You are on page 1of 2

ANG ATING MGA MANOK

Sabong ?Hindi ! ...Eleksyon ! panahon na naman ng mga pulitiko at


kanilang mga taga suporta. Marami silang pangako, marami silang plano at
magugulat ka sa dami ng mga lagpas langit na pagpapaasa. Silang lahat ay
magaling, lahat sila ay makatao, lahat ay maka-Diyos, kahit alam naman
natin na hindi ito totoo. Ngayon pa lang ay mayroon na tayong kanyakanyang minamanok at sumasampalataya na mabibigyan tayo ng
maginhawa at maunlad na Pilipinas . Hindi ba natin alam na ang ating
pinapangarap na kaunlaran ay hindi nararapat na iaasa na lang sa kanilang
mga kamay , dahil bilang isang mabuting mamamayan, tayo at ang lakas ng
pagkakaisa ng mga Pilipino ang kasagutan upang tayo ay magtagumpay.
Ngayon, marami sa atin ang nahuhumaling at naniniwala sa isang bruskong
pinuno, na ang tingin sa kaniya ay parang isang sugo at ang tanging
kasagutan para tayo ay umunlad. Ang kanilang mga karapatang pantao ay
handa nilang isakripisyo , ayos lang sa kanila ang ideya na lipulin at kumitil
ng buhay ng mga hinihinalang kriminal sa hindi makatao at labag sa batas,
para daw maging babala at hindi pamarisan. Hindi ba paglabag ito hindi lang
sa batas ng tao kundi sa batas ng Poong Maylikha ? Handa na rin kaya silang
isakripisyo ang kanilang moral values at tanggapin na lang ang mga maling
gawi tulad ng pagkakaroon ng maraming kabiyak at kalaguyo? o kaya ay
maging normal na lang ang pagsasabi ng mga masasama at brutal na salita?
, ito ba ang sagot at tamang kapalit upang makamit lang natin ang ating
mga pangarap para sa sambayanang Pilipino?
Ang iba naman sa atin ay bilib sa isang mambabatas at umaasa na kayang
sugpuin ang kahirapan at bigyan ng tamang solusyon ang mga problema ng
bayan. Ipagpapatuloy daw niya ang nasimulan ng kanyang ama bilang tagapagtanggol ng mga mahihirap, mga naaapi, at lumaban upang ipagtanggol
ang ating bayan, pero ang nakalulungkot...sa pelikula lang naman ito
nangyari at hindi sa tunay na buhay ! Magaling naman daw siya, nagmana sa
kanyang nakagisnang ama at ina, kaya may pag-asa may pag-asang
maging magaling na lider sa puting tabing !
Pagmamahal naman sa mahihirap ang nais bigyang pansin ng isang
kandidato dahil siya raw ay nagmula sa isang mahirap na pamilya at
nagsikap upang makaahon sa kahirapan, pero mukhang hindi lang pag-ahon
sa kahirapan ang nagawa niya kasi lumipad ng sobrang taas ang kanyang
ambisyon, nalasing sa kapangyarihan at yumaman dahil sa pag-gamit sa
hirap na kalagayan ng mga tunay na mahihirapginawang hanapbuhay na
ang pulitika, halos ariin na ng kanilang pamilya ang matataas na posisyon sa
pamahalan para sa kanilang pangsariling interes at impluwensyangayon
nais pa niyang maging pangulo ng bansaat one to sawa pa ang gusto !
ayos ba ito ?
Nakakalito...nakakahilo, nakakasakit ng ulo ! Sari-sariibat-iba ang mga
pagkatao at karakter ng mga kandidato na nais maluklok sa kapangyarihan,
may kanya-kanyang katangian at mga kasiraan na minsan ay hindi sila
mismo ang dahilan kundi ang kanilang kabiyak, kapamilya, kaibigan , o
grupong kinasasaniban. Ito ay repleksyon sa kanilang katauhan, minsan
nakakabuti pero madalas nakakasama at hindi nakakatulong sa kanilang
adhikain, dahil sabi nga nila na sabihin mo kung sino ang iyong mga
kaibigan at sasabihin ko kung sino ka o di kayay may kasabihan na kung
ano ang puno ay siya ring bunga. Subalit sa kabila nito, dapat nating
alalahanin na hindi natin maaaring i-asa na lang sa kanila ang lahat, dahil

