You are on page 1of 10

Ang Kwento ng Pinagmulan ng Lahi

Ayon sa matatanda, ang Bathalang lumikha ng daigdig ay si Laor. Ayon sa paniwala ng


marami ay amtagal siyang namuhay na nag-iisa dito sa daigdig. Hindi malaunan at siya ay
nakaramdam ng pagkalungkot sa kanyang pag-iisa. Upang maiwasan ang ganitong
pangyayari ay umisip siya ng isang magandang paraan.

Isang araw ay naisipan niyang kumimpal ng lupa upang gawing mga tao, sa gayon ay
malulunasan ang kanyang mga kalungkutan. Iniluto niya sa hurno ang lupang kanyang
ginawa. Sa hindi malamang sanhi ay nakalingatan niya ito, kaya't nang kanyang buksan ay
maitim at sunog. Ang lumabas na sunog ay naging nuno ng mga Negro at Ita.

Hindi nasiyahan si Bathala sa una niyang pagsubok. Kumuha uli siya ng lupa at hinubog na
anyong tao at isinilid sa hurno. Sa takot niyang ito'y masunog tulad ng una, hinango agad sa
kalan. Ang lumabas ngayon ay hilaw at maputi. Muling humubog si Bathala ng lupa at iniluto
sa hurno.

Palibhasa'y ikatlo na niyang pagsubok ito, hindi napaaga ni napahuli ang pagkakahango niya
sa pugon. Hustong-husto ang pagkakaluto ngayon at katamtaman ang kulay. Ito ang
pinagmulan ng lahing kayumanggi na kinabibilangan natin.
PASKO
Sinulat nina: Laura B. Corpuz at Pacita D. Morales

Unang Tagpo
(Tanawin: Loob ng bahay)

(Naghahanda ang mag-anak papunta sa simbahan. Tumutugtog ang kampana.)

Nanay: “Dalian ninyo mga anak. Baka mahuli tayo sa misa.”

Anak 1: “Nandiyan na po ako, Nanay.”

Anak 2: “Hintayin ninyo ako. Hindi ko makita ang sapatos ko.”

Anak 3: “Handa na po ako, Tatay.”

Anak 4: “Ako rin po.”

Nanay: “O sige, hihintayin namin kayo sa labas ng bahay, mga anak.”

Tatay: “Mag-ingat kayo sa paglalakad sa kalsada.”

(Lalakad ang mag-anak papuntang simbahan.)

Tilon

Pangalawang Tagpo
(Tanawin: Labas ng simbahan matapos ang misa)

(May mga tindera. May tugtuging pamasko.)

Nanay at Tatay: “Maligayang Pasko sa inyo, mga anak.”

Mga Anak: (Magmano) “Maligayang Pasko rin po sa inyo, Nanay at Tatay.”

(May mararaanang mga tindera ang mga bata paglabas ng simbahan.)

Anak 1: “Ano po ang tinda ninyo?”

Tindera 1: “Mayruon akong puto at kutsinta.”

Anak 1: “Pagbilhan po ninyo ako ng puto.”

Anak 2: “Mayruon po ba kayong suman?”

Tindera 2: “Mayruon ako, anak. Ilan ba ang gusto mo?”

Anak 2: “Dalawa po.”

Anak 3: “Kina Lolo at Lola na lang ako kakain, Ate. Hindi pa naman ako gutom.”

Anak 4: “Ako rin; maraming magluto si Lola, marasap pa!”

Nanay: “Halina kayo kina Lolo at Lola. Hinihintay nila tayo.”

Tatay: (Kakatok sa pinto ng bahay nina Lolo at Lola.)


Lolo: (Bubuksan ang pinto.) “Tuloy kayo mga anak.”

Tilon

Pangatlong Tagpo
(Tanawin: Loob ng bahay nina Lolo at Lola)

Mga Anak: “Mano po, Lolo. Mano po, Lola.”

Lolo at Lola: “Kaawaan kayo ng Diyos, mga anak.”

(Nanay at Tatay – magmamano rin)

Ninong at Ninang: (Naka-upo sa silya.)

Anak 1: “Mano po, Ninong. Mano po, Ninang.”

Ninang at Ninong: “Kaawaan ka ng Diyos.”

Anak 2: “Lola, ang sarap naman ng amoy ng luto ninyo!”

Lola: “Para sa ating salu-salo ang lahat ng niluto ko.”

Lolo: “Halina na kayo, mga anak. Nakahanda na ang mga pagkain natin para sa Noche Buena.”

Anak 3: “Gutom na nga ako eh.”

Anak 4: “Sabi ko na inyo eh, maraming magluto si Lola, at masarap pa.”

