You are on page 1of 1

Niell T.

Viña

“Talumpati Tungkol Sa Magulang”


“Kahalagahan ng mga Magulang”

Ang anak matitiis ang mga magulang, ngunit ang mga magulang ay hinding-
hindi matitiis ang mga anak. Mula sa sa unang sigaw ng ating mga uha, mga
magulang natin ang nasa ating tabi. Sina tatay at nanay na ating palaging mga
gabay at patnubay sa buhay. Si tatay ang haligi ng mga tahanan, habang si nanay
naman ang tanglaw na siyang tagabigay ng liwanag at ilaw. Wala ng sasarap pa sa
samahan ng isang tahanan na buo ang bilang ng mga pamilya. Mula sa loob ng
ating tahanan ay dito tayo unang natuto sa kung ano ang tama sa mali. Mula sa
mga walang sawang pangangaral ng ating magulang ay nagsilbi na ang mga ito na
tila parte na ng ating pang araw-araw na pamumuhay. Mapalad kayong mga bata na
may mga magulang na laging nagbibigay patnubay sa lahat ng inyong mga gawain.
Ang mga batang busog sa aral, kalinga at pagmamahal ng mga magulang ay
malayo sa anumang kapahamakan. Bigyan ninyo ng halaga ang bawat butil ng aral
na sinasabi sa inyo sapagkat ito ang mga bagay na kailanman ay hindi
mababayaran o mabibili ng anumang halaga ng salapi. Matuto tayong pagyamanin
ang ating mga sarili mula sa tulong ng ating mga magulang dahil hindi sa lahat ng
oras ay kasa-kasama natin sila. Habang malakas at nasa tabi pa natin sina tatay at
nanay, ipadama natin sa kanila ang pagmamahal at kalinga na kanilang inalay sa
atin noong tayo ay mga musmos pa lamang. Pilitin nating ipadama sa kanila na sila
ay mahalaga kahit na mga matatanda na. Lagi ninyong itanim sa inyong mga isipan
na hindi ninyo narating ang kinalalagyan ninyo ng ayon kung wala ang kalinga nina
tatay at nanay.Huwag mong hinatayin ang mga sandali na sila ay wala na at saka
mo sasabihin “mahal ko kayo mga magulang ko”.

You might also like