kahit gaano man silang kagaling at katalino o katapang, hindi pa rin natin
mararamdaman ang kaunlaran kung hindi naman tayo tutulong at
makikialam sa mga nangyayari sa ating lipunan. Bilang isang Pilipino may
katungkulan tayo na kumilos at makiisa para sa ating kaunlaran.
Ang kailangan natin ngayon ay isang seryosong pagbabago na
magsisimula muna sa ating mga sarili, puro tayo angal, puro tayo
asa, puro tayo galitpero hindi naman tayo gumagawa ng mga
bagay upang makatulong sa pagpapaunlad ng bayan gusto natin na
palaging hadalian, i-asa sa mga namamahala ang ating kapalaran. Napakaigsi ng ating mga pasensya, maikli ang ating mga alaala, madali tayong
makalimot, hindi tayo natututo sa mga pinagdaanan natin sa buhay at kulang
na kulang tayo sa pagpapahalaga sa ating kultura at kasaysayan. Kung
mabibigyang halaga lamang natin ang mga ito at taos sa ating mga
damdamin na magsakripisyo para sa mas nakakarami, wala ng dahilan upang
tayo ay mabigo sa ating mga hangarin.
Kahit sino ang maluklok na lider ng ating bansa kung wala naman ang ating
kooperasyon sa isat-isa ay hindi tayo magtatagumpay, ang bansang Pilipinas
ay parang isang walis tingting na kapag magkakahiwalay ang mga tingting
ay hindi makakawalis at magagamit ng maayossubalit kapag tayo ay samasama at nagkakaisa, madali nating maaabot ang ating inaasam-asam na
pangarap at kaginhawahan para sa bawat Pilipino.
Wala tayong dapat sisihin sa kalagayan natin ngayon kung hindi ang
ating mga sariliTayo ang dahilan ng ating pag-unlad o paghihirap
tayo ang gumagawa ng ating landassubalit sa ating paghahangad
ng kaunlaran, tayo rin mismo ang naghahatakan pababa dahil wala
tayong pagkakaisa at tayong lahat ay nag-uunahan sa pag-akyat.
Tanggalin na sana natin ang pagiging isip talangka!
Totoong napakatagal na nating nagtitiis at patuloy na umaasa... Subalit lahat
ng bagay ay dapat paghirapan at huwag madaliin Huwag sana nating
maging alternatibo ang mga bagay na hindi naaayon sa kabutihang asal at
tamang gawi kapalit ng kaunlaran na ating minimithi. Masarap mamuhay ng
tahimik at masagana, na hindi tinatakot at ginagamitan ng kamay na bakal
para sumunod, ang kailangan lang natin ay gawin ang nararapat... kusang
loob at may dedikasyon.
Panahon na para tayo ay magkaisa,...sa ISIP sa SALITAat sa
GAWA ! Iwaksi na sa isip ang pagiging makasarili. May panahon pa
upang tayo ay makahanap ng tamang kasagutan...Huwag tayong
magpadala sa agos ng maling pag-asa, bugso ng damdamin at hindi
wastong paniniwala.
PILIPINO KAYA NATIN ITO !
Ariel M. Pacheco, R.A. isang Pilipino na malayo sa ating bayang sinilangan, naghahanap na
magandang buhay sa ibayong dagat pero patuloy pa ring umaasa na darating din ang panahon
na uunlad at gaganda ang kabuhayan ng bawat Pilipino sa biyaya ng Poong Maykapal.

You might also like