(Matapos kumain - Hahaplusin ang tiyan sa busog at magkukuwentuhan)

Anak 2: “Nanay, Tatay, sana’y maging Pasko araw-araw para narito tayong lagi kina Lolo at Lola.”

Mga Anak: “Lolo, Lola, aalis na po kami.” “Maligayang Pasko po ulit sa inyo at Manigong Bagong Taon sa
lahat.”

Nanay at Tatay: “Maraning salamat po sa handa ninyong mga pagkain. Busog na busog po kaming lahat.”

Buong Mag-anak: (Muling mag-mamano kasabay ang pagpapaalam.) “Paalam na po.” “Mamasko pa po
kami sa ibang kamag-anak natin pagkagising sa umaga.”

Lolo at Lola: “Mag-iingat kayo sa daan.”

Tilon

Mga Tauhan:

Lolo at Lola: Lucas at Pacita Morales


Ninang at Ninong: Thelma Capati at Wilmer Andrada
Nanay at Tatay: Laura Corpuz at Lito Capati
Mga Anak: Aileen Capati, Jennifer at Robert Estoye, Zenaida Falcon
Mga Tindera: Perlita Nichols at Magdalena Raboza
Tagapagsalaysay: Alona Corpuz at Belinda Falcon
Ang Alamat ng Anay

Si Ranay ay isang matakaw na batang nakatira sa mahirap na bayan ng Sto. Cristo sa may
norte. Bagamat naghihirap ay alaga siya ng ama’t ina sa masasarap na pagkain. Nag-iisa
kasing anak si Ranay. Inakala nga noon ng mga magulang na hindi na magkakaanak dahil
matanda na ang kanyang ina pero isinilang parin siya.

Mahal na mahal ng ama’t ina si Ranay. Halos gawin na siyang prinsesa ng mga ito. Ayaw
siyang pagawain sa bahay at sustentado siyang mabuti sa pagkain. Lumaki si Ranay na
ang trabaho ay kumain at ang libangan ay kumain parin. Payat na payat na ang ama’t ina
niya para matustusan ang kanyang pangangailangan.

Dumating ang hindi inaasahan ni Ranay. Magkasabay na namatay sa isang aksidente ang
ama at ina. Dahil ang alam lang ay kumain, hindi alam ni Ranay kung paano ma-buhay na
siya ang kikilos at magta-trabaho. Hindi nagtagal ay namayat siya at namatay.

Matagal ng patay si Ranay nang isang araw ay mapansin ng dating kapitbahay na


pabagsak ang kanilang bahay. Nang suriin nila ito ay nakita ang isang insektong kumakain
ng kahoy. Naalala nila si Ranay. Marahil anila ay ito si Ranay. Tinawag nilang ranay ang
insekto na katagalan ay naging anay.
Desisyon
Sa paglinang, ating nasusubukan
Kung paano buhay ay hahawakan
Sa bawat araw na paglipas
Handog nito kakaibang paghampas

Sa bawat minuto na may desisyon,


Sa bawat paggising, may kakaharaping misyon
Pero paano nga ba haharapin?
Kung alam mo ay may magigipit din?

Kay hirap gumawa ng isang sakripisyo


Na alam mong may maisasalbang tao
Kahit iyong kaligayan ay kapalit nito
Handa bang kasiyahan ay ialay mo?

O magiging huwad na lamang,


Kakaharapin ang isang katotohanang
Lahat tayo ay may iba't-ibang dinaraanan
At handang iba ay magdusa sa kawalan?

Sadya sigurong kay lito,


Sarili ba ang bibigyan ng perwisyo?
O, paiiralin ang pagkamarangal na tao
At kaligayahan ay handang isakripisyo

Kaya aking kaibigan,


Mag isip-isip at pagaanin ang kalooban
Para sa isang hindi isang biro na misyon
Na kakahantungan ng iyong sariling desisyon
Mga Tula: Walang Sukat, May Tugma
Ikaw, ikaw na nagbabasa,

Tatanungin kita.

"Nagmahal ka na ba?"

"Nabigo't nasaktan pa?"

Kung oo ay halika't dadalhin kita,

Kung saan mga salita'y ubod ng ganda.

Mga salitang pawang kawangis ng mga binitawan niya.

Siya na taong pinangakuan ka,

Pangakong "ikaw lamang, walang iba"

Mga salitang hanggang ngayon ay bangungot.

Walang ibinigay kundi sa puso'y poot.

At sa pag-alala ay mayroon paring kirot.

Mga wikain niyang sakit lamang ang dulot.

Halika't balikan pa.

