You are on page 1of 1

“Reaksyong Papel tungkol sa Uhaw ang Tigang na Lupa”

Sabi nila ang pamilya ang pundasyon ng isang bansa, lahat ng bansa ay
nagsisimula sa isang pamilya. Sa kwento ng Uhaw ang Tigang na Lupa, ipinakita na
ang isang pamilya ay mahalaga sa pagbibigay ng suporta at pagmamahal sa isang
bata. Itinatampok din nito kung gaano kahalaga ang suporta at pagmamahal ng isang
pamilya para sa isang bata, na nagpapakita kung gaano kahalaga sila sa buhay ng
isang tao.
Batay sa kwento ang mga magulang ng tauhan ay maagang nabuntis, isang
pangyayari na maihahalintulad natin sa panahon ngayon sa ating bansa. Kamakailan,
idineklara ng bansa ang pagbubuntis ng kabataan bilang isang pambansang suliranin.
Ang mga nagdadalaga na ina at ama ay napipilitan na unahin ang pagbubuntis,
maagang pagiging magulang, at gawaing reproduktibo, kaya napipilitan silang huminto
sa pag-aaral. Dahil sa maagang pagiging magulang hindi nila alam kung paano bumuo
ng pamilya, sapagkat tila wala sa plano nila ang pagbuo ng isang tahanan. Batay sa
kwento ng lumalaki ang anak tila gusto nyang maramdaman ang pagmamahal ng
kanyang mga magulang na tila hindi maibigay nang dahil na rin sa kanilang pagkamuhi
sa anak. Hindi man sinabi ng tauhan ngunit mapapaisip ka sa mga aksyon na laging
nakikita ng tauhan sa kanyang magulang, sa mga panahon na lagi syang tinataboy at
hindi pinapansin. Lumipas ang minuto, araw at taon na tila walang nagbabago ni hindi
maramdaman ng tauhan ang salitang pamilya. Ang kanilang sitwasyon ay tila parang
normal na sa panahon ngayon, maraming kabataan ang maagang nabubuntis na
dumadagdag sa problema ng ating bansa na nagiging resulta ng pagiging single mom o
single dad. Dahil dito mas tumataas ang kahirapan sa ating bansa, tumataas rin ang
mga numero ng kabataan na nagpapakamatay at nakakaapekto sa pagbaba ng ating
ekonomiya.
Kung kaya’t ating tatandaan na maging mapanuri at maingat sa pagpili ng mga
desisyon sa ating buhay. Dahil hindi lamang maapektuhan ang ating pamumuhay pati
rin ang ating bansa. Kaya ating isapuso ang mga payu ng mga nakakatanda at maging
matalino sa mga aksyon na gagawin. Nang sa ganun ay hindi tayo mapariwara at
magsisi sa ating mga nagging desisyon sa buhay. Kaya ating tandaan ang kasabihan
na”Makinig sa aral ng iyong mga magulang bago ka ipahamak ng iyong kapusukan,
tigas ng ulo at hilaw na kaisipan” ang pagkakaroon ng pamilya ay hindi biro o laro na
kapag ayaw mo ay pwede mong tigilan.

You might also like