuuan
ng guro. panggabay ng nito.
guro
Pagpapaliwanag ng Malinaw na Mayroon isang Mayroong tatlo o
higit
Kosepto naipaliwanag ang kospeto na hindi pang konsepto na
lahat ng malinaw na hindi naipaliwanag
mahahalagang naipaliwanag
konsepto

II. Panuto: Sumulat ng maikling sanaysay tungkol sa isang pangyayari sa iyong

buhay na kinakailangan mong gumawa ng isang pasiya. Ano ano ang mga
isinaalang-alang mo sa paggawa ng pasiya? Gawin ito sa sagutang papel.

___________________________________________________________________
_______________
___________________________________________________________________
_______________

16

_______________ Rubric sa Pagsulat ng Sanaysay
5 3 1
1. Organisado at may kaisahan ang mga
pangungusap sa bawat talata
2. Magkakaugnay-ugnay ang mga talata
3. Malinis at maayos ang pagkakasulat

17

You might also like