You are on page 1of 1

Ang Gampanin ko sa Aking Pamayanan

By: insert name

Isang malaking hamon sa ating buhay ang paglitaw ng COVID-19 bilang isang pandemic.
Maraming pagbabago ang naganap kabilang na dito ang dahan-dahang paglipat sa digital age
kung saan ang Internet at social media ang naging medium ng ating pagpapahayag, pag-uulat,
pag-aaral at komunikasyon. Subalit, dulot ng digitalisasyon ay ang pagdami ng fake news at
mga mamamayan na walang malinaw na pagkakaintindi sa mga kaganapan sa panahong ito,
lalo sa isyu ng ating bansa kaugnay sa pandemya at pamahalaan. Kabilang sa suliranin na ito
ang pagiging kompyuter-illiterate ng ating mga magulang at mga matatanda, at iba pa nating
kapwa kabataan. At dahil nga ang pamilya ang pinakamaliit na parte ng lipunan, nais lamang na
una nating gampananan ang ating tungkulin bilang isang anak at kaibigan sa pamamagitan ng
pagpapalaganap ng tamang impormasyon sa ating tahanan.

Bilang mga nag-aaral na millennial, mas nakakaalam tayo sa mga nagaganap sa ating lipunan.
Tayo rin ay mas maaasahan sa paggamit ng Internet at pagtuklas kung ano ang mali at tamang
impormasyon sa pamamagitan ng fact-cheching. Kaya dapat lamang na bago natin i-share sa
ating mga social media accounts ang isang impormasyon ay dapat muna nating kilatisin kung
ito ng aba ay may katotohanan o wala kung kaya’t hindi na dumamai at lumaganap pa ang fake
news. Bilang mga anak at apo na mas nakakaalam sa paggamit ng mag gadyets, nararapat
lamang na tulungan natin matuto ang ating mga magulang sa paggamit ng Internet lalo pa
kapag sila ay nangangailangan ng gabay sa paggawa nila ng kanilang mga trabaho. Nararapat
din na tumulong tayo sa mga gawaing bahay at sa mga Gawain pampaaralan ng ating mga
kapatid o kaibigan kahit papano lalo pa’t mahirap ngayon ang online class. Karamihan sa ating
kapwa mag-aaral ang walang mapagkukunan ng gamit sa pag-aaral at ng Internet. Nararapat
lamang na tayo ay tumulong sa kahit na anong paraan na kaya natin. Kahit hindi man gaano
kalaki ang sakop ng ating pagtulong, mahalaga pa rin ito lalo na kapag lahat tayong mga
kabataan ay tutulong sa pagturo ng tamang impormasyon sa kapwa natin lalo na sa ating mga
magulang at nakakatanda. Sa gayon, ang ating pamilya ay maging woke na miyembro ng
lipunan na mayroong sariling paninindigan.

Importante ang tamang pagpapalaganap ng imposmasyon lalo na sa panahon ng pandemya


upang ang ating pamilya, gayundin ang local na lipunan na ating kinabibilangan ay magkarron
ng kaalaman sa mga kaganapan ngayon. Sapagkat, ang pamilyang may alam ay pamilyang
handa. Sa pamamagitan nito, ang ating komunidad ay dahan-dahan ding mapapabuti. Kun
kaya’t dapat lamang na bilang isang bata ay gamitin ko ang Internet bilang medium sa
pagpapalaganap ng tamang impormasyon. Ito ang gampanin ko sa aking pamayanan.

You might also like