Pangako sa huli'y lilimutin mo siya.

Sa kasinungalingan imumulat ko iyong mata.

Sa kahibangan gigisingin kita.

Ako ay nangangako'ng ito'y magagawa sa bisa ng aking TULA.

Wala mang sukat, may tugma.


DALAWANG URI NG TUGMA

Tugmaang ganap — ang mga taludtod ay nagtatapos sa patinig o impit na tunog at sa


gayon ay mayroong ganap na pagkakatugmaan ang huling pantig ng mga taludtod ng
tula.

Halimbawa:
Pakinggan mo aking bunso itong mga sasabihin
Na sa aking katandaa’y parang huling habilin
Sa puso mo ay ingatan, at sa diwa’y kandilihin

Balang-araw ay tutubo’t parang utang na singilin.

Tugmaang di-ganap — ang mga taludtod ay nagtatapos sa katinig bagamat may


iisang uri ng patinig sa loob ng pantig ang huli namang titik ay magkakaiba.

Halimbawa:
May isang lupain sa dakong Silangan
Na nag-aalaga ay sikat ng araw
Kaya napatanyag ay sa kagandahan
At napabalita sa magandang asal.
Ang Talinghaga tungkol sa mga Damo sa
Triguhan
Muling nagbigay ng talinghaga si Jesus sa kanila, “Ang paghahari ng Dios
24

ay maitutulad sa kwentong ito: May isang taong naghasik ng mabuting binhi


sa kanyang bukid. 25 Pero kinagabihan, habang natutulog ang mga tao,
dumating ang kanyang kaaway at naghasik ng masasamang damo at
umalis. 26 Nang tumubo ang mga tanim at namunga, lumitaw din ang
masasamang damo. 27 Kaya pumunta sa kanya ang kanyang mga alipin at
sinabi, ‘Hindi po ba mabubuting binhi lamang ang inihasik ninyo sa inyong
bukid? Paano po ba ito nagkaroon ng masasamang damo?’ 28 Sinabi ng may-
ari, ‘Isang kaaway ang may kagagawan nito.’ Tinanong siya ng mga utusan,
‘Gusto po ba ninyong bunutin namin ang masasamang damo?’ 29 Sumagot
siya, ‘Huwag, baka mabunot din ninyo pati ang trigo. 30 Hayaan na lang muna
ninyong lumagong pareho hanggang sa anihan. Kapag dumating na ang
panahong iyon, sasabihin ko sa mga tagapag-ani na unahin muna nilang
bunutin ang masasamang damo, at bigkisin para sunugin. Pagkatapos,
ipapaani ko sa kanila ang trigo at ipapaimbak sa aking bodega.’ ”

Ang Paghahalintulad sa Buto ng Mustasa


31Ikinuwento pa sa kanila ni Jesus ang paghahalintulad na ito: “Ang kaharian
ng Dios ay katulad ng isang buto ng mustasa[f] na itinanim ng isang tao sa
kanyang bukid. 32 Ito ang pinakamaliit sa lahat ng buto. Ngunit kapag
tumubo at lumaki na, nagiging mas mataas ito kaysa sa ibang mga
halamang gulay, na parang punongkahoy ang taas, at pinupugaran ng mga
ibon ang mga sanga nito.”

Ang Paghahalintulad sa Pampaalsa


33 Isa pang paghahalintulad ang ikinuwento ni Jesus: “Ang kaharian ng Dios
ay katulad ng pampaalsang inihalo ng babae sa isang malaking planggana
ng harina, at napaalsa nito ang buong masa ng harina.”
MGA HALIMBAWA NG PAGTUTULAD (SIMILE)

Ikaw ay tulad ng bituin.


You are like a star.

Ang puso mo ay gaya ng bato.


Your heart is like a stone.

Ang paghahabi ng tela ay gaya ng paghihirap ng isang tao.


Weaving cloth is like the suffering of a person.

Ang paghihintay sa paghinog ng prutas ay gaya ng pagbubuntis.


Waiting for fruit to ripen is like being pregnant.

Ang pag-ibig mo ay parang tubig − walang lasa.


Your love is like water − flavorless.

Ang mga pangako mo ay parang hangin.


Your promises are like air.

Sa ilalim ng mga dayuhan, ang Pilipinas ay naging parang kalabaw.


Under foreigners, the Philippines became like a carabao.

Ang bandila sa hangin ay kawangis ng malaking ibon na nakaladlad ang pakpak.


The flag in the wind is like a large bird with wings spread out.

Ang ulap ay kawangis ng mukha ng tao.


The cloud is akin to a person’s face.

You might also like