You are on page 1of 3

PANUNURING PAMPANITIKAN

PANGALAN: CARMINA P. PALOMA

KURSO/TAON : BSED-FILIPINO 3

PAKSIW NA AYUNGIN

ni Jose F. Lacaba

SUKAT

Saknong Taludtod/Linya

May labing – apat na linya ang unang Ang unang saknong ay may pitong taludtud mula una
saknong at sampung linya naman sa hanggang ika – labing – isa pati na rin ang ika – labing
ikalawang saknong – apat, ang ika – labing – dalawa ay may may apat na
taludtud at ang ika – tatlo ay may tatlong taludtod.
Ang ikalawang saknong ay may pitong taludtud.
May dalawang saknong ang tula

TUGMA

Saknong 1 Saknong 2

a h

a i

b i

c j

b k

d h

a l

e m

f Malayang Taludturan h

a h

a
KARIKTAN

• Ang manunulat ay gumagamit lamang ng payak at simpleng mga salita sa pagbuo


ng tula na kung saan ito ay madali lamang maintindihan ng mga mambabasa o
kung tawagin ay pangmasa pero ay nagtataglay na ng kagandahan na may
lamang aral nais bigyang diin.

SIMBOLO

• Ang isdang ayungin ay tumataglay ng kahulugan na isang uri ng ulam na ano


man ang estado sa buhay, ano mang katayuan sa buhay ay maaaring makakain
nito dahil makakatulong upang tayo ay mabusog.

PERSONA Magulang

MODA Nangangaral at nagtuturo

TONO Seryoso

TAYUTAY PAKSA TEMA

Sa tula ay walang Ayungin – isang Ang kaisipang


malalim na salita ang katutubong isda na nangingibabaw sa tula
makikita dahil ang maliit man ay ay huwag magsayang
salita na bumubuo sa nakakabusog pa rin. ng pagkain, maliit man
tula ay simple lamang ang nakahain ay
ngunit bawat linya ay nakakabusog pa din.
susi para maunawaan
ang diwa ng tula.

PANUNURING PANGNILALAMAN

• Sa unang saknong mapapansin sa una at ikalawang taludtud na pinapakita ang


pagkain ng paksiw na ayungin. Ang ikatlo hanggang ika – labing – tatlo ay
itinuturo ang bawat detalye kung paano hihimayin ang isda.

• Sa pangalawang saknong naman pinapakita na dapat dahan-dahanin, lubus-


lubusinat simutin ang pagkain ng isda dahil mahirap ang maghanap ng uulamin
at kakaunti lamang ito. Nagpayo rin rin na damihan ang paglalagay ng sabaw sa
kanin upang mabusog sa kakarampot na ulam. Sa ika – dalawamput isa
hanggang ika – dalawamput apat ay nangangaral ito na huwag magreklamo sa
ulam na naka hain dahil bagamat maliit na uri lamang ang isda ay nakakabusog
ito ng sinumang kakain nito.

IMPLIKASYON NG PAMAGAT

• Ang tulang “ Paksiw na Ayungin” ay payak lamang na inilalahad ngunit kaakibat nito
ay malaman na pagpapakahulugan para sa lahat. Ang ayungin ay isang katutubong
isda na maliit man pero nakakabusog pa rin.

SARILING REAKSYON

• Ang tulang “Paksiw na Ayungin” ay matagal ng isinulat ni Jose F. Lacaba ngunit


nasasalamin pa rin sa kasalukuyan ang nais nitong iparating sa mambabasa. Ang
mga pangyayari o kaganapang ipinakita sa tula ay hindi lamang nangyari noon o
sinasalamin ang ano mag meron noon kundi pati na rin sa kasalukuyan na kung
saan kadalasan sa mga kabataan ay madalas ng magreklamo sa kung ano ang
meron sila. Hindi lamang sa pagkain maaari ring sa bagay, gamit o ano pa man.
Mahihinuha ang kagalingan ng manunulat dahil pasalaysay ang kanyang paraan
ng paglalahad at maiuugnay sa bawat detalye ng tula. Maituturing ang tulang ito
na hindi malaya rin dahil halos lahat ng pantig sa bawat taludtod ay
magkakapareho.

• Sa kabilang banda, ang tulang ito ay naglalahad ng pagpapahalaga sa lahat ng


bagay mayroon tayo kahit maliit man o malaki. Nagpapaalala sa atin na
pasalamatan ang mga biyayang ibinigay sa atin sa araw-araw. Dapat marunong
makuntento sa kung ano man ang meron ka o kung ano man ang binigay sayo,
dahil hindi madali ang maghanap ng pera upang maibigay lamang ang
pangangailangan. Sa kabuuan, nagpapakita lamang na ang pagkain ay ang
pangunahing pangangailangan ng tao upang maging malakas at makagawa ng
mga kinakailangan sa bawat araw. Ang lakas na ito ay hindi nakabatay sa anong
klase ng pagkain basta ang mahalaga ay makakain sa bawat araw.

You might also like