You are on page 1of 2

ESP

1. Ayon sa artikulo, bakit hindi kanais-nais ang teenage pregnancy? Sang-ayon ka ba dito?
Ipaliwanag.
Ayon sa nabasa kong artikulo, hindi kanais-nais ang teenage pregnancy dahil marami itong mga
negatibong epekto, tulad ng pagpapalaglag o abortion kung sakali, na hindi legal dito sa Pilipinas. At
para sa tanong naman na kung sang-ayon ba ko dito o hindi? Ang sagot ko ay Oo, sang-ayon ako sa
nabasa kong artikulo dahil hindi iyon sumang-ayon sa isyung teenage pregnancy. Ang teenage
pregnancy ay hindi dapat pairalin, bigyan natin ng respeto ang ating mga magulang, lalo na ang ating
sarili. Habang mas maaga pa, gawin natin kung ano ang mga bagay na nagpapasaya sa atin, huwag
tayong makisali sa isyung teenage pregnancy na naging uso na daw sabi ng mga nakababata.
Huwag makilahok sa kahit ano-anong bisyo tulad ng paggamit ng nakababawal na droga, pag-iinom
ng alak, at iba pa dahil ito ang isa sa mga dahilan kung bakit maagang nabubuntis ang ilang mga
kabataang babae. Kung hindi talaga kayang hindi makainom ng alak, siguraduhin natin na nasa
tamang huwisyo padin tayo, huwag masyadong damihin ang pag-iinom. Pero hindi lang iyon ang
dahilan kung bakit may teenage pregnancy, alam naman nating may panggagahasa o rape pa rin
hanggang sa kasalukuyan, maaaring ito din ang dahilan kung bakit may maagang nabuntis na batang
babae. Sa lahat ng mga kabataan mapa-babae man o lalake, sana mapasok sa mga kokote at
tumatak sa mga puso natin na may mga magulang tayo na ang pangarap ay makapagtapos at
makakuha tayo ng magandang trabaho, isipin din natin kung ano-ano ang maaaring epekto na gawa
ng ISANG PAGKAKAMALI, aalahanin natin ang malaking responsibilidad kung sakaling magka-anak
man, pinipigilan nito ang karapatan mong tuparin ang iyong mga pangarap. Sa isang kasabihan nga
na “YOLO o You Only Live Once” panghawakan mo iyan, hiniram lang natin itong buhay natin kaya
bago tayo makaramdam ng paghihirap, “You should live your life to the fullest” (ayon sa isang
kasabihan).

