EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
Pangalan:________________________________________________Petsa:_______________Marka:____________
Sa ating pang-araw-araw na pakikibaka sa buhay, gabay natin ang ating konsensiya sa paniniguro sa kasamaan at
kabutihan ng isang pasiya o kilos. Sa sitwasyong ito, nararapat lamang na gawin ang tama na sabihin ang totoo para sa
kabutihang panlahat. Mahalaga na gamitin ang maingat na paghuhusga sa pagpili ng tamang opsiyon. Sa mga tatlong
opsiyon, ang nagpamalas ng maingat na paghuhusga ay ang ikatlo. Ang patunay na pinag-iisipan ang mga kilos at plano
bago maisakilos ay katangian ng isang taong may kamalayan at may kakayahang magsuri ng mga bagay-bagay.
Mahalagang mapangalagaan ng bawat mamamayan ang kagalingang moral ng lipunan. Matatandaan na ang
pinagmumulan at tanging layunin ng pamumuhay sa lipunan ay nag-uugat sa pangangalaga at pag-unlad ng bawat tao.
Isang malaking kabiguan ng lipunan kung ang kaniyang sitwasyong ginagalawan ay kinapapalooban ng mga seryoso at
malalang sakit ng kawalan ng disiplina at moralidad. Pangarap ng bawat mamamayan, lalong lalo na ang kabataang
katulad mo, na mamulat sa isang disenteng uri ng pamumuhay sa pamayanan. Ang disente at maayos na lipunan ay
hindi lamang pinapangarap kundi pinagsisikapang maisabuhay.
Upang maiwasan ang mga isyung ito, kailangang magkaroon ang tao ng integridad. Ang integridad ay katapatan.
Sa diksyunaryo, ipinaliwanag ang kahulugan nito bilang “kalagayan ng tao na kung saan siya ay buo, iisa o kumpleto ang
kaniyang
Ang disente at maayos na lipunan ay hindi lamang pinapangarap kundi pinagsisikapang maisabuhay.
pagkatao.” Kung ano ang kaniyang sinasabi, iyon din ang kaniyang ginagawa. Kung ano siya sa publiko, ganoon
din siya sa pribadong buhay o sa lugar na walang nakakikita. Ang mabubuting sinasabi ng mga tao patungkol sa kaniya ay
ganoon din ang sinasabi ng kaniyang mga kasambahay. Siya ay iisang tao maging saan man at anumang sitwasyon ang
kaniyang makaharap. Siya ay bukas na aklat; walang itinatago; walang kinatatakutan. May ilang tao na ang tingin sa
integridad ay listahan ng bawal gawin at dapat gawin. Ngunit ang integridad ay higit kaysa listahan. Ang integridad ay
pagpapakatao. Ito ay ang iyong pagka-sino na binubuo mo tungo sa iyong pagiging personalidad. At kung sino ka, iyon
ang iyong gagawin. Pinag-iisa nito ang iyong sinasabi at ginagawa. Mahalaga ang mga ito sa pagbuo ng sarili tungo sa
kaganapan ng pagkatao.
Bakit mahalaga ang integridad? Naririto ang mga dahilan:
Una, nagbibigay-galang sa iyong sarili. Kung may paggalang ka sa iyong sarili, nangangahulugan ito na malinis ang iyong
konsensiya at nakatutulog ka sa gabi nang mahimbing.
Pangalawa, bibigyan ka ng iyong kapuwa ng paggalang at pagkakatiwalaan ka ng ibang tao. Ang isang lider ay
mahihirapang mamuno kung ang mga taong kaniyang pinamumunuan ay hindi nagtitiwala sa kaniya at hindi maibigay
ang respeto na kinakailangan niya. Ang tiwala at respeto na kinakailangan ng isang pinuno ay makukuha lamang kung
patuloy siyang mamumuhay nang may integridad.
Pangatlo, ang taong may integridad ay madaling makaimpluwensiya. Hindi niya kailangan ng titulo o kapangyarihan
upang mamuno. Ang mga tao ay sumusunod sa pinunong mapagkakatiwalaan. Ilang makapangyarihang lider na rin,
hindi lang sa Pilipinas, ang napaalis sa kapangyarihan ng mga taong kanilang sinasakupan dahil sa kakulangan ng tiwala.
Kabaligtaran nito ang taong may integridad. Isang magandang halimbawa ay ang yumaong Kalihim ng DILG at dating
Mayor ng Lungsod ng Naga sa loob ng labinwalong taon na si Jesse Robredo na nagpamalas ng dedikasyon at komitment
sa kaniyang tungkulin bilang isa sa magiting na lider ng ating bansa. Itinuturing siyang tunay na lingkod-bayan. Mula kay
Senador Francis “Chiz” Escudero sa huling mensahe nito sa kaniya ay sinabi nito na “I mourn the loss of Secretary
Robredo. He embodied everything a Filipino leader should be. He was an honored
Ang integridad ay pagpapakatao. Son of Bicol, a decent and loving husband and father, and a principled man whose
honesty and integrity were beyond question.” Ang integridad ay pagbubukas ng sarili sa katotohanan at paninindigan
dito. Kapag ang isang tao ay tapat, wala siyang katapat na halaga sa kaniyang sarili, sa kapuwa at maging sa buong
daigdig.
Ayon kay Mahatma Gandhi na nagsasabing “Kung gusto mo ang pagbabago at kung gusto mo ng mas maayos na
buhay, dapat simulan mo ito sa iyong sarili.” Kung sisikapin ng bawat isa na magbago, unti-unting magbabago ang ating
lipunan. Kapag tinanggal mo ang mga kasamaan sa sarili mo, ay matatanggal din ang kasamaan ng lipunan. Ikaw, kaya
mo bang simulan ito sa buhay mo?
Tayahin ang Iyong Pag-unawa
1. Ano-anong isyu sa paggawa ang tinalakay sa babasahin? Ang mga isyu sa kapangyarihan? Isa-isahin ang mga ito.
2. Paano nakaapekto ang mga isyung ito sa pag-uugali at performance ng isang manggagawa sa kaniyang pagtugon
sa tawag ng tungkulin?
3. Bakit mahalaga na may kamalayan ang bawat manggagawa sa kanilang mga tungkulin?
4. Ano-ano ang katangian ni dating DILG Jesse Robredo bilang magiting na lider ng ating bansa ang inilarawan sa
Panunumpa ng Kawani ng Gobyerno?
5. Anong mga katangian ang nais mong taglayin bilang isang manggagawa sa hinaharap? Ipaliwanag.