You are on page 1of 2

Bakit Dapat Iwasan ang Pornograpya?

Kaya niyo ba?

Kapag nag-i-Internet ka, asahan mong makakakita ka ng pornograpya. “Hindi mo na ’to


kailangang hanapin,” ang sabi ng isang bata na ,17 anyos. “Kusa itong bubulaga sa iyo.”

Puwedeng matukso sa pornograpya kahit ang mga determinadong umiwas dito. “Sabi ko sa sarili
ko, mag-iingat ako, pero hindi ko rin nagawa,” ang sabi ni isa rin bata , 18 anyos. “Hindi mo
masasabing ’di ito mangyayari sa ’yo.”

Sa ngayon, mas madali nang ma-access ang pornograpya. At mula nang mauso ang sexting,
marami nang tin-edyer ang gumagawa at nagpapakalat ng sarili nilang pornograpya.

Tandaan: Mas malaking hamon ang napapaharap sa iyo kaysa sa mga magulang o mga lolo’t lola
mo noong kaedad mo sila. Ang tanong, Kaya mo bang umiwas sa pornograpya?—Awit 97:10.

Ang sagot ay oo—kung gugustuhin mo. Pero dapat, kumbinsido ka muna na masama ang
pornograpya. Tingnan natin ang ilang maling akala at kung ano ang totoo tungkol sa paksang ito.

Mga maling akala at ang totoo

Maling akala: Walang masamang epekto sa akin ang pornograpya.

Ang totoo: Ang epekto ng pornograpya sa iyong isip ay katulad ng epekto ng sigarilyo sa iyong bagà.
Pinarurumi ka nito. Sinisira nito ang isang bagay na ginawa ng Diyos para magsilbing matibay at
namamalaging buklod sa pagitan ng dalawang tao. (Genesis 2:24) Sa katagalan, magiging manhid ka na
sa kung ano ang tama at mali. Halimbawa, sinasabi ng ilang eksperto na ang mga lalaking laging
nanonood ng pornograpya ay mas malamang na maging manhid pagdating sa karahasan laban sa
kababaihan.

Sinasabi ng Bibliya na may mga taong “nawalan na ng lahat ng pakiramdam sa moral.” (Efeso 4:19)
Manhid na ang kanilang budhi kung kaya hindi na sila nakokonsiyensiya sa paggawa ng masasamang
bagay.

Maling akala: Matuturuan ka ng pornograpya tungkol sa sex.

Ang totoo: Kasakiman ang itinuturo sa iyo ng pornograpya. Pinalilitaw nito na ang mga tao ay mga bagay
lang na para sa pansariling kasiyahan ng isa. Kaya naman ayon sa isang pag-aaral, ang mga taong
nakagawian na ang panonood ng pornograpya ay malamang na hindi na masiyahan sa pakikipag-sex
kapag nag-asawa na sila.

Inuutusan ng Bibliya ang mga Kristiyano na umiwas sa “pakikiapid, karumihan, pita sa sekso, nakasasakit
na pagnanasa, at kaimbutan”—mga bagay na itinataguyod ng pornograpya.—Colosas 3:5.

Maling akala: Masyado lang konserbatibo ang mga umiiwas sa pornograpya.


Ang totoo: Ang mga umiiwas sa pornograpya ay may mataas na pangmalas sa sex. Para sa kanila, regalo
ito ng Diyos para mapatibay ang buklod sa pagitan ng isang lalaki at isang babae na nagpakasal at
nagsumpaan sa isa’t isa. Ang mga may ganitong pangmalas ay malamang na higit na masiyahan sa
pakikipag-sex kapag nag-asawa na sila.

Prangka ang Bibliya pagdating sa sex. Halimbawa, sinasabi nito sa mga asawang lalaki: “Magsaya ka sa
asawa ng iyong kabataan ... Sa kaniyang pag-ibig ay lagi ka nawang magtamasa ng masidhing ligaya.”—
Kawikaan 5:18, 19.

Kung paano iiwasan ang pornograpya

Paano kung sa tingin mo ay napakalakas ng tuksong tumingin sa pornograpya? Makatutulong sa iyo ang
worksheet na “Pag-iwas sa Pornograpya.”

Kaya mong iwasan ang tuksong tumingin sa pornograpya. Kaya mo ring ihinto ang panonood ng
pornograpya kahit nasimulan mo na ito. Makikinabang ka nang husto kapag ginawa mo iyon.

Tingnan natin ang karanasan ni Calvin isang batang tinanong ko, na umaming nakagawian na niyang
manood ng pornograpya mula pa noong mga 13 anyos siya. “Alam kong mali ’yon,” ang sabi ni Calvin,
“pero talagang ’di ko mapigilang tumingin. Pagkatapos naman, nagi-guilty ako. Nang bandang huli,
nalaman ito ng tatay ko—at sa totoo lang, nakahinga ako nang maluwag! Sa wakas, may makakatulong
na sa ’kin.”

Natutuhan ni Calvin kung paano umiwas sa pornograpya. Sabi niya: “Napakalaking pagkakamali ang
manood ng pornograpya. Hanggang ngayon, pinagbabayaran ko ito dahil sumasagi pa rin sa isip ko ang
mga larawang iyon. Kung minsan, naiisip ko kung ano kaya ang makikita ko kapag tumingin uli ako sa
mga bagay na ’di ko dapat tingnan. Pero maiisip ko na napakasaya, napakalinis, at napakaganda ng
kinabukasan ko kung gagawin ko ang nakalulugod kay Jehova.”

You might also like