“ Learn to respect yourself before giving pleasure to other people because


at the end of the day, through up’s and down’s, the only thing you have is
yourself”
– Vence Mhae Isaiah D. Licong
2. May kakilala ka ba na isang batang ina o ama? Batay sa iyong obserbasyon at namamasid sa
kanila, nanaisin mo ba ang maging isang batang ina o ama? Bakit?
May kakilala akong isang batang ina at ama. Hindi ko nanaisin na maging katulad nila dahil may mga
pangarap pa akong dapat tuparin, hindi ko sasayangin ang buhay ko gawa lang ng isang pangyayari.
Base sa nakikita ko sa kanila, hindi madaling pagsabayin ang pag-aaral at pag-aalaga ng bata, isama
mo na din ang kakulangan ng pagkain, at iba pang pang araw-araw na pangangailangan. Ang
tanging masabi ko lang para sa kanila ay tuparin nila ang kanilang mga pangarap kahit na may anak
na sila, kung nakaya ng iba na pagsabayin ang pag-aalaga ng anak at pag-aaral, walang imposible
na makayanan niyo rin ito. Hindi maiwasan na makarinig ng mga negatibong salita galing sa mga tao,
ngunit huwag mo itong pakinggan at gawin nalang ang alam mong tama para sa inyo at sa anak niyo.
3. Sa iyong palagay, bakit maraming mga kabataan sa ngayon ang nagiging batang ina o ama?
Ipaliwanag.
Sa aking palagay kung bakit maraming mga kabataan sa ngayon ang nagiging batang ina o ama ay
ang kawalan nila ng respeto, kontrol, at dignidad sa kanilang sarili. Maaaring isa na rito ang pang-
pamilyang problema, palaging naririnig ng bata na nag-aaway ang kaniyang mga magulang, kaya
naisipan niyang maglayas, at hindi katagalan siya ay nabuntis ng hindi inaasahan. Maaari ding dulot
ng istres at depresyon kung bakit nagagawa ito ng mga kabataan. At isa pang dahilan ay ang
kuryosidad at pagkalito sa gawaing ito, may ibang bata na gustong makaranas nito para malaman
nila kung ano ang mararamdaman nila pagkatapos nilang gawin ito. Iyong ginagawa nila ay
matatawag nating “Unprotected Sex”, kung hindi talaga mapigilan ang kalibugan, hindi masamang
magsuot ang lalake ng condom at uminom din ang babae ng pills upang mas matibay ang
proteksiyon. Hangga’t maaari huwag nating subukang gawin ang mga ganitong bagay dahil hindi ito
ang angkop na gawain ng isang nagdadalaga o nagbibinata. Mas mabuting mag-aral nalang tayo ng
todo, may maaani pa tayo, kaysa naman maging batang ina o ama ka, dagdag responsibilidad lang
iyon, ngunit wala tayong magagawang paraan upang pigilan ang kabataan na maging batang ina o
ama, dahil sila mismo ay nasilaw na sa pagbabago ng henerasyong ito.
4. Bakit isang krimen ang pagpapalaglag o aborsyon? Pangatwiranan.
Isang krimen ang pagpapalaglag o aborsyon dahil ayon nga sa pinaka-unang awtput naming, inilista
naming doon ang child’s rights at nangunguna doon ang KARAPATANG MABUHAY. Lahat ng
sanggol, bata, nagdadalaga o nagbibinata, nakakatanda, at iyong mga sanggol na nasa sinapupunan
pa lamang ay mayroong karapatang mabuhay. Biyaya iyon ng Panginoong Maykapal kaya dapat
tanggapin natin iyon ng buong puso. Maihahalintulad natin ang teenage pregnancy sa kasabihang
“Prevention is better than Cure” kaya mas mabuting pigilan natin kaysa buong buhay tayong
maghihirap. Huwag na huwag nating ipalaglag ang bata na bunga ng isang pagkakamali dahil wala
silang ginawang masama, sila lang ay gustong mabuhay dito sa mundo. At isa pa, hindi legal dito sa
Pilipinas ang pagpapalaglag o aborsyon. Ayon nga sa artikulo, maraming nagiging komplikasyon sa
kalusugan ng isang babae ang pagpapalaglag. Tulad na lang ng halimbawa ng labis na pagdurugo
dahil sa pagkasugat ng matris, pagkabaog, pagkakaroon ng kanser sa matris, at sa iba’y kamatayan.
5. Bilang isang kabataan, paano ka makaiiwas sa pagiging batang ina o ama? Magbigay ng ilang
mga paraan.
Para sa akin ito ang mga paraan upang makaiwas sa pagiging batang ina o ama.
 Una, hangga’t maaari huwag munang pumasok sa isang relasyon kung hindi pa handa. We
should be physically, emotionally, mentally, and financially stable.
 Pangalawa, kontrolin natin ang ating sarili, pigilan natin ang ating sariling gumamit ng
ipinagbabawal na droga, uminom ng alak, at iba pa dahil ito nga ang dahilan kung bakit
maagang nabubuntis ang mga kabataan.
 Pangatlo, magkaroon tayo ng respeto sa ating sarili, at huwag maging pabaya.
 Pang-apat, isipin nating may mga magulang tayong pinapangarap na makakapagtapos tayo.
 Panglima, mag-aral tayo ng mabuti upang tayo ay makapagtapos at magkaroon ng
magandang trabaho. Sa paraan na iyan, unti-unti na nating makakamit ang ating mga
pangarap sa buhay.
 At panghuli, magpasalamat tayo sa Panginoong Maykapal, ipagdasal na proprotektahan at
ilalayo tayo sa mga masamang bisyo, at ipagdasal na sana hindi mawala ang respeto natin sa
ating sarili.

Ipinasa ni:
Vence Mhae Isaiah D. Licong
Ipinasa kay:
Mrs. Rosalyn S. Lariosa

You might also like