You are on page 1of 3

Aralin 3

Pasiya mo, Pasiya Ko: Sa Ikabubuti ng Lahat

Ang lahat ay magkakaugnay. Ito ay parehong itinuturo ng siyensiya


at relihiyon.

Ang ibig sabihin, anuman ang pagpasiyahan nating gawin,


apektado ang lahat, di man ito kaagad na nakikita.

Ang pagpapasiya ay nangangailangan ng iyong abilidad na pumili ng


mga bagay na walang paiba-iba, walang pag-aalinlangan at walang
pagpapaliban.

Nangangailangan din ito ng masusing pag-iisip at


pagsasaalang-alang sa lahat ng mga alternatibong solusyon at ang
magiging resulta ng anumang pagpapasiyang gagawin.

Dahil dito, ang pagpapasiya ay napakahalaga sapagkat ang dapat maging bunga nito ay
ang kabutihing panlahat, hindi lamang para sa mga iilan at piling mga tao.
Ang pagiging mahinahon ay makatutulong upang dumating ka sa pasiya para
sa kabutihang panlahat.

Isang Mahirap na Desisyon


Constancia Paloma

Sa Makati naninirahan ang pamilya nina Nelia.Doon na ipinanganak ang kanilang mga

magulang.Ang bahay na kanilang tinitirahan na lamang ang natitirang maliit na bahay

doon dahil napaligiran na ito ng matataas na gusali at malaking kompaniya .

Masaya silang naninirahan doon dahil malapit sila sa bilihan ng kanilang mga pangagailangan at malapit
din sa kaniyang paaralan. Pati ang kapatid niya si Leah, na pangalawa sa panganay ay sa Makati rin
nagtatrabaho. Ang tanging malayo lang ang trabaho ay ang tatay nila na

nagtatrabaho sa Dasmarinas, Cavite.

Isang gabi, nakita nilang magkapatid na seryosong nag-uusap ang kanilang ama at ina. Mayroon
din silang hawak na mga sulat. Naging suliranin para sa mga magkaka-patid ang nakita nilang
iyon, lalo na nang naulit pa ito ng ilang beses.

" Wala na kayang trabaho si Tatay?" ang tanong ni Nelia sa sarili. Pero sa tingin niya, hindi
naman masyadong seryoso ang sitwasyon." Ano nga kaya ang problema ng ating
pamilya?"tanong naman ng kanilang panganay na si Tom. "Malalaman din natin " yun kapag
handa na silang ipaalam sa atin ang problema, dahil kung mayroon mang dapat bigyan ng
pasiya, dapat kasama tayong magbibigay ng ating sariling pasiya, hanggang tayo ay mabuo sa
pagkakaisa," ang sabi naman ni Leah.

Dumating na nga ang pagkakataong hinihintay ng magkakapatid. Isang araw ng Linggo,


pagkatapos ng hapunan, pinulong ng mga magulang nila ang tatlong magkakapatid at ipinaalam
ang sitwasyong dapat bigyan agad ng pagpapasiya.

"Mga anak," ang bungad ng kanilang ama. Kailangan nating pagpasiyahan kung papayag tayo na
bilihin ng katabi nating mall ang ating bahay at lupa. Mukha na tayong kawawa dito."

Isa pa, mga anak, kahit sarili natin ang bahay at lupa, mukha na tayong squatter dito. Kaya,
sinabi ng inyong ina na papayag na siya na ipagbili ang ating bahay at lupa, pumayag na ako.
"Ang inyong pasiya na lamang ang aming hihintayin," ang paliwanag ng kanilang ama.

"Oo nga, Tatay, mukha na nga tayong kawawa dito, pero patagalin pa natin para tumaas pa ang
halaga ng ating bahay at lupa." ang paliwang ni Tom.

" Ikaw, Leah, anong pasiya mo?" ang tanong nang kanyang ina ."Okey lang po sa akin kasi
kailangan na. Hindi na talaga tayo bagay dito."

"A, ewan sa inyo!" ang sigaw ni Tom." Ang kabutihan ng pamilya ang iniisip ko kaya gusto kong
pataasin pa ang halaga na ari- arian natin!" sabay alis ni Tom at nag-kulong sa kuwarto

" Ikaw, anak," ang tanong ng nanay niya kay Nelia. " Kahit po malalayo ako sa mga kamag-aral
ko at kaibigan, payag po ako na iwanan na natin ang bahay na ito,kasi kailangan na," ang sabi ni
Nelia." Aba, kahit bunso, bukas ang isipan, a!" ang nakangiting sabi ng kanilang nanay. "Hayaan
ninyo,susundan ko sa kuwarto ang kuya ninyo.Paliliwanagan ko," ang dugtong ng kanilang
Nanay.

Mahigit isang oras ding nag-usap ang mag-ina. Bumalik sila sa salas at sinabi ni Tom na dahil
siya lang ang may ibang pasiya, at napagpaliwanagan naman siya ng kaniyang ina na ang tawad
na tatlong milyong piso para sa maliit na bahay at bahay at lupa ay malaki na ring maituturing.

Napagkasunduan rin ng mag anak na sa Dasmarinas na sila bumili ng bahay at lupa, doon na rin
sila lahat magtatrabaho at mag-aral. Dahil sa pagkabukas-isipan at mahinahong
usapan,nagkaisa ang buong pamilya.

Sagutin ang sumusunod na tanong.


1. Ano ang naging problema ng pamilya Gomez?

2. May katwiran ba si Tom na huwag pumayag sa pasiya ng buong pamilya na ipagbili ang
kanilang bahay at lupa?

3. Ano ang batayan sa wastong pagpapasiya?

4.Bakit mahalaga na maging mahinahon sa pagpapasiya? Ano ang mabuting naidudulot nito?

5. Kung ikaw ay isa sa miyembro ng pamilya, ano ang magiging pasiya mo? Ipaliwang ang sagot.

Hakbang sa Pagpapasiya

Ang pagpapasiya ay maituturing bilang isang prosesong pangkaisipan na nagreresulta sa pagpili


ng pinakamabuting kalalabasan.Ang pasiya ay pinagtibay sa isip at kalooban na dapat
gawin.Malaki ang maitutulong ng pagkamahinahon kapag pinag-usapan at pinag-isipan ang
magiging pasiya.

May wastong mga hakbang na dapat sundin sa paggawa ng isang pasiya.

1. Alamin ang suliranin

2. Kumuha ng impormasyon at pag-aralan ang lahat ng posibleng solusyon

3. Isaalang-alang ang maaaring ibunga ng bawat solusyon

4.Gumawa ng pasiya

5. Pag-aralan ang kinalabasan ng ginagawang pagpapasiya.

You might also like